“Saan ka ba nanggaling? Kagabi pa akong hanap ng hanap sa iyo! Kahit mga tawag ko hindi mo sinagot eh. Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra?” sermon ni Glydel sa kaniyang kaibigang si Shantal.
“I’m sorry Gly. I got wasted at muntikan na pala akong ma rape ng anak ng may ari ng H-Club,” mahinang sambit ni Shantal.
“WHAT? DELA FUENTE SET HIS EYES ON YOU? This is bad!” Napahawak sa kaniyang sentido si Glydel habang pabalik-balik na naglalakad.
Kumunot ang noo ni Shantal, “Kilala mo ang hayop na lalaking ýon?”
“YES AND HE’S NOT AN ORDINARY MAN! HIS MAD AND INSANE! Of all the men na nasa club bakit siya pa ang nakadaupang palad mo?”
Umupo si Shantal
One Month Later“Five months na lang Celine.. five months na lang,” bulong ni Celine sa kaniyang sarili habang namumulot ng mga panggatong. Alas sais pa lamang ng umaga pero gising na gising na silang dalawa ni Dustin dahil kailangan na nilang mangahoy. Halos isang buwan na rin siyang hindi nakakatulog ng ayos dahil sa pangambang baka may kung anong mangyari sa kanilang dalawang mag-asawa. Malamig sa isla at hindi maitatanggi ni Celine na minsan ay naiisip na niyang magpa-init sa gitna ng gabi.“AHAS! MAY AHAS SA PUNO!”Napalingon siya sa kinaroroonan ng kaniyang asawa. Kumunot ang noo niya at hindi niya pinansin ang sinabing iyon ni Dustin.“Akala ba niya maloloko niya ako? Tss.”Sumigaw ulit si Dustin, “CELINE MAY AHAS SA SUSUNOD NA PUNO! BUMALIK KA NA RITO! HINDI AKO NAGBIBIRO!”“Ano bang pinagsasa–” naramdaman ni Celine ang pamumutla ng kaniyang mukha nang matanaw niya ang isang kulay berdeng ahas. Nakapulupot ito sa sanga at gumagalaw-galaw ang dila.Mabilis na tumakbo si Celine
“Binusog mo ako maghapon baka naman makakarequest mamayang gabi,” pabirong sabi ni Dustin habang nag-aalis ng tinga gamit ang kawayang kinuha niya sa dingding ng kanilang kusina. Naghugas ng mga kamay si Celine at pagkatapos ay lumakad palapit kay Dustin. Itinuon niya ang kaniyang kaliwang braso sa lamesa at dahan-dahang tinitigan ng diretso sa mga mata si Saavedra.“Pony, masyado ka namang demanding. Ipinagluto na nga kita ng umagahan, tanghalian at hapunan tapos gusto mo pa akong kainin mamaya? Nakakakilabot ka ha! Maigi pa eh hugasan mo ang pinagkainan natin para naman matuwa ako sa iyo!”Nawala ang balanse ni Celine nang bigla siyang hinawakan ni Dustin sa kaniyang batok. Isang pulgada na lamang ang layo ng labi nila sa isa’t isa. Napalunok ng sunod-sunod si Celine habang nakatingin sa labi ni Dustin.“Craving for my lips, my dear TORO?” nakangiting sambit ni Dustin. Agad na kumawala si Celine sa kaniyang pagkakahawak.“A-Anong pinagsasabi mo diyan ha, PONY? Ne-Never akong nag cra
“Celine,” mahinang sabi ni Dustin. Nakahiga na sila sa kanilang kuwarto at magkatalikuran ang dalawa. “Celine, gising ka pa?” Nakabalot ng kumot si Celine at nag-iisip kung sasagutin ba niya si Dustin o magpapanggap siyang natutulog na. “Napagod ka siguro maghapon. Sige magpahinga ka na. Magpapahangin lang ako sa may tabing-dagat.” Babangon pa lang sana si Dustin nang biglang umupo si Celine at nagpa-ipis-ipis patungo sa may pintuan. “Tara?” aya ni Celine habang nakangiti. “Akala ko tulog ka na. Bakit hindi mo ako sinasagot kanina?” “Hindi kasi ako makatulog. Namiss ko bigla sina Tatang at Inay,” nakayukong saad ni Celine. Tiniklop ni Dustin ang kanilang mga kumot at inayos ang mga unan. Mag-aalas dyis na ng gabi nang magkaayaang maglakad patungong dalampasigan. “Ehem.” “Makati lalamunan mo, Toro?” Sinimangutan ni Celine ang kaniyang asawa. “Huwag mo na nga akong tawaging toro. Ang ganda-ganda ng pangalan ko tapos tatawagin mo lang akong toro.” Tumawa si Dustin at lumakad p
Inalis ni Celine ang kaniyang mga kamay sa pagkakahawak ni Dustin. Kinagat niya ang kaniyang labi at yumuko.“I'm sorry, but I'm not interested in pursuing a romantic or sexual relationship with you, Mr. Dustin Saavedra,” mahinang sabi ni Celine.Ang ngiting nakaukit sa mukha ni Saavedra ay unti-unting napawi at ang mga mata niyang nagniningning ay biglang nabalot ng kalungkutan. Pinalagutok niya ang kaniyang mga daliri sa kamay at sinipa ng mahina ang buhangin na kaniyang tinatapakan.‘As I expected, she’s going to reject me. It’s fine, Dustin. Pursue her more! Don’t be mad, Dustin. Don’t be,' he thought.Naistatwa si Saavedra nang bigla siyang niyakap ni Celine.“Alam kong hindi ka sanay sa ganitong bagay so I’m giving you a hug. I am not rejecting you dahil babaero ka. I understand why you ended up like that, but I am not saying na tama ýong pagiging gano'n mo. I rejected you dahil may nagmamay-ari na ng puso ko at alam kong alam mo kung sino ýon,” Celine said as she caressed his b
"Anong meron?" ani Celine habang nakatingin sa maraming pagkain sa mesa. Tinanghali na siya ng gising dahil napuyat siya kaka-isip sa mga pinagsasabi sa kaniya ni Dustin nitong mga nagdaang araw."It's my first day!" mabilis na tugon ni Dustin.Nagsalubong ang mga kilay ni Celine. Napakamot siya sa kaniyang ulo at dahan-dahang lumakad papunta sa hapag-kainan."First day saan ga, Dustin?""I told you. I am going to court you," nakangising sambit ni Dustin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Celine."Hindi pa ga malinaw sa iyo ang mga sinabi ko?"Nagkibit-balikat lamang si Dustin. Umupo siya at nagsimula na ring kumain ng umagahan."Toro, ano ang pinaka paborito mong ulam?"Napatigil sa pagsubo si Celine. "Bakit mo naman natanong?""Pag-aaralan kong lutuin," nakangiting tugon ni Dustin."Binagoongan, pinakbet, igado, dinuguan, pastel, sweet and -- ""Te-Teka, Celine. Bakit ang dami naman ata? Ang tanong ko naman eh kung ano ang pinaka paborito mong ulam. Bakit ang dami mong sinabi
“Alam mo ba Toro na lahat ng mga gusto ko noon ay madali kong nakukuha?”“I know,” matipid na tugon ni Celine. Nakasimangot siya habang dala-dala niya ang isang mahabang kahoy. Si Dustin naman ay may dalang lambat. Nakahiram agad sila kay Mang Tonying ng gamit para sa pangingisda. Tinuruan na rin nito si Dustin kung paano ang kaniyang dapat gawin para makahuli ng isda.“Ikaw lang ang nagustuhan kong hindi ko agad makuha eh. No one ever challenged me the way you do,” natatawang sambit ni Dustin. Nabibigatan siya sa dala niyang lambat pero hindi niya iyon ipapahalata kay Celine. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang iniibig.“Hindi mo ako madadala sa mga matatamis mong salita,” walang emosyong usal ni Celine.“Kaya nga papatunayan ko sa pamamagitan ng pagkilos eh,” mabilis na katwiran ni Saavedra.“Ewan ko saýo! Manghuli na lang tayo ng isda kaysa magbolahan tayo rito maghapon.”Napasigaw si Dustin nang bigla siyang nakatapak ng kung ano. Nakalusong na sila sa dagat. Hanggang bewang na ang t
Nagulat sina Mr. at Mrs. Saavedra nang may nahuli silang mga isda. Halos magtatalon si Dustin sa tuwa nang mahawakan na niya ang pinaghirapan nila ni Celine.“May maii-ulam na tayo ngayong lunch at mamayang gabi!”Tinulungan ni Celine na magbuhat ng lambat si Dustin. Humanap din siya ng matibay na kahoy para may pagsabitan ang lambat at saka nila iyon inilagay sa mababang sanga ng dalawang bakawan.“Nakakatuwa! Ang dami nila! Maaari nating ibenta ang iba para may maibili tayo ng gulay o kaya ng karne,” suhestiyon ni Celine.Aalisin na sana nila ang mga isda sa lambat nang biglang dumating si Mang Tonying.“Sir Dustin! Ako na po ang mag-aalis ng isda sa lambat baka po matinik pa kayo,” magalang na bungad ni Mang Tonying. Nasa singkwenta na ang edad niya pero malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan at aktibo siya sa pangangalaga ng isla. Isa siya sa mga binabayaran ng gobyerno para panatilihin ang kaayusan at kalinisan ng Mantigue Island.“Naku, ako na po Mang Tonying. Nakakahiya na p
Someone was tapping her fingers on the table while drinking the last drop of red wine. She's wearing a black sequin mini dress that revealed her sexy shape. She's holding her phone. Later on, she typed a message. “Bibigyan ko sila ng pagkakataon na mahalin ang isa’t isa at pagkatapos ay saka ko sila sisirain at paghihiwalayin,” sabi ng isang babae bago niya ipadala ang mensahe kay Celine. Kinasusuklaman niya Celine pero mas kinasusuklaman niya si Dustin. Nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin sa tuwing maalala niya ang tagpong iyon, ten years ago. Tiningnan niya ang litrato nina Clark at Glydel, napangisi siya. Kahit sinong magkita ng litratong iyon ay iisiping hinalikan ni Clark si Glydel pero ang totoo ay may ibinulong lang ito sa kaniyang dating kasintahan na si Glydel. “Another bottle of red wine please!” sigaw nito sa waiter. Pagkabigay na pagkabigay sa kaniya ng waiter ng red wine ay agad niya itong binuksan. Pinuno niya nito ang kaniyang hawak niyang kopita. Tumatawa siya
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani