“Saan pa ba siya pwede pumunta? Eh di sa opisina niya, at malamang naubusan ng baterya ang kanyang phone! Bakit mo hinahanap ang ate ko? Hindi ba hiwalay na kayong dalawa?” Bahagyang nangasim si Beatrice sa kanyang puso.“Nakita ko yung video ng kapatid mong winawasak ang sasakyan sa Triller. Ano ba talaga ang nangyari?”Nandoon mismo si Beatrice nang maganap ang insidente, kaya kinuwento niya ang buong pangyayari. Pagkatapos nito, sinabi niya, “Hindi ba kakaiba ‘to sa paningin mo? Talagang nahulog ang young master ng pamilyang Duncan sa ate ko pagkatapos niyang wasakin yung kotse. Hindi lang namin hindi kailangang magbayad para sa sasakyan, ngunit nagpadala pa ang young master ng bago sa nanay ko ngayon. Tuwang-tuwa ang nanay ko at patuloy niyang pinupuri ang young master bilang kanyang mabuting manugang... Um, Alex, huwag mong sabihin sa akin na mahal mo pa rin ang ate ko, ano?”Nagdilim ang ekspresyon ni Alex nang marinig iyon.‘Yone Duncan, apo ni Frederick Duncan. Yung g*gong iyon
Nauusisang tanong ni Alex, “Anong kailangan mo sa dalawang babaeng iyon?”Binago ni Auntie Rockefeller ang puwesto ng kanyang pag-upo. Matikas na nagkrus ang mga binti niya sa ilalim ng mesa. Dumampi sa hita ni Alex ang dulo ng kanyang itim na takong, ngunit hindi man lang siya nabahala. Humigop siya ng alak at iniluwa muli iyon sa baso. Aniya, “Masarap sa unang talong higop ang alak na ito. Pero sa ikaapat, maasim at nakakaumay na yung lasa. Hindi na masarap inumin.”Habang nagsasalita, tinulak niya ang baso ng alak papunta sa harapan ni Alex.“Magpalit tayo ng inumin!”Nakaupo sa tapat si Alex habang kumikibot ang gilid ng labi niya.Pinagmasdan niya si Auntie Rockefeller na kaswal na dinadampot ang kanyang baso at tinungga iyon.Gayunpaman, ininuman niya na ang basong iyon kanina.‘At saka, uminom ka dito tapos iniluwa mo pabalik sa baso. Paano ko ‘to iinumin? Gusto mong inumin ko yung laway mo?’Pagkaraan ng ilang sandali, sinabi niya, “Ang bawat isa sa Four Great Princesses ng pam
Gayunpaman, sa sumunod na sandali, dahan-dahang binaligtad ni Auntie Rockefeller ang baso sa kanyang kamay.Ang red wine sa loob ng baso ay parang pana na tumalsik papunta sa waiter sa tabi niya.Poof!Tumama sa mga mata ng waiter yung alak.“Ah!” Nakakatakot na sigaw ng waiter nang bumagsak sa sahig ang tray na nasa kamay niya. Tinakpan niya ang kanyang mga mata at napasigaw sa sakit. Dumaloy pababa sa pagitan ng kanyang mga daliri yung kulay pulang likido. Walang nakakaalam kung alak o dugo ba iyon.“Hmph! Bulag ka ba. Paano magiging karapat-dapat ang basurang tulad niyan para ibili ako ng inumin?”Naninigas ang ekspresyon ni Ronald na kakainom lang ng baso ng alak, para bang katatanggap niya lang ng malakas na sampal mula sa kung sino.Marahang ibinuka ni Mandy ang kanyang labi at ngumiti. “Second Master, matinik ang magandang babaeng iyon, hindi siya madaling masupil!”Maya-maya, ngumiti ulit si Ronald at sinabing, “Alam mo ba kung bakit hindi inutusan ni Young Master Duncan na bay
Sa loob ng isang segundo, natigilan si Mandy at ang iba pa. Puno ng hindi makapaniwalang ekspresyon ang mga mukha nila.“L-lakas ng loob mong bugbugin ang second master ng mga Johansson? Alam mo ba kung sino siya? Lagot ka. Maghintay ka lang, hahabulin ka ng mga Johansson!”Nang bumagsak ang boses ni Mandy, sinampal din siya ni Auntie Rockefeller sa mukha.Kasabay ng mahinang pagbali ng buto, nabaluktot ang buong mukha niya. May nahulog. Sa unang tingin, pekeng ilong pala.“Pokpok ka. Anong mga kwalipikasyon ang meron ka para magdaldal sa harap ko at sumabat sa usapan namin? Saan nanggaling ang lakas ng loob mo?”“Ano bang meron sa pamilyang Johansson?”“Umuwi ka na at sabihin sa pinuno ng pamilyang Johansson na bayaran ang mga pinsala sa pamamagitan ng pagpapakumbaba sa paghingi ng tawad sa amin sa Maple Villa No. 8, alas-dose ng tanghali bukas, kung hindi, wawasakin ko ang pamilyang Johansson!”Hindi lamang sina Ronald, Mandy at sa kasalukuyang lapdog ang napatulala sa mga salita ni
Napagtanto ni Alex na malakas siyang tinatapakan nito. Hinawakan niya ang binti nito, na nakabalot sa stockings, at sinubukang alisin iyon sa hita niya.Matapos mapagtantong walang silbi ang kanyang pagpupumiglas, huminto siya at sinabing, “Auntie, naniniwala ako sa lakas mo. Hindi kakayanin ng mga ganoong basura ang isang sampal mula sa’yo! Limang milyon ang nahulog mula sa langit. Gusto mo ba? Ibibigay ko na lang sa’yo lahat! Isaalang-alang mo ito bilang regalo mula sa akin!”Itinabi ni Auntie Rockefeller ang bank card at sinabing, “Kahit kailan o ano pa man, hindi mo ako dapat pagtaksilan. Hindi ko gusto ang pakiramdam niyan, naiintindihan mo ba?”“Oo, nakuha ko.”Pagkatapos ng pangako ni Alex, saka inalis ni Auntie Rockefeller ang kanyang binti. “Umuwi ka na at lubos na namnamin ang kapangyarihan nitong spiritual amethyst marrow! Malamang na makakamit mo ang Divine Transcendence sa pamamagitan nito!”Tumayo siya nang tuwid at ginulo ang buhok ni Alex, umalis kaagad pagkatapos itong
“Sino?” Tanong ni Ronald na may halong galit.Sumumpa siya sa sarili na kailangan niyang pahirapan nang husto ang dalawang iyon. Nais niyang pagsisihan nila ang pagsilang sa mundong ito, lalo na ang babaeng iyon na si Auntie Rockefeller... sa pagbabalik-tanaw sa napakagandang hitsura at katawan nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng pagnanasang nagniningas sa loob ng kanyang dibdib.‘Hindi!’‘Napakagaan na parusa ang pagpapadala sa kanya sa Africa.’‘Pananatilihin ko siya sa tabi ko. Huhubaran ko siya at ikukulong ko siya sa kulungan ng aso, pipilitin siyang lumuhod sa harapan ko araw-araw, kung hindi, hindi siya makakakain.’Tinitigan ng mga magulang ni Ronald si Timothy, halatang naguguluhan at hindi alam kung anong eksaktong nangyari.Nagsalita si Krystal. “Sino ang tinutukoy mo? Alam ko kung nasaan ang Maple Villa. Hindi ba pag-aari iyon ni Charles Carter? Binigyan pa niya kami ng villa roon, pero napunta iyon sa pangalan ni Freiya.”Pinsan ni Ronald si Freiya.Sagot ni Ronald. “
Malamig ang boses ni Krystal, puno ng intensyong pumatay ang kanyang mga mata.Dahil dito, agad na naghanda si Danial na maghiganti para sa kanyang anak.Nagsalita si Ronald. “Teka, Dad, hindi pa ako makakalabas ng ospital. Hindi ba sabi niya humingi tayo ng tawad bukas ng tanghali? Tambangan natin ang g*gang iyon at dumiretso sa kanila ng 12 mismo! Gusto kong makita kung paano siya magmamakaawa sa akin.”Dagdag pa ni Timothy, “Oo. Kung ngayon tayo pupunta, baka hindi rin natin sila makita.”Matapos gumawa ng ganoong desisyon, nagsimulang mag-usap sina Ronald at Danial kung paano bibigyan ng hindi malilimutang karanasan ang walang alam na g*gang iyon.Sinabi ni Yone, “Uy Ronald, puwede bang ipaubaya mo na sa’kin yung Rockefeller?”Nagpasya si Yone na habulin si Dorothy, anuman ang kinakailangang gawin. Nais niyang maging kanya ito, ngunit si Alex, ang dating asawa, ay kapintasan sa buhay ni Dorothy.‘Hindi ako papayag na magkaroon siya ng anumang mga kapintasan.’Tinitigan siya ni Rona
Dahil nagkaroon na si Claire ng dalawang anak, natural lang na nakilala niya ang mga ingay na nagmumula sa kwarto ni Dorothy.Labis siyang nataranta matapos marinig ang ingay na iyon.Kanina lang, nakatanggap siya ng tawag mula kay Yone, na nag-iimbita sa kanya sa tanghalian bukas, natutuwa sa katayuan nito bilang anak ng pinakamayamang lalaki.Nais niya nang iparehistro ang kasal nina Dorothy at Yone sa mismong sandaling ito, para siya na ang maging manugang ng pinakamayamang lalaki sa Kanlurang California. Tiyak na magtatagumpay siya sa buhay pagkatapos nito.Gayunpaman, sa kanyang bangungot, alam niya kung anong ginagawa ngayon ni Dorothy.‘May… may kasama siyang ibang lalaki!’“Sino kaya iyon?”“Baka si Alex?”Noon, sobrang sasaya sana si Claire kung malalaman niya ang tungkol sa pagtatalik nila dahil nangangahulugan ito na mapupunta sa pamilya niya ang Belle Blossom pagkatapos ng kanilang muling pagpapakasal.Gayunpaman, nagbago ang lahat ngayon. Sa bagong opsyon na ito sa harap n
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l