Bumuntong hininga si Dustin bago isalampak ang kanyang katawan sa malambot na kama. Umuulan pa rin ng malakas at mag-aalas dyis na pero hindi pa rin umuuwi ang kanyang asawa. Paikot-ikot ang tingin niya sa loob ng kanilang silid. Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil gusto na niyang makapamahinga. Napatadyak siya ng marahas dahil kahit anong pilit niya ay hindi pa rin siya makatulog. Tuluyan na siyang bumangon at naglakad patungo sa may veranda.“Galit na galit ang kalangitan ngayong gabi. Madali lang naman akong makatulog noon lalo na at umiiyak ang langit. What happened? Bakit hindi ako makatulog?” Turan ni Dustin sa kanyang sarili.Bumalik siya sa kanilang silid para kumuha ng alak at kopita at pagkatapos ay muling tumambay sa may veranda.“Sobrang lakas ng ulan.” Saad niya habang lumal
“Celine, umuwi na tayo,” mahinahong sabi ni Dustin habang nakatitig sa mga mata ni Celine. Nagkibit balikat lang si Celine. Habang lulan ng nakatigil na elevator ay hindi mapigilan ni Dustin ang kuwestiyunin ang kaniyang mga kinikilos towards Celine. It’s not like him. Parang iba ang kaniyang pagkatao kapag kasama niya ang kaniyang asawa.Hindi pa siya lumalabas dito dahil nakaharang sa daan ang dalawa nina Clark at Celine. 'Did she make me drink something para magka-ganito ako? Did she insert some sort of liquid to my body while I was sleeping? Did she pay a witch or a wizard to play with my emotions?Gulong-gulo na ang utak ko!' sigaw ng isip ni Dustin. Tulala siya habang inaalam niya ang dahilan kung bakit hindi niya maalis-alis sa kaniyang isip si Celine. Ikinalma niya ang kaniyang sarili at tumingala. 'This craziness will come to an end once na makuha ko na ang pinaka-iniingatan niya. Tama! That’s the only reason why I am acting like this. WALA NG IBANG RASON, DUSTIN. WALA NG
“Nagpakalunod ka ba sa alak, Celine?” kunot-noong tanong ni Dustin habang ibinababa si Celine sa tapat ng kaniyang sasakyan. Tiningnan lang siya ni Celine at pagkatapos ay nginitian nang nakakaloko. “Sumakay ka na! Baka hinihintay mo pang ipasok kita sa loob? Ang bigat-bigat mo na ngang buhatin. Mag diet ka ha!” singhal ni Dustin habang inis na inis sa kaniyang asawa. “Ipakukuha ko na lang kay Feever ang sasakyan mo.” Bago pa man makapunta sa driver’s seat si Dustin ay nagsalita si Celine, “mamatay na sana lahat ng babaero sa mundo o kaya maubusan na sana sila ng tam*d para ipundo na nila ang kanilang mga alaga.” “Tsss. Ganiyan na pala kalala ang galit mo sa mga kauri ko.” Tumawa nang malakas si Dustin at pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan. Hindi niya man lang ipinagbukas ng pinto si Celine. “Wala talagang panama si Clark saýo,” turan ni Celine. Ibinaba ni Dustin ang bintana at saka niya sinilip nang nakangiti si Celine. “Oo tama ka. Wala naman talagang panama sa akin si Clark
Matapos pagtripan ni Celine si Dustin ay humaharok na naman ito sa may backseat ng sasakyan. "WALANJO! Tumatawa pa to kanina at nang-aasar tapos ngayon bagsak na naman. Tsk." Naiiling na saad ni Dustin habang pinagmamasdan si Celine.Galit na galit man sya sa kanyang asawa ay inayos pa rin ni Dustin ang posisyon ni Celine. Kinuha niya ang unan sa may compartment at dahan-dahang ini-angat ang ulo ni Celine para mas maging komportable ang paghiga niya. Nang magkita siya ng isang malaking jacket sa likod ng sasakyan niya ay agad niyang kinuha at itinapis kay Celine."Siguro naman di ka na magigising hanggang sa makarating tayo sa bahay." Turan ni Dustin habang nakatingin sa tulog na tulog na si Celine.Nang makita niya sa kanyang Rolex kung anong oras na ay agad niyang pinaandar ang kanyang sasakyan. Binuhay niya ang radyo ngunit agad din niyang pinatay nang marinig na puro jingle ng mga kandidato ang pinapatunog. Pilit niyang iminumulat ang kanyang
Nakahawak sa kanyang ulo ang mga kamay ni Celine pagkatapos niyang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa orasan sa tabi ng lampshade. Alas dyis na ng umaga. Mainam na lang at unemployed siya dahil kung nagkataon ay makakapag file na naman siya ng sick leave kahit wala naman talaga siyang sakit.Nag inat-inat siya at pagkatapos ay napako ang tingin niya sa n*******d na si Dustin. Nang makita niyang nasa sahig ang kanyang bra at damit ay agad napatakip ang kanyang kanang kamay sa kanyang bibig samantalang ang isa naman ay nakahawak sa kanyang noo. Namilog ang kanyang mga mata nang maalala niya kung gaano siya kalasing last night."Did I? Did I give myself to this skirt chaser?" Bulong ni Celine habang pilit inaalala ang nangyari.Binuklat niya ang kumot at nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang nakasuot pa siya ng palda at panty."Thank you Lord! Akala ko I have lost it na."Bumangon siya at dumiretso sa banyo. Nag toothbrush siya at
Dinala ni Dustin si Celine sa isa sa pinakasikat na restaurant sa Quezon City. Hindi ininda ni Dustin ang pagmamaneho ng ilang oras matikman lang ang popular menu na Veil Tenderloin at Scallop Carpaccio ng Lemuria Gourmet Restaurant. It's in the middle of a village, so it's pretty quiet and private, ideal for those looking for some peace and quiet away from the hustle and bustle of everyday life. Napansin agad ni Celine ang garden at ang aesthetically pleasing walkways ng restaurant. The atmosphere was romantic and relaxing, with a Spanish theme and staff dressed formally. Binati sila ng mga staffs ng restaurants nang makarating sila sa loob ng building. Mayroong mga old paintings at iba pang memorabilia sa dingding ng gusali. The building's interior had a Spanish colonial theme. Pumili na sila ng pwesto at umupo. Agad silang nilapitan ng staff ng restaurant
“Pwede ba Dustin kumain ka na lang? Wag mo na akong titigan ng ganyan," masungit na saad ni Celine. Halos paubos na ang pagkain ni Celine samantalang ang kay Dustin naman ay hindi pa nangangalahati ang nababawas. “Hindi ko alam na malakas ka palang kumain. Hindi na ako nagtataka kung bakit mabigat kang kargahin.” Natatawang turan ni Dustin habang siya ay nakahalumbaba at nakatitig kay Celine. Itinigil na ni Celine ang kanyang pagkain at uminom ng tubig. Kinabig niya ang binili niyang wine at sinalinan ang kanyang wine glass nito. Gumalaw ang mga mata ni Dustin na nangangahulugang gusto niya ring salinan siya ng alak sa kanyang kopita ngunit nag patay malisya lang si Celine. “Bakit mukhang napapadalas ang pag-inom mo? Lasinggera ka ba noon pa man?” Dustin asked out of his curiosity. Tinapunan siya ng malamig na titig ni Celine at saka siya sinagot nito, “Ikaw ba naman ang masira ang pamilya, hindi ka ba mag-iinom?” Nag-iba bigla ang awra ni Dustin. Tila may maitim na ulap na bumal
Humithit ng sigarilyo si Shantal habang lumalagok naman ng alak sa kanyang tabi si Glydel. Naging abala ang bunsong kapatid ni Celine sa paghahanap ng trabaho. Halos isang linggo na siyang sumasabak sa interview pero hindi pa rin siya pumapasa. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil nababaon na siya sa utang sa kanyang bagong kaibigan kahit na hindi naman iyon kinokonsider na utang ni Glydel."Sigurado ka bang ayaw mong mag-apply bilang sekretarya ni Clark?" Tanong ni Glydel habang tinitingnan ang napaka pulang alak sa kanyang kopita."Ayoko, dahil sigurado akong naisumbong na ako ni Ate Celine kay Clark." Napatigil si Shantal sa kanyang pagsasalita. "I mean ni Celine. Sigurado akong naisawalat na niyang lahat ang nangyari sa ex-boyfriend niyang si Clark. Baka pahirapan lang ako no'n."Tinungga ni Glydel ang laman ng kanyang kopita at saka nagsalita, "Gaano mo ba kakilala si Clark?"Nagtaka si Shantal sa tanong na iyon ni Glydel pero dahil nirerespeto niya it