Kinamot ni Alex Rockefeller ang kanyang baba at tumingin sa medyo ibaba ng baywang ni Dr. Cheryl, siniguradong iiwas ng tingin bago siya mapansin ng babae.“Okay. Sasabihin ko na para sa kapakanan mo! Hinala ko na ang pamilya Yowell ay nageensayo ng martial arts gamit ang maling pamamaraan at ang kinalabasan nito ay nakaapekto sa kanilang puso. Kapag mas matindi ang pageensayo, mas matindi rin ang pwersa sa organ. Bawat beses na ginagamit nila ang kanilang Chi, sobrang bilis nilang nauubusan ng hininga at nakakaramdam ng sakit sa kanilang dibdib. Pinakamasamang pwedeng mangyari. Maaari silang mamatay,” biglang sabi ni Alex.Ang mga salita ni Alex ay nagsanhi sa marahas na pagbabago ng ekspresyon sa mukha ng mga Yowell.Ito ay dahil lahat ng sinabi niya ay tumpak.Malamig na suminghal si Michelle Yowell. “Hindi ako naniniwala sayo. Ang lolo ko ay Mystic-rank na eksperto. Siya ay mahigit pitumpu’t taong gulang na. Sobrang nahuhuli pa ako pagdating sa pagsasanay, pero sabi mo hindi ak
Sa oras na sinabi ito ni Keith Yowell, nagmukhang masama ang loob ni James Coney.“Mr. Yowell, nagiging hindi ka makatuwiran. Mayroong kaayusan ang mga bagay. Napahayag ko na ang interes ko kay Alex bilang future son-in-law ko. Paano mo nagawang nakawin siya?” mabilis na umabante si James at sinabi.“Bakit hindi? Hindi pa naman siya engaged sa apo mo. At bukod pa ron, kahit na kasal sila, posible pa rin ang divorce. Depende kung sino ang mas may kakayahan. Hindi rin masama ang apo ko. Sa katotohanan, mas bata siya, at mas makakapanganak siya sa mas mabuting mga bata,” sabi ni Keith.“Ikaw… puno ka ng kalokohan,” reklamo ni James.“Eh ano ngayon? Anong gagawin mo tungkol dito? Ito ay patas na kompetisyon!” bulalas ni Keith.Tunay na gusto ni Keith ng isang matipuno at may kakayahan na tao katulad ni Alex na maging parte ng pamilyang Yowell. Ang pagkakuha kay Alex ay mas mahalaga pa kaysa kumita ng isang daang bilyong dolyar.May isang bagay na hindi pa sinasabi ni Keith. Sa nakara
Bilang tagalabas, pwedeng aralin ni Alex Rockefeller ang mga pamamaraan. Hindi magiging masyadong mahirap na gumawa ng mga pagbabago at gumawa ng viable inner Chi technique para sa kanila.Hindi nilinaw ni Alex sa simula. Direkta niyang hiningi ang pamamaraan dahil gusto niyang suriin si Keith Yowell. Kung hindi pumayag si Keith na ibigay ito sa kanya, oportunidad lang nito ang mawawala.Hindi nagtagal, bumalik si Keith na may manipis na booklet at ibinigay ito kay Alex.Kaswal na binuklat ito ni Alex, mabilis na binabasa ang laman nito.Matapos ang isang minuto, isinara niya ang booklet at umiling.“Mr. Yowell, kung hindi ako nagkakamali, hindi kumpleto ang pamamaraan na ito. May nagdagdag ba ng huling bahagi nito pagkatapos? Malinaw, mayroong dalawang magkaibang path na kasama. ‘Yon ang nagpapaliwanag bakit nagkaroon ng negatibong side effects sa mga nagsasagawa nito,” sabi ni Alex.Nagliwanag ang mga mata ni Keith. “Mr. Rockefeller, talagang tama ka. Ang technique na ito ay ti
”Lolo, Cheryl, aalis na ako ngayon. Magkita kita tayo sa ibang araw!” sabi ni Alex Rockefeller kay James Coney at Dr. Cheryl. Matapos ‘nun, nagbigay siya ng bahagyang tango kay Keith Yowell.Biglang hinablot ni Dr. Cheryl si Alex sa braso nito. “Sandali,” sabi ng babae.“Ano ‘yun?” tanong ni Alex, naguguluhan.Biglang inabot ni Dr. Cheryl ang kwelyo ng lalaki para ayusin ito bago bumulong sa tainga ng lalak “Ang kwelyo mo ay medyo magulo.”Matapos ‘nun ay tumawa ang babae at umatras.‘Anong nangyayari?’ inisip ni Alex sa kanyang sarili bago tumingin kay Lady Assex.‘D*mn.’Talagang nakatitig ang babae sa kanya. Kahit ngayon, walang ideya si Alex na si Dr. Cheryl ay para pasamain ang loob ni Lady Dorothy, ang doktor ay may galit pa rin kay Lady Dorothy matapos siya sabihan na walang hiya.Si Lady Dorothy, hindi nakakagulat, ay nagpakita na talagang masama ang loob niya sa pagtalikod at pagdadabog palayo.Dali dali siyang hinabol ni Alex. “Hey, Dorothy. Dorothy, ‘wag kang umalis
Sumakay si Alex Rockefeller sa sasakyan ni Lady Dorothy Assex.Tila nahihiya pa rin si Lady Dorothy. “Sino ‘yun?”“Isang dalaga na nagngangalang Michelle Yowell,” sagot ni Alex.Nagulat si Lady Dorothy. “Yun ba si Michelle Yowell?! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala nang marinig kong nasangkot ka sa gulo kasama siya? Sumama ka pa sa kanya sa bahay ng pamilya niya. Sobrang takot ako na hindi ka makabalik ng buhay!” bulalas ng babae.Umupo si Alex sa pampasaherong upuan at marahang inilagay ang kanyang kamay sa hita ni Lady Dorothy bago binigyan ito ng marahang tapik. “Huwag ka mag-alala. Walang magagawa ang pamilya Yowell para saktan ako,” sabi ng lalaki.Si Lady Dorothy ay nakasuot ng isang set ng office attire ngayong araw, at nakasuot ng isang pares ng black leggings.Biglang naging excited si Alex.Mabagal siyang humilig papunta kay Lady Dorothy, na may intensyong ipagpatuloy ang kanilang kissing game bago ito.Bigla siyang tinulak palayo ni Lady Dorothy. “‘Wag kang lalagpa
Tumitig si Alex sa bughaw na langit habang lumalabas sa Assex Villa.Mas mabuti ang nararamdaman niya sa sarili niya matapos itrato si Claire na isang baliw lamang.Si Claire, gayunpaman, ay sobrang galit na galit. Ipinadyak niya ang kanyang mga paa habang minumura si Alex. “Tignan mo kung anong klase ng lalaki ang pinakasalan mo? Wala siyang stable income, at ngayon sinusubukan niyang lokohin ako gamit ang pekeng check? Akala niya ba tanga ako? Tignan mo lang kung gaano siya mapagmataas ngayon! Sinabihan ko siyang gawan ako ng pagkain at tumanggi siya! Ano nga ba ang kinabubusyhan niya? Pagpatay sa sarili niya?”Sa sandaling iyon, aksidenteng nakaapak si Claire ng porcelain shard at biglang umangal sa sakit.Tinignan ni Dorothy ang sugat ng babae at napagtantong gasgas lang ito. Nagbuntong hininga siya at sinabi, “Pupunta na ako sa trabaho ngayon. Dapat kang kumuha ng pananghalian mo kung gutom ka.”Bumalik si Alex sa kung saan nangyari ang aksidente ni Claire. Matagal nang wala
Kumapit si Nicholas sa mga binti ng babae. “Charis, ang pera ay hindi lahat! Ang importante ay ang pagmamahal na mayroon tayo! Wala nang iba sa mundong ‘to ang mas mahal ka kaysa sa akin!”Sumagot ang babae, “Kalokohan! Wala akong paki sa pagmamahal mo, wala itong halaga!”Sa sandaling iyon, isang BMW 520 ang tumigil sa harapan nila. Isang binata ang inilabas ang kanyang ulo sa bintana ng sasakyan.Maliwanag na ngumiti ang babae. “Hey babe, sa wakas nandito ka na! Sasakay ako ng sasakyan mamaya ng kaunti, sandali lang.”Matapos ay sinipa ng babae si Nicholas nang paulit ulit. “Bitawan mo ‘ko! Bitawan mo nalang ako! Nandito ang boyfriend ko para sunduin ako, hindi mo ba nakikita? Ngayon, ito ang isang lalaki na nasa kapisanan ko. Nagsusuot siya ng Armani at nagmamaneho rin ng BMW! Hindi katulad mo, hindi siya nagmamaneho ng secondhand na Volkswagen! Hindi ko kailangan ng basura na kagaya ‘non!”Ang lalaki sa BMW ay parang kilala rin si Nicholas at nagpatuloy na kutyain siya. “Nicho
“Uhm…”Si Alex ay napatigil. Hindi niya inaasahan si Lavender na malaman ang BMW na lalaking ito.‘Cedar? Mukhang magkapatid sila.’Si Cedar ay nagsimulang kabahan. “Sis, uhm, well, Ako… ang aking kotse ay nasira, kaya ginagamit ko ang iyong kotse sa ngayon.”Kung sabagay nakipag relasyon siya kay Charis, gusto niyang magyabang sa harap niya!Subalit, si Lavender ay hindi nakuha ang kahit alin sa kanyang mga senyas at sinabi, “Ang iyong motor ay nasira? Kung gayon ipaayos mo ito! Hindi mo ba alam na ang kotse ko ay off0limits sa ngayon? Ah, tsaka magsorry ka kay Mr. Rockefeller ngayon.”Ang ekspresyon ni Charis ay nandilim. Ang BMW ni Cedar ay sarili niya, nagmamay ari lang siya ng motor.Ang isang motor ay wala kumpara sa secondhand na Volkswagen ni Nicholas!Tinuro ni Cedar si Alex at tinanong, “Bakit ako kailangan magsorry sa kanya> Hindi ito nararapat sa kanya! Isa lang siyang alipin. Mas gugustuhin ko pang magsorry sa aso!”Bigkaan, isang malakas na sampal ang tumama sa m