Josh Rain Montez"Josh?""Josh...""Josh!"Agad akong napamulat ng aking mga mata nang tila marinig ko ang tinig ni Yannie na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. Mula sa mahina at kalmadong tinig, hanggang sa tila desperadong tinig.Marahan akong bumangon at siya agad ang unang hinanap ng mga mata ko. Pero kumunot ang noo ko nang bigo akong makita siya sa tabi ko.Nasaan siya?Malinaw na malinaw sa isipan ko ang lahat ng nangyari kagabi sa amin. Malinaw na malinaw sa akin ang init ng gabing pinagsaluhan naming dalawa at kung paano ko siya inangkin.Dumapo ang mga tingin ko sa kama at nakita ko roon ang bakas ng pag-angkin ko sa kanya."Yeobo ko?" tanong ko kasabay ng pagtayo ko at paglabas ng kwarto. Ngunit katahimikan ang bumungad sa akin doon at walang bakas niya.Nagbalik sa isipan ko ang ganitong tagpo, kung saan ay natulog akong kasama at katabi siya, ngunit nagising akong mag-isa. Hindi kaya lumabas ulit siya para bumili ng pagkain?Agad akong bumalik sa kwarto upang magbi
Josh Rain Montez"What are you doing here?" inis at kunot-noong tanong ko kay Arriane nang madatnan ko ito sa bahay.Mabilis itong tumayo habang malapad ang ngiti sa akin, na para bang inaasahan na niya talaga ang pagdating ko."Josh, you're finally here!" Mabilis siyang lumapit sa akin at yumakap sa braso ko. Pero mabilis ko rin namang iniiwas ang sarili ko sa kanya."Where's Mom?" inis na tanong ko rito."Finally, umuwi na rin ang anak ko." Kapwa kaming napalingon ni Arriane sa nagsalita, at bumungad sa akin si Mommy na naglalakad palapit sa amin."Mom...""Welcome back, Son. Mabuti naman at natauhan ka na ngayon," nakangiting sabi ni Mommy sa akin."Leave us alone, Arriane," sabi ko habang hindi ko inaalis ang tingin kay Mommy."What? But why?" tanong ni Arriane. Tumaas naman ang isang kilay ni Mommy sa akin. "Tita Rhiana invited me to be here.""I said leave us alone," matigas at malamig na pag-ulit ko habang hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Mommy.Narinig ko ang malalim na
Yannie Ace Ruiz"Ilang kilo po sa inyo?""Bigyan mo ako ng tatlong kilo.""Sige po!""Ako rin, Ija, pabili ako. dalawang kilo naman sa akin.""Limang kilo sa akin, Ganda!""Okay sige po!" Mabilis akong kumilos at binalot at tinimbang ang mga isdang binibili nila. At pagkatapos ay isa-isa ko na 'yong iniabot sa kanila. "Salamat po, balik po kayo!""Okay ka lang ba, Apo?" lapit at tanong ni Lolo sa akin."Opo, Lo. Okay lang po ako," nakangiti ko namang tugon dito."Sigurado ka ba? Aba'y maupo ka na muna roon at magpahinga. Ako na ang bahala rito.""Hindi na po, Lolo. Okay lang naman po ako. Ang mabuti pa ay kayo na lang po ang maupo roon at ang magpahinga.""Monchito! Kumusta ka na?" Kapwa kaming napalingon ni Lolo sa tumawag sa kanya. Sa wari ko'y kasing edad niya na rin si Lolo. "Aba'y may kasama ka pala ngayong magandang binibini. Sino ba ere?""Ay, Pareng Gener! Kumusta ka na rin? Ay apo ko ito. Anak ni Martin!" masayang tugon naman ni Lolo sa matandang lalaki na dumating. Pagkuwan
Yannie Ace Ruiz"Ate Yannie, 'yong hotdog mo po nasusunog na!" nagimbal ako sa malakas na sigaw ni Yuri sa akin na siyang nagpabalik sa akin sa tamang kaisipan. Nakita ko sa harapan ko ang umuusok na kawali at ang nasusunog na hotdog, dahilan upang mataranta ako.Sa pagmamadali ko ay napahawak ako ng mabilis sa mainit na kawali. "Ahh!" sigaw at daing ko nang mapaso ako."Anak!" Agad na lumapit si mama sa akin. Siya ang humarap sa nasusunog nang kawali at pagkatapos ay may pag-aalalang nilingon ako. "Ayos ka lang ba?" tanong niya pa kasabay ng pagtingin niya sa daliri kong napaso."Opo, ma. Sorry po. Nasunog ko 'yong hotdog,.""Sige na maupo ka na roon. Ako na ang bahala rito," ani mama at sa huli ay napabuntong-hininga na lamang ako saka sumunod sa sinabi niya.Ilang sandali pa nang lumapit si mama sa akin dala ang nahango niyang sunog na hotdog. Inilapag niya iyon sa mesa sa aking harapan saka siya kumuha ng gamot para sa napasong daliri ko.Habang ginagamot ni mama ang paso ko ay ka
Yannie Ace RuizNgunit hindi pa nakuntento si Josh at sa halip ay muling sinugod ng suntok si Angelo."Josh, tama na!" sigaw ko pero hindi ako pinakinggan ni Josh at sa halip ay nagpatuloy lamang sa panunugod nito kay Angelo.Hindi ko na nabilang kung ilang suntok ang tinanggap ni Angelo mula sa galit na galit na si Josh. Kaya naman mabilis na akong lumapit sa kanila upang awatin sila at pumagitna sa kanila."Tama na! Josh, ano ba?!" sigaw kong muli na sa wakas ay ikinatigil niya, saka ko mabilis na dinaluhan si Angelo na may sugat at dugo na sa mukha nito. "Angelo! Angelo, okay ka lang ba?" alalang tanong ko rito saka ko ito inalalayan sa pagtayo."Angelo? Iyan ang pangalan ng lalaki mo?" mapait na tanong ni Josh sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang labis na pagkamuhi sa akin ngayon."Josh...""Iniwan mo ako dahil sa g*gong 'yan? Huh?"Kumirot ang puso ko. Ang dami kong gustong sabihin ngayon sa kanya pero para akong biglang napipi. Parang bigla akong nahirapan sa pagsasalita
Josh Rain Montez"Are you drunk again?" bungad na tanong sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay. Pero hindi ko siya pinansin at sa halip ay nagpatuloy lamang ako sa paglalakad palampas sa kanya. "Seriously, Josh? Hanggang kailan ka ba magkakaganyan nang dahil lang sa walang kwentang babae na 'yon?!" Huminto ako sa paglalakad matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon. "Wala na siya, Josh. Iniwan ka na niya pero hanggang ngayon naglulugmok ka pa rin ng dahil sa kanya!"Marahan kong hinarap si mommy. "Have you been in love, mom?" malumanay na tanong ko sa kanya na bahagyang ikinatigil niya."What?""You know what, mom? I'm always wondering, if you have been in love with dad. Kasi sa tuwing pinagmamasdan ko kayong dalawa, hindi ko nakikitang mahal niyo ang isa't isa."Nag-igting ang magkabilang panga niya. "Stop talking nonsense, Josh. Huwag mo kaming idamay ng daddy mo sa kadramahan mo.""I guess, you have never been in love. Kaya ka ganyan, kasi siguro hindi mo pa nararanasan ang ma
Josh Rain Montez"Pre, tama na 'yan. Madami ka ng masyadong nainom," awat ni Ramil sa akin sabay agaw sa alak na iniinom ko. Pero mabilis ko 'yong inilayo sa kanya."Okay lang ako, Pre. Hindi pa naman ako lasing.""Pero, Pre. Kanina ka pa rito umiinom. At ilang araw ka nang walang ibang ginawa kung 'di ang uminom nang uminom. Baka mapaano ka na niyan.""Oo nga, Pre. Baka kung ano nang mangyari sa'yo sa kakaganyan mo," sabi naman ni Byron. Muli akong uminom ng alak ko saka ako sumagot sa kanila. "Kung ano man ang mangyari sa akin, mas mabuti na siguro 'yon kaysa ganito." "Pre, tama na 'yan. Lasing ka na," muling awat ni Ramil sa akin at sa pagkakataong iyon ay tagumpay niyang naagaw mula sa akin ang iniinom kong alak. "What the h*ck? Bakit ba ang kulit mo? Bakit ka ba nakikialam?!" inis na balin ko sa kanya kasabay ng pagtayo ko. "Easy, Pre!" ani Byron sa akin. "Lasing ka na kaya itigil mo na ang pag-inom—" "D*mn it! At ano naman kung lasing na nga ako? Bakit kailangan mong makia
Josh Rain MontezTahimik na tumayo si Arriane sa harapan ko matapos nitong makita ang pagdating ng kung sino man sa loob ng coffee shop na kinaroroonan namin. "Tita..." usal niya pa kasabay ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin. Umangat ang walang emosyon na mga tingin ko sa taong iyon nang lumapit at humarap siya sa akin. Nakita ko ang labis na pangamba sa kanyang mukha nang tingnan niya ako. Na para bang natatakot siya sa kung ano mang pwedeng gawin ko matapos kong malaman ang lahat ng katotohanan mula kay Arriane. Sunod-sunod na gumalaw ang lalamunan niya habang tila nangingilid ang mga luha niya. "I'm sorry, Tita," basag ni Arriane sa katahimikan namin. "I did everything, but... he's truly, madly, and crazy in love with that girl. With Yannie," wika nito kay mommy saka ito naluluhang lumabas ng coffee shop at tuluyan kaming iniwanan doon. Nag-iwas naman ako ng tingin kay mommy saka ako walang buhay na tumayo at tumalikod sa kanya. Hahakbang na sana ako paalis pero agad ni
"Oh my gosh! This is it na talaga, girls! Finally!" masayang wika ni Ivory pagkalapit nito sa amin."Yes, finally na talaga! Akalain niyo 'yon? Umabot tayong lahat dito," wika naman ni Jenny."I'm so proud of us, girls! Finally, this is it! Congratulations sa ating lahat!" masayang sabi naman ni Veron.Matamis akong ngumiti sa aking mga kaibigan. "Congrats sa atin. I'm so happy and proud sa ating lahat," saad ko saka kami nag-group hug na apat.Dalawang taon ang matulin na lumipas and finally, ay dumating na ang isa sa mga pinakahihintay naming araw. Ang araw na kung saan ay sama-sama at saba'y sabay kaming magmamartsa para sa pagtatapos ng aming pag-aaral. Yes, today is our graduation day at walang mapaglagyan ang sobra-sobrang tuwa sa puso ko. Lahat ng pagod, pagpupuyat, hirap, at pagtitiis ay magbubunga na at mababayaran na ngayon.Naalala ko pa noon, kung ano-anong part-time jobs ang pinapasukan naming mga magkakaibigan, magkaroon lamang kami ng pangsuporta para sa aming mga sarili
"Yannie..." tila nababahalang usal ni Ramil sa pangalan ko pagkakita niya sa akin at pagkapasok ko ng kwarto ni Josh.May pagtatanong ko siyang tiningnan hanggang sa dumako ang tingin ko sa walang laman na higaan ni Josh. Bahagyang kumunot ang noo ko."Nasaan si Josh?" tanong ko kina Ramil at Byron. Humigit ng malalim na paghinga ang dalawa habang bakas sa mga mukha nila ang pangamba at pagkabahala sa kung ano mang dahilan. Na para bang may gusto silang sabihin sa akin ngunit labis silang nag-aalinlangan. "Bakit? May nangyari ba? Nasaan si Josh?" ulit na tanong ko sa mga ito.Bago sumagot ay nagkatinginan pang muli ang dalawa na para bang nag-uuyuhan sila kung sino ang sasagot sa tanong kong iyon. Ngunit sa huli ay sinalubong ni Ramil ang mga tingin ko saka siya nagsalita. "Umalis na si Josh. Naabutan namin siya pero... hindi siya nagpapigil.""Huh? Anong umalis? Saan siya pupunta? Umuwi na siya sa kanila? Na-discharge na ba siya?" naguguluhan at sunod-sunod na tanong ko rito."Nagpumi
Yannie Ace Ruiz"Nice! Nice try, pre. But drop that joke," basag ni Ramil sa katahimikang bumalot sa amin matapos akong tanungin ni Josh na kung sino raw ako."Anong try? Anong joke?" naguguluhang tanong ni Josh kay Ramil."Pre—""Seryoso ako. Sino siya? Sino sila?" tukoy ni Josh sa akin—sa amin ni Veron."Umayos ka na nga, pre. Hindi na nakakatuwa—""Kayo ang umayos," mabilis na putol ni Josh kay Byron saka ito muling tumingin sa akin. Tingin na malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan noon. Tingin na para bang labis siyang naguguluhan sa presensya ko. Tingin na para bang... nakalimutan niya ang lahat ng tungkol sa akin at tungkol sa amin.Dahil sa mga tingin niyang iyon, ay kaagad na bumigat ang loob ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano ang unang mararamdaman ko."Anak!" biglang dating ng parents ni Josh. "Kumusta ka, anak? Anong nararamdaman mo ngayon?" mabilis na tanong ng daddy ni Josh sa kanya."I'm okay, dad. I just... don't understand why I'm here," tugon ni Josh sa daddy n
Yannie Ace Ruiz"Tita Rhiana..."Mabilis kong pinahid ang mga luha ko kasabay ng mabilis din na pagbitiw ko sa mga kamay ni Josh, nang marinig ko ang tinig na iyon ni Ate Rica.Agad na kumabog sa kaba ang dibdib ko saka ako marahan na umayos ng pagtayo at lumingon sa kanila. At doon ay nasalo ko ang mga titig sa akin ng mommy ni Josh. Hirap akong napalunok dahil tila nag-uunahan ang mga salitang gustong lumabas sa mga labi ko. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahang humingi ng paumanhin sa kanya dahil naririto ako ngayon.Alam kong nangako ako sa kanya noon na hinding-hindi na ako magpapakita pang muli sa anak niya. Nangako ako sa kanya noon na maglalaho na ako sa buhay ni Josh pero... heto ako ngayon at umiiyak sa harapan ng anak niya. Na para bang sa isang iglap, ang lahat ng ipinangako ko sa kanya at tibay ng loob ko noon ay bigla na lang nagiba. Gusto kong lumuhod muli sa harapan niya at magmakaawa na hayaan niya akong makasama si Josh.Muli akong hirap na napalunok saka nagsimulan
Yannie Ace Ruiz"No! No, Yannie! No!" umiiyak na paulit-ulit na sambit ni Josh habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit sa kanyang mga bisig."J-Josh..." hirap na usal ko. Sinikap kong mapilit ang sarili na bigkasin ang pangalan niya kahit na ramdam na ramdam ko ang hirap at sakit na dulot ng pagtama ng baril sa akin."Don't leave me, Yannie. Just hang there, okay? Kaya mo 'yan, Yannie. Huwag kang bibitiw pakiusap!" paulit-ulit na iyak ni Josh sa akin."T*ng**a kasi! Bakit nakawala sa inyo 'yon? Tatanga-tanga kayo!" Narinig kong sigaw no'ng lalaking bumaril sa akin sa mga tao niya."H*yop ka! H*yop ka! P*patayin kita!" galit na galit na sigaw naman ni Josh sa lalaki."Ikaw ang p*patayin ko! Magpasalamat ka sa girlfriend mo dahil sinalo niya ang bala na para sana sa ulo mo! Kung hindi niya 'yon ginawa, malamang wala ka na sa mga oras na 'to at ikaw ang iniiyakan niya. Pero huwag kang mag-alala, kasi hindi ka naman na magtatagal pa dahil tatapusin na rin kita." Muling itinutok no'ng lala
Yannie Ace RuizWalang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang patuloy rin sa pagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa matinding kaba na nararamdaman ko ngayon. Hawak ko ang aking hininga na para bang kapag malaya akong huminga ay may mangyayaring hindi maganda sa akin, kahit na nakaupo lang naman ako sa loob ng sasakyan na ito.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas mula nang kunin ako ng mga lalaking ito. Hindi ko alam kung sino sila o kung bakit nila ginagawa ito sa akin. Paulit-ulit ko tuloy binalikan sa isipan ko kung may mga nagawa ba akong atraso sa ibang tao."Nandito na tayo," usal ng lalaking nasa unahan ko sa mga kasamahan niya. Inihinto nito ang sasakyan saka sila isa-isang bumaba.Binuksan no'ng katabi kong lalaki ang pintuan ng sasakyan saka ito lumabas at matalim na tumingin sa akin. "Baba," utos nito.Hirap akong napalunok saka ko pinagmasdan ang lugar na kinaroroonan namin. Madalim ang kapaligiran ngunit nakikita ko ang matataas na damo na nasa paligid