NICCOS ALLISTAIR...Tatlong linggo simula ng mangyari ang pamamaril sa kan'ya sa kan'yang condo.Wala na s'yang ibang iniisip na gagawa sa kan'ya ng bagay na yon kundi si Dominador Gutierrez. Isang kalaban n'ya dati na nagpaparamdam ngayon sa kan'ya.Tatlong linggo na din s'yang walang balita kay Kianna. Hindi n'ya alam kung nasaan ito ngayon ngunit sigurado s'yang nakalabas na ito ng hospital. Hindi naman ganon kalala ang natamo nito sa aksidente.Nasa kalagitnaan s'ya ng kan'yang trabaho ng biglang tumunog ang kan'yang cellphone. Sinilip n'ya ito at nakita ang magandang mukha ng kan'yang ina na nasa screen ng kan'yang cellphone.May ngiti sa labi na dinampot n'ya ang naturang aparato at sinagot."Hello mom," s'ya sa ina."Niccos anak, family dinner later, don't forget, ok?" paalala nito sa kan'ya. May usapan silang magpamilya na every friday night ay sabay-sabay at sama-sama silang magdi-dinner sa bahay ng mga magulang at doon na din magpalipas ng gabi.Nakasanayan na nila itong gaw
NICCOS ALLISTAIR...They all spend the night at their parents'house. Pagkatapos nilang mag dinner ay nag set up ang mga babae sa garden para sa kanilang wine night. Nakagawian na ng lahat at nasanay na din sila sa ganito. They will have their wine while talking about random things hanggang sa aantokin sila.Pero hindi matatapos ang gabi na hindi s'ya magigisa ng mga ito. He is used to it, this is how his family shows their love to him. By bullying him! Oh, he doesn't mind at all as long as masaya ang mga ito ay masaya na rin s'ya.After a few hours of hanging out in the garden ay isa-isa ng nagpaalam ang kan'yang pamilya para magpahinga.Nagpaiwan s'ya sa garden at uminom ng mag-isa. Ngayong mag-isa na lang s'ya ay sumagi na naman sa isip n'ya si Kianna. Hindi ito nawawala sa kan'yang sistema, palagi itong sumasagi sa kan'yang isip kaya napag-isipan n'ya itong aswang eh."How long are you going to hold back Nics?" nagulat s'ya ng biglang pagsalita ng kan'yang ate Michelle. Ang akala
NICCOS ALLISTAIR..."What the fvck!" galit na mura n'ya ng ilang beses na tinawagan si Kianna ngunit naka block pa rin s'ya."Damn it!" inis na napahilamos s'ya sa kan'yang mukha. Binuksan n'ya ulit ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan n'yang taohan noon pa man."Boss!" sagot nito."Felimon, hanapin mo si Kianna, magdala ka ng isang daan na taohan, wala akong pakialam kung paano n'yo s'ya hahanapin pero bukas na bukas din ay kailangan na makita n'yo na s'ya or else I will cut all your heads!" galit na utos n'ya rito."Deritso pugot ulo agad boss? Hindi ba pwedeng kalbohin mo lang muna kami bago pugotan ng ulo?" pabalang na sagot nito sa kan'ya."Fvck you! Gawin mo ang iniutos ko kung gusto n'yo pang mabuhay!" dagdag n'ya pa."Oh! Syempre naman boss, mahal pa namin ang mga buhay namin no, kaya gagawin namin ang inutos n'yo," sagot nito at pinatayan na s'ya ng tawag.Naikuyom n'ya ang mga kamao. Ngayon pa lang ay parang araw-araw na s'yang stress dahil kay kulot.
KIANNA APHRODITE...Busangot ang kan'yang mukha nang makarating sa lugar kung saan gaganapin ang photoshoot nila.Bwesit na bwesit talaga s'ya sa ginawa ni Allistair sa kan'ya. Hindi pa ito nakuntento at pinakuha pa sa taohan nito ang kan'yang schedules at pinagbantaan pa s'ya.Naiinis s'ya sa binata dahil para itong jowa n'ya kung umasta eh pinagtatabuyan naman s'ya nito at iniinsulto.Ngunit sa kabilang banda ay nakaramdam naman s'ya ng ibayong kilig dahil sa ginagawa ni Allistair.But he needs to learn his lesson. Hindi pwede na ganon lang kadali para rito ang mambastos ng babae at pagkatapos ay ito pa ang galit at parang hahawakan s'ya sa leeg.She is not Kianna the brat for nothing. Ipapakita n'ya kay Allistair na hindi s'ya basta-basta nadadala sa panunuyo nito.Inihatid pa s'ya ng mga taohan nito patungo sa isang beach na gaganapan ng kan'yang photoshoot. Mayroon s'yang fashion show sa susunod na araw para sa launching ng bagong release na mga lingerie ng isang kilala at sikat
NICCOS ALLISTAIR...Matapos makausap si Kianna ay bumangon s'ya at naligo. Kanina pa s'ya gising ngunit hindi pa rin s'ya lumalabas ng kan'yang kwarto.Habang nasa ilalim ng shower ay ang imahe ni Kianna ang sumagi sa kan'yang isip. Ngayong nasa photoshoot ito, ano kaya ang suot nito ngayon? Malamang ay bikini na naman dahil lingerie model nga ito.Umigting ang kan'yang panga kasabay ng pag-igting din ng kan'yang pagkalalaki nang sumagi sa isip ang dalaga na walang ibang suot kundi ang dalawang maliliit na saplot lamang."Fvck!" mariing mura n'ya at binilisan ang paliligo. Nagtagumpay naman s'yang labanan ang tawag ng laman at napatahan ang kan'yang kaibigan sa paghuhurimintado nito.Agad s'yang nagbihis at lumabas ng kwarto. Balak n'yang bisitahin ang kan'yang bar mamaya."Niccos baby, napasarap ka ba ng tulog? Tanghali na anak hindi ka pa kumakain," bungad ng kan'yang ina na nasa paanan ng hagdan pagbaba n'ya.Lumapit s'ya rito at hinalikan ito sa ulo at binati." Good day mom, kani
NICCOS ALLISTAIR...Dalawang araw na s'yang busangot at bugnutin. Naiinis s'ya sa pambabalewala ni Kianna sa kan'ya."Humanda ka talagang babae ka, makikita mo talaga," ngitngit ang kalooban na sabi n'ya sa kawalan.Bukas na s'ya tutulak patungong Madrid para manuod ng fashion show ni Kianna. Ngayon n'ya lang gagawin ito. Ilang modelo na din ang naikama n'ya ngunit wala s'yang pakialam sa mga ito kahit pa maghubad ang mga babae sa harapan ng lahat.At never din s'yang gumastos ng milyones para lang makita ang isang babae.Only Kianna has the power to make him insane at hindi n'ya alam kung anong gayuma ang ginamit ng babae sa kan'ya." Aswang talaga ang kulot na yon," bubulong-bulong na sabi n'ya habang inaayos ang mga dadalhing gamit.Nag-aayos s'ya ng kan'yang mga damit na dadalhin bukas ng biglang tumunog ang kan'yang cellphone. Sinilip n'ya ito at nakita ang pangalan ni Felimon sa screen.Agad na dinampot n'ya ang naturang aparato at sinagot ang tawag ng taohan."What is it Felim
NICCOS ALLISTAIR...Alas sais pa lang ng hapon ay tumulak na sila patungo sa venue ng gaganapan ng fashion show. Alas otso pa ng gabi magsisimula ang show ngunit dahil wala s'yang ticket ay kailangan n'yang agahan para kausapin ang may-ari o kung sino man ang organiser sa naturang event."Boss ang gwapo mo sa suot mo. Alam mo nakaramdam ako ng pagtibok ng aking puso," loko-lokong sabi ni Felimon sa kan'ya.Ito ang nagmamaneho ng kanilang sasakyan at nasa passenger seat s'ya nakaupo."Alam mo Felimon minsan ay naisip ko na papatayin ka na lang dahil sa mga kalokohan mo. Kapag ako ang napuno sayo, ililibing kita ng buhay!" banta n'ya sa taohan."Aba boss hindi mo magagawa yan! Alam kong mahal mo din ako at hindi mo ako kayang saktan. Fvck! Ang ganda ng bromanse natin boss, kinikilig ang balat ko sa itlog," dagdag pa nito sa kalokohan.Mabilis na umigkas ang kan'yang kamay at sinapok ito sa ulo na ikinaangal ng binata."Aray ko boss, nananakit ka naman ha! Magsusumbong na talaga ako kay
KIANNA APHRODITE..."Are you ready Kianna?" tanong ng kan'yang manager. Magkasama sila ni Yang sa dressing room. Nagsimula na ang event at rumampa na ang iba sa kanila. Nakita n'ya kanina na sobrang dami ng mga tao at hindi basta-bastang mga personalidad lamang. The owner of Geneva's lingerie is a very popular business woman in the globe.Marami itong connections at hindi ito kumukuha ng mga pipitsuging model lamang.Naiwan s'ya sa likod at nasa loob ng kan'yang dressing room dahil mamaya pa naman s'ya lalabas. Isang set lang s'ya lalabas and that would be the highlight of the show.She will carry the newest limited edition bra's and panties and it is named after her.The Aphrodite series consists of five different designs and it is only limited to those who can afford to buy it.Masyadong mahal ang bawat paris at maswerte na s'ya na nagkaroon nito as a free gift from the owner. Pero kahit bumili pa s'ya ay wala namang problema sa kan'ya. She has enough money to have it pero hindi s