"Hindi mo ba susundan si Gun, Ma'am Arielle? Paano kapag tuluyan na siyang hindi bumalik? Walang magliligtas sa'yo kapag may taong magtangka uli sa buhay mo," nag-aalalang tanong sa kanya ni Emma habang nakaupo siya sa sala at malalim na nag-iisip.Umiling siya sa kanyang maid. "Hindi, Emma. Hindi siguro siya ang tamang tao para maging driver-bodyguard ko."Mukhang hindi bodyguard si Gun. Kahit ang kilos at pagsasalita niya ay hindi nababagay bilang bodyguard niya. Sabagay, hindi naman talaga ito bodyguard kundi driver lamang. Ngunit kahit ang maging driver ay hindi rin bagay sa lalaki.Baka may nakatuntong ng college si Gun ngunit hindi lamang nakapagtapos ng pag-aaral. At napilitan lamang ito na maging driver ng babaeng iyon dahil girlfriend niya ito at baka mataas din ang sahod."Magpatulong ka na lang kaya kay Sir Tyron sa paghahanap ng bodyguard, Ma'am Arielle?" suhestiyon ni Emma na agad niyang sinagot ng mariing iling. Kapag ang magiging bodyguard niya ay mula kay Tyron ay nati
"Arielle! Sandali!" Pasakay na sana si Arielle sa kanyang kotse nang marinig niya ang boses ng pinsan niyang si Claire, humahabol ito sa kanya. Nilingon niya ang pinsan niya at hinintay na makalapit sa kanya. "What's wrong with you, Arielle? Hindi naman dating ganyan ang ugali mo," agad na tanong ni Claire nang nasa harapan na niya ito, may halong inis ang tono ng boses nito.Tumaas ang isang kilay niya sa paraan ng pagtatanong ni Claire. Para bang pinapalabas nito na siya ang may kasalanan sa nangyari."What's wrong with me?" Bahagya siyang napaismid bago muling magsalita. "There's nothing wrong with me, Claire. For the first time in my life, I made the right choice.""What? Mahal na mahal mo si Tyron at sa pagkakaalam ko ay matagal mo na siyang pinapangarap na maging asawa. At ngayong nag-prose na siya ng marriage sa pangalawang pagkakataon ay muli mo siyang tinanggihan. Ano ba ang nangyayari sa'yo?"Galit na galit ang hitsura ni Claire na para bang ito ang nag-prose ng marriage sa
Pilit na inaalis ni Arielle ang unan na nakatakip sa mukha niya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magawanga alisin. Masyadong malakas ang mga kamay ng taong tumatakip sa mukha niya kumpara sa kanyang lakas. Nang halos hindi na siya makahinga ay nagpanic na siya ng labis ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Binigyan siya ng Diyos ng pangalawang buhay kaya hindi niya iyon sasayangin Inunat niya ang kanyang mga kamay at naghanap ng bagay na malapit sa kanya na maaari niyang magamit laban sa taong nagtatangkang pumatay sa kanya. Naalala niyang malapit lang pala sa ulunan niya ang maliit na mesa na kinalalagyan ng kanyang lampshade na ang holder ay gawa sa bakal. Pilit niya itong inabot ng kanyang kamay at nang sa wakas ay nahawakan niya ang lampshade ay malakas niyang inihataw ang holder na bakal sa taong tumatakip sa kanyang mukha.Dahil hindi niya nakikita ang ulo nito ay kahit saang bahagi ng katawan na lang niya ito pinalo. Ang mahalaga ay matamaan niya ito at
Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao at nagtatagis ang mga ngipin ni Gun habang nakatitig sa mukha ng walang malay na dalaga. Halatado sa mukha nito ang labis na hirap na pinagdaanan makatakas lamang sa taong may kagagawan nito sa kanya.Papunta siya sa bahay nito nang makita niya itong naglalakad sa kalsada ng paika-ika. Balak niya sana itong kausapin tungkol sa nakita niyang marriage proposal ng boyfriend nito habang nasa loob siya ng restaurant kung saan nag-prose sa kanya si Tyron. Gusto niyang tiyakin kung tunay ba talagang magpapakasal ito sa lalaking iyon bago siya magpasya na putulin na ang komunikasyon niya rito.Sa umpisa ay hindi niya agad nakilala si Arielle. Nababalutan kasi ng putik ang katawan at mukha nito. Ngunit nang ilang metro na lamang ang pagitan nila ay doon niya ito namukhaan. Agad siya bumaba sa kotse niya nilapitan ito pagkatapos ay isinugod niya sa pinakamalapiy na hospital.Ang sabi ng doktor na gumamot kay Arielle ay may bali raw ito sa tadyang at na-disloc
Dahil bodyguard niya ulit si Gun kaya bumalik ito sa bahay niya para doon tumira habang nagtatrabaho sa kanya. Hindi lamang siya ang natuwa sa pagbabalik nito kundi pati na rin ang dalawang maids niya na mukhang tinubuan yata ng crush sa guwapong bodyguard niya.Lumipas ang tatlong araw pagkatapos niyang ma-discharge ay dinalaw siya ni Claire. Nagulat ito nang makita siyang nakahiga sa kama at hindi pa rin makalakad ng maayos."What the hell happened to you, Arielle? Bakit ganyan ang hitsura mo?" Hindi niya mahulaan kung genuine ba ang pagkagulat na lumarawan sa mukha nito o uma-acting lamang ito. "A devil broke into my house and tried to kill me," sagot niya kay Claire habang nakatitig ng matiim sa mukha nito. Ino-obserbahan niya kung ano ang magiging reaksiyon ng pinsan niya. Ngunit nadismaya siya nang wala siyang nakitang expression ng pagiging guilty sa mukha ng pinsan niya. Ang nakita niya ay concern na alam naman niyang pakitang-tao lamang. Napakagaling talaga ng pinsan niyan
Naalarma si Arielle nang makita niyang biglang dumilim ang mukha ni Gun at mahigpit nitong ikinuyom ang mga kamao nang makita si Tyron sa pintuan ng bahay niya. May dala itong bote ng beer at umaalingasaw sa alak ang buong katawan nito.Nang akmang tatayo si Gun para sugurin si Tyron na siyang pinaghihinalaan nilang pumasok sa bahay niya at siyang nagtangkang pumatay sa kanya ay mabilis niyang pinigilan ito sa braso nito. Bahagya siyang umiling kay Gun pagkatapos ay hinila niya ito paupo sa kanyang tabi.Dama niya ang pinipigil na galit ni Gun sa loob nito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung nasa harapan niyo ang taong pinaghihinalaan ninyong nagtangkang pumatay sa'yo ngunit hindi niyo ito magawang komprontahin at ipakulong dahil wala kayong hawak na ebidensiya laban sa kanya? "Tyron? What are you doing here in such a state?" Mabilis na nilapitan ni Claire si Tyron at inalalayang makapasok ng tuluyan sa loob ng bahay niya, medyo gumiwang kasi ito at muntik nang matumba kung
Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Arielle kaya maingat siyang bumangon sa kama niya. Naka-sandig lamang sa gilid ng kama niya ang crutches niya kaya hindi na siya nagtawag pa ng ibang tao para magpaalalay papunta sa banyo. Naisipan niyang maligo na rin para mapreskuhan ang buo niyang katawan. Hindi na masyadong maitim ang kanyang mga pasa sa katawan at mukha. Ang mga baling buto naman niya ay unti-unting naghihilom ngunit hindi pa rin siya maaaring gumalaw ng mabilis at may puwersa. Ang paa naman niya ay nawala na ang pamamaga ngunit nakakaramdam pa rin siya ng sakit kapag itinatapak niya sa sahig ng normal. Ngunit kapag gumagamit siya ng crutches ay hindi gaanong sumasakit ang paa niya pero sumasakit naman ang mga bali niya sa katawan. Ngunit wala siyang choice kundi ang gamitin ang crutches kapag bababa siya sa kama dahil mas hindi kaya ng paa niya ang bigat ng buo niyang katawan.Maingat at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kabinet para kumuha ng pamalit niyang damit pagkat
After three weeks ay tuluyan nang gumaling ang mga sakit sa katawan na nararamdaman ni Arielle. Muling nanumbalik ang kanyang normal na lakas. "Malakas ka na ulit gaya ng kalabaw, Arielle. Dapat mas mag-doble ingat ka na ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari sa'yo," paalala sa kanya ng kaibigan niyang doktor. Dinalaw siya nito para siguraduhin kung magaling na nga siya."I know, Kim. At iyan nga ang ginagawa ko ngayon. Ngunit mas panatag lamang ang kalooban ko dahil alam ko na may taong nagpoprotekta na sa akin," nakangiting sagot niya sa doktor."So ano ang status niyong dalawa ngayon?" biglang tanong ni Kim na ikinakakunot ng kanyang noo."Status? With whom?" Kim rolled her eyes. "Sino pa ba kundi ang tinutukoy ko kundi ikaw at ang guwapo mong bodyguard?" Binigyan siya nito ng nanunuksong tingin at bahagya pa nitong binangga ng mahina ang isa niyang braso."Crazy. Ano pa ba ang magiging status namin kundi boss-employee?" naiiling na sagot niya kay Kim. "Iyon lang?" may pang
"Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang
"Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito
Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya
Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s
Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha
Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang
Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito
Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting
Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp