“Alam mo ba Toro na lahat ng mga gusto ko noon ay madali kong nakukuha?”“I know,” matipid na tugon ni Celine. Nakasimangot siya habang dala-dala niya ang isang mahabang kahoy. Si Dustin naman ay may dalang lambat. Nakahiram agad sila kay Mang Tonying ng gamit para sa pangingisda. Tinuruan na rin nito si Dustin kung paano ang kaniyang dapat gawin para makahuli ng isda.“Ikaw lang ang nagustuhan kong hindi ko agad makuha eh. No one ever challenged me the way you do,” natatawang sambit ni Dustin. Nabibigatan siya sa dala niyang lambat pero hindi niya iyon ipapahalata kay Celine. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang iniibig.“Hindi mo ako madadala sa mga matatamis mong salita,” walang emosyong usal ni Celine.“Kaya nga papatunayan ko sa pamamagitan ng pagkilos eh,” mabilis na katwiran ni Saavedra.“Ewan ko saýo! Manghuli na lang tayo ng isda kaysa magbolahan tayo rito maghapon.”Napasigaw si Dustin nang bigla siyang nakatapak ng kung ano. Nakalusong na sila sa dagat. Hanggang bewang na ang t
Nagulat sina Mr. at Mrs. Saavedra nang may nahuli silang mga isda. Halos magtatalon si Dustin sa tuwa nang mahawakan na niya ang pinaghirapan nila ni Celine.“May maii-ulam na tayo ngayong lunch at mamayang gabi!”Tinulungan ni Celine na magbuhat ng lambat si Dustin. Humanap din siya ng matibay na kahoy para may pagsabitan ang lambat at saka nila iyon inilagay sa mababang sanga ng dalawang bakawan.“Nakakatuwa! Ang dami nila! Maaari nating ibenta ang iba para may maibili tayo ng gulay o kaya ng karne,” suhestiyon ni Celine.Aalisin na sana nila ang mga isda sa lambat nang biglang dumating si Mang Tonying.“Sir Dustin! Ako na po ang mag-aalis ng isda sa lambat baka po matinik pa kayo,” magalang na bungad ni Mang Tonying. Nasa singkwenta na ang edad niya pero malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan at aktibo siya sa pangangalaga ng isla. Isa siya sa mga binabayaran ng gobyerno para panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng Mantigue Island.“Naku, ako na po Mang Tonying. Nakakahiya na p
Someone was tapping her fingers on the table while drinking the last drop of red wine. She's wearing a black sequin mini dress that revealed her sexy shape. She's holding her phone. Later on, she typed a message. “Bibigyan ko sila ng pagkakataon na mahalin ang isa’t isa at pagkatapos ay saka ko sila sisirain at paghihiwalayin,” sabi ng isang babae bago niya ipadala ang mensahe kay Celine. Kinasusuklaman niya Celine pero mas kinasusuklaman niya si Dustin. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin sa tuwing maalala niya ang tagpong iyon, ten years ago. Tiningnan niya ang litrato nina Clark at Glydel, napangisi siya. Kahit sinong magkita ng litratong iyon ay iisiping hinalikan ni Clark si Glydel pero ang totoo ay may ibinulong lang ito sa kaniyang dating kasintahan na si Glydel. “Another bottle of red wine please!” sigaw nito sa waiter. Pagkabigay na pagkabigay sa kaniya ng waiter ng red wine ay agad niya itong binuksan. Pinuno niya nito ang kaniyang hawak niyang kopita. Tumatawa siya
Naglalakad na pauwi sina Dustin at Celine. Pumasok muna sa bahay si Dustin para isaayos ang mga nahuli nilang isda. Habang abala siya sa paglilinis ng mga ito ay busy naman sa panliligo si Celine. Nang makatapos maligo ni Celine ay nagluto na siya ng kinamatisang isda. Si Dustin naman ang naligo.Pagkatapos nilang kumain ay naglakad silang dalawa sa labas para magpahangin. Nanonood sa cellphone si Celine samantalang si Dustin naman ay nanonood lang sa kaniya. Kumunot ang noo ni Saavedra nang mapansin niyang kanina pang tawa ng tawa si Celine."Celine, stop laughing. Alam kong hindi ka okay," suway ni Dustin sa kaniyang asawa na halos maiyak na sa kakatawa."Sino bang nagsabi sa'yong hindi ako okay? I AM FINE. Look." Celine gave him a sweet smile but her eyes didn't know how to lie."You're crying.""No, I'm not! I'm happy, Dustin. I'm HAPPY!"Hindi na nakatiis si Dustin kaya lumakad siya palapit kay Celine at niyakap ito ng mahigpit. Ang mga kamay ni Celine ay nanatili sa kaliwa at ka
