Share

CHAPTER 43 FLASHBACK

Hindi naka-sunod sa Naphintash Mall si Reed, dahil tinawagan siya ng isang informer niya, hawak na daw nila ang taong nagpadala sa kanya ng kabaong noong birthday niya.

Mabilis siyang nag- u turn at tinungo ang hideout na kinaroroonan ng mga tauhan niya. Ang hideout niya kung saan dinadala ang mga taong nagkasala sa kanya. At doon niya mismo tinutumba. Siya mismo ang pumapatay.

Madilim ang mga mata niya habang binabagtas ang eskinita na tama lang na daanan ng sasakyan niya.

Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang itim na gate at may nakabantay na apat na lalaki na puro naka-itim ang damit. Napabuga siya ng hangin, iniiwasan niyang mapunta dito dahil ayaw niyang maalala ang pangyayari na kailanman hindi na niya maibabalik pa. At kung maulit ang nangyari, ganun pa rin ang gagawin niya. At wala siyang katiting na pinagsisihan sa buhay niya.

Nag-flashback sa ala-ala niya ang nakaraan. Five years ago, pinadukot niya ang taong dahilan ng pagdurusa ng daddy niya. Ang kabit ng mommy niya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status