Lumipas ang ilang araw ngunit ganoon pa rin ang posisyon ni Lianna sa mga Montecarlo. Napadaing siya ng batuhin siya ni Claudia ng isang magazine sa kanyang ulo.“Trash! Hindi ba sinabi ko sa'yo na gusto ko ng mainit ng tsaa?” galit na tanong ni Claudia sa kanya.Hindi alam ni Lianna ang kanyang gagawin. Kanina lamang ay mainit ito ngunit halos ilang oras nang hindi pinapansin ni Claudia ang tsaa kaya lumamig ito.“M-Mainit po 'yan,” dahilan niya na mas ikinagalit ni Claudia.“Sumasagot ka pa! Wala kang karapatan na sagutin ako dahil isa ka lamang hampas lupa na pinulot ng pinsan ko sa basurahan!” galit na sigaw ni Claudia saka kinuha ang tasa na may tsaa at isinaboy sa mukha ni Lianna.Napangiwi siya ng naramdaman niya ang init ng tsaa ngunit hindi na siya umimik.“What are you doing, Claudia?” mabagsik na tanong ni Mauricio sa kanyang pamangkin.Claudia rolled her eyes and looked at Lianna with fury. Huminga ito ng malalim at saka lumingon sa kanyang tito ng may ngiti sa kanyang labi
Napasulyap si Matilda sa kanya ng may pang-aalipusta sa kanyang mukha. Nakangisi ito habang umiiling sa kanya. Si Claudia naman ay pinipigilan na huwag ngumisi ngunit natutuwa siya na nagkakaroon siya ng kakampi sa tuwing sinasaktan niya si Lianna. Nakataas ang kilay niya at sumabay sa pagtawa ni Matilda.“Come on, iha! Don't waste our freaking time on someone like her. Mahal ang oras ko,” mayabang na sabi ni Matilda.Nagpasya si Matilda na tumalikod na lamang. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng galit kay Lianna kahit unang beses pa lamang nila na nagkita. Nagpaiwan saglit si Claudia at saka dinuro si Lianna sa kanyang noo.“Magpasalamat ka at pinigilan ako ni tita Matilda. Kundi ay baka sinampal na kita,” gigil na sabi ni Claudia.“Hindi ka nababagay sa pamilyang ito, Lianna. Hindi ako titigil hanggat hindi ka umaalis sa pamamahay namin,” dagdag ni Claudia saka tinulak siya upang mauntog ang kanyang ulo sa pader.Napangiwi naman siya sa sakit ng pagkakauntog ng kanyang ulo
Nanginginig na sumunod na lamang si Lianna sa gusto ni Emmanuel. Nagtataka siya dahil isa sa rules ni Emmanuel ay bawal niya itong makatabi mismo sa pagtulog kaya binigyan siya ni Emmanuel ng sarili niyang kwarto.“I want to sleep,” pabulong na sambit ni Emmanuel sa kanya. Hinila siya nito na parang nababagalan na sa kanyang pagkilos. Parehas sila humiga sa kama ng walang imik. Nakatulala lamang si Lianna habang hinihintay si Emmanuel na makatulog. Ngunit siya pala ang nakatulog ng mahimbing sa tabi ni Emmanuel. Nagulat na lamang siya nang siya’y magising na magkayakap silang dalawa ni Emmanuel.Napalunok siya ng nakatapat mismo ang gwapong mukha ni Emmanuel sa kanya na parang mahimbing ang tulog ng lalaki. Kitang-kita niya ang kakisigan ni Emmanuel na nagbigay rin ng atensyon sa kanya sa tuwing nagpupunta ito sa coffe shop na dating pinagtatrabahuan niya.“Stop staring at me, Lianna,” agad na salita ni Emmanuel kaya napayuko na lamang siya sa sobrang kahihiyan. Tatayo na sana si
Galit.. galit na galit ang nararamdaman ni Emmanuel ng nakita niya si Lianna at ang kanyang kapatid na masyadong malapit sa isat isa. He wanted to strike his brother for crossing his line, but he really wants to castigate Lianna for defying him. Seeing Lianna smiling at Jaime makes his blood boil in rage since he expected Lianna to follow his orders at all times.He wants to trust Lianna because she’s his wife. She’s his property. A property that he’s willing to fight that no one can snatch away from him.When he sees Lianna working in the cafe, he swears that he will do everything to get her, by hook or by crook. He was too attracted by her innocence and how she obeyed. Whenever he saw her, his sexual desire that he hide in a long time grow that he can’t stop himself to think about her all the time. Lianna wakes his growing desire for how she moaned in pain and in pleasure.“I said, come here! Don’t wait that I’ll repeat my freaking words, Lianna,” Emmanuel said in fury.Lianna shakes
Nakatulala lamang si Lianna habang nakaupo sa gilid ng pinto. Ilang oras na tanging pag-iyak niya lamang ang naririnig sa buong kwarto. ‘Wala kang puso, Emmanuel!’ sabi niya sa kanyang isip. ‘Makakaalis ako rito, sinusumpa ko 'yan,’ sumpa niya sa kanyang isipan.Nararamdaman pa niya ang pamamanhid ng kanyang balakang na tinamaan ng sinturon kanina ni Emmanuel. Nararamdaman din niya ang pananakit ng kanyang sentro sa pagiging marahas ni Emmanuel sa kanya. Para sa kanya ay mga baliw ang mga miyembro ng mga Montecarlo at isipin pa lamang niya na magtatagal siya ay baka magpakamatay na lamang siya. Dalawa lamang ang pagpipilian ni Lianna kundi ang tumakas o magpakamatay na lamang.Inabot na ng madaling araw ay mas nakaramdam na rin siya ng gutom. Nagdesisyon siya na matulog na lamang kaya naglakad siya papunta sa malaking kama. Humiga siya roon at saka agad na ipinikit ang kanyang mga mata.‘Kailangan mo ng lakas, Lianna,’ bulong niya sa kanyang sarili.‘Kailangan mo makatakas sa mahig
Natigilan siya ng nakita niya si Emmanuel na nakatitig lamang sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya na para bang pinagmamasdan ni Emmanuel ang kanyang itsura. Napatungo siya saka uminom ng kape na ginawa niya.“I love your coffee,” Emmanuel whispered those words.Pakiramdam niya ay mababagsak niya ang tasa na hawak niya dahil sa sinabi nito. Napasulyap siya kay Emmanuel at mukhang malamlam ang mga mata nito. Daig pa nito ang nangungusap sa kanya. Napalunok siya dahil sa titig ni Emmanuel.“B-Bakit ka po nakatitig sa akin?” nauutal na tanong niya kay Emmanuel.Umiwas ng tingin si Emmanuel at inayos pa ang neck tie niya. Tumikhim ito na parang hindi mapakali habang nakatingin sa kanya.“Maayos ka na ba?” tanong ni Emmanuel sa kanya.Napalunok naman siya sa tanong nito dahil alam niya na gusto na naman siya nitong pahirapan. Hindi naman pwedeng humindi siya dahil parte ng kontrata na kung gusto ni Emmanuel na gawin ang bagay na 'yon sa kanya ay bawal siyang kumontra.Tumayo siya ng t
Tanging pagtakbo lamang ang nagawa ni Lianna habang papalabas sa gubat na malapit sa mansyon ng mga Montecarlo. Hawak niya ang kanyang maliit na bag na may laman na kakarampot na pera ng nakarinig siya ng kaluskos na parang may humahabol sa kanya.‘Lianna, kailangan natin makatakas dito!’ sambit niya sa kanyang isip ngunit huli na niya napansin ang isang ugat sa puno kaya siya ay nadapa.Sinusumpa niya na hindi na siya babalik sa pamilya ng mga Montecarlo dahil sa labis na ugali nila. Nagdesisyon agad siyang tumayo saka tumakbo ulit dahil malapit na siyang makaalis sa gubat.“Hanapin niyo siya!” sigaw ng kung sino. Nanglaki ang mga mata ni Lianna ng narinig iyon kaya mas binilisan niya ang pagtakbo palabas ng gubat.Emmanuel angrily smashed the luxury vase in his room. Galit na galit siya ng nagising siya ay wala si Lianna sa kwarto niya. Napalingon siya sa kanyang phone saka sinagot ang tawag ng isa sa kanyang mga tauhan.“Senyorito, patay na po si Mr. Edmund Alcantara. Inatake raw p
Nanginginig si Lianna habang nakasakay sa isang bus palabas ng Alegria. Hindi niya alam kung bakit sobrang bilis ng kanyang puso at halos nahihirapan siyang huminga. Iniisip niya ang kanyang tatay ngunit iniisip niya na lamang ulit na baka ay nasa maayos ito na lugar ngayon.Napasulyap siya sa bintana at nakita niya ang malagong mga puno sa lalawigan ng Alegria. Nakadagdag sa ganda nito ang mga palayan.“Kailangan mong kumalma, Lianna. Nakatakas ka na sa mga Montecarlo,” bulong niya sa kanyang sarili. Ngunit hindi iyon nakapag-alis ng tensyon sa kanyang sarili. Halos nahihirapan siyang huminga dahil pakiramdam niya ay may unti-unting nawawala sa kanyang pagkatao.Biglang huminto ang bus na sinasakyan nila sa mismong labasan ng Alegria. Napalunok siya ng nakita niya ang mga armadong lalaki na kumakausap sa bus driver.“May kailangan lang kami hanapin,” sabi ng armadong lalaki. Nagpakita ito ng isang papel.“May pinapahanap sa amin si sir Marcus na isang tao,” dagdag ng lalaki kaya tuma
MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng
NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni
HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap
ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel. Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E
NANGLAKI ang mga mata ni Lianna ng narinig niya ang sinabi ni Mauricio. Pakiramdam niya ay isang malaking kapahamakan kung malalaman niya ang sikreto nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng daanan na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag kaya agad siyang naglakad papunta sa kanilang kwarto ni Emmanuel.Anong ibig sabihin ni Mauricio? Pinatay ba nito ang kanyang kapatid? Akala niya ay nag-iisa lamang itong anak ng Montecarlo kaya namana nito ang kayamanan ng mga Montecarlo.“Saan ka galing?” Kinabahan si Lianna ng narinig niya ang boses ni Emmanuel. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya saka dahan-dahan humarap dito.“Nag-ikot-ikot lamang ako sa mansyon. Nagtatagal na ako rito ngunit hindi ko pa kabisado,” Dahilan niya. Napapikit siya upang alisin ang nerbyos na nararamdaman niya.“Ganoon ba? Bakit kailangan mong libutin ang mansyon, Lianna? Baka naman kasama mo si Jaime” “Hindi ko alam kung nasaan si Jaime, Emmanuel. At saka pupunta na talaga ako s
ILANG araw na hindi napalagay si Emmanuel dahil sa mga sinabi ni Lianna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto ng mga salita ni Lianna sa kanya. Hindi bat tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila? Ngunit bakit ngayon ay para mas gusto niyang palalimin ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. Masyadong bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. At ang emosyon na iyon na pilit pumapasok sa kanyang puso ay hindi niya gusto. Hindi niya gusto na magkagusto kay Lianna dahil hindi nakaj siya sigurado kung may nararamdaman ba ito sa kanya. Paano kung wala? Ano ang kanyang gagawin sa susunod?Napalingon siya kay Jaime at Lianna na nakangiti sa isat isa. Nagdidilig ng mga halaman si Lianna ng dumating si Jaime upang kulitin ito. Kung tutuusin ay konti lamang ang taon ng pagkakaiba nila Jaime at Lianna.‘Anong ginagawa na naman ni Jaime? Hindi niya ba alam na nandito ako!’Malalim na huminga si Emmanuel saka mas pinanood ang mga gagawin ni Jaime sa kanyang asawa. Gusto niy
GALIT ang namamayani kay Ishmael ng narinig niya ang bagay na 'yon. Talagang, hindi siya pinakinggan ni Claudia at basta na lamang nito ginawa kung ano man ang gustuhin nito. Naging madilim ang kanyang mukha saka pinilit na ngumiti dahil nakatingin si Savannah sa kanya. Napalunok siya saka naging matalim ang tingin kay Claudia na nakangiti sa kanya.‘Damn! Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin, Claudia!’ isip ni Ishmael.Pinilit niyang tumawa at ipinakita sa mga tao na masaya siya. Bakit ba hindi siya sinusunod ni Claudia? Wala na ba itong tiwala sa kanya? Ilang beses niya bang dapat sabihin na maghintay lamang ito sa pinaplano niya!“Bautista, ang swerte mo na maka-asawa ng isang Montecarlo,” Bakas ang sarkasmo sa boses ni Ishmael. Pangatlo lamang ang mga Bautista kung tutuusin kaya hindi niya maisip ang sinasabi parati sa kanya ni Claudia.“Kuya Ishmael, swerte rin naman ako kay Jerald," Agad na sabi ni Claudia. Hinawakan niya sa kamay si Jerald na parang kino-comfort niya ito.
Napangisi naman si Claudia habang nakatingin kay Lianna napasulyap siya kay Jaime na walang reaksyon sa kanyang mukha. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ni Jaime na nakatingin lamang kay Lianna. Bakit ba hindi siya pinapansin nito?“K-Kuya Jaime, hindi mo ba ako iko-congratulate?” Napangiti siya ng lumingon si Jaime sa kanya ngunit walang emosyon ang gwapong mukha nito.“Congratulations, then. And condolence for you Jerald,” Malamig na sabi ni Jaime. Natigagal si Jerald at Claudia sa sinabi ni Jaime sa kanila. Anong ibig sabihin nito?“Since you succeeded in achieving your goal, congratulations, Claudia. I also feel sorry for you, Jerald, as the woman you select will make your life a complete disaster,” Jaime coldly said.Claudia restrained herself from exploding in rage at what she had heard. She felt insulted by Jaime's negative opinion of her. She was more kind than Lianna, but Jaime failed to notice it. She forced herself to grin when she saw Jerald, but she had to swallow t
LUMIPAS ang ilang araw ay naging maayos naman ang buhay ni Lianna sa mansyon ng mga Montecarlo. Ilang araw na rin na nakapagpahinga siya kay Emmanuel dahil hindi na ito umuuwi pa. Masyado itong busy sa isang proyekto nito na paparating.“Nandito pala ang isang anay,” Napatigil si Lianna sa pagpupunas ng hagdan ng narinig niya ang boses ni Savannah. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang ang laki ng kasalanan niya rito.Gustong ngumiti ni Lianna dahil nakita niya ang papagaling na mga pasa sa mukha ni Savannah. Akala ba ni Savannah ay uurungan niya ito? Nagkakamali ito ng inaapi dahil hinahayaan lang naman niya na apihin siya ni Claudia. Ngunit kung tutuusin ay pwede siyang gumanti na pinipigil niya sa ngayon.“Magandang umaga, Savannah. Ano ba ang mapaglilingkod ko ngayon?” Naging magalang si Lianna saka nagpunas ulit ng hagdan. Nagulat siya ng may nahulog na mga putik sa hagdan saka nakangising tumawa si Savannah sa kanya.“Katulong ka rito, hindi ba? Punasan mo ulit 'yan para