PINAGSALIKOP ko ang aking mga palad sa loob ng bridal car. Hindi mawala ang kaba sa aking d****b habang naghihintay. Mataman akong nakatingin sa mga tao sa loob ng simbahan na tila nagkakagulo. Maya-maya pa’y lumapit ang aking Mommy Letizia sa limousine na
sinasakyan ko. Bakas ang pagkabalisa sa mukha niya.
“Hija, anak!” tawag niya sa pagitan ng mga katok sa bintana ng kotse.
I slowly rolled down the window for her. “Mommy, ano po’ng nangyayari?”
Tila hindi siya mapakali at lumingon-lingon muna sa paligid. Doon na ako kinabahan. Umayos ako ng upo at muling nagsalita. “Mom!”
“Hija, wala pa kasi si Lester. Dapat ay kanina pa siya nandito.
Mag-iisang oras na siyang late,” she said.
“Baka po na-traffic siya o baka nasiraan? Subukan ko pong tawagan,” I said quickly and nervously fished the phone inside my clutch bag. Nakapatay ang phone ni Lester.
Ayokong isiping gagawin niya ito, pero iisa ang pumasok sa isip ko: hindi siya darating!
Nabitiwan ko ang phone ko at agad na lumabas ng sasakyan. Wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa loob ng simbahan. Agad akong lumapit sa mama ni Lester at mahigpit siyang niyakap.
“Ma, hindi ko po ma-contact si Les . . .” I said between my rapid breathing.
Ginagap niya ang dalawang kamay ko. “Hija, kanina pa rin namin hindi ma-contact ang cell phone niya.”
Umiling-iling ako.
“He can’t do this to us, Maricar. Hindi niya tayo puwedeng ipahiya sa mga tao dito!” galit na sambit ni Don Simon, ang papa ni Lester.
Lalong lumakas ang tibok sa aking d****b. Lumabas ako ng simbahan.
“No. Panaginip lang ito,” I whispered. Mariin akong pumikit at kinurot ang aking braso. Pakiramdam ko ay bumagsak sa akin ang langit at lupa. Namuo ang luha sa aking mga mata. “Sabi mo, mahal mo ako? Nasaan ka na?” nanlulumo kong sambit.
Lumapit sa akin si Cindy, ang matalik kong kaibigan. Niyakap niya ako nang mahigpit at umiyak na rin tulad ko. “Margaux, huminahon ka. Baka na-late lang talaga si Lester,” wika niya habang hinahagod ang aking likod.
Mabilis ang ginawa kong paglingon. Pinahid ko ang aking luha, matapos ay inilahad sa kaniya ang aking palad. “Where’s your key?”
“Saan ka pupunta? Just wait a little more. Baka dumating pa siya,” she insisted, tila hindi nawawalan ng pag-asang darating pa si Lester.
“Ibigay mo sa akin ang susi mo!” I shouted. Napabuntonghininga siya bago muling nagsalita. “Sa lagay mo
ngayon, siguradong hindi ka makakapag-drive nang maayos. I will drive for you.”
“Just give me your f*cking key!” malakas at madiin kong sigaw.
Tila nabigla si Cindy sa tinuran ko at napaawang ang labi sa akin. Sa huli ay inabot niya ang kaniyang susi habang nasa mga mata ang matinding kaba.
I heard my dad called me. “Margaux, anak!”
Sinulyapan ko lamang si Dad bago ako tumakbo patungo sa kotse ni Cindy. Nakita ko ang tangka nilang paghabol ngunit pinaharurot ko ang sasakyan paalis. Ni hindi ko alam kung saan ako pupunta.
“I’m so sorry, Mom and Dad,” I whispered.
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak. Alam kong na-disappoint ko sila sa pagkakataong ito. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang oras ay hindi ko gugustuhing mapahiya sila sa harap ng maraming tao.
“F*ck you! B*stard!” sigaw ko. Kung kailang handa na ako, kung kailang gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama siya ay saka pa niya ito ginawa. Ano ba’ng nagawa kong mali sa relasyon namin?
Sobrang sakit. Hindi lang dahil napahiya ang pamilya ko sa harap ng maraming tao kundi dahil pinagmukha niya akong tanga. Wala
akong maisip na dahilan kung bakit niya ito ginawa. Sa tatlong taon na pagsasama namin ay masasabi kong smooth ang relationship namin. Madalas siya pa mismo ang nag-e-effort dahil sa sobrang busy ko sa trabaho. Siya rin ang nangulit na magpakasal na kami dahil ako na raw ang ihaharap niya sa dambana. P*tris na dambana ’yan!Mariin akong bumusina sa biglang nag-overtake sa akin.
“F*ck you! You godd*mn b*stard!” Laking gulat ko nang biglang huminto ang sasakyan sa harapan ko. “Stupid!” I blurted out bago magpreno.
Agad akong bumaba. Naka-gown ako but the hell I care! Kinatok ko ang halos kalahati lamang na bukas na bintana ng sasakyan at humalukipkip.
“Hoy, kung sino ka mang nasa loob niyan, lumabas ka riyan! You don’t own this road at wala kang karapatan na bigla na lang huminto sa gitna ng kalsada matapos mong mag-overtake!” I shouted with rage.
Ganoon na lang ako umatras nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaking naka-sunglasses. He was breathtaking in his white polo shirt and dark pants. Subalit bigla akong nahimasmasan dahil sa busina ng mga sasakyan sa likuran namin.
“Pakasalan mo na kasi para hindi ka hinahabol sa kalsada!” sigaw ni Manong Driver na ngumingisi sa amin.
Pati ang mga pasahero sa jeep ay natatawa. May mga nagkukurutan sa kilig.
Are they serious? Akala nila iniwan ako ng lalaking ito sa kasal namin at naghahabol ako? May nang-iwan talaga sa ’kin pero hindi ang mokong na ito.
Inirapan ko ang mga nanonood at hinarap ang lalaking nakapamulsa habang nakahilig sa pinto ng kaniyang kotse.
“Mr. Whatever, akala mo kung sino kang basta na lang hihinto sa gitna ng kalsada! Paano na lang kung hindi ako agad nakapreno? Eh ’di nabunggo na ako sa kotse mo?!” Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko kahit alam kong may kasalanan din ako sa nangyari. Hindi naman ito nagsalita.
Aghh . . . antipatikong lalaki! Nagbuga ako ng hangin at naniningkit ang matang tumitig sa kaniya. “Are you deaf or something?”
“Wala akong nakikitang masama sa ginawa ko. Ikaw pa nga ang may mali dahil sa pagmumura mo sa akin,” he said while crossing his arms.“Excuse me? So ako pa pala ang may kasalanan?”
I heard him curse while clenching his jaw. Ilang beses din siyang lumunok. Bahagya akong natigilan habang nakatingala sa kaniya, lalo pa nang bigla siyang humakbang palapit.
“You’re the reason why I’m late, Miss Runaway Bride,” he whispered.
I swallowed hard. What did he just say?
Nag-init ang dalawang pisngi ko sa gigil. “Ako pa ngayon, eh ikaw itong walang pakundangang huminto sa gitna ng daan! Isa pa, hindi ako runaway bride, ’no!”
Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Mukha namang walang damage ’yang kotse mo. Unless . . . gusto mong magpabayad, ’di kaya?”
“Aba’t—”
Sasagot pa sana ako pero biglang lumapit sa amin ang isang traffic enforcer.
“Ah, mawalang-galang na nga po. May problema ho ba dito?” tanong ng lalaking nakauniporme at naglabas ng pang-ticket niya sa amin.
“No, nothing. We’re just having a small talk,” the man in sunglasses confidently said. His hands were now inside his pockets.
“Kung ganoon po ay baka puwedeng tumabi kayo dahil nakakaabala na kayo sa daloy ng trapiko,” naiinip na sabi ng enforcer. Nakita ko pang sinipat niya ako ng tingin.
“It’s okay. I have a meeting to attend to so I better be going,” ani ng antipatiko bago tapikin sa balikat ang enforcer. He turned his gaze at me before he shrugged his shoulders. “Ikaw naman, miss, baka ma-late ka pa sa kasal mo. Sayang ang gown at makeup mo kung tatakbuhan mo lang. Ikaw rin!” Tatawa-tawa pa siya matapos ay umiiling na sumakay ng kotse.
Napangiwi ako dahil sa kaniyang tinuran.
Pinaharurot ng antipatikong lalaki ang sasakyan niya at inilabas pa ang kamay sa bintana para kumaway.
“F*ck you, b*stard!” sigaw ko. Wala na akong nagawa pa kundi bumalik na lang sa loob ng sasakyan ko. “May araw ka rin sa akin, mayabang na lalaki ka!”
Deretso na akong umuwi ng condo at doon ibinuhos ang sakit at sama ng loob sa nangyari sa simbahan. Hinubad ko ang aking gown. Mapait ang ngiti ko nang itapon ito sa basurahan.
Pumasok ako sa banyo at hinayaang umagos sa katawan ko ang tubig na nagmumula sa dutsa. Kasabay niyon ang pag-agos ng masaganang luha. Isang oras akong ganoon bago ko maisipang magbihis.
Dahan-dahan akong humiga sa kama habang iniisip ang nangyari sa simbahan, dahilan para pumatak muli ang luha sa aking mga mata. Wala na akong ibang nararamdaman sa puso ko kundi puro sakit.
Napabangon ako nang marinig ang pagkatok nina Cindy at Mommy sa labas. Nakikiusap silang buksan ko ang pinto. Hanggang sa mawala ang ingay sa labas. Marahil ay nanawa sila o baka piniling bigyan ako ng panahon para mapag-isa.
Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-iyak bago ako hilahin ng antok.
NAGISING ako sa sikat ng araw na dumarampi sa aking pisngi.Nakatulugan ko palang bukas ang bintana ng aking kuwarto.Bumangon ako at inihanda ang sarili sa pagpasok sa opisina kahitpa nag-leave ako para sa wedding na hindi naman natuloy. “Margaux, bakit pumasok ka na? Dapat ay nagpahinga ka muna.”Bakas ang gulat sa boses ni Karen na siya kong sekretarya. Parang kapatid ko na siya kung ituring kaya hindi na siya iba kung makipag-usap sa akin.“Maloloka ako kung magmumukmok lang ako sa condo ko. Besides, maraming gagawin dito ngayon. Magha-holidays na naman,” sambit ko. Nakasuot ako ng sunglasses kaya ’di niya pansin ang namumugto kong mata. Deretso ako sa aking opisina.“Talaga bang ayos ka lang?” nag-aalalang tanong niya.Ngumiti lang ako sa kaniya at tinanggal ang sunglasses bago humarap sa mga papeles sa aking lamesa.“Margaux, kung kailangan mo ng kausap, ’wag kang mag-a
DrunkPINAHARUROT ko ang sasakyan palayo sa restaurant. Ayoko nang magtagal pa roon dahil baka lunukin ko lang lahat ng sinabi ko at magpabola sa matatamis na salita ni Lester. Ayoko munang umuwi at magmukmok na naman sa bahay, kaya minabuti kong dumaan saisang bar. Gusto kong makalimot kahit sandali.Pinili kong maupo sa stool na kaharap mismo ang bartender.“One tequila, please,” sabi ko.“Yes, ma’am!”Maya-maya pa ay inilapag ng bartender ang shot glass na may lamang tequila na in-straight ko naman agad ng inom.“One more, please!” Hindi ko pinansin ang lemon na nasa aking harapan. Ano pa ba ang mas papait pa sa nararamdaman ko? Kahit sipsipin ko pa ang lemon at tikman ang alat ng asin ay walang makadadaig sa nasa aking puso.&ldqu
ConfrontationMadaming araw ang lumipas, ginawa kong busy ang sarili sa trabaho at pagkukulong sa condo.Inaaya naman ako ni Cindy na lumabas at mamasyal sa Mall pero tinatangihan ko 'yon. Mas gusto ko munang mapag-isa at mag muni-muni.Linggo ng umaga nang pagbukasan ko ito ng pinto."Bestfriend!" sigaw niya sa akin, bago ako niyakap ng mahigpit. Nagugoluhan man natawa nalang ako sa kaniyang ginawa."Margaux, finally nag-propose na sa akin si Carick!" Maluha-luha pa ito habang nag sasalita."OMG! I'm so happy for the both of you!" I said in surprised, nangilid na rin ang luha ko bago ito niyakap ng mahigpit.
Best friendHinatid ako ni Cindy pauwe sa condo ko. Habang daan ay tahimik lang akong nakatanaw sa labas ng bintana.Panaka-naka itong lumilingon sa akin habang nag da-drive."Margaux," she started. Hinawakan nito ang kamay ko."Bakit Cindy? ano bang nagawa kong mali sa relasyon namin? Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?" Unti-unti ng umapaw ang luha sa mata."No, wala kang ginawang mali, kung sino man ang may pagkukulang dito, ang walang hiyang Lester na iyon!" Halata na rin sa tinig nito ang 'di maitagong galit."Siya ang nawalan at hindi ikaw! Hindi mo deserve ang mga ganong tao. Mabuti na 'yong nalaman mo na ang lahat," ani
BreathtakingTinuloy ko ang pagmamasid sa mga obra ni Cindy pero hindi ko mapigilang ibalik ang mga tingin dito na siya na ngayong sumulyap sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin at inabala ang sarili sa mga gown na nasa aking harapan.Hanggang sa maramdaman kong tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit sa direksyon ko.Hi!" he greeted.I slowly nod, I have to admit, he is totally breathtakingly hot, with angular face, dark brows and expressive pair of eyes, fine nose and heart shape lips.Pansin ko ang pirming nginiti nito na hindi inaalis buhat pa kanina."What's that smile for?" Naiirita kong itinanong.
The Bridal Shower"Okay lang ba talaga itong suot ko?" tanong ko kay Cindy na pilit binababa ang skirt na suot."Oo naman, ang sexy mo talaga best!" she exclaimed bago ayosin ang ilang hibla ng aking buhok."Bakit ba kasi kailangan naka pang sexy attire pa sa bridal shower mo?" Reklamo kong sinabi na pilit naman tinataas ang tube na suot."Ano kaba bestie, sa panahon ngayon mas daring na ang mga tao, ewan ko ba saiyo kung bakit may pagka maria clara ka!" sambit nito.Tinaasan ko lang siya ng kilay na tila gusto akong inisin."Tingnan mo kasi, hindi ka naman masyado revealing d'yan, may pagka-classy ka pa rin naman tingnan," aniya sa akin na abot tenga ang ngiti. Doon na nagsalubong ang kilay ko sa kanya."Ah, excuse me I'll take this call." Bigla itong kumaripas ng takbo palayo sa akin para takasan ang mga sasabihin ko. Binisita ko ang suot nitong see-through-dress na ang tanging natatakpan lang ay ang masesesla nitong katawan.
KissNang makabalik ay naupo ako sa tabi mismo ni Cindy kaharap ang mga bisita ni Carrick.Sinuyod ko ng tingin ang mga ito. Ang tanging pamilyar lamang sa'kin ay si Jocko na anak ng isang business partner namin sa isang hotel at si Lawrence na nasa harapan ko mismo..I shifted on my seat uncomfortably. Hanggang ngayon kasi'y ramdam ko pa rin ang init ng mga titig niya sa'kin."Pre, pakilala mo naman kami sa kasama mo?"Sumulyap ako kay Carrick na siyang lumingon sa banda ko."Margaux, okay lang bang pakilala kita sakanila?" Tanong nito sa akin, tumango naman ako bilang pag sang-ayon."Guy's I'd like you to meet Margaux Collins, my fiancée's best friend!"Isa-isa ngang nag pakilala ang mga kaharap ko, hanggang sa may isang naglahad sa'kin ng kamay."Hi! I'm Peter Monteverde nice to meet you Margaux." he introduced himself with confidence."Nice to meet you too, Peter." I replied, hindi ko rin napigilang map
JealousNagising ako sa malamig ng hangin na dumarampi sa aking pisngi. The sun was already rising from the ground, the sweet humming birds and the cold ocean breeze greeted me.Sinulyapan ko ang brekfast na nasa side table, kung saan may naka ipit doong isang maliit na note na may kasamang pulang rosas. Naglakad ako patungo sa may veranda at binasa ang sulat na naka lakip doon.Good morning sweetie.Again, I'm sorry for what I did last night. Eat your breakfast. I'll be busy today. Enjoy the good weather. I'll be back at lunch..Lawrence;Isang ngiti ang sumilay sa aking labi at bahagyang inamoy ang rosas na hawak. The cold onshore breeze blew right through my skin. The sea song of the waves soothed me. Parang gusto kong mamalagi nalang dito at takasan ang magulong mundo.Pinili kong kumain sa may veranda habang nakatanaw sa magandang view ng Isla.Napansin kong may nakahanda rin damit para suotin ko. Isang dress na kulay yell
WakasThe WeddingParang gusto kong maiyak na matawa sa sinabi niya. Muli kong binalik ang tuon sa gandan nang City dahil wala akong maapuhap na Isagot."Bukas pakakasalan kita, gusto kong makasiguro na hindi mo na ako muling iiwan, na hindi kana muli pang makakatakas sakin." Napalunok ako ng sunod-sunod sa aking narinig."Pumapayag kaba?" Nadepina ang mga labi ko sa tanong niya. Alam kong wala na akong dahilan pa para tumangi pero bakit napaka bilis yata? Bukas agad?"Masyadong mabilis kung bukas, hindi pa tayo preparado."He groaned, he licked his lips and it became redder."Matagal ang one week para sa preparasyon. I make sure that everything will be finalize and perfectly polished before I discuss this to you."Napa awang ang labi ko sa kaniyang rebelasyon. So, ito pala ang dahilan ng halos isang linggo niyang hindi pag paparamdam."I hate you!"Nag umpisa ng mag init ang dalawang mata ko. Kumalas ako mula sa
ForgiveHindi ako pumasok kinabukasan dahil sa masamang pakiramdam. Isa pa duma mdagdag pa ang Ilang araw naming hindi pagkikita ni Lawrence.After what happened at the party ay hindi ko na ito kinausap pa. I don't think it is the right thing to do right now. Pero ito nalang siguro ang pinaka mabuting gawin sa ngayon.Kung itutuloy ko pa ang pakikipag relasyon kay Lawrence ay sigurado akong wala ng matitira dito. Pati ang lahat ng pinaghirapan niya'y mapupunta sa wala. Siguro mas mabuti ngang sundin ko nalang ang gusto ng kaniyang ama. Ang tuluyan na itong hiwalayan."Margaux can we talk?"Boses ni Cindy ang nagsalita mula sa labas ng pinto."Please Margaux!" aniya sa kabila ng sunod-sunod na pagkat
Her Revenge"Karen sino nag padala nito?" Tawag ko dito ng maabutan ang punpon ng rosas sa aking lamesa."Ah, hindi ko din nga alam, pero may message yata d'yan di ko binasa," aniya ng sumulyap sa bukas na pinto."Sige, Salamat!"Binuklat ko ang nakalagay na sulat at mahinang binabasa."For you my Lady!"Iyon lang ang nakalagay sa card. Kumunot ang noo ko at napa-isip sandali. Bigla ay ganoon nalang ang kaba ko nang mapagtanto kung sino ba ang maaring magpadala sa akin ng bulaklak.Naupo ako sa swivel chair matapos ay hinilot ang sentido. Kasabay non ay tumunog ng telepono sa aking lamesa."Yes, Karen?" Sagot ko."It's Franco Fuent
PhotosPinarada ni Lawrence ang sasakyan nito sa tapat ng isang sikat na hotel. Binigay nito sa valet ang susi ng kaniyang kotse matapos ay inalalayan na ako papasok sa loob nito.My jaw dropped open as I wandered around the lobby. This is actually my dream hotel. Pinangarap ko noon na makapasok dito noong bata palang ako. Iba talaga kasi ang ganda at kalidad ng lugar. It was a Mediterranean inspired, from the terra-cotta roofing to the white tile floor. Hindi rin biro ang laki nito sa mismong loob."Good evening Mr. President!" The one who's wearing a uniform greeted him.Biglang lumipad ang tingin ko kay Lawrence na may pagkamangha sa mata, "This... is yours?!"He looked at me over his shoulder and smiled broadly.