Inalis muna ni Celine si Clark sa kaniyang isip simula noong nakatanggap siya ng mensaheng ikinawasak ng puso niya.'Kung kaya niyang makipagharutan sa ibang babae habang wala ako pwes kaya ko rin! Kung kaya niya akong ipagpalit agad, kakayanin ko rin. I will give myself another chance. I'll give Dustin a chance to prove himself to me. Titingnan ko kung ito ba ang totoong Dustin o nagpapanggap lamang siya.'Duda pa rin si Celine pero ang kaibuturan ng puso at isip niya ay sumisigaw na dapat siyang sumugal sa huling pagkakataon."Kapag hindi pa rin nag work itong relasyong ito, ayoko ng magmahal ulit. Sarili ko na lang ang mamahalin ko. Sina Tatang Clenthon at Nanay Lyn na lang ulit ang pagbubuhusan ko ng pagmamahal ko," aniya sa kaniyang sarili."Toro, luto na ang umagahan natin! Bumaba ka na rito at saluhan mo ako," masayang tawag ni Dustin. Tuwang tuwa si Dustin nang pumayag si Celine sa gusto niya - ang ligawan ito.Bago bumaba sa kusina ay nanalamin muna si Celine. Kinuha niya ang
Halos mangiyak sa kakatawa si Celine nang makita niya kung paano maglaba si Dustin. Nilagyan agad nito ng powder ang batya at inihulog ang mga damit dito. Hindi pa nababasa ni Dustin ang mga damit at balak na niya itong sabunin.“Se-Seryoso ka ba sa ginagawa mo?” tumawa ng malakas si Celine at saka nagpatuloy. “Hindi iyan bubula kung hindi mo lalagyan ng tubig,” humagalpak ulit ng tawa si Celine.“Hi-Hindi pa naman ako tapos. Heto nga at magtutungga na ako para lagyan ng tubig ang batya oh,” palusot ni Dustin. Nais na rin niyang tumawa dahil sa kapalpakan niya.“Oo na lang, Dustin. Tulungan na nga kita at baka abutin ka pa riyan ng siyam-siyam.”Ngumiti si Dustin at kinindatan si Celine, “Napaka matulungin talaga ng misis ko, kaya mahal kita eh.”Bigla na namang dumagundong ang dibdib ni Celine. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Napakamot siya sa kaniyang noo at napa-iling sa sinabing iyon ng kaniyang asawa sa papel.“Sayang ang sabon kung itatapon lang natin ang tubi
Nagulat sina Celine at Dustin nang magkita sila ng maraming sa tao sa beach area. Sa pagkaka-alala ni Dustin ay ni rent ng kaniyang Papa Alexander. Napapikit si Dustin nang may dumaang seksing babae na naka two piece lamang. Punong-puno ng turista ang isla na siyang ipinagtaka nito.Napangiti si Celine nang makita niya ang pag-iwas ni Dustin sa mga dumadaang mga seksing babae. Iniisip nitong nagbago na nga talaga ang kaniyang asawa gaya ng sinabi nito sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang attire. Nakasuot lamang siya ng ordinaryong t-shirt at maong shorts. Kumunot ang kaniyang noo at pagkatapos ay yumuko.“Hey!”Lumakad si Dustin palapit kay Celine. He gently touched her chin. Unti-unti niyang iniangat ang mukha ni Celine hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.“What’s the problem?” nag-aalalang tanong ni Dustin.Umiwas ng tingin si Celine dahil nahihiya siyang sabihin ang niloloob niya. Ihinawak niya ang isa niyang kamay sa kaniyang braso. Nilipad ng hangin ang kaniyang buhok. Ag
"You said you're a good swimmer right?" tanong ni Celine habang hila niya si Dustin papunta sa dalampasigan. "Yes. I was a good swimmer back then," mahinang tugon ni Dustin. "What happened?" Tumigil na sila sa pagtakbo at naglakad na lamang since malapit na sila sa tubig dagat. "I am going to tell you once I am ready to share it with you. For now, let's just enjoy the moment," nakangiting sambit ni Dustin. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang nanlilisik ang mga mata ni Celine. 'Bakit ba sila nakatingin kay Dustin? Ang lalandi niyo ha! TAKEN NA SIYA! T.A.K.E.N! I'm his wife so don't look at him na para bang hinahalay niyo na siya sa mga isip niyo!' Celine thought while giving a deadly glare to the women beside them. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Dustin nang magkaroon siya ng ideya kung bakit gano'n na lamang ang mga titig ni Celine. 'Okay, let's do this Dustin! Make her feel secure,' he thought. Mabilis na binuhat ni Dustin si Celine patungo sa tubig alat. Nagpipiglas
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani