Share

Kabanata 6

Author: Evergreen Qin
last update Huling Na-update: 2021-08-05 10:20:51
Umiling si Alex at ngumisi, “Chloe, hindi ka karapat-dapat para halikan ang mga daliri ko sa paa. Umuwi na lang kayo ng matabang lalaking kasama mo. Siguro, kapag napasaya mo siya, bibilhan ka niya ng walang kwentang kwintas na nagkakahalagang dalawang libo.”

“Ikaw…”

Sobrang tindi ng galit ni Chloe, na para siyang bombang sasabog anumang oras.

Hinabol ng matabang lalaki si Chloe, aakitin niya na sana ito para maiuwi siya’t maikama, nang kinutya siya ni Alex. Sinabi ng matabang lalaki, “Ikaw ‘tong dukha, tingan mo nga ‘yang sarili mo, sa tingin mo ba kaya mong bilhin itong kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon? Tingin mo ba tatlong libo lang ‘yan?”

“Paano kung kaya ko ngang bilhin ‘yan? Kaya mo ba? Makakabili ka rin ba?” tanong ni Alex.

Napagpasiyahan ni Alex na bilhin ang nasabing kwintas.

Masyadong marami na ang kanyang pagkukulang sa nakaraang sampung buwan.

Maaring masiyahan si Lady Dorothy kapag binigyan siya ng kwintas ng nagkakahalagang tatlumpung milyon, at makuha ang kanyang tiwala sa kakayahan niyang protektahan siya.

Galit na sinabi ng matabang lalaki, “Saan nanggaling ‘tong gagong ‘to, kung anu-ano ang pinagsasabi, Chloe, paano mo ba ‘yan nakilala? Sumasakit ulo ko kapag kinakausap ko siya.”

Ngumisi si Alex, “Sabihin mo na lang kung wala kang pera, hindi mo na kailangang magdahilan. Hindi na kita papahirapan pa. Pagkatapos ng lahat, meron lamang iisang ‘Love in a Fallen City, at nararapat ito para sa aking asawa, hindi ‘yan bagay sa girlfriend mo. Mas mainam siguro kung ang bilhin mo na lang ay ‘yong katabi nito, na nagkakahalagang tatlong milyong dolyar, kaya mo ba?”

“Aba, sino ka sa tingin mo para pagbantaan ako? Sige! Pero paano kung ikaw ang walang pambili?” sigaw ng matabang lalaki.

Wala pang pagkakataong magsalita si Alex.

Sinabi ni Chloe, “Kung wala kang perang pambili, lumuhod ka sa harap ko at tawagin mo ako bilang iyong ina nang tatlong beses!”

Malamig siyang tinitigan ni Alex, “Sige ba!”

Tinawag nila ang pinakamalapit na assistant.

At napagalamanan nilang kinailangang pumunta sa ikatlong palapag kung gusto nilang bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’.

Agad silang nakaakyat sa ikatlong palapag, natagpuan ang counter, at nakitang ang taong namamahala ay kakilala ni Alex.

Siya ang matalik na kaibigan ni Lady Dorothy, si Cassandra.

“Ano? Gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’? Nasisiraan ka na ba sa ulo?”

Matapos marinig ni Cassandra, tumingin siya kay Alex at nakaramdam ng labis na galit. “Alex, hindi ko maintindihan, anong karapatan ang meron ka para kumapit kay Dorothy, magpakalalaki ka, hiwalayan mo na si Lady Dorothy agad, huwag ka nang maging pabigat sa kanya! Hindi mo ba alam, pinuntahan ako ni Dorothy nito lang para ibenta ang kanyang wedding ring kapalit ng kalahating milyong dolyar para lang mapagamot ang iyong ina. Tapos ngayon sasabihin mong gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’ na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar, sa tingin mo ba hangal ako para paniwalaan kita?”

Alam ni Alex na may mangyayaring masama kapag nagkita sila, dahil lagi siyang kinukutya nito.

Napatawa nang malakas sina Chloe at ang kasama niyang matabang lalaki.

Sabi ni Chloe, “Alex, narinig mo bang ibinenta ng iyong asawa ang kanyang wedding ring, at nandito ka pa rin, nagpapanggap na mayaman? Aminin mo na lang na wala kang pera. Lumuhod ka, halikan mo ang aking mga paa, at tawagin mo ako bilang iyong ina nang tatlong beses!”

Mismong pagkatapos niyang magsalita, hinubad niya ang kanyang sapatos at iniunat ang kanyang mga paa.

Hindi man lang nag-abala si Alex na tingnan siya, at sinabi niya kay Cassandra, “Paano kung kaya kong bilhin?”

Galit na sumagot si Cassandra, “Kung kaya mong bilhin, luluhod ako sa harap mo at tatawagin kita bilang aking ama!”

Sa isang iglap!

Inilabas ni Alex ang kanyang credit card.

“I-swipe mo ang kard!”

Kinuha ni Cassandra ang credit kard, ibinato pabalik kay Alex, at naiinis na sinabi, “Tigilan mo na nga ‘yan, pwede ba? Iniistorbo mo lang ang trabaho ko. Alex, kilala kita! Kalimutan mo na ‘yang kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon, hindi mo nga kayang bumili ng kwintas na may presyong tatlong libo!”

“Kung hindi ka kusang aalis, tatawag na ako ng mga gwadiya.”

Sumimangot si Alex, “Nandito ako para mamili, bakit mo ako papaalisin? Cassandra, gusto mo bang mawalan ng trabaho?”

Kumaway si Cassandra, at ang dalawang gwardiyang nakapansin na sa nangyari kanina ay nagmadaling lumapit.

Sabi ng gwadiya, “Cassandra, anong problema?”

Sabi ni Cassandra, “Ang lalaking ito ay nagdudulot ng gulo, paalis ninyo siya.”

Malamig na sinabi ni Alex, “Cassandra, huwag ka naman mawalan ng kahihiyan. Nandito nga ako para mamili, hindi para magdulot ng gulo. Kapag nalaman ng boss mo kung paano mo itinatrato ang mga mamimili, sa tingin mo ba maipapagpatuloy mo ang pagtratrabaho rito? HIndi ka ba natatakot na magrereklamo ako sa boss mo?”

Sinamaan siya ng tingin ni Cassandra, “Aba, kung gusto mong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City, kinakailangan mo ng VIP membership card ng L.G. Balfour o ang star membership card ng Thousand Miles Conglomerate. Kung itinataglay mo ang isa sa mga ito, maari kong ibenta sa’yo.”

“Thousand Miles Conglomerate?”

Panandaliang nanigas si Alex.

Sinabi ng isa sa mga gwardiya, “Oo, ang L.G. Balfour ay subsidiary ng Thousand Miles Conglomerate. Isipin mo na lang ang mga kahihinatnan kapag sinbukan mong magdulot ng gulo rito.”

Sumimangot si Alex, wala siyang tinataglay na membership card.

Nang-asar si Chloe, “Nagulat ka ba? Tanggapin mo na ang iyong pagkatalo. Lumuhod ka na kaya at halikan mo na ang aking mga paa? Ang lugar na ito ay pagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate. Kung susubukan mong mandaya, tinatangka mong bastusin si Lord Lex Gunther. Tanggapin mo na.”

Sabi ni Alex, “Bigyan mo ako ng ilang minuto.”

Inilabas niya ang kanyang phone, tinawagan si Lord Lex Gunther, at sinabing, “Nasa L.G. Balfour ako at gusto kong bilhin ang kwintas na ‘Love in a Fallen City, pero wala akong membership card, kaya hindi ko ito mabili.”

Mabilis na sinabi ni Lord Lex Gunther, “Master, bigyan ninyo po ako ng dalawang minuto. Aasikasuhin ko na ito agad.”

Ibinaba ni Alex ang phone at tiningnan ang lahat, “Bigyan ninyo ako ng dalawang minuto.”

Ngumisi si Cassandra, “Sige, bibigyan kita ng dalawang minuto para makita kung anong kalokohan ‘yang pinaggagawa mo. Kung sinasadya mong magdulot ng gulo, ako na mismo ang bubugbog sa’yo!”

Sa wakas, sa loob ng dalawang minuto.

May dumating na medyo may edad na lalaki.

Nakita ni Cassandra at ng dalawang gwardiya ang naturang lalaki at agad na magalang itong binati.

Binulalas nila, “Hello, Mr. Jefferson!”

Lumalabas na siya pala ang general manager ng L.G. Balfour, si Jefferson.

Akala ni Cassandraa ay dumating si Jefferson upang suriin kung anong nangyari matapos marinig ang ingay. Mabilis niyang itinuro si Alex at sinabing, “Mr. Jefferson, dumating ang lalaking ito para manggulo. Wala siyang membership card pero nagpupumilit na gusto niyang bilhin ang pinakamahal nating kwintas, ang ‘Love in a Fallen City’. Papalabasin na siya ngayon ng ating mga gwardiya.”

Nang walang salita, sinampal siya ni Jefferson.

“Wala kang galang!”

“Siya ang Supreme VIP ng L.G. Balfour!”

“Ano?”

Lahat ay hindi makapaniwala at hindi makasalita.

Samantala, si Cassandra, na tinatakpan ang kanyang mukha, ay natigilan.

Naglakad si Jefferson palapit kay Alex at magalang na sinabi, “Master Alex, paumanhin po kung nahuli ako ng dating.”

Tiningnan siya ni Alex, “Bale, mabibili ko na ba itong kwintas na ‘Love in a Fallen City’ ngayon?”

Yumuko si Jefferson at sinabi, “Opo, siyempre po, maari ninyong bilhin. Ay saglit, maaring sa inyo na lang po ito, hindi ninyo na pong kailangang bayaran.”

“Ano?” Hindi makasalita si Chloe.

Pabalik-balik siya ng tingin kay Alex at sa kwintas, at makikita ang inggit sa kanyang mga mata.

Gano’n lang ibinigay ang tatlumpung milyong dolyar na kwintas.

Bakit?

Hindi ba basura lang si Alex? Paano niya nagawang ipagkalooban siya ng L.G. Balfour ng ganitong kamahal na regalo?

“Hindi, babayaran ko ito!”

Inilabas ni Alex ang kanyang itim na credit card at ibinato ito kay Cassandra.

“Paki-swipe ang kard!”

“Tandaan mo ang sinabi mo kanina lang. Ako ang magiging ama mo pagkabili ko sa kwintas!”

Kinuha ni Cassandra ang credit card at namutla ang kanyang mukha.

Tinuro ni Alex sina Chloe at ang matabang lalaki, at sinabi kay Jefferson, “Nga pala, itong dalawang narito, nakipagpustahan sila sa’kin na kapag binili ko ang kwintas na ‘Love in a Fallen City’, bibilhin nila and kwintas na may presyong tatlong milyong dolyar sa billboard. Pumusta ka, magbayad ka, o hindi ka nagbibigay respeto kay Lord Lex.”

Agad na hinarangan ng sekyu ang dalawang tao, alintana kung sinasadya o hindi.

Isang minuto ang lumipas.

Bip...

Matagumpay na nabayaran.

Nang iniabot ni Cassandra ang credit card pabalik kay Alex, medyo nanginginig ang mga kamay niya.

Tatlumpung milyong dolyar na matagumpay na nabayaran.

Magkano ang nilalaman ng credit card na ito?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sanaan A. Tanog
condolences po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 7

    Natigilan si Cassandra.Sa kasamaang palad, hindi makikita ang balanse ng kard sa makina.“Hindi ito kapani-paniwala, bakit siya labis na nirerespeto ni Mr. Jefferson, sinasabing siya ang supreme VIP, sa palagay ko walang nagtataglay ng supreme card ng L.G. Balfour?” puno ng katanungan ang kanyang isip.Tila hindi niya maintindihan ang dahilan. Nakikitira lang si Alex sa tahanan ng pamilyang Assex at nagsisilbi bilang katulong nila. Bakit ang laki ng pinagkaiba?Sa nakaraan, binuhusan pa nga ni Alex ng tubig ang kanyang mga paa para hugasan ang mga ito!Sumigaw si Chloe, “Imposible, imposible, napakaimposible. Sira siguro ang makina. Paano nagawa ng dukhang ‘to na makakuha ng tatlumpung milyong dolyar? Ni tatlong libong dolyar nga ay hindi niya kayang i-withdraw! Kayo, pakitingnan nga ulit ang transaksiyon! Bilisan ninyo!”Sumulyap si Jefferson kay Chloe. “Bale, pinagdududahan mo ba ang Thousand Miles Conglomerate? Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan si Master Alex? Hinukay mo ang

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 8

    Habang nakahiga siya sa kama ng pinakamagarbong presidential suite ng The Golden Age of Youth Hotel, hindi makatulog si Alex.Ang nangyari ngayong araw ay masyadong hindi kapani-paniwala.Hindi niya inaasahang may itinatagong malaking lihim ang kanyang ama, ang Thousand Miles Conglomerate, ang pinaka-makapangyarihang underworld sa California.Totoo kayang ang sanhi ng kanyang kamatayan ay dahil sa aksidente sa kanilang sasakyan?O hindi kaya’y may mga bagay akong hindi alam?Sa gitna ng hatinggabi, nang sa wakas ay nakatulog na siya nang mahimbing, nagising siya ng kanyang alarm. Bumangong siya at nagmadaling pumunta sa ospital.Sa huli, pagdating niya sa ospital, nakita niya ang ilang doktor na nakapalibot sa kama ng kanyang ina. Kasama sa kanila ay si Dr. Cheryl Coney, ang magandang doktor na may kaakit-akit na katawan.Nagulat siya.Akala niya’y may masamang nangyari sa kanyang ina.Mabilis niyang tinanong, “Dr. Cheryl, anong nangyari sa aking ina? Lumala ba ang kanyang kundisyon?”

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 9

    Nagkaroon ng labis na katahimikan!Lahat ng nasa hapag kainan ay nagulat.Ngunit makalipas ng ilang segundo, nagambala ng sandamakmak na tawa ang katahimikan.Lahat ay tumawa.Tanging si Lady Dorothy lang ang labis na nadismaya pagkatapos na magulat.Ibinulalas ni Madame Claire, “Kaya mong bilhin ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Sa lansangan ka ba natulog kagabi? Marahil ay tulog ka pa, nanaginip ka rin, ‘no? Kung may pera kang pambili ng kwintas na ‘yon, kakainin ko ang lamesang ito.”Walang interes na sumagot si Alex, “Mom, hindi ninyo na po kailangang kainin ang lamesa, sapagkat ang inyong mga ngipin ay hindi po matibay para kagatin ito.”Itinaas ni Madame Claire ang kanyang mga kilay at sumimangot, “Mom? Sino ang iyong ina? Nasa ospital pa rin ang nanay mo, halos patay na! Simula ngayong araw, si Spark Rockefeller na ang aking tanging manugang, at siya lang ang karapat-dapat na tawagin aong Mom. Ikaw, makipag-divorce ka na kay Dorot

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 10

    Siyempre, hindi aaminin ni Spark na ang binigay niyang kwintas ay peke lamang na nagkakahalagang dalawang libong dolyar.Kung aaminin niya ito, hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang pinagsikapan?Agad siyang tumayo, pinanduruan si Cassandra at sinabing, “Hindi ko alam kung anong relasyon sa pagitan ninyo ni Alex para ipagtanggol siya, sino ka ba para pagdudahan ang ibinigay kong kwintas? Kilala mo ba kung sino ako?Si Cassandra ay ngumisi at sinabi, “Siyempre kilala kita. Ikaw ang laki sa layaw na sinusubukang agawin ang mga ari-arian ng pamilya ni Alex. Sa totoo lang, lahat ng meron ka ngayon ay pagmamay-ari na ni Lady Dorothy. Inagaw mo ang kanyang kayamanan at binigyan mo siya ng pekeng kwintas para makuha ang kanyang katawan, wala ka talagang kahihiyan.”Ngayon ay pinaniniwalaan niya na si Alex Rockefeller.Tinawag pa niya ito bilang kanyang ama kaya natural lang para sa kanya na ipagtanggol siya.Malamig na ngumuso si Spark. “Patuloy mong sinasabi na naibenta mo na ang kwin

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 11

    Habang sinimulan ni Gaston na kilalanin ang matandang nakatayo sa likuran, nagbago ang husto ang kanyang facial expression.Ang matandang lalaki ay ang chief ng Thousand Miles Conglomerate, at ang alpha ng underground word, si Lord Lex—si Lex Gunther!Wala siyang lakas ng loob na kagalitan si Lord Lex. Pagkatapos ng lahat, pinapahalagahan pa rin niya ang kanyang buhay.Sandaling nanigas si Gaston, habang tinipon niya ang kanyang iniisip, agad siyang ngumiti at humihingi ng paumanhin. "Lord Lex, I'm so, so, so sorry, hindi ko alam na ikaw pala iyan! Kalimutan na sana natin ang lahat. Patawarin mo sana ako sa kung anong sinabi ko. Alam kong malaki ang puso mo. Oh, ako si Gaston, nagpadala ka ng tatawag sa akin? Ang layunin ba ng meeting na ito ay para bigyan ako ng dagdag na tasks? Marahil para i-promote ako bilang manager? Nangangako akong magpe-perform ako sa abot ng aking makakaya."Medyo lumubog ang mukha ni Lord Lex. Madilim at malamig ang kanyang mga mata.Sinabi niya sa isang

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 12

    Sinipa ni Lord Lex si Gaston at sumigaw, "Huli na para magmakaawa ka ngayon! Hilahin siya palabas at lunurin."Sumugod ang security guard. Sa sandaling ito, nilamon si Gaston ng kanyang pagnanais na mabuhay pa. Paulit ulit siyang gumapang. Bumuka ang noo niya at nagsimulang bumulwak ang dugo. Sigaw ni Gaston, “Lord Lex, kaawaan mo ang buhay ko! Uncle John, tulungan mo ako! Alam kong nagkamali ako. Ako talaga. Master Alex, maawa ka sana sa akin!"Mahirap para kay John Gates na tingnan iyon, ngunit hindi siya kayang magsalita.Tumingin si Alex kay Gaston at sinabi, "Hayaan niyo siyang mabuhay, baka pwede pa rin siyang maging kapaki-pakinabang sa atin."Nang marinig ang mga salita ni Alex, nakasulat ang pasasalamat sa buong mukha ni John. Mabilis niyang sinipa si Gaston at sinabi, “Pasalamatan mo agad si Master Alex. Tandaan mo, siya ang magiging master mo mula ngayon!"Dali-daling gumapang si Gaston at sinabi, “Salamat! Salamat Master Alex!"Hindi maitago ni Lord Lex ang galit sa b

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 13

    May tiwala si Lady Dorothy kay Alex, ngunit mahirap paniwalaan ang sinabi ni Alex. Lalo pa’t sampung buwan siyang wala sa sarili niya, nanatili sa kanyang isipan ang impression na iyon.Malamig na tinitigan ni Alex si Spark. "Ang mga kasinungalingan mo ulit. Gusto kong makita kung kailan ka titigil sa pagsisinungaling. Sa palagay mo ba ay walang butas ang mga kasinungalingan mo? Gagamitin mo ba ang Thousand Miles Conglomerate para pwersahin akong makipag-diborsyo kay Dorothy? Anong klaseng biro yun! Ang Thousand Miles Conglomerate ni John Gates, ‘di ba? Nakaluhod siya sa harap ko ngayon lang, nagmamakaawa."Ngumisi ang lahat. Kahit na si Lady Dorothy ay dismayado sa Alex, iniisip na nagsisinungaling siya.Malakas na tumawa si Spark, “Alex, hindi ko inaasahang napakali ng imahinasyon mo para mag-isip ng ganoong kagaguhan. Lumuhod si John Gates ng Thousand Miles Conglomerate sa harap mo? Bakit hindi mo sabihing nagta-trabaho para sa iyo si Lord Lex?"Ngumisi ni Alex. 'Nagta-trabaho n

    Huling Na-update : 2021-08-05
  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 14

    Nang matanggap ni Gaston ang tawag, nagpapagamot siya sa kanyang mga sugat sa ospital.Bumuka ang kanyang noo at namamaga ang kanyang mukha. Ang kanyang buong katawan ay kulay asul at lila sa mga pasa.Sa bawat sakit na naramdaman niya, patuloy niyang minura si Spark sa kanyang isipan. Kung hindi niya tinulungan ang baliw na iyon, hindi siya mapupunta sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Halos naiwasan niyang lunurin siya.Nang marinig niya ang mga tanong ni Spark sa kanya, hindi niya maiwasang hindi magmura. Subalit, naalala niya ang mga utos ni Alex at sinabi kay Spark, "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito, wala akong sagot sa iyo. Mag-iibang bansa na ako. Kaya mo na iyan mag-isa."Click! Binabaan ni Gaston si Spark at pinatay ang kanyang phone para hindi na siya ulit tawagan. Galit na galit si Spark. Sasabog na siya sa galit. Kinuha ni Gaston ang kanyang pera ngunit hindi ginawa ang pinagawa sa kanya. Subalit, si Gaston ang pamangkin ng makapangyarihang si John Gates, isang ta

    Huling Na-update : 2021-08-05

Pinakabagong kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

DMCA.com Protection Status