ZACHARY...Nag desisyon syang iuwi si Zion sa Mountbatten Palace. Sinigurado n'ya munang secured at safe ang lahat bago s'ya nagpasyang ibyahe ang kapatid at ang anak nito, kasama na si Paulyn.Kinuha n'ya ang cellphone at tinawagan ang kaaway n'ya. Alam n'yang kahit hindi pa sila magkaayos ni Socrates tutulongan s'ya nito dahil kung hindi, isisiwalat n'ya sa lahat na may utang itong two hundred pesos kay Geo Lee, na hanggang ngayon hindi pa rin nababayaran.Ilang ring muna ang hinintay n'ya bago n'ya narinig ang pagsagot ng lalaki mula sa kabilang linya."Anong kailangan mo asshole?" bungad nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa sa salubong ng binata sa kan'ya."Busy ka ba kuya?" kantyaw n'ya dito."Putang'ina mo, hindi kita kapatid," pagmumura nito sa kan'ya na ikinatawa n'ya."I need some help Socrates," maya-maya seryosong sabi n'ya rito."Gago! Close ba tayo? Nakalimutan mo bang may atraso ka pa sa akin?" bulyaw nito sa kan'ya."Pinapasabi pala ni Geo Lee, na bayaran mo na daw ang
ZACHARY...Isang makahabag damdamin ang nangyaring pagkikita ng kan'yang kapatid at mga magulang.Kita ang saya sa mukha ng dalawang matanda ngunit may lungkot din na nararamdaman dahil sa sitwasyon ng anak ng mga ito, na s'yang tanging prinsesa nila."Zachary anak, maraming salamat. Maraming salamat na hindi mo sinukuan ang paghahanap sa kapatid mo. Sobrang saya ko na buo na tayo anak. Si Duncan na lang ang kulang, sana kung buhay pa s'ya, buong-buo na sana ang pamilya natin," naiiyak na pasasalamat ng ina.Niyakap n'ya ito at hinalikan sa ulo."Ma, nawala man si Duncan may dumating naman na bago," sagot n'ya rito. Nangunot ang noo nitong tumingala sa kanya.Hinila n'ya ang asawa palapit sa kanila ng ina at inakbayan."Ma, meet my wife Jessica Paulyn Marie, Duncan's sister," pagpapakilala n'ya sa asawa. Namilog naman ang mga mata ng ina at may hindi makapaniwalang tingin na tiningnan si Paulyn."Your Duncan's sister?" tanong ng ina rito."Magandang araw po ma'am. Yes po, kapatid p
ZACHARY....Sinundo nila ng asawa si Zacheus sa Germany at iniuwi sa Mountbatten palace. Sandamakmak at katakot-takot na bilin at pagbabanta ang narinig n'ya mula sa ama ni Paulyn.Nagpapasalamat s'ya rito at nangakong aalagaan n'ya ang prinsesa at apo nito. Masayang-masaya ang anak nila na sa wakas magkasama na silang tatlo.Pero mas masaya s'ya na sa wakas buo na ang kan'yang pamilya. Kasama n'ya na ang kan'yang mag-ina. Iuuwi nila sa Mountbatten si Zacheus at ganon din si Paulyn. Doon n'ya iiwan ang asawa at anak bago s'ya bumalik sa Pilipinas para tapusin ang kailangan n'yang tapusin. Gusto n'ya nang mabuhay ng tahimik at walang nakaabang na panganib sa kan'ya at sa pamilya n'ya."I'm so excited to play with Zedrick mommy!" masayang turan ng anak nila."Really anak?" tanong ng asawa sa anak nila."Yes mommy! Excited akong makipag bugbogan sa kan'ya. Yuhooo! I bet he's good in martial arts as well. Sabi n'ya nakakahawak na daw s'ya ng real gun and he can shoot also. Wow! Just wo
PAULYN....Pagkatapos ng engkwentrong nangyari sa daan, tahimik ang kan'yang asawa at hindi s'ya nito kinikibo.Natatawa na lang s'ya dahil kahit hindi s'ya nito kinakausap, todo alalay pa rin ito sa kan'ya at hindi naman s'ya pinababayaan.Alam n'ya ang dahilan ng pananahimik nito. Ang akala siguro ni Zachary niloloko n'ya ito.Nang matagpuan s'ya ng kan'yang kapatid at dinala sa bahay ng mga Socrates nag-iba na ang takbo ng kan'yang buhay, pati na rin s'ya. Hindi na s'ya ang dating Paulyn na kayang-kaya lang e bully ng kahit sino.Pinag-aral s'yang muli ng ama at kapatid. She took up law at pahinto-hinto s'ya noong una dahil sa pagbubuntis n'ya kay Zacheus.Pero noong nakapanganak na s'ya, ipinagsabay n'ya ang pag-aaral, pag-aalaga sa anak n'ya at ang pagtatrabaho kay Tobias.S'ya pa rin ang sekretarya nito ngunit lahat ng trabaho n'ya ay ginagawa n'ya online. Kahit pa naturingan na s'yang mayaman at anak ng isang royalty, pero kahit kailan hindi n'ya inasa sa kapatid at ama ang mga
ZACHARY...Naging busy na ang mga sumunod na araw para sa kan'ya. Ginawa n'ya ang lahat para matunton ang kinaroroonan ni Russo.Gusto n'ya nang matapos ang lahat para makapamuhay na sila ng tahimik ni Paulyn. Kasalukuyan s'yang nasa headquarters ng Black Wagon sa Pilipinas kasama ang mga kaibigang assassin.Nagpatulong s'ya sa mga ito para sa laban na inihanda kay Russo. Kumpleto silang lahat pati na ang mga babae."Ano to reunion?" si Flami na kapapasok lang."Walang litson, so hindi reunion ang tawag dito," sabat naman ni Phoenix na nasa cellphone ang mga mata."Orion kamusta na kayo ng bestfriend ko? Ano, hindi mo pa ba nabuntis yon? Ang hina mo talaga, baka maunahan ka pa ng umaaligid doon," si Flami kay Orion."Mamatay muna ako bago n'ya makuha si Scarlett sa akin," seryosong sagot ni Orion kay Flamingo."Oh s'ya tama na yan! Ano na ang pag-uusapan natin Panther?" tanong ni Eagle sa kan'ya."Atat na atat ka Giovanni? Nagmamadali ka ng umuwi no?" tukso ni Phoenix dito."Malamang
ZACHARY...Tatlong araw na ang nakalipas matapos nila masapote si Russo at mapatay. Nagpapagaling s'ya ng kan'yang sugat mula sa tama ng baril. Ang asawa n'ya naman ay may sugat din sa kamay ngunit hindi naman masyadong malala.Marahas s'yang napabuntong hininga ng maaalala ang lahat. Patay na si Russo. Tapos na ang problema n'ya, tahimik na silang makapamuhay ng asawa at anak.Sa tinagal-tagal na panahon na pahahanap n'ya sa pumatay kay Duncan, hindi man lang pumasok sa isip n'ya na si Russo ang kan'yang kalaban. Ang akala n'ya simpleng galit lamang mayroon ang lalaki sa kan'ya dahil sa palagi nitong pagkatalo sa karera.Russo is the son of one of the drug lord na napatay nila sa isang engkwentro. Matagal nang sinusubaybayan ng Black Wagon ang naturang matanda. At ng nagkaroon sila ng pagkakataon na ma corner ito, hind na nila ito binigyan pa ng pagkakataon na mabuhay."Are you ok?" malambing na tanong ng asawa at yumapos sa kan'ya mula sa likuran. Nilingon n'ya ito at hinalikan sa l
ZACHARY...Naging maingay ang pagkikita nilang magkakaibigan, ganon din ang magkakapatid na sina Paulyn, Duncan at Elijah Light Socrates.Hindi pa rin s'ya makapaniwala na buhay ang bestfriend n'ya. Masayang-masaya s'ya na hindi pinahintulotan ng Diyos na tuloyang mawala si Duncan sa kanila.Ito ang tanging tao na naging kasama n'ya noong nagluluksa sila sa pagkawal ni Zion. Ito ang tanging dahilan kung bakit bumalik ang sigla ng kan'yang ina simula ng mawala ang kanilang prinsesa.Malaki ang utang na loob n'ya kay Duncan at habangbuhay n'ya itong tatanawin sa binata.Parang tunay na kapatid na ang kanilang turingan at ganon din ang turing dito ng kan'yang mga magulang. Parang tunay na anak ng mga ito si Duncan na minsan nakakalimutan na s'ya ng mga ito at tanging kay Duncan lahat ang atensyon ng lahat.Ngunit kahit ganunpaman hindi s'ya nagtanim ng kahit anong sama ng loob o inggit sa kaibigan. Katunayan naging masaya pa s'ya sa pagdating nito sa kanilang buhay at nagpapasalamat na su
ESTEBAN GABRIELLE LANCASTER aka ORION.....Nagising s'ya dahil sa naamoy na amoy sunog. Napabalikwas s'ya ng bangon at agad na lumabas ng kwarto. Hindi alintana ang kan'yang kahubdan, tumakbo s'ya patungo sa kusina para tingnan kung saan galing ang amoy sunog na naamoy na mula sa kan'yang kwarto.Dahil sa nakasanayan n'ya na ang matulog ng hubot-hubad at mag-isa lang naman s'yang nakatira sa kan'yang bahay, hindi na s'ya nag- abala pang magsuot ng damit.Deritso s'ya sa kusina dahil nakita n'ya ang usok na nagmumula sa loob. Nagulat s'ya ng pagbukas ng pintoan ng kusina ay isang makapal na usok ang sumalubong sa kan'ya."Shit! Saan galing ang usok na ito?" pagmumura n'ya habang pilit na inaaninag ang pinanggalingan ng usok."Ay karabaw na bungal! Oh shit bakit ang daming usok? Nag prito lang naman ako ng bacon ah!" narinig n'yang reklamo ng isang boses. Pilit n'yang hinahawi ang makapal na usok at inaaninag ang tao sa loob.Boses ng isang babae ang naririnig n'yang nagrereklamo— kung k
GLORYBELLE SCARLETT..."Thank you for standing here with me today as we create the ultimate team for life. I promise to be by your side and always love who you are, as well as the person you will grow to be," panimula ng kan'yang vows para sa asawa."I will be there for you when you need me, whenever you need me, and I will support you through misfortune, and celebrate your triumphs. I can’t wait to start this new and exciting adventure with the person I love most in the world," dagdag n'ya at puno ng pagmamahal na tiningnan si Gabrielle."I am so happy to be able to tell you – I do, I will, and I always will.Whatever I have is mine and whatever is yours is mine too.." dagdag n'ya pa na ikinatawa ng lahat ng mga bisita."I love you beyond anything else Esteban Gabrielle Lancaster, my dear husband."Masaya..! Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman n'ya ngayon. Hindi n'ya ito inaasahan. Kaya pala palaging wala ang asawa lately.Busy pala ito sa pag-aasikaso sa kanilang kasal. Mas l
GLORYBELLE SCARLETT...Isang linggo ng panay ang alis ng asawa. Malapit nang humulagpos ang kan'yang pasensya kay Gabrielle.Palagi na lang itong wala at hindi n'ya alam kung saan nagsusuong ang magaling n'yang asawa. Kapag tinatanong n'ya naman ito, ang palaging sagot lamang nito ay may trabaho na importanti at kailangang tapusin.But she doubt it kung sa trabaho ba talaga ang punta ng asawa n'ya. Katulad na lang ngayon na hindi na naman nila mahagilap ang magaling n'yang asawa.Pagkatapos nilang mag-almusal kanina ay nawala na naman ito at hindi na nakabalik hanggang ngayon.Malapit n'ya na talagang makalbo itong si Gabrielle. Parang araw-araw na lang ay sinusubukan nito ang kan'yang pasensya."Mommy bakit may ganyan sa gilid ng dagat? Parang may ikakasal, ang ganda ng decorations," tanong ni Bree na katulad n'ya ay nakadungaw din sa bintana at nakatingin sa dalampasigan na mayroong mga dekorasyon."Hindi ko din alam nak, baka may photo shoot o baka naman may movie shooting," sago
