SUMMER POV: Kaya naman kahit sobrang dami ng pinagdaanan nilang mag asawa, kapag naalala nila yon, nag iisip daw silang mabuti at ni minsan hindi nabanggit ang tungkol sa paghihiwalay.Nasa bigat at haba ng sakripisyo sa maraming taon.Walang ipinagkaiba sa yamang pinaghirapan mong makuha at pinaglaanan mo ng mahabang panahon gamit ang sipag, pawis at dugo. Sa tingin ko alam din yon ni Lyndon kaya ako niyaya sa bahay ng lola ni Helga.Ang meron kami na nagsimula sa maliit na gulo ay naging napakahalaga sa kanya. At mas nagiging mahalaga pa sa bawat paglipas ng oras.“Ah!” Si Lyndon na agad alam ang isasagot. “Yong bayanihan po ba ang sinasabi ninyo?”“Takte kang bata ka, nagsasalita ka yata ng bagay na hindi mo pa nakikita! Ano ba sa tingin mo yong bayanihan?”Napanganga si Lyndon, hindi alam ang isasagot. Naku, kasalanan ko ito. Pero naunahan ako ni Helga na lumabas sa pinagtataguan namin.“Lola, puede po akong makialam?” Nakataas ang kamay nito na lumapit sa mga nag uusap.“Ako ri
LYNDON POV:“LALAKING mapagsamantala,” nagulat ako sa sinabi ng matanda. Nanigas ako at napahinto sa paglalakad kasabay niya.Hinahayon ng mga paa niya ang palayo sa kubo, papunta yata kami sa hangganan ng herbal garden. Kung saan may mga tipak ng malalaking bato at arko sa unahan.Ako, mapagsamantala?Nagpatuloy siya habang naglalakad. Napasunod ako. “Iyon ang iisipin sa yo ng mga tagarito kapag kinuha mo ang puri ng kapus-palad na batang yan nang basta na lang at wala man lang pasintabi o may nakakaalam. Masasaktan mo rin ang kalooban ng kanyang ama. Mabuti at naisip mong puntahan kami ngayon. Dahil kung hindi, susugod sana si Helga sa bahay nina Summer at maniwala kang babantayan niya ang bestfriend niya kahit magliparan ang bala sa paligid nila. Kanina pa sana, pinigilan ko lang talaga. Mahal na mahal ni Helga si Summer. At kahit nasa edad na, alam ng apo ko ang kahinaan ng batang yan.” Malungkot ang sulyap sa malayo.“L-Lola…” para akong sinaksak sa puso ng makalawang na punyal.
SUMMER POV:“Laktawan na natin ang harana,” tumukod sa lupa ang baston nito, bumaon. “ang paniningalang-pugad at paninilbihan. Humayo na kayo at ayoko ng kalat sa aking bakuran!” Pagtigil ng baston nito, sabay sabay na nagka ingay ang mga aso. Parang nagising ang mga maligno at maliligalig na nilalang sa paligid. Lahat ay gumagawa ng ingay, itinataboy kami paalis sa lugar na iyon.“Lola!” Si Helga na komokontra ang sigaw. Halatang ayaw nito na ipagkatiwala agad ako kay Lyndon Santiago.Inambahan ito ng baston ng matanda. “Hindi lahat nangyayari ayon sa mga nakasulat sa libro. Iba iba ang kapalaran ng mga tao. Kuwento nila yan, eh, di gawin mong iba ang sa yo. Mas mabuti kong mas maaga rin bago pa magkabali-bali ang mga buto ni Craig Alastair sa yo!”“Lola!” Pumadyak na sa lupa si Helga.“Pasok!” Sikmat ng matanda, parang hahabulin ng kurot sa singit ang apo. “Lola,” si Lyndon na ang tumayo, hawak ako sa kamay. “Magpapaalam na po kami.”“Hosha, hayo!” Itinataboy kami gamit ang kan
SUMMER POV: “Ilabas mo ang dila mo,” mariing utos na agad kong sinunod. Dalawang kamay niya ang humawak sa buong mukha ko bago yon hinuli para sipsipin.Tinakasan ako nang hininga nang higitin niya yon paloob sa bibig niya, mapusok at mapaghangad. Oh, God. Mainit ang bibig niya, matamis at humahampas sa akin mabangong hininga sa iisang direksyon ng pag angkin niya sa aking bibig.Dalawang kamay din ang bumitaw sa akin bago siya gumapang pababa ng kama. Hinihila ang damit kong nalalabi, kasama ang panty ko. Hindi na nagawang alisin sa isa kong binti.Wala ng pasakalye, nasa pagitan na agad siya ng hita ko. Ibinaon sa pagkababae ko ang dila niya, humagod iyon pataas sa clit ko, binabasa ako. Tumama ang tungki ng ilong sa umbok ng pagkababae ko. Mas sabik ang bibig niya, naunahan pa ang mapupusok niyang kamay at daliri na naglalakbay sa magkabilang puno ng hita ko, ibinubuka ako.“Lyndon…” bumibiling na lang ako sa higaan, nakakapit sa mga unan. Alam niya ang gusto kong iparating. Ngay
SUMMER POV:“God!” Umigting ang mga laman ko at parang doon pa lang ay may sasabog na sa loob ko. Naramdaman ko na parang may umagos na mainit na likido sa loob ng pagkababae ko at nanlabo ang aking paningin. Nanginginig akong kumapit sa kubre, naghahagilap ng makakapitan.Nagbabaga na ang bibig niya nang muling umulos sa aking pagkababae, dalawang kamay ang sabay na pumisil sa mga balakang ko para ipirmi ako. Mas naging pursigido rin ang pag ulos niya, sunod-sunod. Mabilis na tila may hinahabol.“Lyndon! Oh, God!”Nanginginig ang laman ko sa sobrang sarap lalo nang balikan niya ang clit ko para sipsipin uli. Ginawa niya yon ng may mariing pagdila at masinsing paghigop. Nang pakawalan, inikutan ng dila at inulit ang magaan na paghagod doon. Umugong ang dugo sa tenga ko, nauwi sa pagkabanat ng mga buto ko, narinig ko ang gulugod na naggalawan at hindi na ako makabuo ng salita.Bumaon ako sa kama, nakaliyad, tumutukod ang mga paa sa kanyang likuran hanggang sa mamilipit ako sa kung a
Brutal na bumaon uli sa loob ko ang kanyang dila, malalim na umuulos. Tila gumagawa ng mas malalim na butas para sa kanya. Iniikutan ang nag aapoy kong laman at ibinubuka. Nanigas ang mga pulso kong hawak niya at gusto ko na namang sumigaw.“Lyndon…” hinahabol ko na ang aking hininga, masakit aking mga dibdib sa tumitinding pangangailangan, tumitibok na rin ang loob ng aking katawan. Naging malikot ang aking balakang. Hindi ko alam kung paano pipirmi o dapat ko bang takasan ang malupit niyang dila.Umangat uli siya mula sa aking hiwa at sinipsip ang clit ko, napakarahan. Maingat. Binabasa uli iyon. Iniikutan. Sa sobrang bagal ako ang mas nahirapan at nainip.God, bakit hindi pa ngayon?Utang na loob!Magaslaw na gumiling ang balakang ko, tinatawag ko siya. Pero hindi niya ako pinansin. Umulos uli siya sa loob ko, sunod-sunod. Kaya wala akong nagawa kundi bumaon sa kama ang ulo ko at maghabol uli ng hininga. Pinaikot niya ang dila sa butas ng pagkababae ko at hindi tumigil hanggang
SUMMER POV: Suminghot ako. Gusto ko nang umiyak. Sinilip niya ang flower ko, sininghot, dinilaan at kung ano ano pa pero parang mamamatay na ako sa kahihiyan. Marami pa bang iba? “Hindi ko alam na ganon yon. Talaga bang kailangan ang mga ginagawa mo?”“Sa tingin ko,” aniyang hinahagkan ang pawis ko sa noo. “Sa kabila ng mga ginawa ko, masasaktan ka pa rin. And it’s gonna hurt like hell.” Wala na akong lakas nang paghiwalayin niya ang mga hita ko, naghahandang umulos habang kumikibot pa rin ang mga laman ko.Namamanhid sa pagod ang buo kong katawan at hindi ko magawang itukod man lang aking braso o kamay para kayanin ang sarili kong bigat. “Open your legs, sweetheart, wider…” alam niya, siguradong masasaktan ako, kaya inaalo niya ako ng maliiit na halik sa buong mukha.Bawal bang magpahinga?“Ngayon na?” Gusto kong magreklamo dahil parang tubig na ang buto ko.“Mas mahirap pa kung walang natural lubrication galing sa orgasms mo. Sisikip uli ang laman mo at kakailanganin nating uliti
SUMMER POV: “Walang namamatay sa ganito.” Hinga ko. “Kaya ko...ito…” binalewala ko ang lahat ng sakit. Ang inilagay ko sa isip ko ay ang ngiti ng tatay ko nang yakapin ko nang huling beses kong dalawin sa loob ng kulungan. At ang kislap sa mga mata nito nang sabihing ililipat sa mas malapit na provincial jail. Ang pag asa sa tinig nito na mas mapapadalas ang dalaw ko.At ang magandang balita na natagpuan na si Jojo at may asawa na ito. Ang ano mang uri ng kirot na magiging dala ng pagtatalik na ito ay buong puso kong tatanggapin.Lahat ng bagay sa mundo ay may kapalit, maaga ko yong natutunan. At kahit ang pag asa ay may presyo at sakripisyo.Dalawang bagay ang nasa puso ko kaya wala akong takot nang pasukin ko anoman ang tawag sa relasyong meron kami ni Lyndon Santiago:Una ay gusto ko siya. Gustong-gusto sa kabila ng kanyang mga kapintasan.Ikalawa, ang sakripisyong ginawa niya para sa akin sa imposible at napakabilis na paraan––walang ibang tao ang gumawa nito para sa akin.I
SUMMER POV: May higanteng flat screen TV na sa sala ng bahay, kaya sinamantala kong matuto at mag aral dahil sa internet. Regular akong gumawa ng mga disenyo at naglaan ng mas mahabang oras sa pananahi. Minsan, nalilipasan na ng gutom si Lyndon at hindi ko maawat. At kapag ganoon, smoothie at comfort foods ang dinadala ko sa kanya. Dinadaan ko sa lambing minsan para mapilitan siyang pansinin ang pagkain. Workaholic pala siya. Sa sobrang busy niya, naisip kong maghanda ngayong hapon ng massage treatment sa tabi ng bagong pool. At hindi niya ako natanggihan, gaya ng lagi. “Saan ka natutong magmasahe? Natural ang mga technique mo, iba sa mga high-end massage therapist.” “Nanood ako sa you tube. Pangakong paghuhusayin ko pa.” Gumagamit ako ng buko ng daliri, braso at siko sa mga parte ng muscles niya na kailangan ng mas malakas na pressure. Kinabukasan, may dumating na masseuse at ako naman ang nakatanggap ng parehong serbisyo. Ayaw talagang magpatalo ng ‘asawa’ ko. Sa mga sumu
“Ahm,” inaayos niya ang buhok ko, nag iisip. May halong hiya at dumaan ang sandaling pag aalangan. “Simula nang mamatay ang parents ko, parang nawalan ako ng panglasa. Pinilit lang ako ni Lolo na kumain kasabay niya dahil mamamatay talaga ako sa gutom.”“Oh,” wala akong masabi. Nalungkot ako. “Sorry. Hindi ko alam na ganon kaya pala walang kitchen sa condo mo.” Na-guilty ako sa mga sinabi ko sa kanya sa mismong oras na yon gayong hindi ko alam ang pinagdadaanan niya. “Pero naamoy mo ba ang aroma ng mga pagkain?”Natigilan siya. “Hindi.”Nadurog ang puso ko dahil doon. Naluha ako at parang sasabog sa sakit ang puso ko.“Oh, L-Lyndon.” Ayoko siyang kaawaan pero hindi ko yon maitago. “Simulan natin ngayon, puede ba?”“Okay.”“Puede mo bang sabihin sa akin ang pinakagusto mo sa mga ito: kape, tea, green tea, chocolate, tablea, o…”Hinahalikan na niya ako sa labi. “Wala pa sa ngayon kaya sabayan mo lang ako. Okay na yon.”Hinila niya ako paupo. At sumandal siya sa giant sofa, kinabig ako
SUMMER POV:Pero nang makita ko ang laman ng mga nakabukas na kahon, napalagay ako: gamit niya yon sa opisina niya. Puro libro at personal na decorasyon na nakita ko sa condo niya. Prominente ang picture niya kasama ang isang matandang lalaki na naka business suit. Hindi ko namukhaan dahil malayo pero natatandaan ko dahil malaki ang painting na yon sa gitna ng opisina niya.Gusto ko sanang lapitan at titigan pero hindi sapat ang distansya.Kung ganon, binabalak ba niyang mag stay dito nang matagal?“Gusto mong tulungan kita?” Sa kawalan ng masasabi, naibulong ko mula sa kanyang likuran.Umatras agad siya. Pumihit paharap sa akin, pagod ang mga mata. Naiwan doon ang matinding bakas ng mga dating responsibilidad na dinadala niya. “It can wait,” nilapitan niya ako at hinila sa kamay. “Mas gusto kong tikman ang lasa ng chocnut galing sa bibig mo.” Balot agad yon ng pagnanasa.Ng walang kapagurang pananabik sa akin.“Lyndon,” hindi ko iniwasan ang kanyang halik. Bumalot agad ang kamay s
SUMMER POV:“Hey,” hinawakan niya ang kamay ko. Hinuli ang mata ko. “Nag aaral pa lang ako sa college, kumikita na ako sa stock market. Hayaan mo akong paligayahin ka dahil yon din ang ginagawa mo para sa akin. It should be a symbiotic relationship. Give and take. Huwag ka nang makipagtalo sa akin ngayon. Kailangan mong kumain. Hindi ako sigurado mamaya kung,” sinulyapan niya ang labi kong namamaga na sa halik, “makakatulog ka ng deretso at hindi kita gagambalain.”Nang matapos kaming kumain, naalala ko ang sinabi ko kanina. “Si Berta ang isasama ko sa paghahanap ng sangkaka. Okay lang ba sa yo? Mukhang marami kang dapat gawin sa opisina mo.”“Hindi,” giit niya, “sasama ako. Ako ng magda-drive para sa ‘yo.”Nagpahinga kami matapos kumain. Hindi ako sumabay sa kanyang maligo. Hindi sa hindi ako komportable sa kanya pero gusto ko pa rin ang aking maliliit na sikreto kung paano ko inaalagaan ang sarili ko.Sa dressing room, inabutan ko siya, pero hindi nagpumilit na panoorin akong magbi
SUMMER POV:Hinuli ko ang daliri niyang naglalakbay sa mukha ko, hindi ko na binitiwan. Doon kasi kami nagsisimula bago mauwi sa walang katapusang sex, sa simpleng paglalaro ng daliri niya sa bawat kurba ng mukha ko. “Hindi ko alam,” sabi ko, bagsak na ang mga balikat ko, manhid na ang buo kong katawan habang nakatitig sa kanya. “Nang makilalala kasi kita sa labas ng bar, ang tindi ng galit mo sa mundo. At kahit hindi mo ako kilala, damay ako. At yong ganong klase ng tao mas malupit ang trato sa kapwa niya kapag mainit ang ulo. At kung isa ako sa nagmamalasakit sa yo, alam kong iilan ang paraan para magbago ka ng ugali o pananaw sa buhay. Sabi ng parents ko, sila din grabe ang adjustments nang isilang ako, tapos si Jojo pa. Iba raw kapag magulang na, sa ayaw at sa gusto mo, magbabago ka dahil may iba ka ng aalagaan at pinahahalagahan.” Kumapit ako sa piraso ng daliri niya gaya ng sanggol. Sa hintuturo. Umaamot ako ng lakas. “Ako, bakit ako ang napili mong sundan?” Pinagmasdan ko kung
SUMMER POV: Pinigil ko ang sumigaw nang malakas nang umalon ang balakang ko kasabay nang pagragasa ng sarili kong orgasm. Nagsalubong ang init ng aming katawan, sabay kaming dumidiin sa katawan ng isa’t-isa, parehong hindi humihinga, halos magkadikit ang mga labi.“Diyos ko,” si Lyndon na tumataas-baba ang dibdib, tumutulay ang mga pawis sa kurba ng mukha. “Ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa buong buhay ko. Ano ito?”“Na crush mo ako?” Bumungisngis ako na parang bata. Nakasabog sa unan ang mahaba kong buhok, naliligo rin sa pawis.Binundol niya ang hangganan sa loob ko. “Again?” Inikutan, tinutukso ng malapad na ulo ng pagkakalaki niya.Umalon ang katawan ko, umarko ang leeg ko at umalsa ang mga dibdib ko, tinukso ng matitigas kong nipples ang dibdib niya. At nagustuhan niya ang pakiramdam na yon kaya umungol siya, mababa. Handa na namang manila, humahampas ang hininga sa aking mukha. “Okay, higit sa crush?” Mas dumiin siya sa pumipintig kong laman. “More.” Suminghap ako sa mas
SUMMER POV:Nakatuon sa kanya ang buong atensyon ko. Sa nakatagilid na tanawin ng kanyang katawan. Sa napakagandang ng mga kalamnan. Bumalik ang mata ko sa nililok na mukha na hinahaplos ng maharas na bagsak ng tubig. Sa daluyong ng mga patak na tumatama sa kanyang makinis na balat sa malapad na mga balikat. Nag iiwan ng libo-libong piraso ng malinaw na bubog. Dinadaya ang imahinasyon ko na sana ay puede kong hawakan ang mga yon. At hagkan.Gusto kong tumayo sa harap niya, angkinin ang kanyang bibig. Pagapangin sa batok niya ang mga kamay ko, pababa sa kanyang mga balikat at dibdib. Pababa pa sa kalamnan sa mga sikmura, sa hugis ‘V’ bago ang malaki, mahaba at kahanga-hanga niyang kahandaan na tayong tayo ngayon.Gumapang ang tubig pababa sa kanyang mga hita, lumilikha ng sariling daan sa pagitan ng mga balahibo, hinahawi ang makinis na balat. Niyayakap ang matatag na mga binti hanggang sa mga paa na parang di nasikatan ng araw.Kahit ang dulo ng mga daliri niya, gusto kong tikman.N
LYNDON POV:Natigil kami nang marinig namin ang mga yabag ni Aling Berta sa bakal na hagdan mula sa malawak na lawn ng bahay.Umihip uli ang malamig na hangin habang maingat na kumikilos sa harap ng mesa ang kasambahay.Dating head security ng isa sa mga companies na hawak ko si Berta. Nang magkasakit ang anak, pinili nitong mag alaga ng mga apo. At dahil trained ito sa mas maraming skills higit sa pagluluto sa kusina, ipinahanap ko ito at inalok ng malaking sweldo. Tutal, nag aaral na ngayon ang apo nito at maayos na rin ang kalagayan ng anak.Binigyan ko ito ng instruction na maging listo tungkol kay Mario. May file ang lalaking yon sa akin na ipinasa ko agad dito at may binabalak ako para tuluyang mawala sa San Luis ang lalaking yon.Oo, isa sa mga araw na ito wawalisin ko ang kalat sa bakuran ni Summer Hererra.Tinikman ko agad ang kape kahit init na init ako. At pinanood ko sa ibabaw ng usok si Jace na nanginginig sa galit. Tantiya ko, siya ang tipo ng taong alam ang halaga ni
SUMMER POV:Hiyang hiya ako. Naalala ko ang dami ng mga bagay na nagawa nito para sa akin sa tagal ng panahon. Maliliit kumpara sa mga nagawa ni Lyndon sa loob lang ng ilang araw lang pero tinatanaw ko pa ring utang na loob.At isa pa, pinaasa ko ito. Tinanggap kong lahat yon dahil akala ko rin isang araw, may kahihinatnan ang lahat ng panliligaw nito.Anong klaseng tao ako at nakalimutan ko ang lahat ng bagay tungkol dito?Naglahad agad ng kamay si Lyndon sa tabi ko. “Lyndon Santiago, Summer’s fiance. From Manila.” Binakuran agad ako, pumantay sa aking tabi.Hindi nalalayo kay Lyndon ang taglay na kapangyarihang mayroon ang tahimik na personalidad ni Jace. Aristokrata, nasa kilos at pananamit at ngayon ko lang ito nakitang galit. Umaalon ang dibdib nito, nakatutok ang paningin kay Lyndon. Kininilala ang kaharap hanggang sa kaliit-liitang palatandaan kung ano ang pagkatao ng huli.Psychoanalysis ang tawag doon sa libro ni Helga kapag nakikibasa ako.Sumulyap si Jace sa itaas ng bahay