Aleya's PovIt's Sunday morning. Maaga akong nagising dahil balak kong magsimba. It's my mom's birthday at hindi ko sila kasama kaya magsisimba na lamang ako para sa kanya. Pagbangon ko sa higaan ay deretso na ako sa banyo at nag-toothbrush pagkatapos ay bumaba ako sa kitchen para humigop ng mainit na kape. Pagkatapos kong magkape ay bumalik na ako sa silid ko at naligo.Isang bestidang plain white na hanggang siko ang manggas at abot naman sa aking tuhod ang haba ang napili kong isuot na pinaresan ko ng sapatos na tennis. Alam ko na marami ang magtataas ng kilay kapag nakita nila ang suot ko dahil nakasuot ako ng dress pero tennis shoes ang sapin sa paa. But it doesn't matter to me. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa suot ko as long as comfortable ako sa aking suot. Hindi ako naglagay ng makeup at tanging pulbo at lip gloss lamang ang kolorete ko sa mukha. Napangiti ako nang makita ang aking sarili sa harapan ng full size na salamin. Para akong si Maria Clara sa
Aleya's PovIsang malamig na tubig ang biglang nagpagising sa aking nahihimbing pang kamalayan. Literal na malamig ang tubig na ibinujos ng sinuman sa aking mukha at ang hula ko ay nilagyan iyon ng yelo bago ibuhos sa akin. Nakapikit ang mga mata na ipinilig ko ang ulo ko ng malakas para kahit paano ay maalis ang tubig sa mukha ko. Naramdaman ko kasi na hindi kayang abutin ng mga kamay ko ang mukha ko dahil nakatali ito sa aking likuran. Nang magmulat ako ng mga mata ay natuklasan kong nakaupo ako sa isang silya habang nakatali ang aking mga kamay sa sandalan ng silya. Agad nahagip ng aking mga mata ang dalawang lalaking binugbog ko sa parking lot at ang isa sa kanila ay naka-cast ang isang paa at may hawak na saklay. Ngyon ko lang na-realized na isang palabas lang pala ang lahat. Siguro binigyan nila ng pera ang dalawang batang iyon para sumakay sa drama nila at pagkatapos ay in-injeksyunan ako ng gamot na pampatulog. Alam nila na hindi ko paghihinalaan ang mga bata lalo pa at mga ta
Enrique's PovKanina pa ako tumatawag sa cellphone ni Aleya ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Bigla kasi akong kinabahan at siya agad ang pumasok sa aking isip kaya agad ko siyang tinawagan. Hindi ko mabilang kung nakailang tawag na ako sa kanya ngunit ring ng ring lamang ang cellphone niya. Hindi naman siguro siya galit sa akin para hindi sagutin ang tawag ko. Wala naman siyang dahilan para magalit sa akin maliban kung nagalit siya sa amin dahil sa nangyari sa aming dalawa nang gabing iyon. Ngunit nakalipas na iyon at masyado naman yatang late kung ngayon pa siya magagalit sa akin. Iaong beses na nga kaming nagkausap, eh. At saka siya na rin ang nagsabi sa akin na hindi ito ang tamang oras para pag-usapan naman ang nangyari sa aming dalawa. We're both adults and I think we also love each other. Kahit hindi niya aminin sa akin ay nararamdaman kong mahal din niya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya nirespeto ko ang kagustuhan niyang huwag muna naming pag-usapan ang nang
Enrique's PovHalos maglagutukan ang mga buto ko sa aking kamao dahil sa matinding pagkakakuyom nang maalala ko kung sino ang may-ari ng mamahaling brand na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Tito Abner ang may-ari ng relong iyon. Siya ang nagpadukot kay Aleya."Si Tito Abner ang nagpadukot kay Aleya. Siya ang may hawak ngayon ang may hawak sa kanya," nagtatagis ang mga ngipin na pagababalita ko kay Deo. Hayop ang Abner Juico na iyon. Pagpipira-pirasuhin ko ang kanyang katawan kapag pinatay niya si Aleya. "Anong sabi mo, Enrique? Si Abner Juico ang nagpadukot kay Aleya? Paano mo naman nalaman iyon?" nagtatakang tanong naman sa akin ni Deo ngunit katulad ko ay halos maglagutukan na rin ang mga buto nito sa kamay sa higpit ng pagkakakuyom."Oo, Deo. Ang hayop na Abner Juico nga ang nagpadukot kay Aleya.""Paano mo naman mapapatunayan iyon?"In-stop ko muna ang video doon sa nakikita ang relo na suot ng lalaking nanakit kay Aleya na naka-blurred ang mukha."Dahil sa relong suot niya
Aleya's PovNasa loob ako ng isang madilim na lugar at may maliit na liwanag lamang akong natatanaw. Hindi ko alam kung nasaan ako at paano ako napunta rito. Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Enrique sa pangalan ko at nagmumula sa maliit na liwanag na iyon ang kanyang boses. "Enrique! Enrique, nasaan ka?" malakas kong tanong ko sa kanya."Aleya! Aleya!" tawag ni Enrique sa pangalan ko. Unti-unting lumalayo ang boses niya kaya napatakbo ako papunta sa liwanag para habulin ang boses niya."Nasaan ka, Enrique? Huwag mo akong iwan!" nagpapanic na kausap ko sa kanya. Nang marating ko ang maliit na liwanag ay bigla itong lumaki at naging sobrang nakasisilaw sa mata. Pinaliit ko ang aking mga mata para makakita ako. May naaninag ako na bulto ng isang tao ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Ngunit kahit hindi ko makita ang mukha niya ay alam ng puso ko na si Enrique siya. "Enrique!" malakas kong tawag ulit sa pangalan niya. Nang lumingon siya sa akin ay bigla siyang naging liwanag na
Aleya's PovKahit paano ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Salamat sa gamot at pagkain na lihim na dinadala ni Aling Adelfa sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko. Ang alam ko ay naka-CCTV ang buong bahay ni Mr. Juico kaya hindi ko alam kung paanong hindi pa nabubuko ng pulitiko ang ginagawang pagta-traydor sa kanya ng kasambahay niya. Pero mabuti nga at hindi natutuklasan ni Mr. Juico ang ginagawang pagtulong sa akin ng lihim ni Aling Aldelfa dahil ayokong may masamang mangyari sa kanya. Hindi kakayananin ng konsensiya ko kapag may masamang mangyari sa kanya nang dahil sa akin.Apat na araw na akong nakakulong sa loob ng silid na ito at kung hindi ako lihim na dinadalhan ni Aling Adelfa ng gamot at pagkain ay baka patay na ako ngayon. Minsan lang kasi magdala ng tubig ang tauhan ni Mr. Juico na nakatalaga sa pagbabantay sa akin. At kahit isang beses ay hindi pa ito nagdala ng pagkain para sa akin. Kaya kapag pumapasok ito pati na rin si Mr. Juico ay nagpapanggap akong nanghihina dah
Enrique's PovMalakas na sinuntok ko ang dingding ng aking kuwarto. Katatawag pa lamang ngayon ng isa sa mga tauhan ko na inutusan kong bantayan ang bawat galaw ni Tito Abner ngunit ang sabi sa akin ng tauhan ko ay normal lang daw ang kilos ng pulitiko. Mukhang wala raw sa bahay nito si Aleya. Lalo lamang tuloy naragdagan ang frustration ko. Habang tumatagal na hindi ko nahahanap si Aleya ay mas lalong nanganganib ang buhay niya. "Ano ang nangyari, Kuya Enrique? May balita ka na ba kung nasaan si Aleya?" tanong ni Edzel na pumasok sa loob ng aking silid. Lumarawan ang pag-aalala sa mukha ng kapatid ko nang makita nitong dumudugo ang kanang kamao ko. Agad itong napalapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. "Ano ang ginagawa mo, Kuya? Hindi mo matatagpuan si Aleya kahit pa ilang beses mong saktan ang sarili mo.""Hindi ko alam kung nasaan ngayon si Aleya, Edzel. Hindi ko alam kung pinapakain ba siya ng hayop na taong iyon o kung ginamot ba ang sugat niya? Baka malala na ang kanyang k
Aleya's PovNgayong nakita ko na si Enrique at nasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay puwede na akong mamatay. Atleast matatahimik na ang kaluluwa ko dahil nakita ko na siya at nasabi ang aking damdamin na matagal kong itinago sa kaloob-looban ko. "Can you walk?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.Mahina akong umiling. "Sinubukan kong tumayo kanina ngunit bigla akong nahilo. Siguro dahil sa taas ng aking lagnat," hinihingal ang boses na sagot ko sa kanya. Dahil sa taas ng lagnat ko at sa sobrang pagod ng katawan sa inabot kong pambubugbog mula kay Mr. Juico at sa mga tauhan niya kaya para akong tumakbo ng mabilis na hinihingal. Mainit na mainit ang aking hininga at pati na rin ang mga talukap ng aking mata."Aleya, kai— nandito na pala ang kaibigan mo," naudlot ang sasabihin sana ni Aling Aldelfa nang bigla siyang pumasok sa kinaroroonan kong silid at makita si Enrique. Natutuwa lumapit siya sa amin ngunit dagli rin iyong nabura at napalitan ng pag-a
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang