Share

Kabanata 17

Author: Evergreen Qin
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Pakiramdam ni Alex ay ipinahiya siya ni Bill Rockefeller.

Naalala niya ang nangyari sampung buwan na ang nakakaraan, kung saan napahiya din ang kanyang amang si William. Sinabi niya, “Lolo, bakit ka nagsisinungaling? Hindi ko maintindihan. Parehas kaming kapamilya mo ni William, ngunit bakit hindi kami kanais-nais para sa’yo?”

“Bakit? Sapagkat kapwa kayo ay kahiya-hiya sa sangkatauhan!”

Buzz—

Nakaramdam ng labis na pagkasawi ang puso ni Alex na para bang tinusok ito ng kutsilyo. Tumulo ang mga luha sa kanyang pisngi.

“Dorothy, pakiusap, magtiwala ka sa akin, hindi ako nagsinungaling kailanman.” Tumingin si Alex kay Dorothy gamit ang kanyang malungkot at walang magawang mga mata.

Ngunit sinampal siya ni Dorothy at sinabi habang lumuluha, “Binigo mo ako! Akala ko nagbago ka na, ngunit mas naging kasuklam-suklam ka at walang hiya. Napakatindi mong magsinungaling! Nasusuka ako sa’yo!”

Hinubad niya ang wedding ring at itinapon ito kay Alex.

Tumama ang singsing sa mukha n Alex saka ito gumulong sa lupa.

Namutla ang mukha ni Alex.

Umalingawngaw sa kanyang tenga ang mga salita ni Dorothy.

Sinabi niya dati na hindi magkakaroon si Alex ng pagkakataong ibalik ang singsing na iyon sa kanyang kamay kung huhubarin niya ulit ito balang araw.

Ang pagkadismaya at pang-iinsulto mula sa mga panauhin ay parang mga espadang tumutusok sa kanya. Ngunit ang mapanghamak na tingin ni Dorothy ang pinakamasakit sa kanya.

Sinabi ni Madame Joanne, “Alex, ang hinihiling ko lang sa’yo ay hiwalayan mo na si Dorothy bukas. Sumang-ayon na ako sa kasal nina Spark at Dorothy! Ngayo’y umalis ka na! Ito ang party ng Assex, hindi ka imbitado!“

“Teka lang po, Lola!”

Sinabi ni Spark, “Siya ay dating asawa ni Dorothy. Gusto kong masaksihan niya ang proposal ko kay Dorothy ngayon.”

Ngumiti si Madame Joanne at sinabi, “Sige lang, gawin mo ang gusto mo.”

Tapos, tuluyan nang hindi pinansin si Alex. Nasaksihan ni Alex ang proposal ni Spark kay Dorothy. Si Spark ay lumuhod sa kanyang tuhod at tinanong, “Dorothy, will you marry me?”

Sigaw ng madla, “Yes! Sabihin mo yes! Pakasalan mo siya! Pakasalan mo siya!”

Nang nakita ni Alex ang proposal, sobrang sumakit ang kanyang puso na hindi siya makahinga.

Tiningnan ni Dorothy si Alex nang naiinis at galit, pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumango.

Doon lang, may sumigaw mula sa bukana ng hall.

“Si Lord Lex Gunther mula sa Thousand Miles Conglomerate ay narito upang batiin ang bagong kasal!”

“Narito ang ilang mga regalo para sa mga bagong kasal. Isang pares ng mga gintong jade horse, isang sinaunang painting mula sa Ancient Egyptian Vase mula sa panahon ni Hatshepsut, isang maleta na may 9.9 milyong dolyar na cash, at isang bilyong dolyar na kontrata!”

Agad na tumayo ang lahat sa hall matapos marinig ang pagpasok ni Lord Lex Gunther. Namangha sila sa mga regalong inihandog niya.

Nagtataka ang lahat tungkol sa relasyon sa pagitan ng pamilyang Assex at ni Lord Lex Gunther para maghandog sa kanila ng mga ganitong pambihirang regalo.

Ang pamilyang Assex ay natuwa.

Nagmadali si Madame Joanne upang salubungin si Lord Lex Gunther.

Pumasok si Lord Lex Gunther sa hall na sinamahan nina Sir John Gates, Sir Gary Gaston Gates, at ilang executive ng Thousand Miles Conglomerate.

Sinabi ni Madame Joanne na may malaking ngiti sa kanyang mukha, “Lord Lex, isang karangalan na makasama ka rito, maligayang pagdating!”

Sinabi ni Lord Lex, “Madame Joanne, ikinagagalak ko ito. Maaari ba akong magtanong, nasaan si Mr. at Mrs. Rockefeller?”

Akala ni Madame Joanne na siya ay dumating para kay Spark. Natuwa siya para kay Spark.

“Nasa hall sila. Nagpo-propose siya ngayon kay Dorothy!”

Nausisa si Lord Lex. “Wow! Hindi ko akalain na si Mr. Rockefeller ay napakaromantiko! Nakakatuwa! Tara, dapat kong makita ito.”

Hindi nagtagal, nakarating sila sa harap ng entablado.

Sina Lord Lex Gunther, Sir John Gates, at Sir Gary Gaston Gates ay natigilan na nakatingin kay Spark sa kanyang tuhod, may mga bulaklak at singsing sa kanyang kamay na nagpo-propose kay Dorothy.

Naguluhan sila.

Pumunta sila rito para kay Alex. Espesyal na dumating sina Sir John Gates at Sir Gary Gaston Gates upang humingi ng paumanhin kay Dorothy. Si Alex ay hindi makita, ngunit nakita nila si Spark na nagpo-propose sa asawa ni Alex.

Nataranta si Lord Lex at tinanong, “Madame Joanne, anong nangyayari?”

Hindi maintindihan ni Madame Joanne ang tanong niya. Ngumiti siya at sinabi, “Nagpo-propose si Spark kay Dorothy! Hindi ba sila ang perpektong tugma para sa bawat isa?”

Sinabi ni Sir John, “Kung tama ang pagkaalala ko, si Dorothy ay kasal na kay Mr. Alex...”

Itinuro ni Madame Joanne si Alex na itinutulak sa isang sulok at tumawa, “’Yang basura ba ang tinutukoy mo? Hindi siya karapat-dapat na maging asawa ni Dorothy! Maghihiwalay na sila bukas.“

Napagtanto ni Lord Lex na nakatayo si Alex sa sulok ng hall habang nakakaawa siyang kinukutya.

Nagtawanan ang madla.

“Walang kwenta si Alex. Kahit na ang kanyang lolo ay ipinagtabuyan na siya.”

“Hahaha. Nasasaksihan niya ang kanyang asawang ikakasal sa ibang lalaki at wala siyang magawa rito. Gaano ka kawalang silbi!“

“Hindi karapat-dapat na magkaasawa ang basurang ito! Dapat ay manatili siyang nag-iisa habang buhay!”

Nang makita ni Lord Lex na minamaltrato si Master Alex, tumulo ang luha sa kanyang mukha.

“Manahimik ka nga!”

Umungal si Lord Lex at tinulak sa tabi si Madame Joanne. “Lahat kayo ay kasuklam-suklam! Ang lakas ng loob ninyong mangahas na insultuhin si Master Alex!”

Nanginginig si Lord Gunther. Dali-dali siyang lumapit, yumuko kay Alex, at sinabing, “Master!”

Ang madla na pinagtatawanan si Alex ay nagulat. Tahimik ang lahat. Naguguluhan silang tumingin kay Alex.

Huminga nang malalim si Alex at dahan-dahan siyang tumingala...
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Doublekill Attack
Anu b yan Kla ko p nmn free,,, Tapoz Ngaun my byad Sau ng story mu mkkita ko nmn sa pocketbook yan
goodnovel comment avatar
Jonald Obenieta
bwesit nagppbyad para mabasa wag na kayo gumaqa nang ebook kung magplbyad pala kayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 18

    “Ano? Talaga bang tinawag siya ni Lord Lex bilang kanyang Master?”“Hindi ba si Alex ay itinaboy na ng pamilyang Rockefeller? Paano siya maiuugnay kay Lord Lex na nagkakahalagang isang trilyong dolyar?““Si Alex ba ang tunay na may-ari ng Thousand Miles Conglomerate? Kung totoo iyan, maaaring siya ang pinakamayamang tao sa California o pinakamayamang tao sa Amerika.““Oh Diyos ko, malaking balita ‘yan! Nakakaaliw ito!“Namangha ang lahat. Bumulong sila sa isa't-isa habang nakatingin sa entablado.Natigilan ang buong pamilyang Assex.Nanginginig ang katawan ni Madame Joanne.Nanlalaki ang mga mata ni Madame Claire sa pagkamangha.Tinakpan ni Dorothy ang kanyang bibig. Naguluhan siya.Tiningnan ni Alex si Lord Lex nang walang pakialam at tinanong, “Lord Lex, bakit ka narito?”Sumagot si Lord Lex, “Master Alex, narinig ko ang tungkol sa taunang piging ng pamilyang Assex. Dumating ako upang bumati at sa parehong pagkakataon, ibigay ang bilyong dolyar na kontrata. Ngunit hindi ko inaasahan

