"Anong meron?" ani Celine habang nakatingin sa maraming pagkain sa mesa. Tinanghali na siya ng gising dahil napuyat siya kaka-isip sa mga pinagsasabi sa kaniya ni Dustin nitong mga nagdaang araw."It's my first day!" mabilis na tugon ni Dustin.Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. Napakamot siya sa kaniyang ulo at dahan-dahang lumakad papunta sa hapag-kainan."First day saan ga, Dustin?""I told you. I am going to court you," nakangising sambit ni Dustin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Celine."Hindi pa ga malinaw sa iyo ang mga sinabi ko?"Nagkibit-balikat lamang si Dustin. Umupo siya at nagsimula na ring kumain ng umagahan."Toro, ano ang pinaka paborito mong ulam?"Napatigil sa pagsubo si Celine. "Bakit mo naman natanong?""Pag-aaralan kong lutuin," nakangiting tugon ni Dustin."Binagoongan, pinakbet, igado, dinuguan, pastel, sweet and -- ""Te-Teka, Celine. Bakit ang dami naman ata? Ang tanong ko naman eh kung ano ang pinaka paborito mong ulam. Bakit ang dami mong sinabi
“Alam mo ba Toro na lahat ng mga gusto ko noon ay madali kong nakukuha?”“I know,” matipid na tugon ni Celine. Nakasimangot siya habang dala-dala niya ang isang mahabang kahoy. Si Dustin naman ay may dalang lambat. Nakahiram agad sila kay Mang Tonying ng gamit para sa pangingisda. Tinuruan na rin nito si Dustin kung paano ang kaniyang dapat gawin para makahuli ng isda.“Ikaw lang ang nagustuhan kong hindi ko agad makuha eh. No one ever challenged me the way you do,” natatawang sambit ni Dustin. Nabibigatan siya sa dala niyang lambat pero hindi niya iyon ipapahalata kay Celine. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang iniibig.“Hindi mo ako madadala sa mga matatamis mong salita,” walang emosyong usal ni Celine.“Kaya nga papatunayan ko sa pamamagitan ng pagkilos eh,” mabilis na katwiran ni Saavedra.“Ewan ko saýo! Manghuli na lang tayo ng isda kaysa magbolahan tayo rito maghapon.”Napasigaw si Dustin nang bigla siyang nakatapak ng kung ano. Nakalusong na sila sa dagat. Hanggang bewang na ang t
Nagulat sina Mr. at Mrs. Saavedra nang may nahuli silang mga isda. Halos magtatalon si Dustin sa tuwa nang mahawakan na niya ang pinaghirapan nila ni Celine.“May maii-ulam na tayo ngayong lunch at mamayang gabi!”Tinulungan ni Celine na magbuhat ng lambat si Dustin. Humanap din siya ng matibay na kahoy para may pagsabitan ang lambat at saka nila iyon inilagay sa mababang sanga ng dalawang bakawan.“Nakakatuwa! Ang dami nila! Maaari nating ibenta ang iba para may maibili tayo ng gulay o kaya ng karne,” suhestiyon ni Celine.Aalisin na sana nila ang mga isda sa lambat nang biglang dumating si Mang Tonying.“Sir Dustin! Ako na po ang mag-aalis ng isda sa lambat baka po matinik pa kayo,” magalang na bungad ni Mang Tonying. Nasa singkwenta na ang edad niya pero malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan at aktibo siya sa pangangalaga ng isla. Isa siya sa mga binabayaran ng gobyerno para panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng Mantigue Island.“Naku, ako na po Mang Tonying. Nakakahiya na p
Someone was tapping her fingers on the table while drinking the last drop of red wine. She's wearing a black sequin mini dress that revealed her sexy shape. She's holding her phone. Later on, she typed a message. “Bibigyan ko sila ng pagkakataon na mahalin ang isa’t isa at pagkatapos ay saka ko sila sisirain at paghihiwalayin,” sabi ng isang babae bago niya ipadala ang mensahe kay Celine. Kinasusuklaman niya Celine pero mas kinasusuklaman niya si Dustin. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin sa tuwing maalala niya ang tagpong iyon, ten years ago. Tiningnan niya ang litrato nina Clark at Glydel, napangisi siya. Kahit sinong magkita ng litratong iyon ay iisiping hinalikan ni Clark si Glydel pero ang totoo ay may ibinulong lang ito sa kaniyang dating kasintahan na si Glydel. “Another bottle of red wine please!” sigaw nito sa waiter. Pagkabigay na pagkabigay sa kaniya ng waiter ng red wine ay agad niya itong binuksan. Pinuno niya nito ang kaniyang hawak niyang kopita. Tumatawa siya
Naglalakad na pauwi sina Dustin at Celine. Pumasok muna sa bahay si Dustin para isaayos ang mga nahuli nilang isda. Habang abala siya sa paglilinis ng mga ito ay busy naman sa panliligo si Celine. Nang makatapos maligo ni Celine ay nagluto na siya ng kinamatisang isda. Si Dustin naman ang naligo.Pagkatapos nilang kumain ay naglakad silang dalawa sa labas para magpahangin. Nanonood sa cellphone si Celine samantalang si Dustin naman ay nanonood lang sa kaniya. Kumunot ang noo ni Saavedra nang mapansin niyang kanina pang tawa ng tawa si Celine."Celine, stop laughing. Alam kong hindi ka okay," suway ni Dustin sa kaniyang asawa na halos maiyak na sa kakatawa."Sino bang nagsabi sa'yong hindi ako okay? I AM FINE. Look." Celine gave him a sweet smile but her eyes didn't know how to lie."You're crying.""No, I'm not! I'm happy, Dustin. I'm HAPPY!"Hindi na nakatiis si Dustin kaya lumakad siya palapit kay Celine at niyakap ito ng mahigpit. Ang mga kamay ni Celine ay nanatili sa kaliwa at ka
Inalis muna ni Celine si Clark sa kaniyang isip simula noong nakatanggap siya ng mensaheng ikinawasak ng puso niya.'Kung kaya niyang makipagharutan sa ibang babae habang wala ako pwes kaya ko rin! Kung kaya niya akong ipagpalit agad, kakayanin ko rin. I will give myself another chance. I'll give Dustin a chance to prove himself to me. Titingnan ko kung ito ba ang totoong Dustin o nagpapanggap lamang siya.'Duda pa rin si Celine pero ang kaibuturan ng puso at isip niya ay sumisigaw na dapat siyang sumugal sa huling pagkakataon."Kapag hindi pa rin nag work itong relasyong ito, ayoko ng magmahal ulit. Sarili ko na lang ang mamahalin ko. Sina Tatang Clenthon at Nanay Lyn na lang ulit ang pagbubuhusan ko ng pagmamahal ko," aniya sa kaniyang sarili."Toro, luto na ang umagahan natin! Bumaba ka na rito at saluhan mo ako," masayang tawag ni Dustin. Tuwang tuwa si Dustin nang pumayag si Celine sa gusto niya - ang ligawan ito.Bago bumaba sa kusina ay nanalamin muna si Celine. Kinuha niya ang
Halos mangiyak sa kakatawa si Celine nang makita niya kung paano maglaba si Dustin. Nilagyan agad nito ng powder ang batya at inihulog ang mga damit dito. Hindi pa nababasa ni Dustin ang mga damit at balak na niya itong sabunin.“Se-Seryoso ka ba sa ginagawa mo?” tumawa ng malakas si Celine at saka nagpatuloy. “Hindi iyan bubula kung hindi mo lalagyan ng tubig,” humagalpak ulit ng tawa si Celine.“Hi-Hindi pa naman ako tapos. Heto nga at magtutungga na ako para lagyan ng tubig ang batya oh,” palusot ni Dustin. Nais na rin niyang tumawa dahil sa kapalpakan niya.“Oo na lang, Dustin. Tulungan na nga kita at baka abutin ka pa riyan ng siyam-siyam.”Ngumiti si Dustin at kinindatan si Celine, “Napaka matulungin talaga ng misis ko, kaya mahal kita eh.”Bigla na namang dumagundong ang dibdib ni Celine. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya. Napakamot siya sa kaniyang noo at napa-iling sa sinabing iyon ng kaniyang asawa sa papel.“Sayang ang sabon kung itatapon lang natin ang tubi
Nagulat sina Celine at Dustin nang magkita sila ng maraming sa tao sa beach area. Sa pagkaka-alala ni Dustin ay ni rent ng kaniyang Papa Alexander. Napapikit si Dustin nang may dumaang seksing babae na naka two piece lamang. Punong-puno ng turista ang isla na siyang ipinagtaka nito.Napangiti si Celine nang makita niya ang pag-iwas ni Dustin sa mga dumadaang mga seksing babae. Iniisip nitong nagbago na nga talaga ang kaniyang asawa gaya ng sinabi nito sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang attire. Nakasuot lamang siya ng ordinaryong t-shirt at maong shorts. Kumunot ang kaniyang noo at pagkatapos ay yumuko.“Hey!”Lumakad si Dustin palapit kay Celine. He gently touched her chin. Unti-unti niyang iniangat ang mukha ni Celine hanggang sa magtama ang kanilang mga mata.“What’s the problem?” nag-aalalang tanong ni Dustin.Umiwas ng tingin si Celine dahil nahihiya siyang sabihin ang niloloob niya. Ihinawak niya ang isa niyang kamay sa kaniyang braso. Nilipad ng hangin ang kaniyang buhok. Ag