Tinanggal ng babae ang kaniyang sunglasses, tumitingin nang masama kay Alex. Ang kaniyang itsura ay nagbago rin sa isang iglap, may kasamang umaapoy na masamang aura.Si Alex ay bahagyang nabigla dahil hindi niya inasahan na ang babae ay isa ring palaban. At saka, siya ay nasa Intermediate Royal na, isang ranggong mas mataas kaysa sa lalaki kanina, si Jeremiah Yowell.“Sino ka?” Tanong ni Alex nang may walang pakialam na ekspresyon.Bago pa man makapagsalita ang babae, sumagot ang matandang lalaki kanina. “Siya ang paboritong apo ng pinuno ng Pamilya Yowell, si Keith Yowell. Sa tingin ko ay siya si Michelle Yowell!”“Oh, siya nga ‘yon!”“Ang maging ganoon kaswerte sa paggalit ng maliit na demonyo mula sa mga Yowell, ang Rockefeller na ‘yon ay yari na ngayon…”“Hush, hinaan mo ‘yang boses mo. Ayaw mo na bang mabuhay?”Nagtalakayan ang mga nanonood. Kahit na nagsalita sila nang may mahinang mga boses, hindi nahirapan si Alex na marinig ang mga sinasabi nila. Siya ay nabuhay at pinalaki s
“Pakawalan mo si Michelle!“Bata, wala kang ideya kung ano ang ginawa mo ngayong araw! Ikaw, ang buo mong pamilya, mga kaibigan mo, at ang lahat ng kilala mo ay mararanasan ang kahihinatnan ng mga kinilos mo!”Tumayo si Jeremiah at sumigaw nang may matinding galit habang nakaturo siya kay Alex.Ang pinipigil na galit ni Alex ay muling sumiklab noong tumingin siya kay Jeremiah na para bang patay na siya.“Babagsak ang Pamilya Yowell dahil lamang sa sinabi mo ngayon lang!” Malamig na sabi ni Alex.Tumawa si Jeremiah. “Katawa-tawa! Babagsak ang Pamilya Yowell? Sino ka ba? Ang lakas naman…”Bago pa man niya matapos ang kaniyang pangungusap, nagpadala si Alex ng isa pang matalas at malakas na sampal sa kaniya.Bumagsak ang ulo ni Jeremia at tumama sa harap ng kotse nang may malakas na tunog. Sa sumunod na sandali, bumagsak siya sa lupa noong mawalan siya ng malay.Pagkatapos pakawalan si Michelle, binuksan niya ang pinto ng Rolls-Royce at sinabi, “Pumasok ka, ikaw ang magmaneho.”Naguluhan
Tinuro ni Michelle Yowell ang Rolls-Royce. “Ang g*gong ‘yon, sa loob ng kotse ay sinaktan ako pati na rin si Jeremiah. Hindi niya lamang gustong magbayad ako ng dalawampung milyong dolyar, sinusumpa pa niya ang pamilya natin! Pinilit niyang pumunta sa bahay natin para lang humingi ng hustisya kay Lolo!”“Ano?”Akala ng lahat ay may problema ang pandinig nila.Iniisip nila kung paano nagawa ng ganoong nakakainis na tao na mabuhay sa California!Nang bigla, may sumigaw, “Nananaginip ka pa rin ba? Marahil ay pagod ka nang mabuhay kaya narito ka para hamunin ang mga Yowell! Malalaman ko rin kung bakit ang arogante mo!”Si Sean Yowell ang sumisigaw, isang mainitin na ulong lalaki. Siya ay ang mas mahusay na nagsasanay ng martial arts kumpara sa ibang nasa eksena.Hinila niya ang pinto ng kotse at tumingin kay Alex nang masama. “Lumabas ka na ng kotse ngayon, siga ka!”Si Alex ay kalmado at walang ekspresyon noong nanatili siyang nakaupo sa kotse. “Sino ka para palabasin ako ng kotse ko? Pap
Si Alex ay walang masabi.Ang mga batang ‘to ay mukhang hindi sineseryoso ang pera.Malamang, normal na ito dahil alam niya kung gaano kayaman ang mga Yowell dahil sila ay kasama sa apat na mga pinaka-marangyang mga pamilya ng California.Nang may malamig na mga mata, inangat ni Colin ang malaking martilyo sa ibabaw ng kaniyang ulo. Noong mapansin niya si Alex, na nananatiling kalmado at hindi pa rin gumagalaw, siya ay lubos na nabalisa.“Lalabas ka ba o hindi?!”“Tingnan natin kung gaano ka katagal magpapanggap!”Roarrrr!!Tulad ng isang galit na dragon, naglabas siya ng mabangis na ungol, at ang inner strength niya bilang isang mahusay sa martial arts sa Advanced Royal ay agad na lumabas. Ang malaking martilyo, na may bigat na 20 kilo, ay bumagsak sa upuan sa salamin ng kotse.Sa sandaling ‘yon, ang ilan sa mga Yowell ay lubos na nanabik, habang ang iba naman ay nabahala.Si Michelle na kanina’y puno ng pananabik, ay biglang nanginig. Wala siyang lakas ng loob na magpatuloy na manood
Lumapit si Alex Rockefeller at hinila si Michelle Yowell palayo bago niya ihampas ang kaniyang palad sa dibdib ni Colin Yowell.Iniisip na papatayin ni Alex ang kaniyang kuya, agad na nagsimula si Michelle na atakihin si Alex gamit ang kaniyang buong kakayahan.Ang Force ni Alex, gayunpaman, ay sobrang tindi kahit ang mga atake ni Michelle ay hindi siya magawang galawin. Sa pagkagulat, tumalon si Michelle sa likod niya at kinagat ang kaniyang baba.“P*ta! G*go ka!” Sigaw ni Alex, bago ihagis si Michelle palayo. “Baliw ka! Kung kakagatin mo ulit ako, hindi ko na ililigtas ang kapatid mo!”Bakit gusto niyang iligtas si Colin?Malamang, dahil ayaw niyang siya ang masisi.Kung mamamatay si Colin ngayon, tiyak na iisipin ng Pamilya Yowell na si Alex ang pumatay sa kaniya. Sa pagdating ng oras, hindi sila titigil sa paghahanap sa kaniya. Hindi ito ang gusto ni Alex.Sa katunayan, si Colin at ang kaniyang kapatid, si Michelle, ay mayroong parehong kondisyon.Mayroon silang sugat sa kanilang m
Si Keith Yowell ay mayroong dalawang anak, sina Xavier at Liam.Gayunpaman, sina Xavier at ang kaniyang asawa ay namatay na noong tatlong taong gulang pa lamang si Michelle Yowell. Ang ibig sabihin no’n ay naiwan lamang si Keith ng isang anak. Sa kabutihang palad, si Liam ay matagumpay sa pag-ibig. Sa loob at labas ng kasal, si Liam ay nagkaroon ng katumbas na sampung babae, at bilang resulta, ay nagkaroon ng maraming anak. Ang legal niyang asawa ay nagbigay-buhay sa tatlong mga lalaki at dalawang babae, habang ang iba pa niyang mga babae ay nagbigay-buhay sa maraming bata. Kung iisipin, si Michelle ay mayroong maraming kapatid.Ang nag-iisang bagay na naramdaman ni Keith na mali ay ang mga anak ni Liam ay mayroong mga karaniwang talento lamang sa martial arts.Si Sean Yowell lamang ang nag-iisa sa pamilya na nagawang makaangat sa Intermediate Royal, at iyon ay dahil sa walang katapusang pinagkukuhaan ng kaniyang pamilya. Samantala, ang anak ni Xavier, si Colin, ang pinakatalentado sa
Nangyari ito nang napakabilis, at isang malinaw na tunog ang maririnig.Noong isipin ng mga Yowell na kahit na hindi namatay si Alex, baka mawalan siya ng isang braso o binti, biglang nag-angat si Alex ng isang kamay at kinurot ang ispada ni Liam gamit lamang ang dalawang daliri.Ang ispada ay tumigil nang sampung sentimetro ang layo mula kay Alex.“Ano?”“Gumamit siya ng dalawang daliri para pigilin ang ispada?!”“Nakakasindak naman ‘yon. Sino ba ang lalaking ‘to?”Ang buong Pamilya Yowell ay natuliro.Ang mga mata ni Michelle ay muntik nang pumutok sa laki. Alam niyang si Liam ay malapit nang maabot ang Mystic rank. Ang lakas ng kaniyang ispada ay lubos na mas malakas kaysa sa martilyo ni Colin. Maaari kaya na ang lalaking ‘tong may pangalan na Rockefeller ay isang Mystic rank na martial artist?Hindi ba’t masyado pa siyang bata?Kahit na nagsimula siyang magsanay sa tiyan ng nanay niya, hindi posible na maging ganito siya kalakas.“Sinabi ko naman sa ‘yo. Hindi mo ako kayang talunin
“Ano’ng sinabi mo?”“G*go ka! Ang lakas naman ng loob mong sumpain ang lolo ko? Papatayin kita!”Ang batang si Michelle ay agad na nagwala. Tumingin siya nang masama kay Alex at sumugod sa kaniya.“Michelle, tumigil ka!” Sigaw ni Liam.Sa wakas, nagising na siya mula sa gulat ng pagpigil ni Alex sa kaniyang ispada gamit lamang ang dalawang daliri. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita si Liam ng kalaban na ganito kalakas. Siya ay lubos na nayanig.Alam na alam ni Liam na kapag hinarap ni Michelle si Alex, para itong isang tatlong taong gulang na bata na nakikipaglaban sa isang propesyonal na mangboboksing. Sila ay nasa ganap na magkaibang antas.At mas mahalaga, binunyag ni Dr. Cheryl na si Alex lamang ang nag-iisang tao na kayang iligtas ang ama ni Liam.Tumigil si Michelle sa kaniyang kinatatayuan. “Tito, ang g*go na ‘to ay sinumpa ang lolo ko… Sinabi niya na may tatlong araw na lamang siya para mabuhay. Sinabi pa niya na maikli lang ang buhay nating lahat. Kahit na kaya mong