”Well, uto-uto ka! Sige, ikaw ang maghain nito. Medyo magaspang ang balat mo, kaya hindi ka mapapaso.”“Yeah, yeah, isang baka lang ako. Hindi ako hihimatayin sa mainit na temperatura.”Kinuha ni Alex ang plato at naglakad palabas ng kusina. Naririnig niya ang mahinang tawa ni Maya sa likod niya. Pero, hindi niya narinig ang babaeng bumulong sa sarili maya maya. “Okay lang ito. Masaya akong nakikita ka araw araw ng ganito.”Matapos ang panghimagas, si Brittany, si Maya, si Chloe, at si Nicholas ay nagsimulang pag-usapan ang tungkol sa bagong kumpanya.Masasabi ni Alex na si Maya ay hindi nagresign para lang samahan si Brittany, gusto niya ring tulungan ang babae sa bagong kumpanya. At muli, may posibilidad na si Brittany ang nag-imbita kay Maya na sumama sa kanya.Hindi interesado si Alex sa larangan ng negosyo, kaya naman nagdahilan siya na gagawa siya ng pananaliksik sa Slunce Jauda ng mga Yowell. Ito ay may pagkukulang pa rin kung tutuusin.Nakalipas ang kalahating oras ng pan
”Ano? Namatay?”“Paano siya namatay?” Si Alex ay sobrang nagulat. Halos mapatalon siya mula sa kanyang upuan.Ang truck driver, si Anthony Pattingson ay ang pinaka importanteng lead sa katotohanan tungkol sa aksidente. Kung namatay siya, kung gayon ibig sabihin nito na nawala na ang kanilang lead.“Nagpunta ako doon para kumpirmahin ito. Sinabi nila na sinubukan niyang tumakas at nauwi na makuryente ang kanyang sarili. Ang kanyang buong katawan ay natusta, mayroon pa akong mga litrato ng kanyang bangkay. Gusto mo bang makita?”Tumango si AlexNagscroll si Waltz sa kanyang phone para hanapin ang litrato. Ang bangkay ay talagang tustado ng sobra, halos imposible na makilala siya.“Hindi tama iyon.” Umiling si Alex.“Hindi tama?” Lumingon si Waltz kay Alex. “Hindi ba ito si Anthony Pattingson?”“Hindi, siya iyan, ngunit ang sanhi ng kamatayan ay hindi pagkakuryente.”Ang iba ay hindi mapapansin kung si Anthony ay nakuryente o pinatay. Subalit, si Alex ay hindi tulad ng normal na
Sumenyas si Aelx papunta sa baba at kaagad na nakuha ni Waltz ang mensahe niya.Ang mga Rockefeller ay nasa dulo ng bangin. Sino ang may alam kung kelan sila magpapadala ng hitmen muli? Kailangan ni Alex na masigurado si Brittany ay talagang ligtas bago umalis.Dahil sa insidente ni Claire, kailangan din ni Alex na umalis kaagad kaniang umaga, iniwan si Brittany magisa sa bahay. Hindi siya mapakali dahil dito. At sa kamatayan ni Anthony, hindi niya magawang hindi ito pansinin.“Tatawag muli ako.” Ngumiti si Waltz.Sa oras na ito, si Waltz ay tinawag si Azure.“Sige, si Azure ay magpupunta dito mamaya. Dala niya ang ilan sa aming tao para protektahan din ang lugar na ito.”Kumunot ang kilay ni Alex. “Huwag kayo masyado gumawa ng gulo. Ang aking ina ay ayaw na ako ay nakikipag ugnayan sa mga tao mula sa Thousand Miles Conglomerate.”Tumalikod si Waltz at tumitig sa kanya. “Ano ang problema sa Thousand Miles Conglomerate? Minamaliit mo ba kami?”Nagdesisiyong manatiling tahimik si
”Ano”“Ito ay kulang ng isang paa! Hindi man lang ito tatayo, ano ang silbi nito?” Nagsalita si Waltz, mukhang nalilito.Kuminang ang mata ni Alex at tumugon ng kalmado, “Ito ang pinakamabigat.”Walang masabi si Waltz. “Sa tingin ko bibilhin namin ang kalakal kung gayon. Hey, Tobias, ang aking brother ay gusto ang pinaka sirang ito. Magkano ito? Timbangin mo ito at tapusin na natin ito.”Ngumiti si Alex ng walang sinasabi, siya ay sobrang natutuwa.Ang sirang alchemy stove ay maaaring kulang ng paa, ngunit ito ang pinaka maganda sa tatlo. Nararamdaman niya ang mahinang daloy ng enerhiya mula sa stove. Nagpapakita na ang sirang stove na ito ay maaaring mystical na bagay.Ngumiti si Tobias. “Ms. Fleur, kung gusto ito ng iyong brother, maaari niya itong kunin, hindi ako hihingi ng pera! Ang bagay na ito ay sayang lang sa espasyo. Itatapon ko ito kung ang ilalim nito ay hindi na buo.”“Sige, kukunin ko na ito kung gayon.”Ang stove ay hindi malaki, pero ito ay medyo mabigat.Subal
Nakasuot ang babae ng mamahaling Chanel outfit, na may kapares na LV purse. Ang itsura nito ay kagaya ng kung sinong mayaman na babae. Nakakapit ang babae sa isang lalaki, bagaman ang lalaki ay hindi na ang lalaking nakita niya nung huli. Sa halip, ngayon ang lalaki ay isang malangis na matandang lalaki sa nasa 40s nito.Gayunpaman, ito ay medyo normal para kay Chloe—kaya niyang magmove on mula sa isang lalaki papunta sa isa pa nang sobrang bilis.Sa sandaling iyon, napansin din ni Chloe si Alex.Nagulat, mabilis niyang ginawang mapagmalaki ang kanyang mukha at sinamaan ng tingin ang lalaki.Nasampal na siya ng ilang beses sa L.G. Balfour at inilagay ang buong sisi kay Alex. Kalaunan ay narinig niya na si Alex ay nakakabili lang ng alahas dahil sa pagkakautang ng isang hiling ng Thousand Miles Conglomerate sa ama nito. Ang lalaki ay talagang isang talunan pa rin na umaasa sa mga Assex.Edi bakit pa siya natatakot sa lalaki ngayon?Bigla niyang sinabi ng malakas, “Alex, bakit ka n
Normal para sa isang taong kagaya ni Chloe na hindi makilala si Waltz.Bukod pa ron, si Ryan, na sinasabing manager siya ng Thousand Miles Conglomerate ay hindi rin nakilala ang babae. Kung sabagay si Waltz ay inaanak ni Lex—ang Princess Fleur ng Thousand Miles Conglomerate—dahil dito, ang core members lang sa Saintville ang nakipagkilala kay Waltz.Si Ryan, sa kabilang banda, ay isa lamang sa mga hindi gaanong mahahalagang managers sa loob ng maraming kumpanya ng Thousand Miles Conglomerate.Alam na alam ni Tobias ang pagkakakilanlan ni Waltz.Gayunpaman, ayaw niyang magsalita. Wala rin naman makikinig sa isang matabang lalaki kagaya niya. Kaya, tahimik lang siyang tumayo sa lipon ng mga tao, pinapanood si Chloe na hinuhukay ang sarili niyang libingan. Hindi niya mapigilang ngumisi ng malamig—alam niyang nanonood siya ng isang magandang palabas.‘Napakaexciting nito!’Galit si Waltz habang humahakbang ng lima paabante.Subalit, ang mga tao rin ay hindi mawari ang pagkakakilanla
Ang lider ay lumapit sa kanila at tumitig kay Ryan.Si Ryan, sa kabilang banda, ay naihanda na ang kanyang worker tag para sa pagkakakilanlan niya. Sumigaw ang lider ng grupo, “So sino ang may b*yag na baliin ang binti ng manager namin? Umamin na ngayon at babaliin ko lang din ang isa sa mga binti mo. Kung hindi, kailangan mo magdusa ng mas malalang kaparusahan.”Hindi na mapigilan ni Chloe ang galit niya. Tinuro niya si Waltz. “Siya, ‘yang pokpok na p*ta! Siya ang bumali sa binti ng asawa ko at nagpatalsik ng mga ngipin ko! Bugbugin niyo siya ngayon! Ikulong siya sa isang kulungan! Ipahiya sa publiko! Basta gawin niyo ang kahit ano!”Ang grupo ng mga lalaki ay tumingin sa direksyon ni Waltz at natigilan.“Ms…”“Ako nga,” nagpapabayang sinabi ni Waltz nang hindi inaangat ang kanyang titig.Ang lider ay pinagpawisan ng malamigHindi man makilala ni Ryan si Waltz. Ngunit, ang lider ay isa sa mga miyembro sa underground association. Paanong hindi niya makikilala ang babae?‘Talaga
Ayaw ni Waltz na nalalagay sa spotlight sa ganung paraan. Hinila niya si Alex sa tabi. “Tara na, Brother! Narinig ko na ang stone gambling ay highly risky. At sa totoo lang, hindi mo na kailangan pa ng mas maraming pera. Ano nga bang maganda rito? Tapusin nalang natin ang mga pills na ‘yun!”‘Pills?’Kinuha sa labas ng konteksto, maraming taong namali ng pagkakaintindi sa mga sinabi niya.Lahat ay tulirong tumitig sa dalawa. Posible kaya na si Princess Fleur mula sa Thousand Miles Conglomerate ay ganung klase ng tao?Gayunpaman, walang naglakas loob na magsalita laban sa kanya.Umiling si Alex. “Gusto kong bumili ng kaunti para lang masaya.”Nagpapabayang kumaway si Waltz. “Sige, edi magpakasaya ka. Alin ang gusto mo? Kukunin ko para sayo.”‘Tsk tsk, tignan mo lang siya, hindi ba’t wife material siya?’Ang mga lalaki sa lugar ay pasulyap sulyap kay Alex—sobrang selos na selos sila sa kanya.Bukod sa estado ni Waltz, ang kanyang itsura ay ethereal kumpara sa karamihan ng mga b