Ilang beses akong pinilit ni Jacob na bumalik sa hotel na dati naming tinutuluyan, pero ilang beses ko rin siyang tinanggihan.“Sigurado ka bang ayaw mong bumalik kay Jacob?” tanong ni Kuya Aaron.Nasa kusina kaming dalawa. Nagluluto siya ng pagkain namin ngayong gabi habang ako naman ay abala sa ginagawa kong proposal na kanina lang sinabi sa akin ni Jacob kung kailan pauwi na ako.“Hindi naman sa pinapaalis kita rito. Because I think this place needs you lalo na at parang sa hospital na ako nakatira. Pero hindi ba, mas okay kung doon ka sa kaniya. Baka sakaling mabawasan ang trabaho na pinagagawa niya sa’yo,” dagdag niya pa at inginuso ang laptop na kaharap ko.Mahina akong tumawa at umiling.“Halata bang pinahihirapan niya ako?”Tumawa si Kuya. “Akala mo ba ako lang ang nakakahalata? Even Papa knows what he’s doing. Pero dahil hindi ka naman daw nagre-reklamo kaya hinahayaan niya nalang. Basta, Gab. Matulog ka pa rin kapag may oras ka.”Inirapan ko siya.“Sabi ng Doctor na laging g
Bakas ang pagkagulat sa reaksiyon ni Jacob sa sagot ko. Dalawang salita lang iyon pero parang ang laki ng impact sa kaniya.“Come on, Gab. Let’s go together. Naghihintay sa atin sina Martin at Kathy.”Nginitian ko siya.“Sasama naman talaga ako eh. Kung hindi mo ako bibigyan ng gawain ngayong gabi.”Napahawak siya sa kaniyang batok at marahang napakamot doon. Kasabay nang muli niyang pagtingin sa akin ay ang pagtayo niya nang tuwid.“Alright then, I won’t give you anything to do today.”Maglalakad na sana siya palabas pero nakakailang hakbang palang siya nang huminto siya sandali at lumingon sa akin.“We haven’t broken up, right?”Mahina akong natawa nang marinig ang sinabi niya.“What makes you think that I want to break up with you? If you’re punishing me for not coming home with you, I’m punishing you the same for making my night hard.”Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.“Sabay na tayong pumunta sa condo nina Martin. Sumakay ka na sa sasakyan ko. Huwag
Kanselado ang dapat na meeting namin ngayong linggo kasama si Lolo Raoul. Iyon ay dahil hindi magiging available si Papa dahil hindi niya maisingit ang bagay na iyon sa dami ng kaniyang mga nakabinbin na trabaho sa kaniyang opisina. I offered to help him as a part of my training. Hindi niya naman ako tinanggihan. Halos dalawang araw na akong narito sa kumpanya na pag-aari ni Papa, ang Del Rio Holdings.Isa ito sa mga kompanya na ibinigay sa kaniya ni Lolo. Ang sabi niya, maliit lang ito noon, pero nagawa niyang palaguin sa paglipas ng maraming taon.“Lolo must be so proud of you, Papa,” saad ko habang nakatingin sa malaking portrait kung saan naroon ang larawan ng kanilang pamilya. Nakaupo si Lolo Raoul sa kanan habang ang kaniyang asawa naman na si Lola Leticia ay nasa kaliwa. Bigo na mabiyayaan ng babaeng anak ang mag-asawa. Tatlong lalaki ang mga anak nito at ang bunso ay si Papa. Panganay naman si Tito Regan, at ang middle child ay si Tito Victor na naninirahan ngayon sa America k
“Ibig sabihin ay pupunta ka talaga sa party na gagawin sa unit ni Anton? Alam ba ito ni Jacob?” tanong ni Martin kumakain kami ng hapunan ng Huwebes ng gabi.Kapag wala akong ginagawa, sa condo ako nina Kathy pumupunta. Tuwing gabi kasi ay wala na rin naman akong trabaho dahil inihinto na ni Jacob ang pagpaparusa sa akin. Siguro ay naawa na rin dahil sa reklamo ko noong huling beses na nag-usap kami.“Alam niya naman. Saka, sobrang lapit lang naman niyon sa unit ni Kuya. Hindi naman ako pupunta sa kung saang lupalop ng daigdig ‘no!”Huminto sa pagkain si Martin at tinitigan ako.“At anong reaksiyon niya?”“Ano pa ba? Siyempre, ayaw niya akong payagan noong una. Iyang si Jacob, ang hilig mag-conclude. Sinabi ba namang may gusto raw sa akin si Anton. What a joke!”Tumawa ako at umiling pa. Nang makita kong mas lalong sumeryoso ang hitsura ni Martin ay kumunot ang aking noo.“Bakit? Huwag mong sabihing…” Sinadya kong huminto para hintayin siyang dugtungan ang sasabihin ko.“Anton likes y
“Really? Ginawa mo iyon? What was her reaction then?” Excited na tanong ni Kathy nang ikuwento ko sa kaniya ang tungkol sa nangyari.“What do you think? Siyempre, ayun, nawindang. Akala niya siguro ako pa rin yung tipo ng tao na hindi pumapatol sa mga tulad niya kagaya nang dati. Hindi niya alam na kasabay ng pagpapalit ko ng pangalan ay pagkakaroon ko ng matapang na pag-uugali.”Tumawa si Kathy habang inilalagay niya sa oven ang pan kung saan naroon ang mga molded cookies. Hindi ako pumunta sa party ni Anton nang gabing iyon. Instead, pumunta ako sa condo nina Kathy para makipagkuwentuhan sa kaniya at tumulong sa paggawa ng mga pastries dahil maraming mga kaibigan niya ang nagsimulang um-order magmula noong natikman nito ang mga products na ginawa niya for beta-tasting.“Maganda yung ginawa mo. At least alam niya na ngayon kung saan siya lulugar at para na rin matakot siya sa’yo.”Nawala naman agad ang atensiyon ko sa pinag-uusapan namin at nalipat doon sa mga pastries niya na nakala
“Alam mo, sigurado akong hindi ka papayagan ni Jacob sa gagawin mong iyan. You, going out as an event partner of Anton? Come on, Gab. Imposible pa iyan sa mga pinakaimposibleng bagay.”“Kaysa naman maging ka-partner niya iyong si Karina. At isa pa, ano namang masama kung magiging partner niya ako? Hindi ba nga mas okay iyon dahil kaibigan niya ang partner niya?”“At tungkol naman sa sasabihin ni Jacob, hindi ka ba natatakot? Alam mo namang napaka-delicate ng mood ng lalaking iyon. Baka mamaya, bukod sa mag-walk out siya ay bigla pa niyang yayain si Martin para maglasing. I’m sure you wouldn’t want that. Naalala mo naman siguro iyong nangyari sa kaniya kasama ang business partners na Gonzales&Co.”Huminto ako sandali sa paglalakad. Luminga-linga ako sa paligid. Ilang boutique na ang napupuntahan namin pero wala pa rin ako nakikitang magandang damit na puwedeng suotin sa event nina Anton sa kanilang kumpanya para bukas.“Hey, are you even listening to me?”And yes, I am with Kathy. Sina
“You’ve really gone viral, Gab!”Both of us are looking at our phones intently. Bukod kasi sa photos na kumalat sa internet kung saan galing ako sa isang boutique para bumili ng damit, mayroon ding video na kumalat. Iyong part na pinagsasabihan ko si Chloe tungkol sa kaniyang pagkakamali.“Benitez-Del Rio Heiress, Gabriella Mari is so down to earth and super humble human I’ve ever met in person.”Mahaba ang mga articles na nakasulat doon kaya tinamad akong tapusin. Sunod-sunod na tawag din ang natanggap ko mula sa aking pamilya. Even my brother who is currently working in the hospital called me. Si Mama naman ay tuwang-tuwa dahil mas marami na ngayong nakakakilala sa akin.“Hayaan mo na iyan, Kath. Sigurado akong mawawala rin iyan soon.”“You don’t know how powerful the social media is? Kung ano ang tingin sa’yo ng media, sure akong ganoon din ang tingin sa’yo ng mga tao. Nakuha mo na agad ang puso nila. “I don’t trust social media that much, Kath. It can make me or break me real-qui
Halos hindi maalis ng mga bisita sa mismong event na iyon ang tingin nila sa akin. Halos lahat ng madadaanan namin ay ngumingiti sa aming dalawa ni Anton. I was trying to control my shyness. Hindi naman kasi ako noon mahilig sa mga tao. But then, I realized that being known is good when it comes to business.Mas maraming nakakakilala sa’yo, mas maraming magiging intresado sa’yo at sa kumpanyang pinatatakbo mo.“Pakiramdam ko ay ginagamit mo na naman ako ngayon.”Bumaling ako kay Anton at tipid na ngumiti.“Walang libre sa panahon ngayon, Anton. It’s a give and take process.”Tumango naman siya. Ganoon lang naman kasimple iyon. Pumayag akong maging partner niya at ang balik noon sa akin ay marami akong makikilalang tao na nakapaikot sa negosyo. Katulad nalang ng kaniyang boss na si Theo Ferdinandez. Ka-edad lang ito ni Papa. I’ve searched about him. Theo is Papa’s former batchmate in high school. Pareho silang lumaki ng Surigao. Parehong galing sa malaking pamilya. At magkalaban sa neg
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n