Suminghap si Callie at naguguluhang tiningnan ang lalaki. Walang bahid ng kung ano’ng pagpapanggap ang mukha nito, indikasyon na seryoso ito sa kung anumang mga sinabi na lubos na nagpagulo ng isipan niya. "Sir, I-I can’t marry you just like that..." Iling niya at ilang beses na kumurap. "I know I was reckless to do that stunt last night, but I am not that desperate to marry someone who I don't love." Vincenzo chuckled a bit at her statement. Para bang may nakatatawa siyang sinabi para mabali ang seryosong ekspresyon ng mukha nito. Callie’s forehead creased, feeling a bit offended at his reaction. "Are you telling me you’re still in love with your ex-husband despite how he treated you?” kuryosong tanong nito sa kaniya. Napalunok si Callie at nag-iwas ng tingin, saka dahan-dahang umupo. Hindi niya sinagot ang tanong nito, bagkus ay sinabing, "Kahit na ano pa ang sabihin mo, hindi ako magpapakasal sa iyo dahil lang sa nangyari kagabi. Kagagaling ko lang sa annulment ’tapos..." matab
Sa malawak na Bonifacio Global City, huminto ang kotse ni Callie sa harap ng isang tanyag na condominium building. Ito ang address na binigay ni Vincenzo sa kaniya nang sabihin niyang kailangan nilang mag-usap tungkol sa in-o-offer nito. Still wearing her usual sales lady uniform, she entered the building and went straight to the reception desk. “I’m here to visit Mr. Vincenzo Pierre Consunji who owns the unit 3001,” pormal niyang wika. Tiningnan siya ng dalawang receptionist mula ulo hanggang paa, at saka nagkatinginan. Napansin ni Callie na para bang hindi naniniwala ang mga ito at pinagdududahan ang pagbisita niya.“Ma’am, mahigpit pong pinag-utos ni Mr. Consunji na hindi siya tumatanggap ng bisita sa penthouse niya,” matabang na wika ng matangkad na receptionist at saka lihim na umismid. “Kung sinu-sinong babae talaga ang naghahabol kay Mr. Consunji. Ngayon naman ay isang… commoner.” Hindi nakawala sa tainga ni Callie ang sinabing ‘yon ng receptionist. Lumamig ang emosyon sa k
Camero Residence Tuwang-tuwa si Aurora Camero habang binabasa ang magagandang papuri ng mga tao sa kaniyang anak na si Laurence sa internet. Kuhang-kuha kasi ng anak niya ang simpatya ng mga ito at sinusuportahan ito sa planong panunuyo kay Callie Fuentabella. "Napakadali namang paikutin ng media, anak! Tingnan mo at ang daming nagbibigay ng suporta sa iyo na suyuin si Callie," tuwa niyang sabi at saka binaba ang tablet sa couch para pagmasdan ang anak na nakatayo at ini-enjoy ang whiskey at ang classical music na tumutunog. "Tingin mo ba ay naniniwala na si Callie sa 'yo pagkatapos nang interview mo? Kailangan natin siyang makuha ulit upang maibigay sa atin ang koneksyon sa mga Fuentabella. Kung alam ko lang talaga na isa siya sa mga anak ng mayamang pamilya na 'yon, aba'y tinuring ko na siyang reyna sa pamamahay na ito." "Ma, don't worry," ani Laurence at ngumisi sa kaniyang ina habang hawak ang baso na may lamang alak. "Alam kong hindi ako matitiis ni Callie. Kapag napanood ni
Laurence: Callie, you can't do this to me. Hindi ka pwedeng magpakasal sa iba! Laurence: You love me, Callie. I can make this right. I promise I won't hurt you again. Laurence: Kausapin mo ako. Nagmamakaawa ako, Callie. Matagumpay ang ngiti ni Callie habang binabasa ang maraming text messages mula kay Laurence. Galit na galit ito dahil sa pag-aanunsyo nila ni Vincenzo ng kanilang opisyal na engagement, bagay na lubos na kumukontra sa plano ni Laurence nang humarap ito sa media at nagpa-interview. Kung sa tingin nito ay mabibilog pa nito ang ulo niya, pwes nagkakamali ito. She looked at the blue diamond ring on her finger. Para bang ginawa ang singsing na 'yon para lang sa kaniya. Sukat na sukat ito sa daliri niya at nagniningning. Something within her was feeling giddy at the thought that Vincenzo would give her such an expensive ring for their engagement, kahit pa isang plano lamang ito. "Kailan namin makakaharap ang lalaking pakakasalan mo, hija?" kuryosong tanong ng
Halos mahigit isang oras na naghintay si Callie kasama ang pamilya sa sala sa pagbalik ng kaniyang Daddy at ni Vicenzo. Kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito ay wala siyang ideya ngunit sa bawat minutong nalipas ay lumalakas ang kaba sa dibdib niya. Paano kung talagang hindi siya payagan ng Daddy niya? Hindi pwedeng masira ang plano nila ni Vincenzo at ayaw niya ring patalsikan sa pamilya nito ang musmos na si Sammy. Masyado pang bata ito upang maramdaman ang sakit ng pagkaabandona. "Bakit ang tagal nila sa loob? Ano ba si Daddy, nagho-homily ba siya sa study kasama ang fiancé ko?" medyo inis niyang wika habang pabalik-balik ang lakad sa sala at sa pinto ng study. Natawa naman sina Clayton at Nico na ngayo'y nasa balcony at parehong umiinom ng whiskey. "Fiancé? Feel na feel?" pilyong biro ni Clayton at nakipag-first bump kay Nico. Inirapan niya ang dalawang lalaki at saka lumapit muli sa pinto ng study. Dinikit niya ang tainga sa pinto ngunit wala talaga siyang marinig dahil p
“Let's get out of here,” nanginginig na sabi ni Callie at humiwalay kay Vincenzo na kuryosong nakatingin sa kaniya. Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang basang pisngi. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng pinto mula sa kanilang likuran. Alam niyang walang iba kung hindi si Julia ang lumabas ng boutique. Rinig niya ang malalim nitong paghinga marahil ay sa matinding galit. Hindi nilingon ni Callie ang babae bagkus ay nakaharap lamang siya kay Vincenzo na ngayo’y naintindihan na ang sitwasyon. “I‘ll tell Laurence about what you did, you jealous b!tch! Gawin mo ulit ito sa akin at sa pulisya tayo magtutuos!” banta ni Julia bago magmartsa paalis ng lugar na ’yon. Nang tuluyang umandar ang kotse ng babae paalis ay napalunok nang malalim si Callie. Mabigat ang paghinga niya dahil sa pagpipigil ng galit... Galit siya kay Julia ngunit mas galit siya sa sarili niya dahil nagpaapekto siya sa mga salita nito. Hindi niya matanggap na lahat ng sinabi nito ay may bahid ng katotohanan. “A
Araw ng Sabado, Abala ang buong pamilya Fuentabella sa araw ng kasal ni Callie. Magaganda ang dekorasyon sa tanyag na simbahan na paggaganapan ng seremoniya, at inimbitahan ang mga bigating personalidad, maging ang nangungunang media upang isa-telebisyon ang kasal. The Fuentabella and Consunji family were so hands on with everything. Wala nang iba pang gagawin si Callie kung hindi ang maghanda, at magmartsa sa simbahan. Callie was in her suite, looking very fresh and happy in her preparation robe. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. Magpapakasal na sila ni Vincenzo at isakakatuparan ang mga plano nila. She couldn’t wait to strike back. Alam niyang makararating kay Laurence ang araw na ito at sisiguraduhin niyang siya ang panalo. Pagkatapos make up-an at ayusin ang buhok niya ay pinalabas niya na ang mga stylist na naroon. Pinagmasdan niya ang magarbong wedding gown na nakasuot sa mannequin. Hindi mawala ang ngiti niya habang tinitingnan kung gaano ito kaganda. It was a design s
Sa simbahan, Hindi mapakali ang pamilya Fuentabella maging ang mga taong naroon. Paano ba naman ay hindi pa dumadating ang bridal car na siyang maghahatid kay Callie sa lugar. Maging ang mga bisitang naroon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nito kay Vincenzo Pierre Consunji ay nagtataka at nagbubulung-bulungan. Sa gilid ng altar ay nakatayo si Vincenzo. Bahagyang kunot ang noo habang iniisip na baka nagbago na ang isip ng babaeng pakakasalan niya. Sa gilid niya ay nakatindig ang amang si Manuel na iiling-iling bago sinabing, “That woman was brazen to lecture me days ago. Hindi naman pala desidido na magpakasal sa iyo.” Kinuyom ni Vincenzo ang kaniyang kamao. Bahagyang nagtagis ang kaniyang bagang sa pag-iisip na hindi na sisipot pa si Callie. His gaze went to Sammy’s direction—the flower girl of their small entourage. Kung hindi magpapakasal sa kaniya si Callie ay talagang mawawala sa kaniya ang batang dugo't laman ng yumao niyang kapatid. Dahil sa pag-iisip na ’yon ay na