Share

Kabanata 5

Author: Evergreen Qin
Bumalik si Alex sa villa ng pamilya Assex na para bang isa siyang zombie. Kahit na tinawag itong isang villa, isa lamang itong maliit na bahay. Matapos gibain ang lumang family home, isang three-storey building ang itinayo mula diro. Malayo ito sa isang tunay na villa.

Tumingin si Alex at nakitang nakabukas ang ilaw ng kwarto ni Dorothy. ‘Nasa bahay ba si Dorothy?’ Nagtatakang tanong ni Alex sa sarili. ‘Hindi pala niya kasama si Spark?’ Sa sandaling mapagtanto niya iyon, para bang nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Nakakita siya ng pag-asa at napagtantong hindi pwedeng pagkatiwalaan ang mga salita ni Madame Claire. Mapanlinlang siya. Gusto niyang gumawa ng mga bagay-bagay para tuparin lamang ang mga pantasya sa kanyang isip.

Sumugod si Alex sa pintuan papasok sa villa. Nakita niya si Madame Claire sa sala, may ka-video call habang naglalagay ng nail polish sa mga daliri ng paa niyang nakataas sa hangin. Masaya siyang humuhuni.

Labis na nag-alala ni Alex, nang makitanng natutuwa si Madame Claire muling ikakasal ang anak niya. Nakalimutan na niya ang lahat ng tungkol sa mga banta mula kay Gaston Gates.

Nang makita si Alex, napatalon si Madame Claire sa sofa at sinabi, "Sinong nagpasok sa taong ito? Malakas pa rin ang loob mong bumalik dito? Hihiwalayan mo na si Dorothy bukas. Layas!"

Hindi pinansin ni Alex ang kanyang mga komento at mabilis na sumugod sa hagdan. Nais niyang siguraduhing nasa kanyang kwarto si Dorothy. Desidido siyang huwag mawala sa piling niya. Sinubukan ni Alex na buksan ang pinto, ngunit naka-lock ito. Kumatok siya nang malakas sa pintuan at nagmakaawa, “Dorothy, pakibuksan mo sana ang pinto. Alam kong nandiyan ka. May importante akong sasabihin sa iyo."

Sinundan ni Madame Claire si Alex nang nakayapak at sumigaw, “Basura kang tao, lumayas ka sa pamamahay namin. Sinong nagbigay sa iyo ng permisong umakyat dito? Sa tingin mo may karapatan kang pumunta dito?”

"Dapat kong makita si Dorothy," sinabi ni Alex na may matigas na tinig.

"Hindi ba sinabi ko sa iyong nagpalipas siya ng magdamag kasama si Spark? Baka mabuntis na siya sa anak niya. Tumigil ka sa pagiging pabigat sa anak ko at sa aming pamilya. Kung pipigilan mo ang anak kong magpakasal kay Spark, sasaktan kita!” Sabi ni Madame Claire.

Umungol ni Alex.

Kung alam ng kanyang supladang mother-in-law ngayon na meron siyang sampung bilyong dolyar sa bangko at isang trilyong dolyar na empire, anong mararamdaman niya? Subalit, nagpasya siyang hindi pa ito ang tamang oras para sabihin ito sa kanya. Sa tamang panahon, ipapaalam niya sa kanya ang kanyang bagong kayamanan at impluwensya!

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Dorothy. Nasa pintuan si Dorothy at sinabi, “Mom, pwede bang mag-ingat ka sa sinasabi mo? Kahit na wala kang kahihiyan, meron ko! Sinong nagpapalipas ng gabi kasama si Spark? Hindi pa ako diboysyada. Kung kumalat ang balitang iyan, may mukha pa ba akong ihaharap?" Habang nagsasalita siya, dahan-dahang lumabas ng kwarto si Dorothy. Napatingin siya kay Alex nang hindi nagpapakita ng emosyon sa mukha niya.

Mabilis na sumingit si Madame Claire nang makita niyang hindi mapakali si Dorothy, "Sinasabi ko lang sa kanya para sumuko siya at hindi na tayo guluhin pa."

Gumaan ang loob ni Alex nang malaman niyang hindi pa siya huli. Habang may ngiti sa kanyang mukha, nanigurado siya kay Dorothy, "Darling, natutuwa akong hindi ka nagpalipas ng gabi kasama si Spark." Napuno siya ng pag-asa. Pakiramdam niya ay para siyang brand-new na tao, na may kapangyarihanng protektahan ang mga mahal niya.

Naisip ni Alex sa sarili, ‘My darling Dorothy! Hindi ka sumuko sa akin at marami kang tiniis para sa akin sa nagdaang sampung buwan. Pwede kang umasa sa akin habambuhay.'

Habang hindi maintindihan ang kahulugan sa likod ng ngiti ni Alex, nadismaya si Dorothy at nagalit. Paanong nakangiti siya pagkatapos ng nangyari? Nasiraan na ba talaga siya ng isip?!

Galit niyang sinabi, "Anong ngini-ngiti mo? Kahit na hindi ko siya kasama ngayon, baka gawin ko iyon bukas. Masaya ka ba doon?"

Agad na nagbago ang facial expression ni Alex. Umiling siya at sinabi, "Hindi, hindi iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na hindi na ako ang taong nakasanayan mo! Inaamin kong nawala ako sa sarili sa nagdaang sampung buwan. Sa ngayon, kailangan kong humingi ng tawad at salamat din sa hindi mo pagsuko sa akin. Sa wakas, kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa, kaya na kitang ipagtanggol. Ang Gaston na iyon mula sa Thousand Miles Conglomerate ay wala lang sa harap ko. Ipaghihiganti kita. Simula ngayon, wala nang manggugulo sa iyo..."

Habang masiglang nagsasalita ni Alex, sinampal siya ni Madame Claire. "Nananaginip ka ba?" tanong ni Madame Claire, "Patay na ba ang utak mo? Nabaliw ka na siguro. Bakit hindi mo na lang sabihin sa amin na pagmamay-ari mo ang Thousand Miles Conglomerate? Lumayas ka na sa bahay namin ngayon bago mo pa kami mahawa sa kabaliwan mo!"

Napatingin si Alex kay Madame Claire. Nais niyang sabihin sa kanya na siya talaga ang nagmamay-ari ng Thousand Miles Conglomerate. Subalit, kahit sabihin niya ito, walang maniniwala sa kanya, tulad ng inakala ni Dorothy na nabaliw na siya nang sabihin niya sa kanyang mayroon siyang sampung bilyong dolyar. Talagang mahirap para sa sinuman, kahit sa sarili niya, na maniwalang totoo iyon.

Huminga siya ng malalim at sinabing, “Dorothy, bigyan mo lang ako isang araw. Magtiwala ka sa akin. Kaya kong asikasuhin ang lahat. Ako... Natagpuan ko ang isang kaibigan ng aking ama na handang tumulong sa akin. Ang kalahating milyong dolyar na ibinigay mo sa akin, galing ba iyon kay Spark? Babayaran ko siya ngayon."

Tumalikod si Alex at gusto nang hanapin si Spark matapos siyang magsalita.

"Sandali!" Sinabi ni Dorothy, "Huwag kang pumunta!"

Sagot si Alex, "Dorothy, nakikiusap ako sa iyo, magtiwala ka lang sa akin kahit ngayon lang. Huwag kang papayag sa proposal ni Spark. Isang araw lang ang kailangan ko. Hayaan mong patunayan ko ito sa iyo! Kung mabibigo ako, papayag ako sa diborsyo! Hindi ko kailangan ng kalahating milyong dolyar galingk kay Spark."

Nakatingin lang sa kanya si Dorothy nang walang emosyon. Pakiramdam niya ay iba na siyang tao. Bumuntong hininga siya at sinabi, “Hindi ko tinanggap ang pera ni Spark. Binenta ko ang wedding ring ko."

"Anong sinabi mo?" Halos mahimatay si Alex nang malaman niyang ipinagbili ni Dorothy ang wedding ring na pareho nilang pinili, ngunit gumaan ang pakiramdam niya nang malamang hindi galing ang pera kay Spark. Tanong niya, "Kanino mo iyon binenta? Bibilhin ko iyon ngayon din."

Umiling si Dorothy at sinabi, “Binenta ko iyon sa kalahating milyong dolyar, ngunit kung gusto mong bilhin iyon ulit, baka gumastos ka ng higit sa isang milyong dolyar. Kahit na hindi mo gamitin ang pera para sa mga medical bills ng iyong ina, imposibleng magagawa mong bilhin iyon ulit. Siguro nakatadha nang matapos ang buhay at kasal natin. Gumising ka na sana Alex tumigil ka nang mangarap! Sana’y mabuhay ka ng maayos nang wala ako.”

Nang matapos magsalita si Dorothy, tumalikod siya at sinara ang pinto. Tulumo ang luha sa kanyang pisngi.

Sinabi ni Alex, "Hindi, hindi ako papayag na mangyari iyan. Kanino mo iyon binenta? Bibilhin ko agad iyon! Kahit na gagastos ako ng isang daang milyong dolyar, bibilhin ko pa rin iyon. Huwag kang mag-alala, hindi ko hahayaang matapos ang pagsasama natin."

“Sa L.G. Balfour!" Sagot ni Dorothy mula sa likod ng pintuan.

"Sige! Maghintay ka sa akin!” Excited na sigaw ni Alex.

Umiling si Dorothy at inisip sa sarili, “Malamang ay nabaliw na ang taong ito. Talaga bang iniisip niyang mayroon siyang isang daang milyong dolyar?”

Tinaboy ni Madame Claire si Alex palabas ng kanilang bahay. "Rockefeller, sinasabi ko sa iyo ngayon, makipaghiwalay ka kay Dorothy bukas! Kung maglalakas-loob kang humarang sa pagpapakasal ni Dorothy kay Spark, lagot ka sa akin!"

Huminga nang malalim si Alex at mabilis na pumunta sa L.G. Balfour.

Ang L.G. Balfour ang nangungunang jewelry store sa California. Nag-iisa lang ang store nila sa California, kaya't madali itong hanapin.

Alas-siete y medya na ng marating ni Alex ang store. Mabuti at hindi pa nagsara ang store dahil meron pang ilang mga customer na nagtitingin pa rin sa loob.

Napakalaki ng store, na may kabuuang tatlong palapag. Naka-stock dito ang lahat ng mga klase ng mamahaling at eksklusibong alahas. Mahirap tantyahin ang kabuuang halaga ng lahat ng mga alahas nila. Nangunguna rin ang pinapatupad na seguridad sa loob ng store.

Nais ni Alex na maghanap ng store assistant, ngunit nakasalubong niya ang isang pamilyar na mukha. Ito ang nurse na nagmula sa ospital—ang dati niyang kasintahang si Chloe. Nagulat si Chloe nang makita siya at agad na lumapit sa kanya at sinabi na may mapaglarong tono, “Naku, nakatapak ba ko ba ngayon ang tae aso? Bakit ang malas ko ngayon at nakasalubong kita ulit? Anong ginagawa mo dito? Hindi mo kayang bayaran ang mga alahas dito!"

Hindi nakasuot si Chloe sa kanyang nurse uniform at nakasuot ng tight dress na nagpapakita ng kanyang nakaka-akit na pigura. Kasama niya ang isang napakatabang lalaking naka-suit at leather na sapatos, at nakabitin siya na para bang bahagi siya ng katawan nito.

Sumagot si Alex, "Wala kang pakialam!"

Ngumisi si Chloe. "Huwag mong kalimutan ang kinailangang gawin ng iyong asawa para makakuha lang ang pera para sa operasyon ng iyong ina. Huwag mong sabihin sa akin na gagamitin mo ang pera para bilhan siya ng regalo? Dapat umuwi ka na lang! Hindi ito lugar na tumatanggap sa ang isang pulubing katulad mo."

Galit na sagot ni Alex, “Hindi mo maiisip kung magkano ang perang meron ako. Maniniwala ka bang mabibili ko ito ngayon?" nakaturo siya sa kwintas sa billboard, na pinangalanang ‘Love in a Fallen City’, na may price tag na tatlumpung milyong dolyar.

Tumawa ng malakas si Chloe at sinabi, “Nananaginip ka ba nang gising? Kung kaya mong bilhin iyan, luluhod ako at dilaan ang mga paa mo!”

Related chapters

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 6

    Umiling si Alex at ngumisi, “Chloe, hindi ka karapat-dapat para halikan ang mga daliri ko sa paa. Umuwi na lang kayo ng matabang lalaking kasama mo. Siguro, kapag napasaya mo siya, bibilhan ka niya ng walang kwentang kwintas na nagkakahalagang dalawang libo.”“Ikaw…”Sobrang tindi ng galit ni Chloe, na para siyang bombang sasabog anumang oras.Hinabol ng matabang lalaki si Chloe, aakitin niya na sana ito para maiuwi siya’t maikama, nang kinutya siya ni Alex. Sinabi ng matabang lalaki, “Ikaw ‘tong dukha, tingan mo nga ‘yang sarili mo, sa tingin mo ba kaya mong bilhin itong kwintas na nagkakahalagang tatlumpung milyon? Tingin mo ba tatlong libo lang ‘yan?”“Paano kung kaya ko ngang bilhin ‘yan? Kaya mo ba? Makakabili ka rin ba?” tanong ni Alex.Napagpasiyahan ni Alex na bilhin ang nasabing kwintas.Masyadong marami na ang kanyang pagkukulang sa nakaraang sampung buwan.Maaring masiyahan si Lady Dorothy kapag binigyan siya ng kwintas ng nagkakahalagang tatlumpung milyon, at makuha ang kan

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 7

    Natigilan si Cassandra.Sa kasamaang palad, hindi makikita ang balanse ng kard sa makina.“Hindi ito kapani-paniwala, bakit siya labis na nirerespeto ni Mr. Jefferson, sinasabing siya ang supreme VIP, sa palagay ko walang nagtataglay ng supreme card ng L.G. Balfour?” puno ng katanungan ang kanyang isip.Tila hindi niya maintindihan ang dahilan. Nakikitira lang si Alex sa tahanan ng pamilyang Assex at nagsisilbi bilang katulong nila. Bakit ang laki ng pinagkaiba?Sa nakaraan, binuhusan pa nga ni Alex ng tubig ang kanyang mga paa para hugasan ang mga ito!Sumigaw si Chloe, “Imposible, imposible, napakaimposible. Sira siguro ang makina. Paano nagawa ng dukhang ‘to na makakuha ng tatlumpung milyong dolyar? Ni tatlong libong dolyar nga ay hindi niya kayang i-withdraw! Kayo, pakitingnan nga ulit ang transaksiyon! Bilisan ninyo!”Sumulyap si Jefferson kay Chloe. “Bale, pinagdududahan mo ba ang Thousand Miles Conglomerate? Ang lakas naman ng loob mong pagsabihan si Master Alex? Hinukay mo ang

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 8

    Habang nakahiga siya sa kama ng pinakamagarbong presidential suite ng The Golden Age of Youth Hotel, hindi makatulog si Alex.Ang nangyari ngayong araw ay masyadong hindi kapani-paniwala.Hindi niya inaasahang may itinatagong malaking lihim ang kanyang ama, ang Thousand Miles Conglomerate, ang pinaka-makapangyarihang underworld sa California.Totoo kayang ang sanhi ng kanyang kamatayan ay dahil sa aksidente sa kanilang sasakyan?O hindi kaya’y may mga bagay akong hindi alam?Sa gitna ng hatinggabi, nang sa wakas ay nakatulog na siya nang mahimbing, nagising siya ng kanyang alarm. Bumangong siya at nagmadaling pumunta sa ospital.Sa huli, pagdating niya sa ospital, nakita niya ang ilang doktor na nakapalibot sa kama ng kanyang ina. Kasama sa kanila ay si Dr. Cheryl Coney, ang magandang doktor na may kaakit-akit na katawan.Nagulat siya.Akala niya’y may masamang nangyari sa kanyang ina.Mabilis niyang tinanong, “Dr. Cheryl, anong nangyari sa aking ina? Lumala ba ang kanyang kundisyon?”

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 9

    Nagkaroon ng labis na katahimikan!Lahat ng nasa hapag kainan ay nagulat.Ngunit makalipas ng ilang segundo, nagambala ng sandamakmak na tawa ang katahimikan.Lahat ay tumawa.Tanging si Lady Dorothy lang ang labis na nadismaya pagkatapos na magulat.Ibinulalas ni Madame Claire, “Kaya mong bilhin ang kwintas na Love in a Fallen City na nagkakahalagang tatlumpung milyong dolyar? Sa lansangan ka ba natulog kagabi? Marahil ay tulog ka pa, nanaginip ka rin, ‘no? Kung may pera kang pambili ng kwintas na ‘yon, kakainin ko ang lamesang ito.”Walang interes na sumagot si Alex, “Mom, hindi ninyo na po kailangang kainin ang lamesa, sapagkat ang inyong mga ngipin ay hindi po matibay para kagatin ito.”Itinaas ni Madame Claire ang kanyang mga kilay at sumimangot, “Mom? Sino ang iyong ina? Nasa ospital pa rin ang nanay mo, halos patay na! Simula ngayong araw, si Spark Rockefeller na ang aking tanging manugang, at siya lang ang karapat-dapat na tawagin aong Mom. Ikaw, makipag-divorce ka na kay Dorot

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 10

    Siyempre, hindi aaminin ni Spark na ang binigay niyang kwintas ay peke lamang na nagkakahalagang dalawang libong dolyar.Kung aaminin niya ito, hindi ba’t masasayang lang ang mga nakaraang pinagsikapan?Agad siyang tumayo, pinanduruan si Cassandra at sinabing, “Hindi ko alam kung anong relasyon sa pagitan ninyo ni Alex para ipagtanggol siya, sino ka ba para pagdudahan ang ibinigay kong kwintas? Kilala mo ba kung sino ako?Si Cassandra ay ngumisi at sinabi, “Siyempre kilala kita. Ikaw ang laki sa layaw na sinusubukang agawin ang mga ari-arian ng pamilya ni Alex. Sa totoo lang, lahat ng meron ka ngayon ay pagmamay-ari na ni Lady Dorothy. Inagaw mo ang kanyang kayamanan at binigyan mo siya ng pekeng kwintas para makuha ang kanyang katawan, wala ka talagang kahihiyan.”Ngayon ay pinaniniwalaan niya na si Alex Rockefeller.Tinawag pa niya ito bilang kanyang ama kaya natural lang para sa kanya na ipagtanggol siya.Malamig na ngumuso si Spark. “Patuloy mong sinasabi na naibenta mo na ang kwin

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 11

    Habang sinimulan ni Gaston na kilalanin ang matandang nakatayo sa likuran, nagbago ang husto ang kanyang facial expression.Ang matandang lalaki ay ang chief ng Thousand Miles Conglomerate, at ang alpha ng underground word, si Lord Lex—si Lex Gunther!Wala siyang lakas ng loob na kagalitan si Lord Lex. Pagkatapos ng lahat, pinapahalagahan pa rin niya ang kanyang buhay.Sandaling nanigas si Gaston, habang tinipon niya ang kanyang iniisip, agad siyang ngumiti at humihingi ng paumanhin. "Lord Lex, I'm so, so, so sorry, hindi ko alam na ikaw pala iyan! Kalimutan na sana natin ang lahat. Patawarin mo sana ako sa kung anong sinabi ko. Alam kong malaki ang puso mo. Oh, ako si Gaston, nagpadala ka ng tatawag sa akin? Ang layunin ba ng meeting na ito ay para bigyan ako ng dagdag na tasks? Marahil para i-promote ako bilang manager? Nangangako akong magpe-perform ako sa abot ng aking makakaya."Medyo lumubog ang mukha ni Lord Lex. Madilim at malamig ang kanyang mga mata.Sinabi niya sa isang

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 12

    Sinipa ni Lord Lex si Gaston at sumigaw, "Huli na para magmakaawa ka ngayon! Hilahin siya palabas at lunurin."Sumugod ang security guard. Sa sandaling ito, nilamon si Gaston ng kanyang pagnanais na mabuhay pa. Paulit ulit siyang gumapang. Bumuka ang noo niya at nagsimulang bumulwak ang dugo. Sigaw ni Gaston, “Lord Lex, kaawaan mo ang buhay ko! Uncle John, tulungan mo ako! Alam kong nagkamali ako. Ako talaga. Master Alex, maawa ka sana sa akin!"Mahirap para kay John Gates na tingnan iyon, ngunit hindi siya kayang magsalita.Tumingin si Alex kay Gaston at sinabi, "Hayaan niyo siyang mabuhay, baka pwede pa rin siyang maging kapaki-pakinabang sa atin."Nang marinig ang mga salita ni Alex, nakasulat ang pasasalamat sa buong mukha ni John. Mabilis niyang sinipa si Gaston at sinabi, “Pasalamatan mo agad si Master Alex. Tandaan mo, siya ang magiging master mo mula ngayon!"Dali-daling gumapang si Gaston at sinabi, “Salamat! Salamat Master Alex!"Hindi maitago ni Lord Lex ang galit sa b

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 13

    May tiwala si Lady Dorothy kay Alex, ngunit mahirap paniwalaan ang sinabi ni Alex. Lalo pa’t sampung buwan siyang wala sa sarili niya, nanatili sa kanyang isipan ang impression na iyon.Malamig na tinitigan ni Alex si Spark. "Ang mga kasinungalingan mo ulit. Gusto kong makita kung kailan ka titigil sa pagsisinungaling. Sa palagay mo ba ay walang butas ang mga kasinungalingan mo? Gagamitin mo ba ang Thousand Miles Conglomerate para pwersahin akong makipag-diborsyo kay Dorothy? Anong klaseng biro yun! Ang Thousand Miles Conglomerate ni John Gates, ‘di ba? Nakaluhod siya sa harap ko ngayon lang, nagmamakaawa."Ngumisi ang lahat. Kahit na si Lady Dorothy ay dismayado sa Alex, iniisip na nagsisinungaling siya.Malakas na tumawa si Spark, “Alex, hindi ko inaasahang napakali ng imahinasyon mo para mag-isip ng ganoong kagaguhan. Lumuhod si John Gates ng Thousand Miles Conglomerate sa harap mo? Bakit hindi mo sabihing nagta-trabaho para sa iyo si Lord Lex?"Ngumisi ni Alex. 'Nagta-trabaho n

Latest chapter

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1942

    “Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1941

    Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1940

    Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1939

    Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1938

    “Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1937

    Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1936

    “Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1935

    Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny

  • Sukdulan ng Buhay   Kabanata 1934

    Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status