Hello po, maraming salamat po sa inyong pagsuporta. Ano po sa tingin niyo ang mangyayari kay Lianna? At saka iboto niyo na po sila Lianna at Emmanuel. Maraming salamat po sa inyong pagbabasa ng kwento na ito. May isa pa po akong story, I'm secretly married to a Playboy po. Godbless
MASAKIT ang puso ni Lianna dahil sa kanyang mga narinig. Ngunit mabuti na lamang ay nakahanda ang puso niya sa sinabi ni Emmanuel. Napakagat siya sa kanyang labi at hindi na nakaangal ng hilahin siya ni Emmanuel upang pumunta sa kanilang kwarto.Narinig na lamang niya ang pagsigaw ni Jaime sa kanyang pangalan. Halos kaladkarin na siya ni Emmanuel paitaas ng hagdan.“Didn't I tell you to stop talking to my brother?” malamig na sabi ni Emmanuel sa kanya.Pumasok agad sila sa kwarto at pabalya siyang itinulak ni Emmanuel sa kanyang kama. Tumitig lamang ito sa kanya saka umalis sa kanyang harapan upang may kunin. Ilang minuto ay may dala na itong medical kit saka tumabi sa kanya.“Don't ask,” utos ni Emmanuel kahit wala naman siyang itatanong talaga. Napangiwi siya ng nagsimula ng linisin ni Emmanuel ang kanyang sugat sa noo. Nanglaki ang mga mata niya ng halos malapit na ang mukha ni Emmanuel sa kanya.“Bakit ba kasi hindi ka lumalaban?” Bakas ang galit sa tono ni Emmanuel habang sinasabi
“Emmanuel!” malakas na sigaw ni Bea. Galit siyang tumingin kay Lianna na nakatungo lamang. Halos sumabog ang selos na nararamdaman niya, matagal niya ng gusto si Emmanuel ngunit bakit ba hindi siya nito pinapansin?“Why?” yamot na tanong ni Emmanuel.Ngumiti ng malambing si Bea saka umirap kay Lianna. Niyakap niya si Emmanuel saka marahan na inamoy ito. Bakit ba ang bango ni Emmanuel?“Please, ipasyal mo naman ako ngayon sa mansyon niyo,” malambing na sabi ni Bea.“Si Savannah ang ayain mo. Busy ako,” malamig na sagot ni Emmanuel.Hihilain niya na sana si Lianna ng hinila naman siya ni Bea. Bakit ba hindi natatakot ang babaeng ito sa kanya? Hindi porke anak siya ni Matilda ay magiging mabait na siya rito. Kung tutuusin para sa kanya ay isa lamang anay si Matilda at Bea sa pamilya ng mga Dela Gado. Nakakapagtaka lamang na masyado silang close ni Savannah.“E-Emmanuel, ipasyal mo po muna siya,” mahinang sabi ni Lianna sa kanya. Napatigil siya. Pinamimigay ba siya ni Lianna sa babaeng li
Tanging kahihiyan lamang ang nararamdaman ni Lianna dahil sa sinabi ni Emmanuel sa kanya. Inaasar ba siya nito? Kung ganoon ay gusto na niyang tumakbo sa labis na kahihiyan. Nainis lang naman siya sa mga sinabi ni Bea ngunit mukhang hindi naman iyon napansin ni Emmanuel. Mas napansin nito ang kanyang mga sinabi na may halong pagmamalaki.“Nakagat mo ba ang dila mo, slave?” tanong ni Emmanuel sa kanya.Ano nga ba ang dapat niyang maging reaksyon? Dapat ba siyang tumalon sa tuwa o itago ang kanyang namumulang mukha? Napayuko na lamang siya at hindi niya kayang magsalita sa harapan ni Emmanuel.“I miss my slave, miss mo na ba ang master mo?” pang-aasar ni Emmanuel. Hindi na lamang siya umimik dahil pakiramdam niya ay baka magbago ang mood ni Emmanuel kapag sumagot siya. Naging seryoso naman ang tingin ni Emmanuel sa kanya. Agad siyang pinatingala nito at saka tinitigan. Nakaramdam naman siya ng kahihiyan, kailangan sa harapan ni Emmanuel ay parati siyang inosente. Mas gusto ni Emmanuel
Nakatingin lamang si Jerald sa papalayong pigura ng babaeng ‘yon. Ang sabi ay mahihina raw ang mga babae ngunit si Savannah Dela Gado ay hindi. Ang mga Bautista ay kilala sa isang underground battle at isa mismo si Jerald sa pinakamagaling doon. Naalala niya kung paano nga ba nakapunta si Savannah roon, pinagtatawanan pa nila ito dahil para sa kanila ay isa lamang hamak na babae ito. “Sa oras na matalo ko kayo, lahat ng gusto ko ay gagawin niyo. You’ll be my pawn, Bautista!” Savannah shouted like she was one hundred percent sure that she would win against him. Nang oras na iyon ay nagising na lamang si Jerald sa hospital na siya ng oras na yon. He can’t believe that Savannah will knock him out with one punch. Nawalan siya ng malay at hindi niya matanggap iyon. “I won, and you’re my pawn now,” Savannah said when she visited him in the hospital. She walked toward him and smiled at him. That time, Jerald didn’t know that the woman in front of him was Savannah Dela Gado. The successor
“Lianna, may ginagawa ka ba rito ngayon sa mansyon?” Nagulat si Lianna nang biglang nagsalita si Savannah sa kanya, Tinutulungan niya ang mga katulong na maglinis ng buong mansyon dahil nakita niya si Claudia na masama ang tingin sa kanya. Napatungo siya dahil kitang-kita ang mamahalin na damit ni Savannah. Masyadong mamahalin ang mga damit na suot nito, hindi niya akalain na masyadong mapagbigay si Ishmael sa kanyang asawa. Daig pa nito ang may pupuntahan parati. “Kung wala kang gagawin ay magpapasana ako sa'yo na mag-mall,” nakairap na sabi ni Savannah. Tinago nito ang pasimpleng pagngisi na parang may binabalak ito na hindi maganda sa kanya ngunit ano nga ba iyon? “Marami po akong gagawin ngayon sa mansyo
Nanglalaki ang mga mata ng manager at ang mga kasama nitong sales lady. Nanginginig ang kamay ng manager habang inaayos ang payment sa cashier. Hindi siya makapaniwala na nakakita siya ng pinakamamahalin na card sa mundo. Hindi niya akalain na nagkamali sila ng inalipusta.Seryoso lamang si Lianna habang nakatingin sa kanila ng dumating si Jonathan sa tabi nito.“Ayaw mo bang dalhin itong card mo? Para kung mangyari ito ay may ipapangbayad ka,” nakangising tanong ni Jonathan sa kanya.“Hindi naman na kailangan. Nandyan ka naman para mahingian ko ng tulong,” nakangising sagot din ni Lianna kaya sumimangot si Jonathan sa kanya. Lihim na napangiti si Jonathan ngunit pinigilan niya na ipakita iyon kay Lianna.
NAPAAWANG ang labi niya ng nagsimulang maglakad si Emmanuel papunta sa kanya. Hindi niya inaalis ang mga mata kay Emmanuel na puno ng pagnanasa ang mga mata nito. Agad siyang binuhat ni Emmanuel at saka pinaupo sa sink. Ipinaghiwalay nito ang kanyang hita saka pumusisyon sa kanyang gitna.“Lianna, I lust you so much. Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko kanina. Gustong-gusto ko na lumalaban ka kay Ishmael at Claudia,” mahinang bulong ni Emmanuel sa kanya.Napalunok siya dahil sa ibinulong ni Emmanuel sa kanya ngunit naramdaman niya ang paglagay ni Emmanuel ng blind fold sa kanya. Napakagat siya ng labi ng marahas na kurutin ni Emmanuel ang kanyang korona.“I want to drink my favorite wine while licking your body because I miss drinking it with you,” bulgar na sabi ni Emmanuel sa kanya na nagbigay ng kiliti sa kanyang sistema.Naramdaman niya ang pagbuhos ni Emmanuel ng wine sa kanyang katawan na agad naman nitong tinikman. Emmanuel kept licking and sucking her chest, making her gro
NATAPOS si Lianna sa pagluluto ngunit hindi na maialis ni Emmanuel ang kanyang mga mata sa babaeng nasa harapan. Napahanga siya sa magandang pagkakadisenyo ni Lianna sa kanilang plato. Pakiramdam niya ay gusto na niyang ubusin ang pagkain saka sila magkukulong ni Lianna sa loob ng kanilang kwarto hanggang sila'y mapagod.“Bakit ang ganda ng pagkakagawa ng kay Kuya Emmanuel habang ang akin naman ay hindi, Lianna. Magtatampo na ba ako?” panira na sabi ni Jaime. Ngumisi pa ito sa kanyang kuya saka kumindat.Galit naman na tiningnan ni Emmanuel ang bunsong kapatid na si Jaime. Ano ba ang ginagawa ng lalaking ito? Nakikihati na nga lang sa niluto ni Lianna para sa kanya ay may gana pang umangal! Pakiramdam ni Emmanuel ay gusto na niya itong sapakin dahil kung tutuusin ang lahat ng pagkain ay para lamang sa kanya. Nakikipagpaligsahan ba ito?“Sorry, Jaime. Pero kasi si Emmanuel talaga ang lulutuan ko, gusto ko kasi na maging presentable ang lahat sa mga mata niya,” nahihiyang sabi ni Lianna
MALAKAS ang pagkabog ng puso ni Lianna ng mapatingin siya sa pintuan. Mas lalong lumakas din ang paghampas ni Emmanuel sa pinto na parang nasa peligro ang kanyang buhay.Agad niyang isinuot ang nilalagay niya sa kanyang mga mata upang hindi makilala ng kung sinu-sino. Madali lamang makilala na isa siyang Dela Gado kapag nakita ng mga tao ang kulay ng kanyang mga mata.Huminga siya ng malalim at tumitig sa salamin upang pakalmahin ang kanyang sarili.“Sh*t! What took you so long to open this damn door?” Malakas na boses ni Emmanuel ang bumungad sa kanya. Puno ng takot ang gwapong mukha nito na para bang mamamatay siya sa loob ng banyo.“E-Emmanuel, anong nangyari? Gumamit lamang ako ng banyo,”“Akala ko may nangyari sa'yo rito. Nakita ko si Savannah na papunta sa parking lot kanina,.. I thought she did something bad on you!”Kinagat ni Lianna ang kanyang labi habang nakatingin kay Emmanuel. Nagulat siya ng hilahin siya nito upang yakapin. Nahihirapan siyang lumunok dahil kahit parte ng
NGUMITI si Savannah sa kanyang asawa na si Ishmael. Base sa kanyang pagkakaalala ay galing si Lianna sa hindi kilalang pamilya. Daig pa nito ang isang kahig at isang tuka, kaya nagpakasal ito kay Emmanuel. Sino nga ba si Lianna at bakit malakas ang loob nito na banggain siya?“Bakit parang hindi ko nakikita si Lianna? Gusto ko sana na magpatimpla sa kanya ng kape,” Malungkot na sabi niya. Nakita niya ang pagbabago ng mukha ni Ishmael ng narinig niya ang pangalan ng babae.“Nasa hospital siya. Nadulas siya sa hagdan,” Gustong tumawa ni Savannah. Hindi naman siya tanga upang hindi malaman ang totoo. Nalaman niya sa mga katulong na tinulak ni Claudia si Lianna sa may hagdan. Umakto siya na nag-alala.“Kumusta raw siya? Buhay pa ba siya? Oops, I mean, okay lang ba siya?” Pinakita niya ang kanyang malungkot na mukha na para bang nag-aalala siya ng todo para sa babae.“Hindi pa namin alam. Hindi pa naman umuuwi rito si Emmanuel,”“Hmmm… Maganda yata na dalawin ko si Lianna. Bilang hipag ni
HINDI mapakali si Claudia dahil sa nangyari. Hindi umaayon ang lahat sa kanyang plano. Paano kung may gawin si Emmanuel sa kanya? Hindi pwede 'yon lalo nat malapit na siyang ikasal sa isang miyembro ng mga Bautista.‘Masamang damo ka talaga, Lianna! Bakit ba hindi ka pa namatay sa isang tulak lang,’ Galit na sabi niya sa kanyang isip. Ilang beses na siyang pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.Nagulat siya ng narinig niya ang malakas na katok sa pintuan. Tumigil siya sa paglalakad at saka tinitigan ang pintuan. Paano kung si Emmanuel ang kumakatok? Bigla siyang nakaramdam ng takot.He knows what Emmanuel was capable of. Sadyang nahuli lamang siya nito sa akto. Si Emmanuel ang isa sa iniiwasan niyang miyembro ng mga Montecarlo. Tahimik lamang ito sa isang tabi, at mahirap malaman kung ano nga ba ang nasa isip nito.“Claudia, buksan mo ang pintuan,” Nakahinga si Claudia ng maluwag ng narinig niya ang boses ni Ishmael. Nagmadali siyang buksan ang pintuan at niyakap si Ishmael ng nakap
ANG MABILIS na pagbagsak ni Lianna ay ikinatili ng mga nakasaksi sa mga nangyari. Hindi makapaniwala si Claudia na nasa mansyon si Emmanuel. Palalabasin niya sana na aksidente ito ngunit nakita mismo ni Emmanuel ang pagtulak niya rito.Ang malakas na sigaw ng mga katulong ang nagkuha ng atensyon ni Jaime. Nanglaki ang mga mata nito at agad pinuntahan si Lianna na wala ng malay.“You, fucking bitch! Anong karapatan mo na itulak ang asawa ko!” Malakas na sigaw ni Emmanuel. Agad niyang hinaklit si Claudia saka ito gigil na sinakal.Hindi makapaniwala si Emmanuel sa ginawa ni Claudia. Ang pasimple nitong pagmamaltrato ay pinapabayaan lamang niya ngunit ang itulak sa hagdan si Lianna ay hindi na maari.“Hindi ka talaga natatakot sa akin, Claudia! Ang lakas ng loob mo dahil ba kabit ka ni Ishmael!” Tanging pula na lamang ang nakikita ni Emmanuel. Halos hindi na makahinga si Claudia dahil sa pananakal ni Emmanuel sa kanya. Bakas ang takot sa kanyang mga mata, hindi niya kayang banggain si E
NANGLAKI ang mga mata ni Lianna ng narinig niya ang sinabi ni Mauricio. Pakiramdam niya ay isang malaking kapahamakan kung malalaman niya ang sikreto nito. Dahan-dahan siyang naglakad papalabas ng daanan na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag kaya agad siyang naglakad papunta sa kanilang kwarto ni Emmanuel.Anong ibig sabihin ni Mauricio? Pinatay ba nito ang kanyang kapatid? Akala niya ay nag-iisa lamang itong anak ng Montecarlo kaya namana nito ang kayamanan ng mga Montecarlo.“Saan ka galing?” Kinabahan si Lianna ng narinig niya ang boses ni Emmanuel. Bakas sa mukha nito ang galit habang nakatingin sa kanya. Napalunok siya saka dahan-dahan humarap dito.“Nag-ikot-ikot lamang ako sa mansyon. Nagtatagal na ako rito ngunit hindi ko pa kabisado,” Dahilan niya. Napapikit siya upang alisin ang nerbyos na nararamdaman niya.“Ganoon ba? Bakit kailangan mong libutin ang mansyon, Lianna? Baka naman kasama mo si Jaime” “Hindi ko alam kung nasaan si Jaime, Emmanuel. At saka pupunta na talaga ako s
ILANG araw na hindi napalagay si Emmanuel dahil sa mga sinabi ni Lianna. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nagiging epekto ng mga salita ni Lianna sa kanya. Hindi bat tanging kontrata lamang ang namamagitan sa kanila? Ngunit bakit ngayon ay para mas gusto niyang palalimin ang lahat ng mayroon sa kanilang dalawa. Masyadong bago sa kanya ang kanyang nararamdaman. At ang emosyon na iyon na pilit pumapasok sa kanyang puso ay hindi niya gusto. Hindi niya gusto na magkagusto kay Lianna dahil hindi nakaj siya sigurado kung may nararamdaman ba ito sa kanya. Paano kung wala? Ano ang kanyang gagawin sa susunod?Napalingon siya kay Jaime at Lianna na nakangiti sa isat isa. Nagdidilig ng mga halaman si Lianna ng dumating si Jaime upang kulitin ito. Kung tutuusin ay konti lamang ang taon ng pagkakaiba nila Jaime at Lianna.‘Anong ginagawa na naman ni Jaime? Hindi niya ba alam na nandito ako!’Malalim na huminga si Emmanuel saka mas pinanood ang mga gagawin ni Jaime sa kanyang asawa. Gusto niy
GALIT ang namamayani kay Ishmael ng narinig niya ang bagay na 'yon. Talagang, hindi siya pinakinggan ni Claudia at basta na lamang nito ginawa kung ano man ang gustuhin nito. Naging madilim ang kanyang mukha saka pinilit na ngumiti dahil nakatingin si Savannah sa kanya. Napalunok siya saka naging matalim ang tingin kay Claudia na nakangiti sa kanya.‘Damn! Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin, Claudia!’ isip ni Ishmael.Pinilit niyang tumawa at ipinakita sa mga tao na masaya siya. Bakit ba hindi siya sinusunod ni Claudia? Wala na ba itong tiwala sa kanya? Ilang beses niya bang dapat sabihin na maghintay lamang ito sa pinaplano niya!“Bautista, ang swerte mo na maka-asawa ng isang Montecarlo,” Bakas ang sarkasmo sa boses ni Ishmael. Pangatlo lamang ang mga Bautista kung tutuusin kaya hindi niya maisip ang sinasabi parati sa kanya ni Claudia.“Kuya Ishmael, swerte rin naman ako kay Jerald," Agad na sabi ni Claudia. Hinawakan niya sa kamay si Jerald na parang kino-comfort niya ito.
Napangisi naman si Claudia habang nakatingin kay Lianna napasulyap siya kay Jaime na walang reaksyon sa kanyang mukha. Tumikhim siya upang makuha ang atensyon ni Jaime na nakatingin lamang kay Lianna. Bakit ba hindi siya pinapansin nito?“K-Kuya Jaime, hindi mo ba ako iko-congratulate?” Napangiti siya ng lumingon si Jaime sa kanya ngunit walang emosyon ang gwapong mukha nito.“Congratulations, then. And condolence for you Jerald,” Malamig na sabi ni Jaime. Natigagal si Jerald at Claudia sa sinabi ni Jaime sa kanila. Anong ibig sabihin nito?“Since you succeeded in achieving your goal, congratulations, Claudia. I also feel sorry for you, Jerald, as the woman you select will make your life a complete disaster,” Jaime coldly said.Claudia restrained herself from exploding in rage at what she had heard. She felt insulted by Jaime's negative opinion of her. She was more kind than Lianna, but Jaime failed to notice it. She forced herself to grin when she saw Jerald, but she had to swallow t
LUMIPAS ang ilang araw ay naging maayos naman ang buhay ni Lianna sa mansyon ng mga Montecarlo. Ilang araw na rin na nakapagpahinga siya kay Emmanuel dahil hindi na ito umuuwi pa. Masyado itong busy sa isang proyekto nito na paparating.“Nandito pala ang isang anay,” Napatigil si Lianna sa pagpupunas ng hagdan ng narinig niya ang boses ni Savannah. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang ang laki ng kasalanan niya rito.Gustong ngumiti ni Lianna dahil nakita niya ang papagaling na mga pasa sa mukha ni Savannah. Akala ba ni Savannah ay uurungan niya ito? Nagkakamali ito ng inaapi dahil hinahayaan lang naman niya na apihin siya ni Claudia. Ngunit kung tutuusin ay pwede siyang gumanti na pinipigil niya sa ngayon.“Magandang umaga, Savannah. Ano ba ang mapaglilingkod ko ngayon?” Naging magalang si Lianna saka nagpunas ulit ng hagdan. Nagulat siya ng may nahulog na mga putik sa hagdan saka nakangising tumawa si Savannah sa kanya.“Katulong ka rito, hindi ba? Punasan mo ulit 'yan para