Share

Chapter 88: It's okay not to be okay!

"Kris bakit mo sa akin lahat isinisisi ang kamalian ng kapatid ko? Hindi mo ako kaaway dito. Kaya lang naman ako umasta ng ganito dahil naiinis ako sa ginagawa mo. Iniisip ko si Shun, bakit parang wala kang pakialam sa kanya?"

"Nag-usap na kami! Bakit kailangan mo pang problemahin 'yon? Hindi ba dapat maging masaya ka na lang dahil ikakasal na sa kapatid mo si Shun? Congrats, magiging bayaw mo na siya."

"Hindi porket kapatid ko si Christian ay aayon na ako sa lahat ng gusto niya. Kris please! Makiramdam ka naman! Hahayaan mo na lang ba na maikasal si Shun sa kapatid ko?" hindi muna nakasagot si Kris at sinulyapan si Jane sabay napalunok.

"Ano bang pinupunto mo?" mahinang tugon ni Kris.

"Wala ka talagang kwenta!" hiyaw ni Jane sabay hampas sa braso ni Kris ng hawak niyang papeles. Sinalo ni Kris ang pulsuhan nito at tagis bagang na tinutukan ng titig si Jane.

"Sa lahat ng ayaw ko, ay 'yong sinasaktan ako! Hindi pa nagawa sa akin ni Shun '
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status