Share

Kabanata 10

Author: Evergreen Qin
Siyempre, hindi aaminin ni Spark na ang binigay niyang kwintas ay peke lamang na nagkakahalagang dalawang libong dolyar.

Kung aaminin niya ito, hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang pinagsikapan?

Agad siyang tumayo, pinanduruan si Cassandra at sinabing, “Hindi ko alam kung anong relasyon sa pagitan ninyo ni Alex para ipagtanggol siya, sino ka ba para pagdudahan ang ibinigay kong kwintas? Kilala mo ba kung sino ako?

Si Cassandra ay ngumisi at sinabi, “Siyempre kilala kita. Ikaw ang laki sa layaw na sinusubukang agawin ang mga ari-arian ng pamilya ni Alex. Sa totoo lang, lahat ng meron ka ngayon ay pagmamay-ari na ni Lady Dorothy. Inagaw mo ang kanyang kayamanan at binigyan mo siya ng pekeng kwintas para makuha ang kanyang katawan, wala ka talagang kahihiyan.”

Ngayon ay pinaniniwalaan niya na si Alex Rockefeller.

Tinawag pa niya ito bilang kanyang ama kaya natural lang para sa kanya na ipagtanggol siya.

Malamig na ngumuso si Spark. “Patuloy mong sinasabi na naibenta mo na ang kwintas na Love in a Fallen City, pero kanino mo nga ba naibenta ito?”

Sagot ni Cassandra, “Kay…”

Sasabihin niya na sanang binenta niya ito kay Alex, ngunit bigla niyang naalala ang kanyang babala. Hindi maaring maibunyag ang kanyang pagkakilanlan kaya pinanatili niyang nakatikop ang kanyang bibig.

“Bakit ko sasabihin sa’yo?”

Nagalit si Spark.

Hinampas niya ang lamesa, naging sanhi para maalog ang tubig sa baso. Tumingin siya kay Madame Claire at sinabi, “Madame Claire, hindi ko maintindihan ang relasyon sa pagitan ninyong dalawa. Pumunta siya rito para ipahamak ako gamit ang maling impormasyon at siraan ako. Kung iyon ang kaso, sabihin mo nang naging labis ang reaksiyon ko, ngunit wala na akong maitutulong kapag hinabol kayo ng Thousand Miles Conglomerate.”

Kutya ni Cassandra. “Magagarantiya ko sa’yo na hindi kailanman ipapahamak ng Thousand Miles Conglomerate ang pamilyang Assex…”

Bago pa niya maipagpatuloy…

Dinampot ni Madame Claire ang kanyang baso at sinabuyan niya ng red wine si Cassandra sa kanyang mukha.

Saway niya, “Ikaw, ano bang binigay sa’yo ng basurang si Alex para sirain ang kapana-panabik na kasal nina Dorothy at Spark? Umalis ka na rito! Huwag mo na ulit pagtatangkaang lumapit sa pamilyang Assex muli!”

Pagkatapos, mabilis niyang sinabi kay Spark, “Aking mahal na manugang, huminahon ka, baliw ang babaeng iyon, wala siyang magandang asal, wala rin siyang alam tungkol sa tatlumpung milyong dolyar na kwintas! Tunay talaga ang binili mong kwintas.”

Basang-basa at nahihiya si Cassandra.

Tumingin siya kay Lady Dorothy at biglang tumawa.

“Dorothy, pagsisisihan mong nakipaghiwalay ka kay Alex.”

Umiling siya at sinabi ‘yon.

Mabilis na tumayo si Lady Dorothy at humingi ng paumanhin.

Ngunit sumigaw si Madame Claire, “Pagsisisihan mo mukha mo! Naiinggit ka ba kay Dorothy, na malapit nang maging young lady ng Rockefeller Group, pero ikaw, walang may gusto sa’yo?”

“Umalis ka na! Bubugbugin kita kapag nakita pa kita ulit!”

Biglang nakiramay si Cassandra kay Alex.

Mukha talagang pera si Madame Claire. Siya ang tipo ng ina na handang ibenta ang kanyang anak. Ang nakakatawa pa, minaliit niya si Alex.

Masyado nang gahaman sa pera si Madame Claire. Hindi na siya maililigtas pa.

Hell’s Angels.

Matatagpuan sa pinakamamahaling lupain sa sentrong siyudad ng California, sinasakop nito ang sukat na isang ektarya. Ito ang tanyag na pinakamalaki at nangungunang clubhouse sa California.

Karaniwan, nakabukas lamang ito para sa mga executive ng Thousand Miles Conglomerate.

Kung hindi man, ang makakapasok sa clubhouse ay mga bigatin lamang.

Sumakay ng taxi si Alex at sinabihan ang tsuper na pumunta sa Hell’s Angels, at dismayado siyang tiningnan ng tsuper.

Gusto niyang itanong kung bakit siya pupunta sa Hell’s Angels?

Gayunpaman, dahil sa takot, hindi na siya nagtanong pa.Habang bumibiyahe, nanatili siyang tahimik.

Pinatay niya pa nga ang radyo.

Hinawakan ni Alex ang wedding ring habang nagluluksa. Wala siyang pakialam sa reaksiyon ng tsuper.

“Spark Rockefeller, kasuklam-suklam ka at walang kahihiyan, ipapatikim ko sa’yo ang sarili mong medisina.

“Gagamitin ko ang kapangyarihan ng Thousand Miles Conglomerate para itulak ka sa iyong kamatayan.

“Ngunit masyadong nakakabagot iyon! Magsaya muna tayo at tingnan natin kung anong maibubuga mo!

“At ikaw, Madame Claire, ipapakita ko sa’yo na ang binobola mong si Spark Rockefeller ay walang halaga kumpara sa’kin!”

Kung iisipin, napagtantuan niya na.

Iminulat ni Alex ang kanyang mga mata; napupuno ito ng pagkadisidido at kumpiyansa sa sarili.

Meron na siyang puhunan ngayon.

Hindi nagtagal, nakarating na sila sa Hell’s Angels.

Pagkalabas ng sasakyan, taas-noo siyang naglakad palapit sa pintuan…

“Tumigil ka!”

“Hindi maaring pumasok sa Hell’s Angels ang mga hindi kilalang tauhan!”

Sigaw ng malakas at matatag na boses sa kanya.

Nagulat si Alex, at naisip niya, ‘Hindi madaling makapasok sa Hell’s Angels, ngunit malakas ang loob ng bellboy ito.’

Ayon sa sabi-sabi, may mga master, mersenaryo, martial arts master sa Thousand Miles Conglomerate…

Isa ba siya sa kanila?

Gayunpaman, siya ang tunay na boss ng Thousand Miles Conglomerate.

Hindi alintana kung anong uri ng master siya, nagtratrabaho pa rin siya para sa kanya.Nanatili siyang kalmado, at marahang sinabi, “Hindi ako estranghero, nandito ako para hanapin si Lord Lex Gunther!”

Nagalit ang bellboy. “Kalokohan, sino ka para tawagin si Master Lex sa kanyang pangalan! Lumuhod ka at humingi ng paumanhin!”

Sumimangot si Alex. “Hinahanap ko si Lord Lex Gunther. Inimbitahan niya ako riot. Magtiwala ka sa’kin. Pumasok ka at sabihin mo sa kanyang nandito si Rockefeller.”

Sa sandaling ito, may binatang nakasuot ng suit ang mayabang na lumakad papasok habang sumisipol. Nakita niyang hinaharangan si Alex sa pintuan at sinabi nang nakangiti, “Oh, sino ito? Ito na ba ang pinakamasahol na pindeho sa California! May asawa nga pero hindi naman siya pinahihintulutan nitong hawakan siya. Inabandonang anak ng mga Rockefeller.”

Tiningnan siya ni Alex at hindi niya ito namukhaan.

Malamig niyang sinabi, “Sino ka? Sino ka para husgahan ako?”

“P*ta!”

Kutya ng lalaki, “Malakas pa rin ang loob mo ha! Nabalitaan kong hihiwalayan ka na ng iyong asawa. Tsk tsk tsk. Ang asawa mo, si Lady Dorothy, ay may itinataglay na tunay na kagandahan. Pero masaya ka ba kapag ikinasal na siya sa iba? O hindi na?”

Malamig siyang tiningnan ni Alex. “Sabihin mo sa’kin kung sino ka!”

Tumawa ng binata. “Hahaha, anong gagawin mo? Maghihiganti ka ba sa’kin? Natatakot ako!”

Sarkastiko niyang sinabi, “Makinig ka nang mabuti, ako ay si Gaston Gates! Ako ang taong binastos ng iyong asawa sa piging noong isang araw! Bale ano, galit ka na? Ang lakas nga din naman talaga ng loob mo! Nakakaawa ka, isang pindeho, hindi ka karapat-dapat kausapin. Ayokong patulan ka.”

Lumalabas na siya pala si Sir Gaston Gates.

Hindi bigatin ang taong ito, siya lamang ay pamangkin ng executive sa subsidiary ng Thousand Miles Conglomerate.

Samakatuwid, hindi talaga siya makikilala ni Lord Lex Gunther.

Inabot ng matagal na panahon para mahanap ang taong ito.

Pagkatapos, ipinatawag na ni Lord Lex Gunther si Alex sa Hell’s Angels.

Ang mas nakakatawa pa, akala ni Sir Gaston Gates na kaya siya ipinatawag ni Lord Lex Gunther sa Hell’s Angels ay dahil may mabuti siyang balita para sa kanya. Kinutya niya si Alex.

Ngumisi si Alex, “Ikaw pala ‘yon! May huling mga salita ka na ba?”

Nagalit si Gaston Gates. “Bobo, huling mga salita para kanino? Maniwala ka o hindi, hindi ko hahayaang mamatay ka nang payapa!”

Umiling si Alex. “Hindi ko ‘yan paniniwalaan!”

Ito ang Hell’s Angels, ang kanyang teritoryo. Naniniwala siyang kaya niyang bigyan siya ng leksiyon.

Sa sandaling ito ay may isa pang boses, “Hindi ko rin ‘yan pinaniniwalaan!”

Nagalit si Gaston Gates. “Sinong hangal ang nagsasabing hindi niya ito pinaniniwalaan?”

Lumingon siya.

Nakita niya kung sino ang nagsasalita at natigilan.“Master Lex… Gunther?”

Kaugnay na kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 11

    Habang sinimulan ni Gaston na kilalanin ang matandang nakatayo sa likuran, nagbago ang husto ang kanyang facial expression.Ang matandang lalaki ay ang chief ng Thousand Miles Conglomerate, at ang alpha ng underground word, si Lord Lex—si Lex Gunther!Wala siyang lakas ng loob na kagalitan si Lord Lex. Pagkatapos ng lahat, pinapahalagahan pa rin niya ang kanyang buhay.Sandaling nanigas si Gaston, habang tinipon niya ang kanyang iniisip, agad siyang ngumiti at humihingi ng paumanhin. "Lord Lex, I'm so, so, so sorry, hindi ko alam na ikaw pala iyan! Kalimutan na sana natin ang lahat. Patawarin mo sana ako sa kung anong sinabi ko. Alam kong malaki ang puso mo. Oh, ako si Gaston, nagpadala ka ng tatawag sa akin? Ang layunin ba ng meeting na ito ay para bigyan ako ng dagdag na tasks? Marahil para i-promote ako bilang manager? Nangangako akong magpe-perform ako sa abot ng aking makakaya."Medyo lumubog ang mukha ni Lord Lex. Madilim at malamig ang kanyang mga mata.Sinabi niya sa isang

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 12

    Sinipa ni Lord Lex si Gaston at sumigaw, "Huli na para magmakaawa ka ngayon! Hilahin siya palabas at lunurin."Sumugod ang security guard. Sa sandaling ito, nilamon si Gaston ng kanyang pagnanais na mabuhay pa. Paulit ulit siyang gumapang. Bumuka ang noo niya at nagsimulang bumulwak ang dugo. Sigaw ni Gaston, “Lord Lex, kaawaan mo ang buhay ko! Uncle John, tulungan mo ako! Alam kong nagkamali ako. Ako talaga. Master Alex, maawa ka sana sa akin!"Mahirap para kay John Gates na tingnan iyon, ngunit hindi siya kayang magsalita.Tumingin si Alex kay Gaston at sinabi, "Hayaan niyo siyang mabuhay, baka pwede pa rin siyang maging kapaki-pakinabang sa atin."Nang marinig ang mga salita ni Alex, nakasulat ang pasasalamat sa buong mukha ni John. Mabilis niyang sinipa si Gaston at sinabi, “Pasalamatan mo agad si Master Alex. Tandaan mo, siya ang magiging master mo mula ngayon!"Dali-daling gumapang si Gaston at sinabi, “Salamat! Salamat Master Alex!"Hindi maitago ni Lord Lex ang galit sa b

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 13

    May tiwala si Lady Dorothy kay Alex, ngunit mahirap paniwalaan ang sinabi ni Alex. Lalo pa’t sampung buwan siyang wala sa sarili niya, nanatili sa kanyang isipan ang impression na iyon.Malamig na tinitigan ni Alex si Spark. "Ang mga kasinungalingan mo ulit. Gusto kong makita kung kailan ka titigil sa pagsisinungaling. Sa palagay mo ba ay walang butas ang mga kasinungalingan mo? Gagamitin mo ba ang Thousand Miles Conglomerate para pwersahin akong makipag-diborsyo kay Dorothy? Anong klaseng biro yun! Ang Thousand Miles Conglomerate ni John Gates, ‘di ba? Nakaluhod siya sa harap ko ngayon lang, nagmamakaawa."Ngumisi ang lahat. Kahit na si Lady Dorothy ay dismayado sa Alex, iniisip na nagsisinungaling siya.Malakas na tumawa si Spark, “Alex, hindi ko inaasahang napakali ng imahinasyon mo para mag-isip ng ganoong kagaguhan. Lumuhod si John Gates ng Thousand Miles Conglomerate sa harap mo? Bakit hindi mo sabihing nagta-trabaho para sa iyo si Lord Lex?"Ngumisi ni Alex. 'Nagta-trabaho n

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 14

    Nang matanggap ni Gaston ang tawag, nagpapagamot siya sa kanyang mga sugat sa ospital.Bumuka ang kanyang noo at namamaga ang kanyang mukha. Ang kanyang buong katawan ay kulay asul at lila sa mga pasa.Sa bawat sakit na naramdaman niya, patuloy niyang minura si Spark sa kanyang isipan. Kung hindi niya tinulungan ang baliw na iyon, hindi siya mapupunta sa kanyang kasalukuyang kalagayan. Halos naiwasan niyang lunurin siya.Nang marinig niya ang mga tanong ni Spark sa kanya, hindi niya maiwasang hindi magmura. Subalit, naalala niya ang mga utos ni Alex at sinabi kay Spark, "Huwag mo na akong tanungin tungkol dito, wala akong sagot sa iyo. Mag-iibang bansa na ako. Kaya mo na iyan mag-isa."Click! Binabaan ni Gaston si Spark at pinatay ang kanyang phone para hindi na siya ulit tawagan. Galit na galit si Spark. Sasabog na siya sa galit. Kinuha ni Gaston ang kanyang pera ngunit hindi ginawa ang pinagawa sa kanya. Subalit, si Gaston ang pamangkin ng makapangyarihang si John Gates, isang ta

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 15

    Nang umalis sila sa lumang Assex Manor, tumingin si Spark nang may paghanga kay Bill, "Lolo, hindi ko alam na malakas ang konekayon mo na kahit si Lord Lex ay kaibigan mo. Nagawa mo ring gumawa ng paraan para mabilis na asikasuhin ang isang bilyong dolyar na kontrata! Hindi nakakagulat na may tiwala kang tatanggapin ng old lady ang proposal natin!"Umiling si Bill at sinabi, "Wala akong kinalaman sa bilyong dolyar na kontrata.""Ha? Hindi ba sinabi mo lang..." Kuwestiyon ni Spark."Sumasabay lang ako sa daloy," singit ni Bill. "Nasa panig natin ang kapalaran ngayong araw. Hindi ko inasahang makikipag-negosyo ang pamilya Assex sa Thousand Miles Conglomerate. Mukhang may isang makapangyarihang tumutulong sa kanila. Isang matalinong hakbang na pakasalan mo si Dorothy. Pwede tayong magkaroon ng koneksyon saThousand Miles Conglomerate sa tulong mo sa hinaharap."Ngumiti si Spark at tumango bilang pagsang-ayon. May sumagi sa kanyang isipan, sino ang tumutulong sa pamilya Assex? Hindi mal

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 16

    Tinanong ni Dorothy, “Anong ikakasal?”Ngumiti si Lady Emma at sinabi, “Hindi mo talaga alam? Nakakatuwa naman! Malalaman mo rin sa lalong madaling panahon. Oo nga pala, ngayon pa lang ay binabati na kita!“Nagkasalubong ang mga mata nina Dorothy at Alex. Alam nilang may mangyayaring hindi maganda.Nagkaroon ng masamang kutob si Alex nang makita niya si Spark sa hall.Halos alas kwatro na at marami nang mga tao sa banquet hall.Si Madame Joanne na may rosas sa pulang mga pisngi na may simpleng dress na parang buwan sa kaputian ay nakatayo sa ilalim ng spotlight.Iniunat niya ang kanyang mga braso at lahat ng tao sa hall ay nanahimik.“Ngayon ang ikalabinglimang anibersaryo ng Assex Constructions. Nais kong pasalamatan ang lahat ng aming mga kasosyo sa negosyo sa inyong presensya ngayong gabi.“Palakpalak.... Pak… Pak…Nagpalakpakan ang madla.“Ayon sa aming nakagawiang kasanayan, ngayon, ang mas nakababatang henerasyon ng pamilyang Assex ay gagantimpalaan batay sa kanilang naiambag. Ng

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 17

    Pakiramdam ni Alex ay ipinahiya siya ni Bill Rockefeller.Naalala niya ang nangyari sampung buwan na ang nakakaraan, kung saan napahiya din ang kanyang amang si William. Sinabi niya, “Lolo, bakit ka nagsisinungaling? Hindi ko maintindihan. Parehas kaming kapamilya mo ni William, ngunit bakit hindi kami kanais-nais para sa’yo?”“Bakit? Sapagkat kapwa kayo ay kahiya-hiya sa sangkatauhan!”Buzz—Nakaramdam ng labis na pagkasawi ang puso ni Alex na para bang tinusok ito ng kutsilyo. Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.“Dorothy, pakiusap, magtiwala ka sa akin, hindi ako nagsinungaling kailanman.” Tumingin si Alex kay Dorothy gamit ang kanyang malungkot at walang magawang mga mata.Ngunit sinampal siya ni Dorothy at sinabi habang lumuluha, “Binigo mo ako! Akala ko nagbago ka na, ngunit mas naging kasuklam-suklam ka at walang hiya. Napakatindi mong magsinungaling! Nasusuka ako sa’yo!”Hinubad niya ang wedding ring at itinapon ito kay Alex.Tumama ang singsing sa mukha n Alex saka ito gumul

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 18

    “Ano? Talaga bang tinawag siya ni Lord Lex bilang kanyang Master?”“Hindi ba si Alex ay itinaboy na ng pamilyang Rockefeller? Paano siya maiuugnay kay Lord Lex na nagkakahalagang isang trilyong dolyar?““Si Alex ba ang tunay na may-ari ng Thousand Miles Conglomerate? Kung totoo iyan, maaaring siya ang pinakamayamang tao sa California o pinakamayamang tao sa Amerika.““Oh Diyos ko, malaking balita ‘yan! Nakakaaliw ito!“Namangha ang lahat. Bumulong sila sa isa't-isa habang nakatingin sa entablado.Natigilan ang buong pamilyang Assex.Nanginginig ang katawan ni Madame Joanne.Nanlalaki ang mga mata ni Madame Claire sa pagkamangha.Tinakpan ni Dorothy ang kanyang bibig. Naguluhan siya.Tiningnan ni Alex si Lord Lex nang walang pakialam at tinanong, “Lord Lex, bakit ka narito?”Sumagot si Lord Lex, “Master Alex, narinig ko ang tungkol sa taunang piging ng pamilyang Assex. Dumating ako upang bumati at sa parehong pagkakataon, ibigay ang bilyong dolyar na kontrata. Ngunit hindi ko inaasahan

Pinakabagong kabanata

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status