“Ano?!”“N-Naglakas-loob siyang gumawa ng ganoong kahindik-hindik na kahilingan?!”“Utusan ang Fairy Doctor na labhan ang kanyang damit? Saan nanggagaling ang kanyang katapangan?”Nang marinig ito, ang mga tao sa malapit ay natigilan at nadama na ito ay lubhang walang katotohanan. Napatingin sila kay Alex na para bang nakatingin sila sa isang baliw! Ang kasabihang ‘Kung sino ang sisirain ng mga diyos ay gagawin munang baliw’ ay umaangkop sa kanya dito mismo!Malamig ang mga mata ng Fairy Doctor habang iniisip niya kung paano niya paparusahan ang suwail na lokong ito. Si Holly lang, na tumabi kay Alex, ang may malabong ngiti sa labi. Noon, nakipagpustahan siya kay Alex na magiging security guard siya sa Lush Cosmetics kapag natalo siya. Sa huli, naging security guard si Holly hanggang ngayon.Ngayon, naisip ni Holly na ang Fairy Doctor ay malamang na hahantong sa parehong wakas tulad ng sa kanya.Tumalon ulit si Jane. “Napakamayabang mo sa pag-utos sa instructor ko na maglaba ng damit m
Nanguna ang Fairy Doctor.Kagulat-gulat ang laki ng espasyo sa loob, na hindi nakikita mula sa labas. Nang nasa loob na sila, parang misteryoso ang kapaligiran. Ayon sa lohika, hindi dapat magkaroon ng ganoon kalaking espasyo. Namilog ang mga mata ni Alex, at naiintindihan niya.Maihahalintulad ito sa storage purse niya.Merong ilang mga pagbabago sa loob ng tore, at ang espasyo sa loob ay mukhang sampung beses na mas malaki kaysa sa labas. Ang Elixir Tower na ito ay talagang isang magic weapon.Merong daan-daang mga alchemy furnace sa loob, na inilagay ayon sa isang tiyak na pormasyon at nakadikit sa puwesto. May mga fire vent din sa ilalim ng bawat furnace, tulad ng mga nasa kalan. Ang apoy na bumulwak sa mga vent na ito ay pinasiklab mula sa lupa.Ito ay partikular para sa mga hindi maaaring gumamit ng Elixir Fire.May mga tao sa Elixir Tower, at nang makita nilang maraming tao ang pumapasok, agad silang lumabas upang tingnan kung anong nangyayari. Nang makita nila ang Fairy Doctor
Pinanood ni Alex kung paano ginampanan ng Fairy Doctor ang alchemy niya at nadama na ang mga pamamaraan niya ay pangkaraniwan. Gayunpaman, gumawa siya ng isang bagay na hindi karaniwan: madalas niyang ginagamit ang kanyang ilong sa pagsinghot sa hurno habang ginagawa ang tableta. Kaya naman, tinanggal na niya ngayon ang belo na nakatakip sa kanyang mukha, at tiningnan nang mabuti ng lahat ang kanyang hitsura.Ang ganda!Isang nakamamanghang kagandahan!Kanina, iminungkahi ni Alex na kapag nabigo ang Fairy Doctor na gawin ang tableta, siya ang maglalaba ng mga damit nito.Sa pag-iisip nito, napuno ng galit kay Alex ang mga estudyante ng akademya sa paligid nila. Utusan ba naman ang magandang diwata na maglaba ng damit, ang kapal ng mukha niya!Sa wakas, may nakapansin na pinatay ni Alex ang apoy sa ilalim ng kanyang hurno.“Anong nangyayari?”“Bakit siya nakatayo at hindi na gumagalaw? Pati ang apoy ay naapula na. Sampung minuto pa lang, tapos na niyang gawin ang tableta? Hindi ba masya
Kaya naman, ngumuso ang Fairy Doctor. “Ang paggawa ng Blood Energy Pill sa loob ng napakaikling oras ay walang pinagkaiba sa paggawa ng bigong tableta. Anong punto ng pagbibigay-priyoridad sa bilis? Purong pag-aaksaya lang iyan ng mga materyales! Ang paggawa ng mga tabletas ay parang paggiling ng kape. Kailangang dahan-dahan…”Gusto pa niyang sermonan si Alex.Sa huli, sinabi ni Sid na may pangit na ekspresyon, “Master Fairy Doctor, mas mabuti kung ikaw na mismo ang pumunta at tingnan ito!”Nagulat ang Fairy Doctor, at naramdaman niyang kakaiba ang ekspresyon ni Sid.Hindi kaya naggawa ng bata ang isang tableta ng mabuting kadalisayan?Nagmamadali siyang lumapit para tingnan ang Blood Energy Pill sa mangkok sa harap ni Alex, at nanlaki ang kanyang mga mata.Sa kanyang mga kakayahan, natural na masasabi niya ang kadalisayan at kalidad ng Blood Energy Pill sa isang sulyap lamang. Napakaganda nito, maihahalintulad pa sa mga personal niyang ginawa.‘Paano iyon naging posible?‘Upang gawin
“Ano? Ayaw mo bang aminin ang pagkatalo mo? Patingin nga ng Blood Energy Pill na ginawa mo!”Kumunot ang noo ni Alex, tinitingnan ang mala-anghel na mukha ng Fairy Doctor.Bagama’t maganda ang Fairy Doctor, hindi naramdaman ni Alex na mahalaga ito. Ang kanyang mga babae ay pawang magaganda; maging ang magkapatid na Assex o Waltz o si Maya, lahat sila ay mga first-class at mala-diyosang na kagandahan. Para naman sa mga babaeng may mala-diyosang kagandahan, pinapalaho nito ang intensyon ng mga taong saktan sila! Talagang hindi sila katulad ng nakakaakit na babae na si Waltz sa bahay!Umiling ang Fairy Doctor. “Hindi mo na kailangang tingnan. Nasa 98% lang ang kadalisayan ng pill na ginawa ko. Talo ako.”“Kung gayon, anong kahulugan nito? Gusto mo pa ba akong maging disipulo mo?”“Gusto kong malaman kung paano mo nagawa iyon. Siyam na minuto at labing-isang segundo, hindi talaga makatwiran iyon.”Tumingin si Alex sa kanya at bumitaw ng dalawang salita, “Elixir talisman!”Nang marinig iyon
Naghihintay ang Fairy Doctor dito para sa taong iyon, ang taong nakatalo sa kanya sa alchemy noong nakaraan.Hinihintay niyang dalhin nito sa kanya ang maruruming damit para labahan niya.Ang paghihintay na ito ay umabot na ng pitong araw.Kung magkakalat ang insidenteng ito, walang nakakaalam kung gaano karaming tao ang manlalaki ang mga mata.“Jane, ikapitong araw na. Hindi pa ba madumi ang damit niya?” tanong ng Fairy Doctor na nakatingin kay Jane.Hindi nakaimik si Jane. Sasabihin sa kanya ng Fairy Doctor ang parehong tanong ng hindi bababa sa isang beses bawat araw. Anong dapat niyang isagot?“Hindi, kailangan kong magkusa!”Biglang tumayo ang Fairy Doctor, sa wakas ay hindi na niya kinaya.Siyempre, hindi talaga siya sabik na labhan ang mga damit ni Alex, ngunit sa halip, gusto niyang tanungin ito tungkol sa elixir talisman. Ang elixir talisman ay isang uri ng sinaunang anting-anting. Maaari nitong baguhin ang mga batas ng kalikasan at itinuturing na isang napakataas na antas ng
“Marumi na ba ang damit mo? Lalabahan ko na!”Ang boses ng Fairy Doctor ay lumalakas, parang kulog na lumalabas sa kalangitan, at parang yumanig ang lupa dahil sa lakas nito. Ang Seven Star Residence at ang mga gusali sa paligid, hindi mabilang na mga tao, ay naririnig ito.Biglang parang libu-libong alon ang bumagsak.Hindi mabilang na mga estudyante ang natulala dahil medyo kakaiba ang boses ng Fairy Doctor, at ang mga nakarinig nito ay makikilala agad ito. Bilang karagdagan, meron nang mga alingawngaw na umiikot na ang Fairy Doctor ay nakipagkumpitensya sa isang bagong estudyante sa alchemy at natalo, at kailangan niyang labhan ang mga damit ng bagong estudyante dahil dito.Hindi pa rin humupa ang tsismis na ito kahit na isang linggo na itong umiikot sa campus.Lalo na para sa mga tagasuporta ng Fairy Doctor, naramdaman ng ilan na malamang ay galit na galit ang Fairy Doctor at nais niyang hanapin ang bagong estudyante upang turuan ito ng leksyon.Gayunpaman, kalimutan na ang tungkol
Natigilan si Gabby.Hindi ba masyado namang mabilis?“Bakit parang wala na yung formation? Kinailangan ng hindi bababa sa sampung minuto upang lakarin iyon, anuman ang hitsura nito dati!”Napatulala si Alex dito at sinabing, “Ang layunin ng paglatag ng isang formation sa harap ng pasukan ay para iantala ang iba at gawin itong kumportable para sa inyong mga sarili! Iba talaga kayo, naglalagay ng pormasyon para lituhin ang mga sarili. Hindi ko maintindihan ang iniisip ninyo.”Bumuka ang bibig ni Gabby, may sasabihin na sana. Gayunpaman, sa sandaling itinaas niya ang kanyang ulo, nakita niya na maraming tao ang nagkukumpulan sa kanyang harapan, lahat ay nagsasama-sama na parang sardinas sa isang lata.Pagkatapos, isang pigura ang sumugod, at nang makarating ito sa harapan, ito pala ay ang Fairy Doctor.Tumingin siya kay Alex. “Lumabas ka na sa wakas.”Pinagmasdan ni Alex ang mga taong nagkukumpulan. “Anong ibig sabihin nito? Natalo ka na sa pustahan, at gusto mo pa ring tanggihan ito? Hin
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l