Wala siyang ginawang masama. Iyon ang pinipilit niyang isiksik sa isip habang tumatakbo papunta sa pinto ng bulwagan. Magkagayon man, sa mga mata ng mapanuring mga tao, ang trabahong iyon ay isang napakababang uri. Na kahit, ipagtanggol niya ang sarili at sabihing hindi siya ganoong uri ng babae ay alam niyang walang maniniwala sa kanya.Mamaliitin at aalipustahin pa rin siya ng mga ito. Kaya tama lang na umalis siya at lumayo. She don't belong there, she don't deserve to be treated like trash.She was already halfway, when she halted her step. Marga was infront of her. Tiim ang mga bagang at matalim ang mga mata."Look what have you done.." she said icily cold.She winced. Pero Hindi nalang niya ito pinansin. She continue her step, and walk towards the door."Drey!" Narinig niyang tawag ni Zeth. But she didn't stop and turn. Kaya mas lalo nitong pinalakas ang boses. "Drey!" He called again. Alam niyang sinusundan siya nito.Pero hindi pa siya handang humarap dito. Kailangan mun
"Nandito na ako sa condo." Walang emosyon ang mga matang initsa niya ang kanyang cellphone sa maliit na mesa sa gilid ng kanyang kama matapos na mabasa ang text na iyon ni Zeth. Emotionless, she close her eyes. Pinakiramdaman niya ang sariling damdamin, wala na siyang maramdaman. Namanhid na yata ang puso niya sa sobrang sakit. Pati ang mga luha niya ay tila natuyo na sa sobrang dami ng nailuha niya sa loob ng walong taon.She don't want to think anymore too. Dahil sigurado, mababaliw na siya kapag ipinagpatuloy pa niya ang pag-iisip sa mga nangyari."Magandang umaga hija, nag-enjoy ka ba sa dinaluhan ninyong party ni Zeth kagabi?" Nakangiting bungad sa kanya ni Yaya Rosing ng pumasok siya sa kusina.Pinilit niyang ngumiti saka tumango. Ngunit kumunot ang noo nito ng mamasdan siya. Bigla siya nitong pinaharap."Bakit namamaga yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" Umiling siya."D-Dahil lang ito sa puyat 'Ya, madaling araw na kasi kaming umuwi ni Zeth." Ikiniling nito ang ulo. Tila hin
Her mind is in chaos as she walk in the hallway to Zeth office. Nagdedebate ang magkabilang bahagi kung sasabihin niya kay Zeth ang tungkol sa pagdadalang-tao niya o hindi.Alam niyang hindi niya iyon matatago habang buhay. He will find out eventually. If she will stay despite of the painful truth she learned the other night, malalaman at malalaman nito ang tungkol sa pagbubuntis niya.Pero handa nga ba talaga siyang manatili sa tabi nito sa kabila ng alam niya ang totoo? Na narinig niya mismo sa mga labi nito ang lahat? Na pinaglalaruan lang siya nito?And how about him? Magugustuhan kaya nito na marinig na dinadala niya ang anak nito, kung kinamumuhian siya nito ng labis? Will he love the child despite of his hatred towards her? Ah, hindi na niya alam. Ayaw na muna niyang mag-isip. Negative thoughts will be bad for her baby. Hindi niya gustong maramdaman nito iyon."Drey, kumusta na si Attorney Miranda? Anong sabi ng mga pulis? Pumayag na bang makipag-areglo si Engr. Toledo?"Kumun
Isang malungkot na ngiti ang pinakawalan niya bago niya nilisan ang presintong iyon. Hindi na pala siya kailangan doon, dahil naroroon na sa tabi nito ang taong alam niyang gusto nitong maging karamay sa mga sandaling iyon. Sadly, it was not her. Masakit, ngunit kailangan na niyang tanggapin ang bagay na iyon. Kailangan niyang tanggapin na paghihiganti lang talaga ang pakay ni Zeth. Nothing more. Wala marahil talaga itong kahit na katiting na pagpapahalaga sa kanya. Because if he does, sana siya ang una nitong tinawagan, siya ang una nitong sinabihan ng kinakaharap nitong problema. Siya sana ang katabi at karamay nito at hindi si Marga.Imbes sa pinagtatrabahuhan, sa isang parke siya nagpahatid. Kailangan muna niyang magpalipas ng oras at kalmahin ang sarili. Mula sa guilt, at pati na rin sa nararamdamang kabiguan. Hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Her mind is telling her badly that she should go away, that she should stay away from him. Na tigilan na niya ang pagp
Her lips curve for a gentle smile as her eyes steadily looking at the screen on her side. Unti-unti ay namuo ang kanyang mga luha habang ang dib-dib niya ay tila sasabog sa kaligayahang lumulukob sa kanya ng mga sandaling iyon. Lalo na ng marinig niya ang malakas na dagundong na iyon sa buong silid.Ang heartbeat ng kanyang baby."Your baby boy is healthy, but you need to watch out, dahil maaaring mapaaga ang labor mo kaysa sa expected na petsa. Mababa na kasi masyado ang iyong panubigan."Bumaling siya sa OB-GYNE sa nag-aalalang mga mata."W-Wala naman po akong dapat na ipag-alala kapag nagkaganoon Doc hindi ba?"Umiling ito. "No, you don't have to worry. May mga pagkakataon talaga na napapaaga ang panganganak ng isang nagbubuntis. A week or two is just normal."Nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Akala niya may problema na sa kanya at sa baby niya."Mukhang excited lang si baby na makita na ang kanyang Mama.."Nakangiting sabi nito. Ginalaw-galaw nito ang aparatong nasa sinapupuna
"Sumabay ka na, Drey. Ihahatid ka namin sa apartment ninyo." Sabi ni ma'am Aurora sa kanya ng tumigil ang SUV nito sa kanyang harapan. Tatanggi pa sana siya, kaso binuksan na nito ang pinto ng backseat kung saan ito naroroon. The old woman is smiling with gentle eyes.Naglapat siya ng labi at kiming ngumiti. Napilitan na rin siyang humakbang at pumasok sa loob dahil naghihintay ang mga ito."Maraming salamat po, ma'am Aurora.""Kung tinanggap mo lang sana yung offer ko na doon kayo tumira sa mansion, eh di sana palagi tayong sabay kung pumasok at umuwi. Hindi ka na sana mahihirapang maghintay ng trycicle sa tuwina.""M-Masyado na pong nakakahiya kapag tinanggap ko pa pati iyon. Ang tanggapin ako sa trabaho sa kabila ng kalagayan ko ay sobra-sobra ng tulong para sa amin. At hindi ko po ito makakalimutan kahit na kailan.""Hayan ka na naman. You was hired because you deserve it. At hindi ako nagsisisi na ikaw ang pinili kong tanggapin bilang sekretarya ko. Your honesty and dedication
--ZETHRIUS--"Santa Monica?" Napakunot ang kanyang noo ng marinig ang sinabing iyon ng kausap niya sa kabilang linya. "Yes, attorney Miranda. I investigate and look throughly. Nasa Santa Monica nga po ngayon si Miss Monteville kasama ng kanyang kapatid at ina-inahan."Tumiim ang kanyang labi at nagtagis ang kanyang bagang."Are you sure about it?" Matigas niyang tanong."Yes, I'm very sure of it. They are renting a two bedroom apartment downtown, at kasalukuyang nagtatrabaho si miss Monteville sa Dela Vega interprises bilang sekretarya ni Mrs. Aurora Dela Vega. I'll send you the address and--""No need to do that, detective Samonte. I know the address." Tiim pa rin ang labing sabi niya pagkunwa'y pinutol na ang tawag. Mahigpit siyang napahawak sa manibela ng kanyang sasakyan at tiim ang mga matang itinuon sa harap. The sun is already settling, nagkukulay kahel na ang buong kapaligiran. It was a beautiful scenery, and yet hindi niya ma-appreciate ang kagandahang iyon. "Damn you, An
"N-Naku, pasensiya na ma'am, hindi ko po sinasadya. Ayos lang po ba kayo?" Natatarantang sabi ng waiter sa kanya. Tiningnan siya nito, pagkunwa'y sa mga nabasag na baso sa bandang paanan niya. "Pasensiya na po talaga..." Ulit nito, pagkunwa'y dali-daling yumuko para pulutin ang bubog. "Huwag po muna kayong gumalaw, lilinisin ko po muna ang sahig.""Drey!"Dinig niya ang sigaw na iyon ni ma'am Aurora. Hindi man siya umangat ng tingin, alam niyang papunta na ito sa direksyon nila. Sa di malamang gagawin, yumuko siya at tinangkang tulungan ang waiter. Iwas na iwas niyang i-angat ang mga mata."Naku ma'am, ako na po.. hindi ninyo na po kailangan gawin ito. Baka masugatan po kayo at--""What the hell are you doing, Drey?" Hangos na dating ni ma'am Aurora. "Kumuha kayo ng dustpan at walis. Bilis.." Utos nito sa dumaang waiter bago muling ibinaling sa kanya ang mga mata. "Tumayo ka diyan at huwag na munang gumalaw, baka matapakan mo ang mga bubog." Puno ng pag-aalalang dugtong nito. She