Share

THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL
THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL
Author: miss maui

CHAPTER 1: MINA

Author: miss maui
last update Huling Na-update: 2022-12-30 19:54:15

Pera. Lahat ng bagay ay umiikot sa pera. 

Namulat ako sa mundo, na naniniwalang pera ang sagot sa lahat ng problema. Naniniwala ako na hindi pagmamahal o ano pa man ang pundasyon ng relasyon kahit pa ng pamilya. 

"Ano ba Nestor! Wala ka ng nagawang maganda!" sigaw ni Nanay, kay Tatay. 

Sila. . . sila ang isa sa mga dahilan kung bakit naniniwala ako na pera ang sagot sa lahat, na pera talaga ang magpapasaya sa 'yo. 

"Hinaan mo naman ang boses mo Maris, nakakahiya sa mga kapit-bahay natin," sagot naman ni Tatay. Pero matalim lang siyang tinignan ni Nanay. 

"Anong gagawin ko kumalma?! Habang kumakalam ang sikmura namin nitong mga anak mo!" Dinuro niya ako, gamit ang kaniyang daliri. Lumingon sa 'kin si Tatay,  at malalim lang na bumuntong-hininga. 

Mabuti na lang at wala pa dito ang mga nakababata kong kapatid. Nandoon sila sa bahay ni Lola. Mama ni Nanay. Dahil kapos na kapos na naman kasi si Tatay, kasi nagsusugal na naman at natalo. Mamatay kami ng dilat, kaya pinasundo muna siya ni Nanay kay Lola. 

"Gagawa ako ng paraan--. "

"Tangina naman Nestor! Narinig ko na yan, paulit-ulit na lang?! Hindi ka ba nagsasawa, aba putang ina ako sawang-sawa na!" galit na sigaw ni Nanay. Ayaw talagang paawat. 

Hindi na ako umawat, dahil wala naman akong magagawa mas masasaktan lang nila ako. 

"Sige nga Maris, anong gusto mong gawin ko kung ganon!" hindi na nakapagtimping sigaw ni Tatay. Naputol na ang pasensya niya kay Nanay. 

"Magtrabaho ka! 'Yon ang gusto kong gawin mo, at tigilan ang pagsusugal! Mga deputang manok, wala naman tayong napapala kundi ang sakit ng tiyan!  Na kung ang libo-libo mong pusta ay binili mo ng kanin at ulam edi sana natuwa pa 'ko!" hinihingal na sabi ni Nanay, dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Naiintindihan ko kung saan siya nanggaling. Pareho kami ng gustong sabihin. 

Si Tatay, kasi ay sabungero. Lahat ng sweldo niya doon napupunta. Lahat ng dapat ibili namin ng aming pangangailangan ay doon napupunta. Minsan pa nga ay umuutang pa siya para pang sabong at si Nanay ang naghihirap para bayaran 'yon. 

Hindi ko naman sila maawat dahil siguradong ako lang ang pagbubuntungan ni Tatay, kaya naman lumabas na lang ako ng bahay. Agad na sumalubong sa'kin ang mga chismosa naming kapit-bahay.

"Ayos ka lang ba Mina?" naawa na tanong sa akin ni Aling Alberta. Ayoko talaga ng kinaawaan ako.

"Opo, sanay na po ako," agad na sagot ko bago sila iniwan at pumunta sa likod ng bahay namin.

"Bobo ka talagang bata ka! "

"Wala kang kwenta! Ang laki-laki mong tao, ay wala ka naman alam na gawin! "

"Napaka tanga mong hayop ka! "

"Tanging buhay 'to, bakit ikaw pa kasi ang naging anak kong demonyo ka! "

Mga salitang paulit-ulit kong naririnig. Tinakpan ko ang tenga ko umaasa na mawawala ang boses na 'yon pero hindi. 

Hindi ko maiwasan na baka nga tama si Tatay. Wala akong kwenta. Dahil sa edad kong 'to ay wala pa rin akong trabaho. Hindi kasi basta-bastang natatanggap ang mga kagaya ko na undergraduate. 

Pinilit kasi ni Nanay, na tumigil na muna. 

Rinig na rinig ko pa rin ang mga ingay galing sa labas. Muli na naman akong napatakip ng tenga at napapikit ng mata.

Kasalanan lahat 'to ni Tatay.

"Mina! Mina!" tawag ng kung sino sa pangalan ko. Kaya naman napadilat ako at doon nakita ko na naman ang naawang mga mata ni Aling Alberta.

Pilit ko munang pinunasan lahat ng takas na luha sa mata ko bago humarap sa kaniya. "Bakit po?" tanong ko.

"Ang Nanay mo!" aniya at tumuro kung saan. 

Doon nakita ko si Nanay, na may dala-dalang mga bag. Habang pilit siyang hinahabol ni Tatay.

Agad akong napatayo at tumakbo papunta don.

"Maris, tangina ano bang drama 'to!?" sigaw pa ni Tatay. "Lalayas ka na! Iiwan mo na 'ko?!"

"Oo lalalyas na 'ko! Ayoko na! Punong-puno na 'ko! Tangina, ilang beses kitang binigyan ng pagkakataon baguhin yang putanginang sarili mo, pero wala! Wala kang pinagbago! Wala ka pa ring kwenta mula noon hanggang ngayon!" sunod-sunod na sigaw ni Nanay. Habang pilit inaagaw ang mga dalang bag niya.

Napatulala lang ako sa kawalan. Hindi ako makagalaw.

"Mina, pagod na pagod na 'ko," sabi ni Nanay, habang nagtitinda kami.

"Ako na lang po ang magtitinda, matulog ka na lang sa bahay 'Nay," agad na sabi ko. 

"Paano kung iwan ko na kayo?" imbes ay 'yon ang sinagot niya sa akin.

Agad akong kinabahan.

"Hindi pwede Nanay, kailangan mo kaming isama. Basta magkakasama tayo, malalagpasan natin ang lahat."

"Imposible 'yon Mina."

"Sige lumayas kang bruha ka! Paano ang mga bata?! Hindi ka man lang maawa sa kanila!" Tinuro ako ni Tatay. Doon lang napatingin sa akin si Nanay. "Itong putanginang 'to? Paano na 'to ha!"

"Kaya kong buhay sila Jessie at Jelliel kahit wala ka Nestor," sagot ni Nanay at tuluyan ng tumalikod sa amin.

"A-ako 'Nay?" nabasag ang boses ko ng itinanong ko 'yon. Ginamit ko lahat ng lakas ko para puntahan siya. 

Umiiyak na tumingin ako sa mga mata niyang umiiyak rin.

"M-mina," hikbi niya sa pangalan ko.

"Sasama ako, isama mo 'ko N-nanay," pakiusap ko habang hawak-hawak ang kamay niya. Umiiyak na tumingin naman siya don bago umiling ng ilang beses. 

Doon tuluyan ng gumuho ang lahat para sa akin. Ayaw niya na sa'kin, kagaya ng pag ayaw niya kay Tatay.

"N-nay gagawin ko lahat, a-ako na g-gagawa ng lahat," hikbi ko. "Aalagaan ko sila J-jessie, hahanap na 'ko ng t-trabaho. B-basta wag mo lang akong iiwan dito."

Umiing lang siya, bago niya tuluyan na binawi ang mga kamay niya sa 'kin. Napahagulhol ako at napaluhod. Wala na akong lakas para habulin siya.

Impyerno, mas naging mahirap ang buhay ko.

"Wala ka talagang kwentang bata ka!" sigaw ni Tatay, habang hila-hila ang buhok ko.

"T-tay ang s-sakit po," pakiusap ko habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa'kin. Pero mas lalo lang humigpit ang hawak niya.

Isang buwan matapos umalis na Nanay, lagi na lang ganito. Lagi na lang niyang binuhos sa'kin.

"Pareho na pareho kayo ng Nanay, mo!" sigaw niya at malakas akong sinampal. Agad kong nalasahan ang kalawang sa gilid ng labi ko. "Simpleng pagsusunog lang ng basura hindi mo pa magawa! Anong gusto mo mabuhay bilang señorita ka lang dito!"

Hindi na ko sumagot, pilit ko lang pinupunasan ang luha sa pisngi ko. Akala ko pagkatapos akong iwan ni Nanay, ay magiging manhid na 'ko. Hindi pala.

Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na paano ko masusunog ang mga deputang basura na 'yon kung araw-araw naman naulan at naambon. Sinubukan kong antayin ang truck, pero mas nauna pa ang galit niya.

Padarag niyang hinila ang kamay ko, agad naman akong napatayo.

"Ano ha?! Gusto mo lang mag buhay señorita–."

"Putangina mo," diretsong sabi ko sa kaniya. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. Isa lang ang alam ko. Sawa na 'ko. 

Sumusuko na 'ko, ayoko na sa buhay na 'to.

Nanggagalaiti na nakatingin siya sa 'kin. Namula ang mukha hanggang leeg niya dahil sa sobrang galit. Halos mabali ang buto ko dahil sa pagkakahawak niya sa 'kin.

"Anong sinabi mo?!" sigaw niya sa mukha ko.

"Putangina mo! Wala kang kwentang asawa at ama! Ikaw ang dahilan kung bakit iniwan tayo ni Nanay! Kasalanan mo! Kasalanan mo ang lahat–." Muli akong napaupo ng muli niya 'kong gawaran ng sampal.

Hindi pa siya nakuntento. Hinawakan niya ang buhok ko at kinaladkad ako palabas ng bahay. Wala siyang pakialam kahit saan-saan ako bumangga.

"Hala tumawag kayo ng pulis."

"Grabe talaga si Nestor."

"Kawawa ang bata! Bilis tumawag na kayo ng tanod!"

Pagdating namin sa labas ay tsaka niya lang ako binitawan. Akala ko tapos na. Pero pinantayan niya ang mukha ko at mahigpit na hinawakan ang panga ko. Nakikita ko ang mga pula niyang mata.

"Itong bruha na 'to, kailanman hindi nagpakita ng pasasalamat sa 'kin alam niyo ba na hindi–."

"Nestor, ano ba tama na yan!" lakas loob na sigaw ni Aling Alberta. Binitawan ako ni Tatay at hinarap niya ang matanda.

"Wala kang pakialam! Wala kayong pakialam! Sa akin siya nakatira, kaya ako ang didiseplina!" sigaw niya.

Pinilit ko naman ang sarili ko na tumayo. Muli na naman siyang lalapit sa'kin kaya malakas ko siyang tinulak. Hindi niya 'yon inaasahan kaya naman natumba siya. 

Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para tumakas, sa impyerno na 'yon. Tumakbo ako.

Gabi na, hindi ko alam saan ako papunta, basta tumakbo lang nang tumakbo dahil natatakot ako na mahabol niya 'ko at ibalik don. Wala akong kahit piso sa bulsa ko. Wala akong kahit isang damit.

Magpakamatay na lang ba 'ko? Hindi. Sa impyerno din ang punta ko.

Napaluhod ako sa daan, kasabay ng pagpatak ng ulan. Kaya naman hindi ko na napigilan na umiyak. Walang-wala ako.

Gusto kong pumunta kala Nanay, at magmakaawa muli na tanggapin niya. Pero natatakot ako na baka isuka lang niya 'ko ulit. 

Maya-maya pa ay may nakita akong kotse na papalapit sa 'kin. Nasilaw ako sa ilaw kaya naman pumikit na lang ako. 

Lord, please kahit ngayon lang tulungan mo ako.

Ilang sandali pa ay pakiramdam ko tumigil na ang ulan. Kaya naman napadilat ako at napatingin sa taas. Hindi tumigil ang ulan.

Siya na ba? Siya na ba ang magliligtas sa 'kin.

"Sino ka?"

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 2: 5 YEARS

    May aalis, may darating. Mula noon, naniniwala na ako sa kasabihang 'yon. Iniwan ako ng sarili kong Nanay, sa demonyo kong Tatay. At dumating naman siya, para iligtas ako. "My Xavior!" sigaw ko sa pangalan niya. Agad siyang bumaling sa 'kin. "Ano na naman ba ang kailangan mo sa 'kin babaita!?" naiinis agad na sabi niya. "Magre-ready pa 'ko para sa date ko mamaya," dugtong niya pa. "Ako na lang ang i-date mo," kunyaring pakiusap ko at nagpa-cute pa sa harap niya. Pero nandidiring tingin lang ang binagay niya sa 'kin."Gaga ka hindi tayo talo 'no," nandidiri pang aniya at kunyaring hinawi niya pa ang imaginary long hair niya. "Mas maganda kasi ako sa 'yo."Yup, he's gay. Akala ko nga siya na ang the one, sa unang pagkikita namin ng gabing 'yon. Pero ang kinalabasan parehas na pogi pala ang aming nais. Kaloka. 5 years had passed. Pero nandito pa rin siya sa tabi ko. Naging matalik na magkaibigan kami. Tinulungan niya akong makabangon. "Sige ka, maghahanap na lang ako ng sugar Dadd

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 3: MEET MAVIN

    Priority ko ay ang pera. Walang makakapag-pabago non. Kahit ang ubod ng gwapong lalaking ito, na masarap ang labi. "What?" hinihingal na tanong niya."Bayad sa halik," hingal na sagot ko rin. " At para rin sa leeg ko," dagdag ko pa. Nasa leeg ko pa rin kasi ang ulo niya at ramdam ko ang hininga niya don. Na nagbibigay sa 'kin ng kakaibang init.Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bahagya ko siyang tinulak para sa 'kin. Mas hot na siya sa paningin ko ngayon, dahil sa magulo niyang buhok. He also look so flush. Siguro ganon din ang itsura ko ngayon."Sir, Mr Agustin is already waiting on you," biglang sulpot ng isa pang lalaki. Hindi ko man lang narinig ang kaniyang yabag.Bahagya pa tuloy akong napatalon ng marinig ang boses niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko na tignan ito. Gwapo at matipuno rin, pero mas masasabi kong mas gwapo ang nakahalikan ko kani-kanina lang."Trevor," malamig ang boses na banggit ng lalaking nasa harap ko."Yes sir?" agad naman na sagot ng

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 4: I'LL PUNISH YOU

    Mapaglaro nga naman ang tadhana. Ni hindi ko inaasahan na makikita ko ulit ang lalaking 'to. Akala ko pa naman una't huli na yung kanina."So shall we start?" tanong ni Mavin, binasag niya ang awkward na katahimikan. He gently put his hands on my one thigh. Ayos lang pwede naman akong hawakan do'n at sanay na rin ako sa kanya. Never naman siyang lumagpas sa rules ko.Napatingin ako kay Mr Sternberg, nalaman ko kanina ang apelyido niya dahil kay Mavin. Bigla-bigla na lang kasi siyang pumasok habang naghahalikan kami.Kaya ganito ang hangin sa loob ng kwarto. Pero ang hindi ko maintindihan ay kanina pa nakakuyom ang kanyang mga kamao. Umiigting din ang kaniyang panga na para bang galit na galit siya."Is she really necessary here?" mariin na tanong niya habang tinitignan ako, napalunok ako ng mag tagpo ang aming mga mata. Kitang-kita ko don ang galit. Hindi ko alam kung para sa'kin ba 'yon, dahil sa pagkakaalam ko mukhang hindi naman siya galit ng bigyan niya 'ko ng twenty thousand.Pin

    Huling Na-update : 2022-12-30
  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 5: NANAY

    Tulala lang ako habang naglalakad, papunta sa opisina ni Xavior.Hindi ako nakasagot sa tanong ni Atticus, hanggang umalis ito dahil nasa hospital daw ang kaniyang Mommy at pilit ko naman na iniwasan ang mga tanong at hawak sa akin ni Mavin.Walang tao pagbukas ko ng pinto. Nakikipag-date pa siguro. Napasalampak ako sa sofa at napabuga ng malakas sa hangin. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'kin. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko lahat ng nangyari kanina.Hindi ko alam anong nangyayari sa akin. Hindi ako 'to."Celestina!" sigaw ng kung sino sa pangalan ko. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat na naramdaman. Inis tuloy akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Xavior, lang pala humahangos pa."Ano bang nangyari sa'yo? Ganyan mo ba 'ko ka-miss?" nagtataka na tanong ko pa dahil sinira niya ang pag iisip ko.Hindi naman muna siya sumagot, nagmamadali pa siyang pumunta sa harap ko

    Huling Na-update : 2023-03-07
  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 6: THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL

    Hindi ko alam kung anong klaseng biro ng tadhana na naman ang ibinabato sa akin ngayon."Alam mo kung sino ka mang putangina ka tigilan mo ako!" sigaw ko sa kabilang linya at agad ng pinatay ang tawag. Wala akong panahon para makipag biruan sa kahit kanino ngayon. Lalo na at mas may malaki akong problema.Hindi ko na ulit sinilip pa sila Jelliel, dahil hindi ko na ulit yata kakayanin makita siya sa ganong kalagayan. Kaya naman diri-diretso akong lumabas ng hospital, at walang kahit isang pinansin sa mga chismosong tao na kanina pa ako pinag-uusapan.Bumalik kaagad ako sa bar. Dahil alam kong marami akong dapat kailangan ipaliwanag kay Xavior. Siguradong nagtatampo siya sa akin ngayon.Naglilinis na ang mga ka-trabaho ko ng makabalik ako. Kaya agad kong nilapitan si Maxie, para mag tanong."Nakita mo ba kung nasaan si Boss?" tanong ko sa kaniya. Dagli siyang napaisip bago ako sagutin."Parang hindi pa siya lumalabas ng office niya

    Huling Na-update : 2023-03-08
  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 7: MEET THE PARENTS

    Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang alok sa akin ni Atticus.Dahil aminin ko man o hindi napakalaking halaga ng inaalok niyang pera. Sigurado na malaking tulong ‘yon sa pagpapagamot ni Jelliel. Hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip pa rin ako. Dahil ba alam ko kung paano ako maapektuhan sa presensya niya? Napatayo ako sa pagkakahiga at mahinang sinampal ang sarili ko.“Unahin mo ang kapatid mo Celestina, wag kang malandi dyan!” pag kausap ko pa sa sarili ko.Naputol ang pagpaplano ko na matulog na dahil tumunog ang aking cellphone. Dali-dali ko naman ‘tong kinuha.Unknown number. Hindi ko na sana sasagutin, pero naalala ko ang pagtawag sa akin ni Atticus kanina. Baka siya ‘to.Masyado ata akong mahabang nag isip dahil namatay bigla ang tawag. Hindi ko naman pwedeng tawagan pabalik, dahil wala akong load. Ang akala ko ay bukas na muli ito tatawag, ngunit bigla itong muling tumunog.Agad kong sinagot ang tawag.“Hello, sino ‘to?” tanong ko kaagad sa kabilang linya. ang una k

    Huling Na-update : 2023-03-25

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S PROPOSAL    CHAPTER 1: MINA

    Pera. Lahat ng bagay ay umiikot sa pera. Namulat ako sa mundo, na naniniwalang pera ang sagot sa lahat ng problema. Naniniwala ako na hindi pagmamahal o ano pa man ang pundasyon ng relasyon kahit pa ng pamilya. "Ano ba Nestor! Wala ka ng nagawang maganda!" sigaw ni Nanay, kay Tatay. Sila. . . sila ang isa sa mga dahilan kung bakit naniniwala ako na pera ang sagot sa lahat, na pera talaga ang magpapasaya sa 'yo. "Hinaan mo naman ang boses mo Maris, nakakahiya sa mga kapit-bahay natin," sagot naman ni Tatay. Pero matalim lang siyang tinignan ni Nanay. "Anong gagawin ko kumalma?! Habang kumakalam ang sikmura namin nitong mga anak mo!" Dinuro niya ako, gamit ang kaniyang daliri. Lumingon sa 'kin si Tatay, at malalim lang na bumuntong-hininga. Mabuti na lang at wala pa dito ang mga nakababata kong kapatid. Nandoon sila sa bahay ni Lola. Mama ni Nanay. Dahil kapos na kapos na naman kasi si Tatay, kasi nagsusugal na naman at natalo. Mamatay kami ng dilat, kaya pinasundo muna siya ni N

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status