Humithit ng sigarilyo si Shantal habang lumalagok naman ng alak sa kanyang tabi si Glydel. Naging abala ang bunsong kapatid ni Celine sa paghahanap ng trabaho. Halos isang linggo na siyang sumasabak sa interview pero hindi pa rin siya pumapasa. Sumasakit na ang kanyang ulo dahil nababaon na siya sa utang sa kanyang bagong kaibigan kahit na hindi naman iyon kinokonsider na utang ni Glydel."Sigurado ka bang ayaw mong mag-apply bilang sekretarya ni Clark?" Tanong ni Glydel habang tinitingnan ang napaka pulang alak sa kanyang kopita."Ayoko, dahil sigurado akong naisumbong na ako ni Ate Celine kay Clark." Napatigil si Shantal sa kanyang pagsasalita. "I mean ni Celine. Sigurado akong naisawalat na niyang lahat ang nangyari sa ex-boyfriend niyang si Clark. Baka pahirapan lang ako no'n."Tinungga ni Glydel ang laman ng kanyang kopita at saka nagsalita, "Gaano mo ba kakilala si Clark?"Nagtaka si Shantal sa tanong na iyon ni Glydel pero dahil nirerespeto niya it
Halos magsisigaw sa galit si Dustin nang malamang nilayasan siya ng sekretarya niyang si Mariel. Ang masaklap ay dinala nito ang record ng kanyang schedule sa buong buwan ng Abril. Nawawala rin ang ilan sa mga mahahalagang gamit ni Dustin sa kanyang opisina."Find Mariel! NOW!"Agad na nagsitakbuhan ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Feever para hanapin ang taksil at magnanakaw na si Mariel. Pabalik balik na naglalakad si Dustin habang nakahawak sa kanyang sentido ang kanyang kaliwang kamay at ang kanyang kanang kamay naman ay nakasuot sa bulsa ng kanyang kulay abong pantalon."Hindi ako dapat nagtiwala sa babaeng 'yon!" Saad ni Dustin.Natigil lang ang kanyang paglalakad nang pumasok sa kanyang opisina ang kanyang Papang si Don Alexander."I told you that I don't like her. Hindi mo naman ako pinakinggan." Naglakad si Don Alexander patungo sa paborito niyang pwesto at doon umupo. Naka de kwatro ito habang nakatingin sa mukha ng dismayado niyan
"Girl, may work ka na ba? Sama na lang kaya tayo sa paghahanap ng trabaho? Wala pa ring tumatawag sa mga pinasahan ko ng resume eh. Lahat sila puro paasa. Nakakaloka!", wika ni Freya habang humihigop ng palamig."Inaalok ako ni Clark na magwork sa kanya kaso kahit gustuhin ko man, hindi pwede eh. Biglang pumapasok sa isip ko 'yung mga warning ni Dustin. Ewan ko ba parang nakaramdam ako bigla ng takot sa Papa niya. I mean kay Papa.", sambit ni Celine habang nangangain ng fishball.Tumingin ang dalawa sa tahimik na si Celestine. Naninibago sila dahil sa kanilang tatlo ay ito palagi ang nag oopen ng kung anu-anong topic. Niyakap nina Celine at Freya si Celestine."Cele, mukhang ang lalim ng iniisip mo ah. Baka pwede ka naming usungan sa bitbit mo. Pakiramdam kasi namin eh masyado nang mabigat eh.", turan ni Freya.Tinapik ni Celine ang likod ni Celestine at saka siya nagsalita, "Basta andito lang kami palagi ni Freya kapag kailangan mo ng mapaghihingahan. Au
"Shantal pwede ba wag mong gamitin ang koneksyon mo kay Papa?" Inis na saad ni Dustin sa kanyang bagong sekretarya."What happened Dustin? Bakit ka nagkakaganyan? The last time we met, gustong gusto mo akong makita palagi. Gustong-gusto mo ang mga halik at bawat paghaplos ko sa iyong katawan."Nilapitan ni Shantal si Dustin matapos nitong ikandado ang pinto ng opisina ni Saavedra. Inuumpisahan na naman niyang akitin si Dustin gaya ng kanyang plano. Hindi niya ginagawa iyon para maghiganti sa kanyang kapatid, ginagawa niya iyon dahil mahal na niya si Dustin."Stay away from me Shantal! Kasal kami ng kapatid mo. Baka nakakalimutan mo." May pagbabantang tonong sambit ni Dustin.Tumawa ng malakas si Shantal bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa lalaking bukod tanging nagpatibok ng puso niya. Nilapitan niya ito at hinila palapit sa kanya. Ramdam na nila ang hininga ng bawat isa."If you can resist my charm, my hotness and my body, then I won't both
Mariing ipinikit ni Shantal ang kanyang mga mata nang marinig niya ang boses ng kanyang Ate Celine. Ang kanyang mga daliri ay hindi mapakali samantalang ang kanyang isip ay nagtatalo kung lalabas ba siya ng banyo o hahayaan niyang makita siya ng kanyang kapatid sa mismong opisina ng asawa nitong si Dustin. Nang maalala niyang muli ang bilin sa kanya ni Dustin ay napagdesisyunan niyang lumipat ng kanyang pinagtataguan. Hindi siya pwedeng lumabas na lang basta pero maaari naman niyang padaliin ang paghahanap ni Celine sa kanya. Mula sa may bath tub ay lumakad siya patungo sa likod mismo ng pinto ng restroom. Pumwesto siya roon para mas madali siyang makita ni Celine. Dinig na dinig na niya ang mga papalapit na yabag at ang kasalukuyang pagtatalo ng mag-asawang Saavedra. “Bakit mo ba ako pinipigilang pumasok sa restroom ha, Dustin?” Inis na saad ni Celine nang bigla na naman siyang hawakan sa kanyang kamay n
Nanlaki ang mga mata nina Feever at Celestine nang makita nilang halos magkakasunod na lumabas sina Celine, Dustin at Shantal sa banyo. Nagsalubong naman agad ang kilay ni Freya at biglang kumulo ang dugo niya nang masilayan niya si Shantal. “Anong ginagawa ng isang traydor dito sa opisina ng asawa ng kaibigan namin?”, masungit na saad ni Freya habang tinatapunan niya nang mababagsik na tingin si Shantal. Tahimik lang si Celestine habang pinagmamasdan si Celine na kanina pang uminom ng uminom ng tubig. “Mag-iihi ka niyan Maám Celine.” Komento ni Feever. Hindi na niya napigilang hindi punahin si Celine dahil halos maubos na nito ang tubig na laman ng pitsel. Nilingon ni Freya si Feever at pinanlakhan ng mga mata. Ibinaling naman ni Shantal ang kanyang tingin kay Feeve
Nagdadalawang isip si Celine na bumaba sa sasakyan. Nasa tapat na siya ng gate ng mansyon ni Don Alexander. She’s tapping her hands while holding the car’s steering wheel. Sumandal siya sa upuan bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kinuha niya ang kanyang cellphone at idinayal ang numero ng kanyang Tatang Clenthon. Agad namang sinagot ng kanyang Tatang ang tawag niya. [ “Anak, kamusta ka na? Miss ka na namin dito. Ang tagal mo na ring hindi dumadalaw. May pera ka ba diyan?” ] Iniikot ni Celine ang kanyang mga mata bago sumagot sa tanong ng kanyang Tatang. Hindi talaga nawawala sa usapan ang pera sa tuwing tatawag siya. “Wala pa po akong pera Tatang eh. Natanggal po kasi ako sa trabaho”, pakli ni Celine. Narinig niyang nagmura ng mahina ang kanyang Tatang.