Heart StrongIsang linggo na rin mula ng maging opisyal ang engagement namin ni Lawrence, very smooth ang naging relasyon namin. Nagulat man sila Mom and Dad sa narinig ay hindi rin maitatangi na masaya sila para sa amin.Sa Hotel na ako pumapasok dahil ako na ang bagong Presidente ng Collin's hotel, maaga pa naman para mag resign ay mas pinili ni Dad na magpahinga na para magkaroon sila ng quality time ni Mommy at para gugolin ang panahon kay Clarence na malapit na mag-isang taon.Sunod-sunod ang magagandang nangyayari sa buhay ko. Una na ang pag paplano namin ng kasal ni Lawrence. Simula ng engkwentro namin sa San Felipe ay hindi ko na muli pang naka-usap ang kaniyang Daddy. Marahil ay may alam na ito sa takbo ng relasyong meron kami ng Lawrence ngayon.
The ProposalBakit pag masaya ka, mabilis din binabawi? Mas masakit at mas malalim ang kirot. Kung pwede lang sa bawat pag pikit ko ay mawala ng lahat nang problema ko ay gagawin ko.Kung pwede ko lang ibalik yung mga panahon na hindi ko nalang sana siya nakilala, hindi ko nalang sana siya minahal. Pero alam kong hindi ko na maibabalik pa and dati, dahil nandito na ako nag bunga na at niyayakap ang katotohanan kahit masakit.Isa-isa na kaming bumaba ng sasakyan. Malalakas pa rin ang tawanan dahil sa di ma-ampat na kwentuhan na ang bida mismo ay si Santino.Magka-hawak kamay kami ni Lawrence na pumasok sa loob ng mansyon. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng mabungaran sa sala si Samuel na kalong si Clarence, katabi mismo nito si Elliesse sa sofa.
Dinalayan fallsNagising akong wala na sa tabi ko si Lawrence. The only thing he left is his sweet familiar scent that made my stomach churned.Ilang minuto pa akong nanatili sa higaan bago ako bumangon at maligo. Isang walking short at plain white shirt lang ang pinili kong isuot bago pumanaog."Good morning!" Masigla kong bati sa lahat."Oh Margaux gising kana pala, come on join us." Carrick told to me, inaasikaso nito ang pagkain ni baby Kyzler na katabi naman ang asawang si Cindy.I gave him a nod, matapos ay tumabi kay Doris na pinapakain na rin ng almusal si baby Clarence."Good morning handsome," I utter, then kiss him on the cheek."Nasaan nga pala si Lawrence?"
FightI was a little bit confused. Hindi ko alam kung ano ba ang tinutukoy nito.Nagulat ako ng bigla niyang tinapakan ang selinyador dahilan para tumulin ang takbo namin."What the hell is wrong with you?!" I said frustratedly.Ngunit bigla rin itong nag-preno. Kung hindi lang siguro ako naka suot ng seatbelt ay baka sumubsob na ako sa dashboard ng kaniyang sasakyan."Damn! Are you going to kill me?!" I scolded."Aren't you going to say something now?" he said lowly. Madilim pa rin ang muka nito. The muscles on his jaw moved, tila gusto akong lamonin ng kaniyang mga titig."J-just make it to the point Lawrence!" Hindi ko man gustong pagtalunan pa namin ito pero nagugulo
PartyMaaga palang ay tumungo na kami ni Doris kasama si Clarence sa San Felipe.Sinadya kong maaga dumating sa venue kahit gabi pa naman ang umpisa ng pagtitipon. Gusto ko kasing i-check kung ayos naba ang lahat. Natawagan ko na rin ang mga malalapit niyang kaibigan, para sopresahin siya pagdating niya mamaya sa rancho."Marami pa kasing tinatapos ang kuya mo kaya susunod nalang siya doon." Pabula kong sinabi kay Doris nang tanongin ako nito tungkol kay Lawrence. Ang totoo kasi gusto nitong sabay na kaming tumungo doon ngunit nag dahilan ako. Sa huli ay hindi na rin ito nag pumilit pa dahil may importante pa itong meeting na pupuntahan.Dahil din malakas si Carick sa bandang Logistic ay napakiusapan niyang tumugtog ito mamaya sa party.