NICCOS ALLISTAIR...Para s'yang nabunotan ng tinik ng matapos ang kanilang kasal. Tawang-tawa ang mga bisita nila kay Nile dahil wala na itong ginawa kundi ang sabotahiin ang kasal nila ng ina nito."Congratulations!" sabay-sabay na sigaw ng lahat! Parehong matamis ang mga ngiti nilang dalawa ni Kianna habang kaharap ang kanilang pamilya at mga kaibigan."Thank you guys! Kita na lang tayo sa reception ha?" si Kianna sa kanilang mga bisita. Matapos ang picture taking sa simbahan at ang pag congratulate ng lahat ay nagkanya-kanya na silang tulak patungo sa reception.Inalalayan n'ya ang asawa papasok sa kanilang sasakyan at umikot s'ya sa kabila ng masigurong maayos ng nakaupo si Kianna."Someone looks happy, yeah!" nakangiting puna n'ya ng makita ang asawa na malapad na nakangiti."I'm very happy hubby!" "Me too baby! Sa wakas ay naging akin ka na talaga. Wala ka ng kawala ngayon Kianna Aphrodite Ruiz-Evans," nakangising sabi n'ya rito."Hmmm! Una pa lang ay sayong-sayo na ako hubby a
NICCOS ALLISTAIR...Lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may magaganda at may masamang idudulot sa atin minsan. Depende na lang sa atin kung paano natin harapin at labanan para maka survive.Kailangan ng matibay na determinasyon at disiplina ang lahat. Kapag gusto mong makuha ang isang bagay ay kailangan mong e work ito. Kailangan mong pagtrabahoan, katulad na lang ng gusto n'yang kapayapaan at tahimik na buhay para sa pamilya n'ya.Ginawa n'ya ang lahat para makamit ito. Para makapamuhay sila ng tahimik at nagtagumpay naman s'ya. Nakamtan n'ya ang katahimikan na hinahangad at naging masaya ang pagsasama nila ni Kianna.Lahat ng mga ginagawa natin ay may kaakibat na responsibilidad at obligasyon na kailangan mong gampanan.Bilang isang Evans ay masarap sa pakiramdam ngunit bilang isang sindikato ay may kaakibat na panganib sa buhay lalo na sa kan'yang pamilya.Kaya naman ay nagpasya s'yang iwanan na ng tuloyan ang kan'yang mga illegal na negosyo at mag focus na lang sa kan'ya
NILE ALEXANDER..."Damn ang daming chika ngayon bro," masayang turan ng kan'yang best friend na si Sancho.Nasa bar sila ng kuya Joshua n'ya para mag unwind. May sarili din s'yang bar pero mas trip n'ya ngayon sa bar ng anak ng kan'yang ninong Howald.Puno ng tao ang naturang bar dahil Sabado ngayon at halos lahat ay gustong mag relax sa pamamagitan ng pagtambay sa mga bar at pag inom.Katulad na lang nila ngayon ng mga kaibigan na ngayon lang ulit nagkita-kita dahil pareho silang mga busy sa kani-kanilang mga buhay.Tanging silang dalawa lamang ni Sancho ang madalas na nagkikita at nagkakasama sa mga happenings sa buhay nila."Whoohhh! Look at that slut dude! Ang galing gumiling," si Sancho na nakatingin sa babae na sumasayaw sa gitna. Lasing na ito at wala na sa sarili."Hey lover boy," malandi na boses ng babae ang biglang bumulong sa kan'yang tainga kasabay ng pagpulupot nito ng mga braso sa kan'yang leeg mula sa likod."Cheska? Ana? Faye? Maria?" tanong n'ya sa pangalan nito. Sa d
NILE ALEXANDER...Busangot ang kan'yang mukha na nakaupo sa sofa ni Ella. Hindi man lang s'ya nito pinansin, hindi man lang nag-aalala na nasa labas s'ya. Pumasok ito sa kwarto at hindi na lumabas kaya ito s'ya ngayon, nakabusangot at nagmamaktol na nakaupo sa sofa ng dalaga."Grabe talaga tong si Ella hindi man lang naawa sa akin," reklamo n'ya at kinuha ang throw pillow at ginawang unan. Nahiga s'ya sa sofa at ipinikit ang mga mata."Bahala ka na nga basta dito ako matutulog. Wala kang magagawa, my life, my rules, my toes, my knees, my Ella, my loves," kanta n'ya habang nakahiga sabay pikit ng mga mata. Ilang minuto pa ay nakatulog na s'ya ngunit sa kalagitnaan ng kan'yang pagtulog ay nagising s'ya dahil sa isang mainit na haplos sa kan'yang pisngi.Dahan-dahan n'yang iminulat ang kan'yang mga mata at bumungad sa kan'ya ang magandang mukha ni Ella."Love," tawag n'ya rito. Ngumiti ito sa kan'ya at nagsalubong ang kan'yang kilay dahil sa tanang buhay n'ya ay ngayon lang s'ya nginitia
NILE ALEXANDER...Sabado at katatawag lang ni Sancho tungkol sa kanilang transaction mamayang gabi. Isa ito sa pinakamalaking transaction na gagawin nila at sobrang importanti nito sa kan'ya.Inayos n'ya na ang lahat ng mga papeles para sa gagawin nila mamayang gabi. Mayroon na rin s'yang basbas mula sa organisasyon para sa gagawin. Itinigil na ng kan'yang ama ang ganitong mga gawain simula ng ikasal ito at ang kan'yang mama ngunit nasa dugo na yata nila ang pagiging negosyante sa underworld at black market dahil s'ya ang nagmana at nagpatuloy nito.Sinuportahan naman s'ya ng ama ngunit sa isang kondisyon. He need to do the right thing with the proper consent from the organization na pinamumunoan ng kan'yang mommy Michelle.Ito din ang nagturo sa kan'ya sa lahat ng pasikot-sikot sa ganitong negosyo. He always has his mommy Michelle's back kaya mahal na mahal n'ya ito na parang isang tunay na ina rin.Ang mama n'ya naman ay hindi rin s'ya pinigilan ngunit madalas s'ya nitong pinaparan
NILE ALEXANDER...Kinabukasan ay ipinatawag s'ya ng organisasyon, kaya naman ay maaga pa lang ay umalis na s'ya ng condo.Si Ella naman ay bumalik na sa unit nito at hindi n'ya na muna pa dinisturbo ang dalaga dahil marami s'yang gagawin ngayong araw. Alam n'yang mapapasabak s'ya mamaya sa pagharap sa mga membro ng organisasyon nila.Nagmaneho s'ya patungo sa quarter ng organisasyon na kinabibilangan n'ya. Pagdating n'ya ay nasa mahabang mesa na ang mga opisyal at ang iba pang membro na may katungkulan sa organisasyon at mukhang s'ya na lang ang hinihintay ng mga ito."Have a seat Nile," utos sa kan'ya ng founder ng grupo. Naupo s'ya sa upoan na nakatalaga para sa kan'ya. Agad na ibinato ng mommy Michelle n'ya ang isang folder na agad n'yang nasalo."Read it," malamig na utos nito. Binuksan n'ya ang naturang folder at binasa ang laman. Naningkit ang kan'yang mga mata ng mabasa ang mga nakasulat. "I didn't do this," sabi n'ya sa lahat ng matapos basahin ang mga papel. Natuon ang lahat
NILE ALEXANDER...Tatlong araw ng hindi umuuwi si Ella sa unit nito at tatlong araw na din s'yang stress sa kakahanap sa babae.Hindi n'ya ito mahagilap at pati na rin si Dominique. Ang dalawa lang ang close sa isat-isa kaya si Dominique lang ang pwede n'yang mapagtanungan kung nasaan si Ella.But even Dominique is missing too at tatlong araw n'ya na ding hinahanap ito ngunit hindi n'ya rin matagpuan. Kaya naman ay iniisip n'ya na lang na baka may trabaho ang dalawa at bumalik sa kampo kung saan naka destino ang mga ito bilang mga sundalo.Sa tatlong araw ay wala s'yang ginawa kundi hanapin si Ella at ang imbestigahan ang tao sa likod ng pananabotahe sa organisasyon gamit ang kan'yang pangalan.Ngunit sadyang mailap ang taong ito at mukhang alam ang kan'yang galaw dahil mabilis nitong nabubura ang mga palatandaan at pagkakilanlan nito.Pero hindi s'ya tumitigil, hindi lang s'ya makapag focus dahil sa kakaisip kay Ella. Nakapatay din ang cellphone ng dalaga kaya hindi n'ya matawagan.Ig
WILRICH ELLA BELLE...Pinatawag s'ya sa headquarters ng kanilang big boss. Alam n'ya na tungkol sa kan'yang misyon ang pag-uusapan nila. Hindi ito basta-basta na nagpapatawag ng tao kung hindi importanti ang sadya.Kaya naman ay agad s'yang lumipad patungong Dublin para tagpuin ito. The big boss has no identity. Wala itong pagkakilanlan at pili lang ang hinaharap nitong tao.May misyon s'ya sa military at ganon din sa special force na kinabibilangan n'ya ngunit mas matimbang ang misyon n'ya sa isa pang ahensya na walang pangalan.The big boss is a woman and no one knows her real identity. Nagpapakita ito sa kanila ngunit alam n'ya na iba't-ibang prosthetic mask ang suot nito.She uses different faces to talk to them as her agent. No one knows who she really is and no one knows her nationality.She can speak all the languages, depende sa nationality ng kan'yang kausap. She is dangerous and intimidating. Marami na ang gustong makita ang totoong mukha nito but no one succeeded. Lahat ng