Celine could feel some butterflies in her stomach while taking a peek at Don Alexander’s serious face. Nangangatal rin ang kanyang kamay habang hawak-hawak ang tasa na may lamang tsaa. Nagitla siya nang biglang tumawa ng malakas si Don Alexander. “Why are you feeling anxious in front of me? Your actions and facial expressions reflect it.” Sambit ni Don Alexander. Tinawagan niya ang isa sa mga katulong niya para punasan ang mesa. Natapon ang tsaa ni Celine nang hindi niya namamalayan. “Naku! Pasensya na po. Hindi ko napansin na natatapon na pala ang tsaa ko.” Nahihiyang saad ni Celine sa katulong. Ngumiti lang ang katulong kay Celine na nagpapahiwatig na hindi siya dapat humingi ng pasensya. Sinenyasan ni Don Alexander na lumabas muna ng silid ang kanyang katulong. Mabilis namang tumalima ito sa kanya.
Dustin's POV Bago tuluyang manganak si Celine ay kinausap ako ng kaniyang OB. Hindi raw niya kayang ilihim ang kondisyon ng aking mag-iina. Nagulat ako sa balitang nanggaling sa kaniyang bibig. "Doc, please. I'm begging you. Save my wife and my sons. I don't want to lose any of them. Please. I don't care if you will execute the most expensive method or way to do it. I'm willing to pay. Kahit maubos pa ang kayamanan ko, mabuhay lang ang asawa ko at ang mga anak ko," pagsusumamo ko habang nakaluhod sa harapan niya. "Mr. Saavedra, stand up. I don't want to get other people's attention," the OB said. Agad akong tumayo at tumingala. My tears were about to fall so I did my best to prevent it from gushing down pero…bigo ako. I ended up crying but who cares? A man can cry too. "Doc, please. Alam kong impossible itong hihilingin ko sa'yo pero pakiusap…para niyo na pong awa. Save them. Please," I pleaded. Bumuntong hininga ang OB at pumikit nang mariin habang ako naman ay abala sa pagpahid
Celine's POV Pinakasalan ko ulit si Dustin habang hindi pa gaanong malaki ang tiyan ko noon. It was one of the happiest day of my life. Akala ko, walang lalaking nakalaan para sa akin. Imagine, mawawala na sa kalendaryo ang edad ko pero nganga pa rin. Iyak ako ng iyak noon. Dumating din ako sa puntong tinatanong ko na ang worth ko bilang isang babae. Kinuwestiyon ko na rin ang buo kong pagkatao. Don't get me wrong. Okay lang na maging single until our hair turned gray basta kontento at masaya tayo sa buhay na mayroon tayo. We could also find happiness within ourselves. Nagkataon lang na gustong-gusto ko talagang magkaroon ng asawa at mga anak. Sobrang amazing ni Lord. Akala ko noong nakilala ko si Dustin, wala nang patutunguhan ang buhay ko lalo na noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa kontrata. Natatawa pa rin ako kapag binabalikan ko iyon. Mukhang pera rin pala talaga ako noon. I couldn't imagine na sa totoong pagmamahalan mauuwi ang lahat. At first, I loathed Dustin. Sobra. He
Nagulat si Dustin nang biglang mag-ring ang kaniyang cell phone. Tumatawag ang kanilang tauhan na nakatoka sa pagbabantay kay Shantal. Tahimik siyang nagdasal na sana ay may maganda itong balita. Hindi pa rin niya pinipindot ang accept button."Dustin, bakit hindi mo agad sagutin? Importante yata 'yan," ani Celine."Ang totoo kasi Celine … si Shantal …""Si Shantal ay?" salubong ang kilay na turan ni Celine.Pikit-matang sinagot ni Dustin ang video call dahil alam niyang nakaabang din si Celine.["ATE CELINE! ATE CELINE SORRY. SORRY SA LAHAT. SOBRANG SALAMAT DAHIL LIGTAS KA. MAHAL NA MAHAL KITA ATE CELINE! PATAWARIN MO AKO."]Humagulhol ng iyak si Shantal. Napaiyak na rin si Celine dahil makalipas ang maraming taon, ngayon na lamang ulit niya narinig ang mga katagang iyon kay Shantal."Nasaan ka ba? Umuwi ka na. Sorry rin bunso. Hindi ko alam. Hindi ko alam na nalulunod ka noon. Hindi ko alam. Patawarin mo rin si ate. Mahal na mahal din kita bunso. Umuwi ka na please," umiiyak na samb
"Feever, lumaban ka," bulong ni Dustin habang nakasilip sa pinto ng ICU. Sari-saring aparato ang nakakabit sa katawan ng kaniyang stepbrother.Tinapik ni Celine sa balikat si Dustin at pagkatapos ay niyakap ito."Tumahan ka na. Hindi bagay sa'yo ang umiiyak. Magiging maayos din ang lahat," kumpiyansang sambit ni Celine habang hinahagod ang likod ng kaniyang asawa."Thank you, Celine. Siya nga pala, anong sabi ng OB? Okay lang daw ba si baby?"Tumango si Celine at ngumiti."Thanks God." Niyakap ni Dustin ang kaniyang asawa at saka pinupog ng halik sa noo."Ahm, Dustin, totoo bang maaaring makulong si papa?" nag-aalalang tanong ni Celine.Tumango si Dustin, "kailangan niyang pagbayaran ang kaniyang mga kasalanan, para sa ikatatahimik ng mga kaluluwa ng kaniyang mga naging biktima … kabilang na ang lolo ni Celestine."May diin ang bawat salita ni Dustin. Batid ni Celine na mayroong kinikimkim na sama ng loob ang kaniyang asawa sa kaniyang biyenan pero alam niya rin na may natatagong kalu
Sumikip ang dibdib ni Don Alexander. Unti-unti siyang nauubusan ng hangin. Nakahawak siya sa kaniyang dibdib habang pinapanood ang lahat. Umiiyak na rin ang iba pang bihag. Maging si Celestine ay nabigla sa ginawang iyon ni Peter. Wala iyon sa kanilang plano."Iisa-isahin ko kayo at aangkinin ko lahat ng kayamang mayroon kayo!" Umalingawngaw ang nakakatakot na tawa ni Peter sa buong silid. "Sino kaya ang isusunod ko? Ikaw? Ikaw? O ikaw?""P*tanginamo! Huwag mo silang sasaktan! Sinisigurado ko sa'yo hahabulin kita kahit sa impyerno!" sigaw ni Dustin."ITIGIL NIYO NA ANG KAHIBANGANG ITO! KUNG PERA LANG ANG DAHILAN KUNG BAKIT NIYO ITO GINAGAWA, HANDA AKONG IBIGAY ANG LAHAT NG MAYROON AKO. HINDI AKO NATATAKOT NA BUMALIK SA PAGIGING EMPLEYADO. PAKAWALAN NIYO NA KAMI!" sigaw ni Clark.Lumakad palapit kay Clark si Peter. Ikinasa niyang muli ang kaniyang baril at itinutok sa panga ni Clark."Gusto mo bang ikaw ang isunod ko?" nakangiting tanong ni Peter.Namutla si Glydel sa ginawang iyon ng
Ang sabi nila hindi mo na kayang sirain ang isang bagay na matagal nang sira. Totoo nga naman pero para kay Dustin, hindi ito applicable sa ngayon. Buong akala niya, wala nang mas sasakit pa sa pagkakaroon ng isang broken family, mayroon pa pala. Ang taong naging sandalan niya, ang taong tinitingala at nirerespeto niya nang buong puso, nagawa siyang paglaruan. Matagal niyang kinamuhian ang kaniyang Mama Kendal. Ipinagkait niya rito ang kaniyang oras at pagmamahal sa pag-aakalang ito ang sumira ng larawan nang masaya nilang pamilya. Nagkamali siya at ngayon ay walang habas ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung paano siya makakabawi sa babaeng nagbigay ng ilaw sa madilim nilang tahanan, na akala niya ay kusang napundi at hindi na muling iilaw pa."Mama Kendal, I'm sorry," bulong ni Dustin habang nakatitig sa kaniyang mama."Enough of the drama," ani Glydel. Tumingin siya kay Kendal. "Mom, aren't you happy to us together? We got your favorite child for you! Mahal ka na
Nanlilisik ang mga mata ni Dustin habang pinagmamasdan ang nakaupong si Ronan. Gusto niyang paputukin ang labi nito. Gusto niyang baliin ang bawat buto nito sa katawan. Kung hindi lang siya nakatali, siguro ay wala na itong buhay."Matatapang lang kayo dahil may mga armas kayo. Ang totoo, bahag ang mga buntot niyo! Pwe!" Dustin wanted to provoke Ronan para mapalitan itong alisin ang mga nakatali sa kanila ni Clark."Hindi mo ako maiisahan Saavedra. Alam ko na ang style mong 'yan. Kung naging mabuting kapatid este amo ka sana kay Peter, wala ka sana sa sitwasyon mo ngayon," ani Ronan."Personal bodyguard ko lang si Peter. Hindi ko siya kapatid! Huwag nga kayong mag-imbento ng kuwento!" gigil na gigil na sambit ni Dustin.Kinuha ni Ronan ang sigarilyo sa mesa at sinindihan iyon. Matapos hithitin ay ibinuga niya ang usok sa mukha nina Dustin at Clark."Dustin. Dustin. Dustin. Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakamadaling paikutin. Madali kang utuin!" Tumawa nang malakas si Ronan
“Celine,” mahinang sambit ni Celestine. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit humihingi ng tawad si Celine sa kaniya? Naalala na ba niya lahat o narinig niya ang usapan nila ni Glydel noon?Maingat na umupo si Celine sa kaniyang kama. Napatingin siya sa kaniyang tiyan. Nararamdaman niya ang buhay sa loob noon. Hinaplos niya ang kaniyang tiyan at saka niya ulit hinarap si Celestine.“Patawarin mo ako Celestine. Hindi ko alam na ikaw pala ‘yon,” nangingilid ang luhang turan ni Celine.“Teka nga! Bakit ba panay ang sorry mo sa babaeng ‘yan ha, Celine? She kidnapped you for Pete’s sake! Muntik nang malagay sa alanganin ang buhay mo at ang buhay ng anak mo tapos … tapos ikaw pa ang humihingi ng tawad ngayon? Celine, minsan naman iwasan mong maging mabait! Baka lumampas ka na sa langit niyan!” litaniya ni Freya. Pulang-pula na ang mukha niya dahil sa sobrang inis.“Freya, relax ka lang. Hind —”Naputol ang sasabihin ni Celine nang bigla na namang nagbunganga si Freya.“Celine, how c
TCC #37.2 BestFrienemy“Celine, please gumising ka na,” nagsusumamong sambit ni Freya. Hawak niya ang mga kamay ni Celine habang pumapatak ang kaniyang mga luha. Napalingon siya sa may pintuan nang bumukas iyon. Ang kaniyang pangamba ay napalitan ng poot at pagkamuhi.“Ow. The CEO’s consort is still sleeping. Masama niyan, baka hindi na siya magising,” nakangiting turan ni Glydel habang ngumunguya ng V-Fresh.“Ano bang kasalanan ng kaibigan ko sa inyo? Bakit niyo siya pinapahirapan ng ganito?” matapang na sigaw ni Freya.Mabilis na naglakad si Glydel papunta sa kinaroroonan ng dalawa at agad na hinawakan ang buhok ni Freya. Nakaposas ang mga kamay nito sa kama ni Celine.“Marami kang hindi nalalaman kaya kung ako saýo, ititikom ko na lang ang bibig ko,” ani Glydel. Binitiwan niya nang marahas ang buhok ni Freya.Napalingon sina Freya at Glydel nang magsalita si Celestine. Kakapasok niya lamang ng silid. Nakatayo lang ito sa may tabi ng pinto.“Wala pa rin palang malay si Celine,” ani