GLORYBELLE SCARLETT..."What the fvck are you doing there Gabrielle? Bakit sa bintana ka dumaan?" inis na singhal n'ya rito. Kinabahan pa naman s'ya ng husto ng makita na may taong gustong buksan ang sliding window ng kwarto nila."You give me eight hours only to be here at ilang minuto na lang matatapos na ang oras na ibinigay mo sa akin, what do you want me to do?" sagot nito sa kan'ya."Then bakit ka sa bintana dumaan? Wala bang pintoan? Pinakaba mo pa akong hayop ka!" inis na singhal n'ya sa asawa."Paano ako dadaan sa pintoan wife kung nilock mo pati sa loob?" nakataas ang kilay na tanong ng asawa sa kan'ya. Natahimik s'ya ng marinig ang sinabi nito. Oo nga naman, paano s'ya makakapasok kung nakalock pati sa loob ang pintoan nila."See? At kanina pa ako doorbell ng doorbell walang nagbubukas ng pinto," dagdag na reklamo pa ni Gabrielle."Eh sa naliligo ako, paano ko marinig ang pag doorbell mo!" taas kilay na sagot n'ya rito."Kaya nga! Kaya wala akong choice kundi sa bintana du
GLORYBELLE SCARLETT..."Mommy masarap ba?" nagulat s'ya ng marinig ang boses ni Bree. Nang silipin n'ya ito, nakita n'yang dilat na dilat ang mga mata nitong nakatingin sa kan'ya."B-Bree...baby g-gising ka na? Totoo ba to? Gising ka na talaga?" naiiyak at parang tanga n'yang tanong sa anak."Gising na gising na mommy, nakita ko na nga na kiniss ka ni daddy eh. Masarap ba mommy?" nakangising tanong nito sa kan'ya. Ngunit imbes na matawa s'ya sa kalokohan nito ay napahagulhol pa s'ya ng iyak.Niyakap n'ya ang anak habang umiiyak. Naramdaman n'ya rin ang pagyakap ng isang kamay nito sa knya."I'm sorry baby, I'm sorry! Patawarin mo si mommy, I didn't mean what I say. Galit na galit lang ako sa daddy mo ng oras na iyon. I'm sorry!" umiiyak na paghingi n'ya ng tawad dito." I'm sorry too mommy. Nang dahil sa ginawa mo baka nag worried na naman si daddy. Baka magalit na yon sa akin," malungkot ma sabi nito. Sinapo n'ya ang mukha ni Bree at hinalikan ito sa noo."Hindi galit ang daddy, na
ESTEBAN GABRIELLE...Naging maayos-ayos na ang lagay ng mag-ina. Medyo napanatag ang loob n'ya matapos ang operasyon ni Bree.Ang akala n'ya na maging ok na ay panandalian lang pala. Nagkaroon ng problema sa operasyon nito pagkatapos ng isang linggo and the doctor advice to bring Bree to America para doon na ipagamot.Mas lalo pang naging magulo ang lahat ng si Lily naman ay sobrang nanghihina na rin at halos hindi na kaya ng katawan nito ang mabuhay. Hindi n'ya alam ang gagawin. Nahahati s'ya sa dalawa. Kung aalis s'ya, iiwan n'ya si Scarlett dito sa Pilipinas at natatakot s'ya na baka sa pagbalik n'ya wala na ang dalaga.Kaya isang desisyon ang nabuo sa kan'yang isip. Agad s'yang pumunta sa kaibigan n'yang judge. Kahit anong mangyari Scarlett is his at hinding-hindi n'ya hahayaan na mawala ito sa kan'ya.Aayusin n'ya lang ang lahat at sasabihin na dito ang tungkol kay Bree. Ipapagamot n'ya muna ang anak n'ya bago ipakilala kay Scarlett. Natatakot s'ya na baka hindi maintindihan ni
ESTEBAN GABRIELLE....PAST..!!Pabalik-balik s'ya ng Cebu para kay Scarlett. Maraming nakaabang na misyon sa kan'ya, ngunit hindi n'ya nakaligtaan ang bumiyahe papuntang Cebu at sumaglit para lang makita ang dalaga.She's doing well and he is a proud fiancee para sa mga achievements ni Scarlett sa buhay. Masaya s'ya na may mabuting naibunga ang katigasan ng ulo nito. Parang normal na lang na routine para sa kan'ya ang makipagbakbakan sa laban at pagkatapos ay uuwi sa Cebu para naman sa babaeng minamahal.Hindi pa rin s'ya nagpapakita rito at nakuntento na lang na pagmasdan ito mula sa malayo. Nakatapos na ito ng nursing at kasalukuyang nagtatrabaho sa hospital na pag-aari ng kaibigan na si Elijah Light Socrates.Katunayan isa din s'ya sa mga investors sa hospital nito kaya madali para sa kan'ya ang papasukin si Scarlett. Walang kaalam-alam ang dalaga na s'ya ang nasa likod sa mabilis na pagkatanggap nito bilang nurse sa hospital ni Socrates.Bumili din s'ya ng bahay sa Cebu para hind
GLORYBELLE SCARLETT...."Bree!""Sabrina!" halos panabay na sigaw nilang dalawa ni Gabrielle sabay takbo palabas para sundan ang bata ngunit huli na ang lahat.Nakita na lang nila si Bree na nakahiga at duguan sa ilalim ng garbage truck na s'yang sinakyan din yata nito noong tumakas ito sa center."Sabrinaaa..!" malakas na sigaw ni Gabrielle sa pangalan ng anak sabay takbo patungo sa truck. Sumuong ito sa ilalim at pilit na kinukuha ang anak.Nagsitakbohan ang mga tao at tumulong para makuha si Bree sa ilalim. Natulos lang s'ya sa kinatatayuan at hindi makagalaw. Parang namanhid ang buong katawan n'ya habang nakatingin sa bata na naliligo sa sariling dugo.Maya-maya pa ay may ambulansyang dumating at tamang-tama naman na nakuha na ni Gabrielle si Bree sa ilalim ng truck. Agad na isinakay ito sa ambulansya para dalhin sa hospital.Doon lang s'ya nahimasmasan ng makitang ipinasok na ito sa naturang sasakyan. Agad s'yang tumakbo palapit dito at sumampa. "Bree!" umiiyak na tawag n'ya sa
GLORYBELLE SCARLETT..."G-Gabrielle...!!" nauutal na bigkas n'ya sa pangalan ng dating asawa na nakatayo sa harapan n'ya at katulad n'ya ay nakitaan din ng pagkagulat sa mukha.Pareho ba silang hindi inaasahan ang pagkikita nilang ito o niloloko lang s'ya ng lalaki."B-Baby..., I mean Scarlett!" natatarantang sambit nito sa kan'yang pangalan. Mapakla s'yang ngumiti rito at pilit na pinipigilan ang mga luha, ngunit ang traidor n'yang mga mata at puso ay hindi nakiayon sa kan'ya.Nanubig ito at pilit n'yang dinidilat para lang hindi bumagsak ang mga luha n'ya."Daddy ako ba yong tinawag mong baby?" singit na tanong ni Bree kay Gabrielle. Daddy din ang tawag nito kay Lorenzo at daddy din kay Gabrielle. Sino ba talaga sa dalawa ang ama ni Bree."Ahmmm! Yes baby ikaw yon! Hindi bang sinabi ko na sayo na huwag kang lalabas ng bahay na mag-isa at mas lalong huwag kang umalis ng bahay na hindi nagpapaalam?" sita nito sa bata. "Eh kasi daddy natakot lang naman ako ng may dugo ang shirt mo, ka
GLORYBELLE SCARLETT...Tatlong araw nang hindi n'ya nakikita si Bree at sa loob ng tatlong araw na iyon ay para s'yang pagod na pagod. Wala s'yang ganang kumilos at palagi na lang s'ya nakatambay sa balkonahe ng kan'yang bahay para abangan ang pagdating ng bata.Gustohin n'ya mang puntahan ito sa bahay nila ngunit nahihiya s'ya at nag-aalala na baka nand'yan ang nanay nito at kung ano pa ang iisipin sa kan'ya.Araw-araw din s'yang nagluluto at nagbi bake ng cookies at mga sweets dahil sa pagbabasakali na bibisitahin s'ya ni Bree.Hindi n'ya maintindihan ang sarili ngunit simula nang makita n'ya ang bata at nakasama ay parang may malaking parte na ng buhay n'ya ang pinunan nito.Bree has a big part in her heart kahit ngayon lamang sila nagkakilala. Hindi na s'ya mapakali na hindi nasisilayan ang magandang mukha nito.Pumasok s'ya sa loob ng bahay ng magdidilim na at wala pa ring Bree na nagpakita sa kan'ya. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at malalim na nag-iisip.Tatlong araw na s'y