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 19

    Agad na lumuhod si Gaston sa harapan ni Lady Dorothy, “Mrs. Rockefeller, humihingi ako ng paumanhin, dumating ako upang humingi ng kapatawaran. Nabulag ako ng aking kasakiman at tumanggap ng labing limang milyong dolyar mula kay Spark upang gawin ang kanyang ninanais; ang sadyaing magdulot ng kaguluhan at pagbabanta sa’yo, lahat para lumitaw na siya ay magmumukhang bayani. Gusto ka niyang nakawin palayo kay Master Alex. Nagkamali ako, patawarin mo ako.“Ang mga mata ni Dorothy ay napuno ng mga luha at hindi niya ito mapigilan.Sa isang iglap!Pilit na kinuha ni Sir John ang kuwintas kay Madame Claire at itinapon ito sa lupa, sinisira ito at sinabing, “Ito ay imitasyon ng aming Love in a Fallen City na kwintas. Hindi lamang ito labag sa batas, isang insulto rin ito sa aming kumpanya!“Nagulat ang lahat sa pagsisiwalat. Lahat ng sinabi ni Spark ay kasinungalingan. Lahat ng mga hindi kapani-paniwalang mga pahayag ni Alex ay totoo, ngunit ang lahat ay nag-alinlangan sa kanya.Sa sandaling

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 20

    Naninigas si Alex. Napakaganda niya at ang kanyang kagandahan ay hindi maiihahambing kay Dorothy. Ngunit ang pigura ni Dr. Cheryl ay higit na masagana. Parang nananaginip si Alex. Naisip niya sa kanyang sarili, 'Alam ba niya na ang kuwintas ay tunay at nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Marahil ay nananahimik lamang siya tungkol dito ngunit ngayon ay agresibong niya na akong hinahabol!'Habang patuloy na nag-iisip si Alex, nagtaka siya bakit nag-iisa si Dr. Cheryl ngayong gabi. Dapat ba siyang sumang-ayon sa kahilingan niya? Habang inaalala niya ang nangyari kanina, ang puso niya ay nasa nagdurusa at hindi niya ito makalimutan. Napagpasyahan niyang sumang-ayon sa kahilingan ni Dr. Cheryl.Sinabi ni Dr. Cheryl, “Buweno, meron akong reunion na pupuntahan ngayong gabi at may lalaking matagal na akong nililigawan. Naiirita ako sa kanya. Gusto kong magpanggap kang boyfriend ko at pigilan mo siya. Papayag ka bang tulungan ako?”May kamalayan si Dr. Cheryl na may asawa si Alex at hind

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 21

    Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Alex ay kumatok sa kanya ang kaligayahan.Sa loob ng kanyang puso, naisip niyang kapag nagsara ang Diyos ng isang pintuan, magbubukas Siya ang isa pa.Gusto nang umalis Dr. Cheryl, ngunit hindi siya makagalaw. Nahiya siya at namula.Pagdating nila sa unang palapag, lumabas na sila ng elevator. Tinitigan siya ni Dr. Cheryl at bumulong, "Huwag mong subukang guluhin ulit ako!"Nagdamdam si Alex at sinabi, "Cheryl, hindi sa akin ang kasalanan."Alas singko y medya, nakarating sila sa Urasawa Restaurant. Wala masyadong mga customer sa restaurant. Ngunit ang mga kotseng nakaparada sa harap ng restaurant ay pawang mga high-end luxury cars, at mga kotse na nagkakahalaga ng sampu-sampung milyon."Ang Urasawa Restaurant ay ang pangalawang pinakamahal na restaurant sa California.""Mukhang mayayaman ang mga kaklase mo para dito gawin ang reunion gathering niyo!" Nakangiting sinabi ni Alex.Nakasimangot si Dr. Cheryl. "Ang nag-imbita sa amin dito ay ang lal

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 22

    Si Cheryl na may pares ng magagandang mga mata ay pinatong ang kanyang ulo sa balikat ni Alex at ngumiti. "Aba, Alex, boyfriend kita. Ano sa palagay mo? Bagay ba tayo sa isa’t isa?"Napakaganda ni Dr. Cheryl. Maraming mga kalalakihan ang nangangarap na magkaroon ng asawang kasing-ganda niya. Nabihag niyan ang puso ng mga kalalakihan sa kwarto sa bawat galaw niya.Tumingin si Benjamin kay Alex ng sobrang pagkamuhi na para bang mapapatay niya si Alex sa mga mata niya.Naguluhan ang lahat ng tao sa kwarto at tumingin kay Benjamin.Pagkatapos, isang lalaki ang nagsalita. "Nagbibiro ka ba, Cheryl? Pati bulag ay kayang makitang malakas ang pagtingin ni Benjamin sa iyo! Paanong pumili ka ng isang 'walang saysay’ kaysa kay Benjamin!"Ang ilan sa kwarto ay tumango."Oo, tama siya! Si Benjamin ang batang direktor ng Golden Light Group. Nagkakahalaga siya ng ilang bilyong dolyar. Kung sino ang magpakasal sa kanya ay mabubuhay nang payapa sa buong buhay niya. Sino ang lalaking katabi mo? Ang

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 23

    Nang makita ni Benjamin sina Dr Cheryl at Alex na nag-eenjoy sa kanilang hapunan, tiningnan niya nang masama si Alex.Ang dahilan kaya inayos ni Benjamin ang reunion gathering na ito ay para ligawan si Cheryl. Hindi niya kayang panoorin sina Dr. Cheryl at Alex na ine-enjoy ang kanilang matatamis na sandali habang naghahapunan.Napansin ng mga sipsip kay Benjamin ang kanyang galit. Pagkatapos, lumingon sila at tumingin kay Dr. Cheryl at Alex.Sinabi ni Britney, "Hoy, Alex ang pangalan mo, ‘di ba? Hindi mo pa ba natitikman ang mga ganitong masasarap na pagkain dati? Kumakain ka ba ng tanghalian sa construction site? Anong trabaho mo?"Matapos lumunok si Alex ng isang piraso ng karne, sumagot siya, "Hindi ako nagtatrabaho sa construction site. Wala akong trabaho ngayon."Nagtawanan ang lahat.Malalim ang inisip ni Benjamin nang tumingin siya kay Dr. Cheryl. Dahil maraming taon nang nililigawan ni Benjamin si Dr. Cheryl, alam niyang isang mabait na tao si Dr. Cheryl. Mahusay ang pana

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 24

    "Britney, anong nangyari?"Sumimangot si Benjamin habang tumayo siya at nagtanong.Sinubukan ni Britney na takpan ang kanyang punit na damit na tumambad sa kanyang balat. Tinuro niya ang isang middle-age na lalaking pumasok at sumigaw, "Ang bastardong iyon, minolestiya ako."Galit na sigaw ng lalaki, "P*ta, sinong nagmolestya sa iyo? Bilisan mo, ilabas mo ang aking..."Bago pa niya matapos ang kanyang sinabi, ang sipsip kay Benjamin na si Dylan Minette, ay tumalon at sinipa ang dibdib ang middle-age na lalaki. Bumagsak ang lalaki sa sahig."P*nyeta! Sinong naglabas sa manyak na ito? Ang kapal mong molestyahin si Britney! Bakit hindi mo molestyahin ang sarili mong kapatid na babae!"Sumugod din ang iba pang mga lalaki. Sinuntok at sinipa nila ang lalaki.Pagkatapos ay sinipa nila ang lalaki palabas ng dining room.Tumawa si Dylan at sinabin, "P*tang ina ka! Tuturuan kita ng leksyon! Huwag mong subukang gawin ulit iyon!""Ang galing mo, Dylan!" hiyawan ng mga tao.Umiling si A

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 25

    Nanginginig ang puso ni Benjamin nang marinig ang babala ni Manager Ramsay. Hindi siya naglakas-loob na magsalita pagkatapos niyon.Ang lahat ay takot na magsalita matapos nilang makitang tahimik si Benjamin. Lalo na ang mga bumugbog sa middle-age na lalaki ngayon lang, nanginginig sila."Itong bastardong ito ang pinakamalakas na sumuntok sa akin."Sinabi ng lalaki habang tinuro si Dylan.Agad na inaresto ng ilan pang mga security guard si Dylan at pinosasan ang mga kamay niya."Nasaan ang diamond ring ko? Ibalik mo sa akin!" Malamig na tinitigan ng lalaki si Britney."Ako... hindi ko iyon ninakaw." Takot na sinabi ni Britney.Sumagot si Manager Ramsay, "Paano kung umamin ka na at ibalik ang diamond ring. Hindi mo pwedeng itanggi ang ginawa mo. May mga surveillance camera sa restaurant namin na ni-record ang lahat."Umiling si Britney sa pagtanggi.Pinunit ng galit na galit na middle-age na lalaki ang damit ni Britney at pwesahang nagkapapkap sa ang kanyang katawan.Sumigaw n

Latest chapter

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

DMCA.com Protection Status