Hindi na rin nakabalik pa si Apollo sa kaniyang lamesa dahil binantayan niya si Melody habang natutulog ito. Hanggang sa hindi na rin niya namalayan na nakatulog na rin pala siya sa mismong single sofa. Nagulat na lang siya nang marinig niya ang tumatawang boses ni Melody.“Gising ka na pala.” kinusot niya ang kaniyang mga mata pero si Melody ay nananatili pa rin na tumatawa habang may hawak na marker. “What? What’s wrong? Bakit ka tumatawa? Is there something funny?” kunot noo niyang tanong.Umiling si Melody. “N–No, wala naman—” at tumawa itong muli habang tinuturo ang mukha niya.Pakiramdam niya ay may mali kaya tawa ng tawa ang asawa niya ngayon. Kaagad siyang tumayo at nagtungo sa table saka tumingin sa salamin. Napaawang ang kaniyang labi dahil may sulat ng marker ang mukha niya tila ba isa siyang pusa.“Ikaw ang may gawa?” parang natatawa na ring tanong ni Apollo.“Yeah! You’re so cute!” sigaw ni Melody.Ibinaba ni Apollo ang salamin at kaagad na naglakad papalapit kay Melody. T
Umuwi sila nang araw na ’yon na para bang walang nangyari, ngunit ang katawang lupa ni Melody ay pagod na pagod. Halos hindi na nga pala niya namalayan na nakatulog pala siya sa tapat ng computer niya at binuhat lamang siya ni Apollo papasok ng opisina.Nang gabi naman na ’yon ay magkausap si Apollo at Epifanio. Hindi na siya nag-abala pang pakinggan ang mga ito dahil sa antok at pagod na nararamdaman. Sigurado naman siya na tungkol lamang ito sa natuklasan nilang CCTV.Kinabukasan, pagkabangon na pagkabangon pa lamang ni Melody mula sa higaan ay dumiretso kaagad siya sa comfort room upang sumuka. Naalimpungatan naman si Apollo dahil sa paulit-ulit na pagduduwal ni Melody nang umaga na ’yon. Kaya naman bumangon din siya at pinuntahan ito.“What happened?” tanong niya rito habang singkit pa ang kaniyang mga mata at hinihimas ang likod nito. “May nakain ka bang sira na?”Hindi naman makapagsalita si Melody at patuloy lamang na dumuduwal. Alam din kasi niya kung bakit. Nasa stage na siya
Nasa harap na sila ng hapag kainan at ang ngiti ni Melody ay abot hanggang sa tenga, habang si Apollo naman ay napupuno ng tensyon. Habang nagluluto kasi siya kanina ay tinikman na niya ang lasa nito. Hindi pasok sa kaniyang panlasa.“Yey! Mapaparami ang kain ko nito!” excited na sambit ni Melody habang hawak na ang kutsara at tinidor.Napatingin naman si Apollo kay Milandro na nakatayo malapit sa kaniya. Alam din nito ang lasa at halos maubo pa nga ito. Natatakot tuloy siyang baka hindi rin magustuhan ni Melody at mas worst ay baka masira pa ang tiyan nito.Nagsimula na itong humigop ng sabaw saka hinati at kinain ang isang itlog. Napalunok si Apollo. Kitang-kita niya ang pagtigil ni Melody sa pagkain. Mukhang hindi yata nito nagustuhan.“Hmm. . . Ang sarap! Ang sarap, love! This is the best!” nakangiting sigaw nito.Napakunot ng noo si Apollo saka muling napasulyap ng tingin kay Milandro na ngayon ay nanlalaki ang mga mata dahil sa gulat katulad niya. Napatikim tuloy bigla si Apollo
Nakangiting inaayusan at sinusuklay ni Melody ang kasambahay na si Hope. Gustong-gusto niyang hawakan ang buhok nitong kulay black brown na alon-alon. Napakakintab at masarap hawakan.“T–Tapos na po ba kayo?” naiilang ng tanong ni Hope.Ang totoo ay ilang minuto na ang nakalipas ay paulit-ulit lamang siyang sinusuklay ni Melody. Hindi niya alam kung bakit. Pakiramdam niya tuloy ay sa mga nagdaang araw ay mukha siyang bruha kung kaya’t sinusuklay siya nito ngayon.“Don’t worry, Hope. I already told to Milandro na magpapatulong akong mag-ayos dito sa loob ng kuwarto.” tugon ni Melody habang sinusuklay pa rin si Hope.“Ayos lang po ba ’yon? W–Wala naman po kasi tayong ginagawa, eh. Hindi po ako sanay.” sabay kamo nito sa sintido.“Oo, okay lang ’yon. At saka gustong-gusto ko kasing hawakan ang maganda mong buhok. Sobrang natutuwa ako!”Alanganin na lamang na ngumiti si Hope habang kitang kita niya sa salamin ang malawak na ngiti ni Melody. Napaka-sweet nito, napaka-caring. Sobrang suwert
Kinabukasan ay kasama nilang nagpunta sa sementeryo ang kambal. Nauna nilang puntahan qng puntos ni Lilian. Nagkaroon sila ng oras para makapag-usap at hindi nila maiwasan ang maiyak. She missed her little angel.Sumunod naman ang sa mommy ni Apollo. Pormal silang ipinakilala ni Apollo sa puntod ng Mommy nito. Tuwang-tuwa pa ang dalawa niyang mga anak dahil kilalang-kilala sila ni Apollo base sa mga sinabi nito sa mommy.Para talaga siya ang tunay na ama ng kaniyang mgq qnak. Dito niya lang din napansin na malaki pala ang pagkakahawig ni Apollo sa kambal niyang anak. Kaya mahirap paniwalaan ang taong magsasabing hindi ito mga anak ni Apollo dahil kamukha pala talaga niya ang mga ito.“Lola, ba-bye po!” sabay na paalam ng kaniyang mga anak. “Bibisitahin ka po namin always!” dagdag pa ng mga ito.Niyakap naman siya ni Apollo mula sa likuran. “Ang babait ng mga anak ko, mommy ’no? Mabait din kasi ang mommy nila.” sabay halik nito sa kaniyang pisngi.Hindi na niya mapigilan ang sarili na
Nang makarating si Atlas at Athena sa kotse ay pinigilan ni Athena si Atlas na pumasok sa loob ng kotse. Hindi kasi maalis sa isip niya ng sinabi ng matandang ’yon tungkol sa malaking pasabog. Aba! Dapat lang alam niya!“Anong malaking pasabog ang sinasabi ni Daddy?” direstsahan niyang tanong kay Atlas.Seryosong tumitig si Atlas kay Athena. “Daddy said it’s nothing. Hindi niya sinabi sa ’yo meaning ayaw niyang ipaalam. At saka huwag ka ng makialam, dahil plano niya ’yon. Ikaw din naman ang magbe-benefit sa huli no’n.”Napakuyom ng kamao si Athena. “What kind of benefit, huh?” paninigurado ni Athena, para alam niyang hindi siya dino-double crossed nito. “It’s good. Daddy will crash Apollo and Melody’s relationship. You just need to wait and be patient. Can you do that?”Napangiti ng malawak si Athena. After all this years ay sa kaniya pa rin talaga kampi ang matandang Luxerio. Hindi niya nga alam kung bakit pilit itong nagbubulagbulagan sa nakaraan.“Of course I can.” sabay irap ni A
Nasa hapag kainan na silang lahat upang kumain, pero si Melody ay wala sa sarili. She doesn’t even know na si Apollo na pala ang naglagay ng pagkain sa kaniyang plato. Ang kaniyang isipan ay naglalaro kay Atlas at Athena.Ang nakaraan niya ay tila isang bombang any time ay maaaring sumabog. Kapag nangyari ’yon ay baka kamuhian siya ni Apollo. Masasaktan ng sobra pati ang mga anak niya.“Are you sure you are okay?” nababahala na si Apollo sa pagiging tahimik at matamlay ni Melody. Pilit na ngumiti si Melody. “Oo naman, okay lang ako.” tugon niya at sumulyap kay Athena nang marinig niya itong bumubulong kay Atlas kaya napatingin din siya kay Atlas na kasalukuyan na pa lang nakatitig sa kaniya.Binalewala niya ang tila bulungan ng dalawa at nagsimulang kumain. Hindi niya gusto ang mga pagkain pero pa simple na lamang siyang kumakain kahit kaunti lang. Para lang hindi maghinala pa lalo si Apollo, at para rin hindi na magtaka pa ang iba niyang kasama.“So, Melody, tell me about yourself.”
Kinagabihan ay inaasahan na talaga ni Melody na ipapatawag siya ng matandang Luxerio. Nakatitig siya ngayon kay Apollo na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa kaniya. Ang lahat naman ng nakita niya kanina ay hindi niya inaasahan— especially Apollo’s breakdown.Pinalitan niya ng isang unan ang kayakap ni Apollo upang hindi nito maramdaman na wala siya sa tabi nito. Nang maingat niyang magawa ’yon ay kaagad siyang nagtungo sa kuwarto ng kambal. Kasalukuyan ng natutulog ang mga ito, at dumaan siya upang humalik sa kanilang noo.Marahil at sigurado siyang natakot ang mga ito sa nangyari kanina, lalo na si Liven. Her poor twins, kung ganito pa lang ang nangyayari ay nasasaktan na siya para sa mga anak niya paano pa kaya kung lumabas ang katotohanan? Ano ang gagawin ni Apollo kung sakali?Nang makalabas siya sa kuwarto ng kambal ay naabutan niya si Epifanio sa hallway. Mag-isa lamang ito at tila may hinihintay. Nang makita siya nito ay kaagad itong lumapit sa kaniya.“G–Gusto muna sana
Melody's Point Of View.“You may now kiss the bride!” Sigaw ng pari.This is the 10th time na ikinasal kami ni Apollo. Kasalukuyan kaming nasa Maldives kasama ang aming mga anak at nga kaibigan.“I love you, love. Kahit ilang beses pa kitang pakasalan ay gagawin ko, para lang mapasaya kita.” Sambit ni Apollo saka ginawaran ng halik ang aking labi.Nakangiti kong tinanggap ang halik ni Apollo. Pagkatapos ay nagsigawan ang aming mga anak at mga kaibigan daka nagpalakpakan. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mata.Kahit maedad na kami ay hindi pa rin nawawala ang sweetness namin sa isa't-isa ni Apollo. Parang kahapon lang nang magkakilala kami, at ngayon ay habang buhay ng magkasama at magkatuwang sa buhay.Minsan dumarating sa puntong araw-araw akong nagbabalik tanaw sa mga alaala at mga pinagdaanan namin bilang isang pamilya. Hindi ko inaakalang darating pa kami sa puntong ngayon na magkasama kaming dalawa kasama ang aming mga anak.Ikinasal na rin si Atlas, Epifanio, at Luhan. Si
“W–Wala na siya, Melody. Hindi niya kinaya. Wala na ang kaibigan namin…” umiiyak na sambit ni Epifanio nang makapasok ako sa kuwarto kung saan naroon si Apollo.Nakahiga ito at natatakpan na ng puting kumot ang kaniyang mukha. Dahan-dahan akong lumapit dito habang sapo ko ang aking dibdíb at umiiyak.“H–Hindi… Hindi siya puwedeng mawala…” umiiyak kong sambit habang nakatitig sa kumot na nagtatakip sa kaniya.Hindi ko akalaing ito ang magiging wakas naming dalawa. Paano na ako? Paano na ang mga anak namin?“L–Love, bumangon ka na riyan. Mahal na mahal kita. Please, huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya…”Hinawakan ko ang kaniyang braso, dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha na wala ng buhay. Pakiramdam ko ay tuluyan akong mawawalan nang malay kapag nakita ko siya sa sitwasyon na hindi na siya babalik pa. Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang braso habang umiiyak ako.“Aray! Fvck!”Nagulat na lamang ako nang bigla itong sumigaw. Dali-dali akong napatayo dahil sa takot.“S–S
Pagkatama nang bala ng baril sa díbdib ni Apollo ay kaagad siyang tumumba. Nakatingin siya sa kalangitan habang naririnig ang matinis na tunog. Halos mapaubo siya dahil sa sakit sa kaniyang díbdib.Habang si Athena naman ay nasa lapag na rin dahil binaril ng pulis ang taling nagsasakal sa kaniyang leeg. Umuubo rin ito habang nahihirapang huminga. Bahagya pa itong sumilip kay Apollo at nalaglag ang kaniyang luha. “Patay na rin dapat ako…” bulong niya. “Hindi dapat si Apollo lang… magkasama dapat kami… ‘till death do us part…”Mabilis naman na nilapitan ni Epifanio si Apollo.“Hoy! Siraulo ka hindi ka puwedeng mamatay!” umiiyak na sigaw ni Epifanio. “Mawawalan ako ng malaking pera!” dagdag pa nito.Para namang nainis si Apollo sa kaniyang narinig kaya bigla siyang umupo at binatukan ito.“Ang akala ko pa naman ay natatakot kang mawala ako dahil kaibigan mo ako! Iyon pala ay pera lang din ang inisiip mo!” singhal ni Apollo kay Epifanio.“Bu–Buhay ka pa?!” gulat na tanong ni Epifanio. “Sa
“Akala yata ng mga hayop na 'yon ay mahuhuli nila ako!” sigaw ni Athena at sinundan pa iyon ng malakas na tawa. “Sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ngayon ni Melody. Susunod-sunurin ko na silang patayin at madali na lang 'yon gawin!”Napakunot naman ng noo si Athena nang mapansin na masyadong marami ang mga tauhan niya na nakasakay sa helicopter.“Hindi ba't sinabi kong dalawa lang ang susundo sa akin? Eh, bakit apat kayong naririto?” kunot noo niyang tanong.Nagtinginan ang tatlong lalaki bago magsalita ang nagmamaneho.“Kinailangan po namin ng dalawa pa incase na kailanganin niyo ng tulong kanina. Inihahanda lang po namin ang aming mga sarili.”Napaisip siya. Alam ng mga tauhan niya kung ano mga dapat na gagawin. Napatingin siya sa nga katawna nito. Hindi niya matandaan na may mga tauhan siyang ganito kalaki ang mga katawan. Halos mga adik, kawatan, at tambay ang kaniyang kinuha dahil mas madali silang mga utuin.Nagkunwari siyang tumango.“Si Vito, naroon na ba sa meeting pl
Hello readers/alabs!Mayroon lamang po sana akong gustong itanong sa inyo bago ko tapusin ang story ni Apollo at Melody.Gusto niyo po ba ng story ng isa sa kambal (Lexus) at dito ko po idurugtong sa story nila Apollo at Melody? Naisip ko lang po kasi since hindi po ako nakabawi sa inyo sa daily update kila Apollo at Melody. Gusto ko pong tuparin sa mga susunod na kabanata pero naisip ko rin po kasi na baka wala ng nagbabasa. Kaya gusto ko po sanang malaman ang opinyon niyo. 🥹🫶Comment YES if GUSTO niyo po at i-upload ko po bukas din kaagad! Maraming salamat po sa inyong pagbabasa! 🤗🫶– Miss Febbyflame/Sashi
“Bitawan niyo 'ko! Ano ba? Saan niyo dinala ang anak ko?!” malakas na sigaw iyon at papalapit sa kanilang puwesto.Pamilyar kay Melody ang boses na iyon ngunit hindi siya sigurado dahil naghehesterical ang babae. Kapwa na lamang na napatingin si Melody at Athena nang biglang pumasok ang dalawang tauhan habang bitbit ng mga ito si Tanny.“T–Tanny?” naiiyak na bulong ni Melody habang may mga pasa at dugo ang labi nito.“Madam, ang lintek na babaeng 'to ay nilaglag tayo!” galit na sambit ng isang lalaking may hawak kay Tanny.Mabilis na tumayo si Athena at kinuha ang buhok ni Tanny.“Punyetà ka talaga! Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na kapag pumalpak ka sa trabaho ay papatayin ko kayo ng anak mo! Talagang wala ka ng takot 'no?!” at malakas na sinampal nito si Tanny.Umiiyak na tumingin sa kaniya si Tanny at bakas na bakas ang sakit na nararamdaman nito.“Stop, Athena! Please, stop!” umiiyak na sigaw ni Melody. “Huwag mo siyang saktan! Maawa ka naman!”“Pati ba naman itong babaeng trumaydo
Melody’s Point Of View.“Kailangan nating bantayan mabuti ang babaeng 'to.”“Oo dahil malaking pera ang makukuha natin dito. Sayang at mukhang masarap din sana itong tikman.”“Oo nga, maputi at makinis pa. At isa pa, hindi pa rin naman ako nakakatikim ng buntis. Kung papalarin sana ay ngayon pa lang.”Nagising ako dahil sa makalas na tawanan. Halos sa aking mga mata ay nanlalabo pa ang aking paningin at tila umiikot pa rin ang paligid ko. Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili bago muling dumilat.Naaninagan ko ang iilang liawanag lamang ngunit mas nananaig ang kadiliman. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng amoy ang aking naaamoy— masangsang at mabaho. Nang ipalibot ko ang aking paningin ay doon ko napagtanto na nasa isang abandonadong bahay ako.Puno ng alikabok ang lugar na ito. Pinilit kong gumalaw pero kaagad ko rin na naramdaman na nakatali ang aking dalawang kamay at ganoon din ang aking mga paa. Nagsimula akong matakot at kabahan lalo na nang biglang bumukas ang isa
“Can you fvcking shut up? Hindi ako makapag-focus na pigilan ang luha ko!” inis na bulong ni Apollo.“Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng tissue? Alam mo naman na iyakin ka.” natatawang bulong naman ni Epifanio.Bumalik ang atensyon ni Apollo kay Melody nang magpatuloy itong muling maglakad papalapit sa kaniya. Walang mapaglagyan ang saya sa kaniyang puso. At sinong hindi maiiyak kung ganito kaganda ang kaniyang mapapang-asawa?Nangako siya na kahit anong mangyari ay ibibigay niya kay Melody lahat ng pangarap nito. Walang perpektong relasyon, pero kilala niya ang kaniyang sarili at hinding-hindi siya gagawa pa ng ikakasakit ni Melody.Sa isip ni Apollo ay taimtim siyang nagpapasalamat at nagdarasal.“She is absolutely gorgeous. Thank you, God. Thank You, for giving me her as my wife. As we bow to You right now, kasabay nito ang pagbibigay namin sa Iyo ng kung anong nais mo sa amin. I do not deserve her, but yet you gave her to me. And I am forever grateful, God.”Dumating sa kanilang ha
Melody’s Point Of View.Ngayong araw ang itinakda para sa aming wedding ni Apollo. Kahit malakinna ang tiyan ko ay hindi pa rin natinag si Apollo para hindi ituloy ngayon dahil ayaw niyang kasabay niyang ikakasal si Alas. Loko-loko talaga ang lalaking iyon.Habang nakatingin ako sa malaking salamin ay hindi mawala sa akin ang malawak na ngiti sa aking labi. Himas-himas ko ang aking tiyan dahil kitang-kita na rin ang aking baby bump. Ako na lang ang narito sa dress making room, at nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at naroon si Apollo. “What are you doing here?” kunot noo kong tanong.“You’re so gorgeous, love.” he said instead, answering my question. I saw his mesmerizing eyes while looking at me. Lumapit siya sa akin at kaagad hinapit ang aking beywang.“Bawal ka rito, love! Bawal pa tayong magkita!” natatawa kong saad ngunit nananatili itong nakatitig sa aking mga mata.“Eh, gano’n din naman. Magkikita pa rin tayo. Ikakasal pa rin naman tayo. I just want to check something