Napabuntong-hininga si Guilherme. “May punto ang sinabi ni Young Master. Matagal nang naging masama ang Witch Doctor Sect. Mula pa noong panahon ko, ang master ng sekta ay palaging ambisyoso. Hindi na nila inuuna ang kanilang tungkulin na tulungan ang mga namamatay o pagalingin ang mga nasugatan, sa halip ay bumaling sila sa pag-aaral at pag-eeksperimento sa kakaibang pangkukulam. Gusto nilang gamitin ang mga pambihirang paraan na ito para kontrolin ang buong lugar, maging ang buong imperyal court, at lahat ng ordinaryong tao!“Matagal nang naging sakim ang kanilang mga puso, at sa ilalim ng impluwensya ng pinuno ng sekta, ang buong Witch Doctor Sect ay nagkagulo. Iyon ang dahilan kung bakit determinado akong ilayo ang pamana ng Immortal Doctor sa simula pa lang dahil kung ito ay mahuhulog sa kanilang mga kamay, gagamitin nila ito upang magdulot ng pinsala sa halip.”“Paano nila magagamit ang pamana ng Immortal Doctor para manakit ng mga tao?” tanong ni Cheryl.“Maraming kakaiba, lihim
Sa sandaling ito, biglang sinabi ni Carol sa ninuno ng Witch Doctor Sect, “Ancestor, ang taong ito ay tuso at may karunungan sa martial arts. Kailangan mong mag-ingat. Mas mainam na wasakin ang kanyang mga energy core at baliin ang kanyang mga paa’t kamay. Mas ligtas sa ganoong paraan.”Malamig na sinabi ng ninuno, “Sinong nagsabing kailangan kita para turuan ako kung anong gagawin? Sa tingin mo ba hindi ko kaya ang mahinang babae na tulad niya?”Kaswal niyang iwinagayway ang kanyang kamay at sinampal nang malakas si Carol, pinapatalsik at hinuhulog ito sa Moonlight Lake.“Ayoko sa lahat yung dinidiktahan ako. Kung mangyari man ulit iyon, hinding-hindi na kita mapapatawad!”Nang matapos magsalita ang ninuno, lumukso siya sa maliit na bangkang kahoy.Sa ganoong katangkad na pigura, ang kanyang timbang ay hindi bababa sa 120 kilo. Gayunpaman, sa hindi inaasahang pagkakataon, nang lumapag siya sa maliit na bangkang kahoy, wala man lang abnormal na pag-indayog, na para lang siyang nalaglag
Lumipas ang oras.Hindi na kumikibo ang ninuno ng Witch Doctor Sect matapos imaneho ang bangka patungo sa gitna ng Moonlight Lake.Tumayo siya sa busog ng bangka at ipinikit ang kanyang mga mata na para bang isa siyang estatwang sampung libong taon nang hindi natitinag.Ilang beses nang naisip ni Brittany na tumakas para ipaalam sa kanyang anak na huwag tumuloy. Gayunpaman, tila bumalot sa buong kapaligiran ang lakas ng mental power ng ninuno. Pakiramdam niya ay pinagmamasdan ang bawat salita at kilos niya. Alam niya na kapag gumawa siya ng hakbang, mapipigilan siya ng galit nito.Sa kabilang banda, ang malakihang insidente ng pinsala sa baybayin ng Moonlight Lake kanina ay mabilis na kumalat sa pandinig ng mga lokal na awtoridad sa California. Hindi mabilang ang mga tao na tumawag sa pulisya at ambulansya para humingi ng tulong, lalo na’t hindi pa bumabalik ang ilang mga binata na lumusong sa lawa.Mabilis na kumalat ang balita na parang may mga pakpak ito.Hindi mabilang na mga tao a
“Dorothy, narinig mo na ba? May labanan ng Grandmaster sa Moonlight Lake!”“Napaka-makapangyarihan nung taong naghamon. Hindi alam kung anong klaseng spell ang inilagay sa Moonlight Lake. May malaking pader na pumpaligid sa gitna ng lawa. Kahit na ang mga tauhan mula sa Brigade for Special Operations ng California ay hindi makapasok doon. Hinarangan ang kanilang mga barko ng isang kilometro ang layo mula sa lugar!”Sa California State University, nang papaalis na si Beatrice sa campus, sumugod sina Wilson Jordan at Sam Culver.Hindi mapaghihiwalay ang dalawang taong ito.Halos palaging magkasama ang dalawang ito saanman pumunta si Beatrice.Maiisip ng mga taong hindi nakakaalam na malamang ay natitipuhan nila ang isa’t-isa. Sa katunayan nga, pareho silang may gusto kay Beatrice.Nagulat si Beatrice dahil hindi niya pa naririnig ang gayong balita.Ito ay dahil abala siya sa huling dalawang klase niya kanina. Nakakulong siya sa laboratoryo at walang oras upang kalikutin ang kanyang phone
“Kilala ko yung babae sa bangka. Siya... ang nanay ng dati kong bayaw!”Nang marinig ang sinabi niya, pareho silang natigilan.“Sigurado ka ba?”“Bakit nasa bangka ang nanay ng dati mong bayaw? Oh, naalala ko na ngayon. Nakita ko yung balita kanina. Sinasabing may inihagis na babae yung matanda sa bangka. Mukhang nanay ng dati mong bayaw ang dinakip ng matanda. Isa siyang… bihag!”Nang marinig ito ni Beatrice, lalo siyang nataranta.Ginawang bihag si Britanny Rockefeller, ngunit bakit naman iyon gagawin ng matanda?Isa lang ang sagot!Ito ay dahil kay Alex Rockefeller!Ang pinupuntirya ng matanda ay si Alex. Gusto niyang makipaglaban kay Alex!Naghihintay siya sa Moonlight Lake para kay Alex!***Alas-kwatro ng hapon, dumating sa eksena ang pamilyang Stoermer ng Michigan.Maliban kina Xyla Stoermer at Kazim Stoermer sa mga taong dumating, naroon din ang kasalukuyang pinuno ng pamilya, si Zayn Stoermer.Kasama ni Zayn ang kanyang anak kanina bago sumugod mula sa Michigan. Hindi nila mal
“Iyan ang kasalukuyang pinuno ng pamilyang Stoermer ng Michigan, si Zayn Stoermer!” may sumigaw mula sa dalampasigan.Bagama’t ginamit ng mga awtoridad ng California ang batas militar upang ilikas ang mga tao mula sa baybayin ng Moonlight Lake sa lalong madaling panahon, ilang maimpluwensyang tao ang dumating at nagpumilit na manatili sa dalampasigan. Nahirapan ang mga awtoridad na puwersahing paalisin sila. Sa paglipas ng panahon, patuloy na dumarami ang mga tao. Halimbawa, ang apat na maharlikang pamilya at sampung pinakamayayamang pamilya ng California ay nagpadala lahat ng mga tao.Bilang karagdagan, sunud-sunod na sumugod sa eksena ang mga pamilya ng martial arts sa South California.Maging ang ilang martial expert mula sa malalayong lugar ay tinangkang sumugod matapos marinig ang balita.“Ano? Ang pamilyang Stoermer ng walong maharlikang pamilya sa America?”“Narinig kong Grandmaster ang taong iyon!”“Maaari kayang siya ang hinamon ng matanda para sa labanan sa lawa?”Habang guma
Pagkabitaw ng salitang iyon, may nagwawalang alon ng tubig ang biglang umangat sa ibabaw ng lawa na kalmado lang kanina.Isang malaking palad na gawa sa tubig ang mabangis na lumutang mula sa Moonlight Lake. Sa sandaling iyon, tila lumubog nang kaunti ang buong Moonlight Lake. Napakalaki ng palad na iyon na gawa sa tubig na may diameter na mahigit isang daang metro.“Diyos ko!”“Ito... Anong klaseng himala ito?”Lumawlaw ang mga panga ng madla habang tuliro ang lahat.Maging ang mga martial expert na nakatayo sa baybayin ng Moonlight Lake ay pinawisan ng malamig, bumubulalas na imposible ang ganoon! Kahit na isa siyang natatanging Grandmaster, hindi rin siya dapat gumawa ng ganoong klaseng pakulo.Matatawag na talagang himala iyon.“Bilisan ninyo at tumakas na kayo!” Umungol si Craig.Nagmamadali niyang pinaatras ang barko.Sa kabilang banda, nakatayo si Zayn sa tabla na gawa sa kahoy. Muling tumaas ang aura sa kanyang katawan. Namuo sa kanyang katawan ang buong kapangyarihan ng isang
‘Ano? Bakit naman ang suplada niya?’Nang marinig na natapos na ang tawag, medyo hindi komportable si Beatrice. ‘Biyenan mo yung kinidnap, hindi akin. Hindi ba dapat mas kinakabahan ka kaysa sa akin? Bakit parang wala lang sa’yo? Maaari kayang wala ka na talagang nararamdaman para kay Alex?’Mahirap intindihin ang isipan ng isang babae. Kung magpapakita ng gulat at pagkabalisa si Dorothy sa sandaling ito, maaaring manghinayang at hindi pa rin siya magiging komportable sa kanyang puso. Gayunpaman, pagkatapos makita ang kawalang-interes ng kanyang ate, nakaramdam siya ng galit sa ngalan ni Alex.Sa sandaling ito, sina Maya Howards, Waltz Fleur, at Holly Yates, na medyo gumaling na mula sa kanilang mga pinsala, ay sumugod din sa lawa mula sa Rockefeller Manor.Nang makita ang maliit na bangka na matatagpuan sa gitna ng lawa at si Brittany sa loob nito, agad na sinabi ni Holly, “Pupunta ako roon para iligtas si Ninang! Hindi ko hahayaang mahulog siya sa kamay ng matandang magnanakaw na iyo
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l