"You said you're a good swimmer right?" tanong ni Celine habang hila niya si Dustin papunta sa dalampasigan. "Yes. I was a good swimmer back then," mahinang tugon ni Dustin. "What happened?" Tumigil na sila sa pagtakbo at naglakad na lamang since malapit na sila sa tubig dagat. "I am going to tell you once I am ready to share it with you. For now, let's just enjoy the moment," nakangiting sambit ni Dustin. Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang nanlilisik ang mga mata ni Celine. 'Bakit ba sila nakatingin kay Dustin? Ang lalandi niyo ha! TAKEN NA SIYA! T.A.K.E.N! I'm his wife so don't look at him na para bang hinahalay niyo na siya sa mga isip niyo!' Celine thought while giving a deadly glare to the women beside them. Hindi mawala ang ngiti sa labi ni Dustin nang magkaroon siya ng ideya kung bakit gano'n na lamang ang mga titig ni Celine. 'Okay, let's do this Dustin! Make her feel secure,' he thought. Mabilis na binuhat ni Dustin si Celine patungo sa tubig alat. Nagpipiglas
Nagliliparan ang mga papel sa pansamantalang opisina ni Feever. Malakas na inilapag niya sa kaniyang mesa ang kaniyang mga kamay. Napakagat sa kaniyang labi si Shantal nang makita niya ang mga ugat sa braso ng kaniyang amo. Nanlilisik ang mga mata ni Feever nang tingnan niya si Shantal. Tila gusto nitong patayin ang babaeng nasa harapan niya ngayon. “WHAT HAVE YOU DONE, SHANTAL?” malakas na sigaw ni Feever. Nagmistulang basang sisiw si Shantal. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ni Feever. Kagat-kagat niya ang kaniyang daliri habang ang kaniyang mga paa ay patuloy sa pagpadyak sa may sahig. Hinawakan ni Feever ang kaniyang noo. Walang lakas siyang umupo sa kaniyang upuan. “Alam mo ba kung magkano ang nawala sa kumpanya dahil sa katangahan mo?” Pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili para magsalita si Shantal. “Hi-Hindi po.. Sir ..” nauutal na tugon ni Shantal. “We have lost a hundred million pesos for Pete’s sake!” Napaawang ang bibig ni Shantal. Napatawa na lang si
“I said you are my girlfriend now,” kumpiyansang sambit ni Feever.“You’re insane. It will never happen,” mariing wika ni Shantal. Tuluyan nang lumabas ng opisina si Shantal. Padabog niyang isinara ang pinto at tiningnan niya ito ng masama na para bang nakikita niya si Feever. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamao at pigil na sumigaw, “Fuck you!” Namumula ang kaniyang mukha sa sobrang inis sa kaniyang amo. Nang nakasakay na siya sa elevator ay biglang tumawag si Glydel.[“Where are you sis?” nag-aalalang tanong ni Glydel.]“I’m still here in the office, Gly. I’m sorry. I forgot to tell you na gagabihin ako ng uwi.” Bakas sa kaniyang boses ang pagka-irita. Agad naman itong napansin ng kaniyang kinakapatid na si Glydel.[“What happened? Your voice implied that you’re agitated at the moment.”]Hindi na nakapagtimpi si Shantal at inilabas ang kaniyang pagka-inis kay Feever.“FEELING GUWAPO! FEELING MAYAMAN! FEELING KAAKIT-AKIT! FEELINGERONG GIRAFFE!”Napangisi si Glydel. Gusto niyang tuma
"Are you sure na papayag na si Shantal na maging sila ni Feever?"Humithit ng sigarilyo si Mr. Chua. Nakataas ang kaniyang mga paa sa may mesa. Sinalinan niya ng whiskey ang kopita ng kaniyang bisita."Hindi ka pa rin nagbabago. Napakatalino mo pa rin. Alam ba ni Feever na nandito ka ngayon?" sabi ni Mr. Chua.Umiling ang kaniyang bisita at tinungga ang whiskey na binigay niya."You should be enjoying your golden years but you're making yourself too occupied with those children."Tumayo si Mr. Chua at naglakad patungo sa isang malaking painting sa may dingding. He rotated it counterclockwise. Bumungad sa kaniya ang isang maliit na vault. May kinuha siyang papel doon at iniabot sa kaniyang bisita. Hindi niya pa rin mabitawan ang kaniyang sigarilyo."Here's your request. Don't open it yet, baka magwala ka kapag nabasa mo ang resulta."Lumakad ulit siya pabalik sa maliit na vault at kinuha ang isa pang pirasong papel. Humakbang siya papunta sa kaniyang table at kumuha ng isang ballpen."
Mantigue Island“I think, you need to see a psychologist para masolusyunan ang problema mo kapag nasa tubig ka,” walang pag-aalinlangang sambit ni Celine. Nakaupo sila ni Dustin sa may hapag-kainan habang humihigop ng mainit na kape.Pasado alas tres na ng madaling araw pero ang mga mata at diwa ng mag-asawang Saavedra ay gising na gising pa. Hindi naging matagumpay ang swimming lesson nila dahil sa tuwing bibitawan ni Celine si Dustin ay tila ba napupulikat ito at hindi na makalangoy.“Siguro kapag nakita ko ulit ang babaeng ýon at nakapagpasalamat ako sa kaniya, babalik na siguro sa dati ang lahat. Sinungitan ko kasi siya sa halip na magpasalamat ako eh,” anas ni Dustin habang nakatingin sa kawalan. Napangiti ito ng maalala ang tagpong iyon. Hindi pa malinaw sa ala-ala niya ang hitsura ng babaeng nagligtas sa kaniya pero sigurado siyang hindi basta-basta ang kagandahan nito.Nakaramdam ng inis si Celine sa hindi niya mawaring dahilan. Ibinaba niya ang tasa na may lamang kape at tina
Nang imulat ni Celine ang kaniyang mga mata ay agad niyang nakita ang kanang bisig ni Dustin na nakapulupot sa kaniyang bewang. Napapikit siya nang maramdaman niyang gumalaw ang kaniyang katabi.‘Nauna akong makatulog sa kaniya kaninang alas kwatro ah. Did I .. Did I remove those pillows?’Napako ang tingin ni Celine sa mga unan na nagkalat sa kaniyang tapat. Napasinghap siya nang lalong humigpit ang pagkakayakap ni Dustin sa kaniya. Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang naninigas na bagay sa gitna ng mga binti ni Saavedra na ngayon ay nakalapat sa kaniyang likuran.‘Jusko! ‘Yong alaga mo Dustin, pakalmahin mo!’Dahan-dahan niyang nilingon ang kaniyang asawa. Napaawang ang kaniyang bibig nang mapagmasdan niya ang natutulog na si Saavedra.‘Grabe! Ang guwapo talaga! Bakit ba ngayon ko lang inamin sa sarili ko na naguguwapuhan ako sa kaniya?’Mabilis niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa mga unan sa tapat niya nang maramdaman niya ang pag galaw ni Dustin. Makalipas ang ilang minuto ay
Nanunuot sa mga butas ng ilong ni Celine ang amoy ng nilulutong ginataang katang ni Dustin. Hindi niya mapigilang hindi mapatitig sa kaniyang asawa. Nakahubad ito habang nagluluto."Ang sarap mo siguro," Celine said unconsciously.Nakangiting hinarap ni Dustin si Celine. "Gusto mo bang matikman?" aniya."H-Ha?" tanging naitugon ni Celine. Namula ang mga pisngi niya nang maalala niya ang kaniyang sinabi kanina.'Celine, ano bang nangyayari sa'yo? Nagiging manyak ka na yata?' she thought.Naglakad palapit sa kaniya si Saavedra at inilapit ang kaniyang mukha kay Celine. Napatawa siya nang biglang iiwas ng kaniyang asawa ang labi nito sa kaniya."Tikman mo nga kung talagang masarap."Pumikit si Celine bago niya hinarap si Dustin."Natikman ko na iyan kanina ah!"Kumunot ang noo ni Saavedra. Nang magets niya kung ano ang kahulugan ng sinabi ni Celine ay napatawa siya ng malakas. Unti-unting iminulat ni Celine ang kaniyang mga mata. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba?" inis niyang tanon
Silence.Cold atmosphere.Dreadful gaze.Sunod-sunod ang pag-alon ng lalamunan ni Celine habang pinagmamasdan sina Clark at Dustin. Sampung minuto na ang nakalilipas nang biglang sumulpot sa kanilang pintuan si Clark. May dala itong isang maleta at isang bouquet ng tulips.Tumikhim si Celine ngunit hindi pa rin siya pinansin ng dalawa. Napapikit siya dahil naiinis na siya sa ikinikilos ng dalawa. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at ibinagsak ng malakas ang kaniyang dalawang kamay sa mesa. Napatingin sa kaniya sina Clark at Dustin."Celine." Magkasabay na sambit nina Clark at Dustin.Dahan-dahang ini-angat ni Celine ang nakayuko niyang ulo. Napakatalim ng itinapon niyang tingin sa dalawa."Get your things, Celine. We're going home."Dustin smirked and said, "You're too confident to say that. She's not going anywhere."Pinanlakihan ng mga mata ni Clark si Dustin."Napasobra yata ang hangin mo ngayon, Saavedra. Ipapaalala ko lang sa'yo na HINDI KA MAHAL NI CELINE at ASAWA KA LANG NIYA
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani