Enrique's PovKanina pa ako tumatawag sa cellphone ni Aleya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Bigla kasi akong kinabahan at siya agad ang pumasok sa aking isip kaya agad ko siyang tinawagan. Hindi ko mabilang kung nakailang tawag na ako sa kanya ngunit ring ng ring lamang ang cellphone niya. Hindi naman siguro siya galit sa akin para hindi sagutin ang tawag ko. Wala naman siyang dahilan para magalit sa akin maliban kung nagalit siya sa amin dahil sa nangyari sa aming dalawa nang gabing iyon. Ngunit nakalipas na iyon at masyado naman yatang late kung ngayon pa siya magagalit sa akin. Iaong beses na nga kaming nagkausap, eh. At saka siya na rin ang nagsabi sa akin na hindi ito ang tamang oras para pag-usapan naman ang nangyari sa aming dalawa. We're both adults and I think we also love each other. Kahit hindi niya aminin sa akin ay nararamdaman kong mahal din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya nirespeto ko ang kagustuhan niyang huwag muna naming pag-usapan ang nang
Enrique's PovHalos maglagutukan ang mga buto ko sa aking kamao dahil sa matinding pagkakakuyom nang maalala ko kung sino ang may-ari ng mamahaling brand na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Tito Abner ang may-ari ng relong iyon. Siya ang nagpadukot kay Aleya."Si Tito Abner ang nagpadukot kay Aleya. Siya ang may hawak ngayon ang may hawak sa kanya," nagtatagis ang mga ngipin na pagababalita ko kay Deo. Hayop ang Abner Juico na iyon. Pagpipira-pirasuhin ko ang kanyang katawan kapag pinatay niya si Aleya. "Anong sabi mo, Enrique? Si Abner Juico ang nagpadukot kay Aleya? Paano mo naman nalaman iyon?" nagtatakang tanong naman sa akin ni Deo ngunit katulad ko ay halos maglagutukan na rin ang mga buto nito sa kamay sa higpit ng pagkakakuyom."Oo, Deo. Ang hayop na Abner Juico nga ang nagpadukot kay Aleya.""Paano mo naman mapapatunayan iyon?"In-stop ko muna ang video doon sa nakikita ang relo na suot ng lalaking nanakit kay Aleya na naka-blurred ang mukha."Dahil sa relong suot niya
Aleya's PovNasa loob ako ng isang madilim na lugar at may maliit na liwanag lamang akong natatanaw. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta rito. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Enrique sa pangalan ko at nagmumula sa maliit na liwanag na iyon ang kanyang boses. "Enrique! Enrique, nasaan ka?" malakas kong tanong ko sa kanya."Aleya! Aleya!" tawag ni Enrique sa pangalan ko. Unti-unting lumalayo ang boses niya kaya napatakbo ako papunta sa liwanag para habulin ang boses niya."Nasaan ka, Enrique? Huwag mo akong iwan!" nagpapanic na kausap ko sa kanya. Nang marating ko ang maliit na liwanag ay bigla itong lumaki at naging sobrang nakasisilaw sa mata. Pinaliit ko ang aking mga mata para makakita ako. May naaninag ako na bulto ng isang tao ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Ngunit kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam ng puso ko na si Enrique siya. "Enrique!" malakas kong tawag ulit sa pangalan niya. Nang lumingon siya sa akin ay bigla siyang naging liwanag na
Aleya's PovKahit paano ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat sa gamot at pagkain na lihim na dinadala ni Aling Adelfa sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Ang alam ko ay naka-CCTV ang buong bahay ni Mr. Juico kaya hindi ko alam kung paanong hindi pa nabubuko ng pulitiko ang ginagawang pagta-traydor sa kanya ng kasambahay niya. Pero mabuti nga at hindi natutuklasan ni Mr. Juico ang ginagawang pagtulong sa akin ng lihim ni Aling Aldelfa dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya. Hindi kakayananin ng konsensiya ko kapag may masamang mangyari sa kanya nang dahil sa akin.Apat na araw na akong nakakulong sa loob ng silid na ito at kung hindi ako lihim na dinadalhan ni Aling Adelfa ng gamot at pagkain ay baka patay na ako ngayon. Minsan lang kasi magdala ng tubig ang tauhan ni Mr. Juico na nakatalaga sa pagbabantay sa akin. At kahit isang beses ay hindi pa ito nagdala ng pagkain para sa akin. Kaya kapag pumapasok ito pati na rin si Mr. Juico ay nagpapanggap akong nanghihina dah
Enrique's PovMalakas na sinuntok ko ang dingding ng aking kuwarto. Katatawag pa lamang ngayon ng isa sa mga tauhan ko na inutusan kong bantayan ang bawat galaw ni Tito Abner ngunit ang sabi sa akin ng tauhan ko ay normal lang daw ang kilos ng pulitiko. Mukhang wala raw sa bahay nito si Aleya. Lalo lamang tuloy naragdagan ang frustration ko. Habang tumatagal na hindi ko nahahanap si Aleya ay mas lalong nanganganib ang buhay niya. "Ano ang nangyari, Kuya Enrique? May balita ka na ba kung nasaan si Aleya?" tanong ni Edzel na pumasok sa loob ng aking silid. Lumarawan ang pag-aalala sa mukha ng kapatid ko nang makita nitong dumudugo ang kanang kamao ko. Agad itong napalapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Ano ang ginagawa mo, Kuya? Hindi mo matatagpuan si Aleya kahit pa ilang beses mong saktan ang sarili mo.""Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Aleya, Edzel. Hindi ko alam kung pinapakain ba siya ng hayop na taong iyon o kung ginamot ba ang sugat niya? Baka malala na ang kanyang k
Aleya's PovNgayong nakita ko na si Enrique at nasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay puwede na akong mamatay. Atleast matatahimik na ang kaluluwa ko dahil nakita ko na siya at nasabi ang aking damdamin na matagal kong itinago sa kaloob-looban ko. "Can you walk?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.Mahina akong umiling. "Sinubukan kong tumayo kanina ngunit bigla akong nahilo. Siguro dahil sa taas ng aking lagnat," hinihingal ang boses na sagot ko sa kanya. Dahil sa taas ng lagnat ko at sa sobrang pagod ng katawan sa inabot kong pambubugbog mula kay Mr. Juico at sa mga tauhan niya kaya para akong tumakbo ng mabilis na hinihingal. Mainit na mainit ang aking hininga at pati na rin ang mga talukap ng aking mata."Aleya, kai— nandito na pala ang kaibigan mo," naudlot ang sasabihin sana ni Aling Aldelfa nang bigla siyang pumasok sa kinaroroonan kong silid at makita si Enrique. Natutuwa lumapit siya sa amin ngunit dagli rin iyong nabura at napalitan ng pag-a
Aleya's PovPagmulat ko ng aking mga mata ay nagtaka ako kung bakit nasa loob ako ng ospital. Bakit tila wala akong maalala sa mga nangyari? Naaksidente ba ako kung kaya't narito ako sa ospital? Pero bakit hindi ko maalala ang pangyayaring naaksidente ako? Napaungol ako nang maramdaman ko ang matinding kirot sa loob ng aking ulo dahil sa pagpupumilit kong alalahanin ang mga bagay na hindi ko maalala. Paghawak ko sa ulo ko ay saka ko napansin na nakasuot pala ako ng neck brace. Mukhang naaksidente nga ako at tila grabe ang aking natamong damage kaya may ganito ako sa aking leeg at saka parang nabugbog masyado ang katawan ko. Dahan-dahan kong pinilit na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Sa aktong iyon ako naabutan ng papasok sa pintuan na sina Deo at Tito Zandro na parehong biglang napalapit sa akin nang makita nila akong gising na."Aleya, bakit ka bumangon? Kakagising mo pa lang kaya hindi ka pa maaaring bumangon," nag-aalalang kausap sa akik ni Tito Zandro."Bakit ako narito sa
Aleya's PovNapamulagat ako nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Enrique Villareal. Ako? Bodyguard niya? Ano ang nangyari at naging bodyguard ako ng isang playboy? Bakit ko naman tinanggap ang trabahong iyon? O baka naman hindi siya nagsasabi ng totoo?"Hindi. Hindi ako naniniwala na bodyguard mo ako, Mr. Villareal," masama ang tingin na sagot ko sa kanya. Biglang tumikhim ng malakas si Ninong kaya nabaling sa kanya ang aking mga paningin."Totoo ang sinabi ni Enrique, Aleya. Nagtatrabaho ka nga bilang bodyguard niya. At ako mismo ang nagtalaga sa'yo bilang kanyang bodyguard," ani Ninong Zandro. Hindi ko napigilan ang mapasimangot sa aking narinig. Alam naman ni Ninong Zandro na hate ko ang mga katulad ni Enrique pero bakit niya ako binigyan ng ganoong klaseng trabaho. Pero bakit ko naman tinanggap. At saka nasa narcotic ang linya ko at hindi pagbabantay ng mga mayayamang tao kaya bakit sa akin ibinigay ni Ninong ang trabaho bodyguard ni Enrique. Ngunit propesyunal si Ninong pagdati