”Lolo, Cheryl, aalis na ako ngayon. Magkita kita tayo sa ibang araw!” sabi ni Alex Rockefeller kay James Coney at Dr. Cheryl. Matapos ‘nun, nagbigay siya ng bahagyang tango kay Keith Yowell.Biglang hinablot ni Dr. Cheryl si Alex sa braso nito. “Sandali,” sabi ng babae.“Ano ‘yun?” tanong ni Alex, naguguluhan.Biglang inabot ni Dr. Cheryl ang kwelyo ng lalaki para ayusin ito bago bumulong sa tainga ng lalak “Ang kwelyo mo ay medyo magulo.”Matapos ‘nun ay tumawa ang babae at umatras.‘Anong nangyayari?’ inisip ni Alex sa kanyang sarili bago tumingin kay Lady Assex.‘D*mn.’Talagang nakatitig ang babae sa kanya. Kahit ngayon, walang ideya si Alex na si Dr. Cheryl ay para pasamain ang loob ni Lady Dorothy, ang doktor ay may galit pa rin kay Lady Dorothy matapos siya sabihan na walang hiya.Si Lady Dorothy, hindi nakakagulat, ay nagpakita na talagang masama ang loob niya sa pagtalikod at pagdadabog palayo.Dali dali siyang hinabol ni Alex. “Hey, Dorothy. Dorothy, ‘wag kang umalis
Sumakay si Alex Rockefeller sa sasakyan ni Lady Dorothy Assex.Tila nahihiya pa rin si Lady Dorothy. “Sino ‘yun?”“Isang dalaga na nagngangalang Michelle Yowell,” sagot ni Alex.Nagulat si Lady Dorothy. “Yun ba si Michelle Yowell?! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang marinig kong nasangkot ka sa gulo kasama siya? Sumama ka pa sa kanya sa bahay ng pamilya niya. Sobrang takot ako na hindi ka makabalik ng buhay!” bulalas ng babae.Umupo si Alex sa pampasaherong upuan at marahang inilagay ang kanyang kamay sa hita ni Lady Dorothy bago binigyan ito ng marahang tapik. “Huwag ka mag-alala. Walang magagawa ang pamilya Yowell para saktan ako,” sabi ng lalaki.Si Lady Dorothy ay nakasuot ng isang set ng office attire ngayong araw, at nakasuot ng isang pares ng black leggings.Biglang naging excited si Alex.Mabagal siyang humilig papunta kay Lady Dorothy, na may intensyong ipagpatuloy ang kanilang kissing game bago ito.Bigla siyang tinulak palayo ni Lady Dorothy. “‘Wag kang lalagpa
Tumitig si Alex sa bughaw na langit habang lumalabas sa Assex Villa.Mas mabuti ang nararamdaman niya sa sarili niya matapos itrato si Claire na isang baliw lamang.Si Claire, gayunpaman, ay sobrang galit na galit. Ipinadyak niya ang kanyang mga paa habang minumura si Alex. “Tignan mo kung anong klase ng lalaki ang pinakasalan mo? Wala siyang stable income, at ngayon sinusubukan niyang lokohin ako gamit ang pekeng check? Akala niya ba tanga ako? Tignan mo lang kung gaano siya mapagmataas ngayon! Sinabihan ko siyang gawan ako ng pagkain at tumanggi siya! Ano nga ba ang kinabubusyhan niya? Pagpatay sa sarili niya?”Sa sandaling iyon, aksidenteng nakaapak si Claire ng porcelain shard at biglang umangal sa sakit.Tinignan ni Dorothy ang sugat ng babae at napagtantong gasgas lang ito. Nagbuntong hininga siya at sinabi, “Pupunta na ako sa trabaho ngayon. Dapat kang kumuha ng pananghalian mo kung gutom ka.”Bumalik si Alex sa kung saan nangyari ang aksidente ni Claire. Matagal nang wala
Kumapit si Nicholas sa mga binti ng babae. “Charis, ang pera ay hindi lahat! Ang importante ay ang pagmamahal na mayroon tayo! Wala nang iba sa mundong ‘to ang mas mahal ka kaysa sa akin!”Sumagot ang babae, “Kalokohan! Wala akong paki sa pagmamahal mo, wala itong halaga!”Sa sandaling iyon, isang BMW 520 ang tumigil sa harapan nila. Isang binata ang inilabas ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan.Maliwanag na ngumiti ang babae. “Hey babe, sa wakas nandito ka na! Sasakay ako ng sasakyan mamaya ng kaunti, sandali lang.”Matapos ay sinipa ng babae si Nicholas nang paulit ulit. “Bitawan mo ‘ko! Bitawan mo nalang ako! Nandito ang boyfriend ko para sunduin ako, hindi mo ba nakikita? Ngayon, ito ang isang lalaki na nasa kapisanan ko. Nagsusuot siya ng Armani at nagmamaneho rin ng BMW! Hindi katulad mo, hindi siya nagmamaneho ng secondhand na Volkswagen! Hindi ko kailangan ng basura na kagaya ‘non!”Ang lalaki sa BMW ay parang kilala rin si Nicholas at nagpatuloy na kutyain siya. “Nicho
“Uhm…”Si Alex ay napatigil. Hindi niya inaasahan si Lavender na malaman ang BMW na lalaking ito.‘Cedar? Mukhang magkapatid sila.’Si Cedar ay nagsimulang kabahan. “Sis, uhm, well, Ako… ang aking kotse ay nasira, kaya ginagamit ko ang iyong kotse sa ngayon.”Kung sabagay nakipag relasyon siya kay Charis, gusto niyang magyabang sa harap niya!Subalit, si Lavender ay hindi nakuha ang kahit alin sa kanyang mga senyas at sinabi, “Ang iyong motor ay nasira? Kung gayon ipaayos mo ito! Hindi mo ba alam na ang kotse ko ay off0limits sa ngayon? Ah, tsaka magsorry ka kay Mr. Rockefeller ngayon.”Ang ekspresyon ni Charis ay nandilim. Ang BMW ni Cedar ay sarili niya, nagmamay ari lang siya ng motor.Ang isang motor ay wala kumpara sa secondhand na Volkswagen ni Nicholas!Tinuro ni Cedar si Alex at tinanong, “Bakit ako kailangan magsorry sa kanya> Hindi ito nararapat sa kanya! Isa lang siyang alipin. Mas gugustuhin ko pang magsorry sa aso!”Bigkaan, isang malakas na sampal ang tumama sa m
Suminghal si Charis. “Nabibiro ka, tama? Siya? Kahit sinong random na dayuhan sa kalye ay mas mabuti kaysa sa kung maging sino man siya!”Tapos sinipa niya ang Volkswagen na nakaparada sa tabi. Ito ay kotse ni Nicholas.“Tignan mo, sino ang g*gong nagmamaneho ng kotseng tulad nito? Tanging mga g*agong mahihirap tulad niya lamang!”Tumango si Alex. “Tama ka, nararapat ang mas magandang kotse kay Nicholas, ito ay sobrang layo sa kanyang lebel. Kung kaya isang bagong BMW M8 ang paparating dito. Ngayon iyon ang talagang nararapat kay Nicholas.”“Nararapat siya sa isang BMW M8? Kalokohan!”15 na minuto makalipas, minaneho ni Chloe papunta sa lokasyon ni Alex ang kotse.Nanlaki ang mata ni Charis pagkita sa BMW M8.Inabot ni Alex kay Nicholas ang kotse at sinabi, “Ang kotseng ito ay sayo na ngayon.”Si Nicholas ay malapit na magkaroong ng mental breakdown sa oras na iyon. Subalit, siya ay nagulat ng matanggap niya ang mga susi. “Alex, nagbibiro ka tama? Para sa akin? Bakit ang isang
”Bakit naman ako magiging laban diyan? Winewelcome rin kita!” biglang ngumiti si Alex.Umirap si Brittany. “Yan ang dapat.”Matapos ay binati niya si Nicholas at Chloe, na nakasunod sa likod ni Alex. “Nicholas, nakapunta ka rin. Oh, anong magandang babae. Siya ba ay girlfriend mo?”Umiling si Nicholas at tumanggi. “Hindi, hindi, Mrs. Rockefeller. Siya ay kaibigan ni Alex.”Sinabi ni Alex, “Mom, hayaan mong ipakilala ko siya sayo. Ito si Chloe Zea. Kinuha ko siya bilang empleyado sa kumpanya mo. Isa siyang magaling na saleswoman, masipag din. Pinakaimportante, siya ay sobrang bait na tao.Maningning na ngumiti si Brittany habang hinahatid si Chloe sa mesa, sinasabihang umupo.Ngumiti rin si Maya. “Mom, malapit na maging handa ang panghimagas, ihahain ko na ito ngayon!”Nabuga ni Alex ang tsaa na kakainom niya lang. “Ano tinawag mo sa kanya?”Inangat ni Maya ang kanyang tingin. “Ang nanay mo ay nanay ko simula ngayon.”Matapos ay nagsuot siya ng pares ng tsinelas at naglakad pap
”Well, uto-uto ka! Sige, ikaw ang maghain nito. Medyo magaspang ang balat mo, kaya hindi ka mapapaso.”“Yeah, yeah, isang baka lang ako. Hindi ako hihimatayin sa mainit na temperatura.”Kinuha ni Alex ang plato at naglakad palabas ng kusina. Naririnig niya ang mahinang tawa ni Maya sa likod niya. Pero, hindi niya narinig ang babaeng bumulong sa sarili maya maya. “Okay lang ito. Masaya akong nakikita ka araw araw ng ganito.”Matapos ang panghimagas, si Brittany, si Maya, si Chloe, at si Nicholas ay nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa bagong kumpanya.Masasabi ni Alex na si Maya ay hindi nagresign para lang samahan si Brittany, gusto niya ring tulungan ang babae sa bagong kumpanya. At muli, may posibilidad na si Brittany ang nag-imbita kay Maya na sumama sa kanya.Hindi interesado si Alex sa larangan ng negosyo, kaya naman nagdahilan siya na gagawa siya ng pananaliksik sa Slunce Jauda ng mga Yowell. Ito ay may pagkukulang pa rin kung tutuusin.Nakalipas ang kalahating oras ng pan