“This is wrong. Do it again.”Humugot ako ng malalim na hininga bago tinanggap ang folder na kabibigay ko lang kay Jacob.“Pero hindi mo pa naman binabasa.”Masama ang tingin na binigay sa akin ni Jacob.“When I say it’s wrong, it’s wrong, Gabriella Mari.”Nakagat ko ang aking ibabang labi habang nakatitig sa sahig. This is my fourth time handling him the same document. I edited it for several times. Pero hanggang ngayon, iyon lang ang sinasabi niya.“Kung may mali ako, hindi ba dapat sinasabi mo sa akin kung ano iyon. Para mapag-aralan ko nang maayos. Hindi iyong nanghuhula ako.”Huminto siya sa kaniyang ginagawa at bumaling sa akin.“That’s not how it works in real life, Gabriella. Hindi tinuturo sa bawat isa sa atin kung paano tayo babangon sa mga pagkakamali natin. Tayo mismo ang nagtuturo sa sarili natin kung ano ang dapat nating ginagawa.”“I’m just asking for consideration.”“Your Granddad never considers.”Naramdaman ko ang init ng palibot ng sa aking mga mata. Yumuko ako nang
“I heard about you. Noong nasa Siargao pa ako, napag-alaman ko ang balita na nagbalik ka na nga. Gusto ko sanang bumisita sa’yo o ‘di kaya ay makausap ka man lang. Ang kaso ay napansin kong masyado kang busy kasama si Jacob Castillo. Siya ang boyfriend mo hindi ba?”“Yes, he is,” sagot ko habang marahang pinaglalaruan ang hawakan ng mug na mayroong lamang kape.Ngumiti lang siya at hindi na umimik pa. I can see that he’s a bit uncomfortable talking to me. Siguro ay hindi siya sanay na makipag-usap sa akin dahil ilang taon na rin ang lumipas magmula nang huli kaming magkita.Nang magkasalubong kami sa lobby ng building ng condo na tinutuluyan ni Kuya, it took me a lot of thinking if I’d invite him for a coffee. Mukha pa naman siyang nagmamadali sa pag-alis. Pero ayaw ko namang palampasin ang pagkakataon. Masyadong malawak ang Maynila. Baka sa susunod ay hindi na kami muling magkita.“So, doon ka nakatira?” tanong ko sa kaniya. I was pertaining to the condominium building.Tumango siya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung sino ang una kong tatawagan. He said he’s with his friends. Pero sinong kaibigan niyang pupuntahan ko? Bigla kong naalala si Martin. But I don’t have his phone number. I also thought of Janina kaya siya ang una kong tinawagan. It took several calls before she answered.“Hello, Gab?”“Hello, Ate. May itatanong sana ako sa’yo. This is urgent. Puwede mo bang ibigay sa akin lahat ng numbers ng kaibigan ni Jacob na mayroon ka sa list mo?”Mukhang naramdaman naman agad ni Janina na nagmamadali ako.“Alright, give me your email, I’ll send the details to you”“Thanks, Ate. I’ll explain later,” I said and then cut the call.When the document she sent me in the email arrived, mabilis kong binuksan iyon at tiningnan ang mga pangalan sa listahan. Halos malula ako sa dami ng nakasulat na pangalan doon. Una kong tinawagan si Martin dahil siya lang ang kilala kong close friend ni Jacob. Mabuti nalang at sinagot din niya agad ang tawag ko.“Hello. Who is
Matagal akong napatitig kay Jacob. I rewind what he said inside my mind. I want to believe him. Honestly, I do believe him. But there’s a part of me that is doubting. So, instead of nodding, I let out a small laugh which made his brows furrowed in confusion.“You’re laughing…” nag-aalangan niyang sambit.Nagkibit-balikat naman ako.“I don’t know why I did that too. Maybe because I find it funny.”Mas lalong kumunot ang noo ni Jacob.“Gab, if you’re still mad about what happened—”“I am. That’s why I’m going to ask for you to give me space for a while.”“Anong space ang gusto mo? Hindi ba nga umalis ka kahapon? Hindi ka umuwi sa akin kagabi.”“Pinaalis mo ako, Jacob. Noong sinabi kong napapagod na ako. Noong minsan akong nagreklamo, sinabihan mo akong mas mabuti pa kung aalis nalang ako.”“Nasabi ko lang iyon dahil gusto kong tumibay ang loob mo.”“I know that too. Pero nasaktan ako sa sinabi mo, Jacob. Gusto ko lang namang sabihin na napapagod ako, gusto ko lang naman na turuan mo ako
Ilang beses akong pinilit ni Jacob na bumalik sa hotel na dati naming tinutuluyan, pero ilang beses ko rin siyang tinanggihan.“Sigurado ka bang ayaw mong bumalik kay Jacob?” tanong ni Kuya Aaron.Nasa kusina kaming dalawa. Nagluluto siya ng pagkain namin ngayong gabi habang ako naman ay abala sa ginagawa kong proposal na kanina lang sinabi sa akin ni Jacob kung kailan pauwi na ako.“Hindi naman sa pinapaalis kita rito. Because I think this place needs you lalo na at parang sa hospital na ako nakatira. Pero hindi ba, mas okay kung doon ka sa kaniya. Baka sakaling mabawasan ang trabaho na pinagagawa niya sa’yo,” dagdag niya pa at inginuso ang laptop na kaharap ko.Mahina akong tumawa at umiling.“Halata bang pinahihirapan niya ako?”Tumawa si Kuya. “Akala mo ba ako lang ang nakakahalata? Even Papa knows what he’s doing. Pero dahil hindi ka naman daw nagre-reklamo kaya hinahayaan niya nalang. Basta, Gab. Matulog ka pa rin kapag may oras ka.”Inirapan ko siya.“Sabi ng Doctor na laging g
Bakas ang pagkagulat sa reaksiyon ni Jacob sa sagot ko. Dalawang salita lang iyon pero parang ang laki ng impact sa kaniya.“Come on, Gab. Let’s go together. Naghihintay sa atin sina Martin at Kathy.”Nginitian ko siya.“Sasama naman talaga ako eh. Kung hindi mo ako bibigyan ng gawain ngayong gabi.”Napahawak siya sa kaniyang batok at marahang napakamot doon. Kasabay nang muli niyang pagtingin sa akin ay ang pagtayo niya nang tuwid.“Alright then, I won’t give you anything to do today.”Maglalakad na sana siya palabas pero nakakailang hakbang palang siya nang huminto siya sandali at lumingon sa akin.“We haven’t broken up, right?”Mahina akong natawa nang marinig ang sinabi niya.“What makes you think that I want to break up with you? If you’re punishing me for not coming home with you, I’m punishing you the same for making my night hard.”Lumapit siya sa akin at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.“Sabay na tayong pumunta sa condo nina Martin. Sumakay ka na sa sasakyan ko. Huwag
Kanselado ang dapat na meeting namin ngayong linggo kasama si Lolo Raoul. Iyon ay dahil hindi magiging available si Papa dahil hindi niya maisingit ang bagay na iyon sa dami ng kaniyang mga nakabinbin na trabaho sa kaniyang opisina. I offered to help him as a part of my training. Hindi niya naman ako tinanggihan. Halos dalawang araw na akong narito sa kumpanya na pag-aari ni Papa, ang Del Rio Holdings.Isa ito sa mga kompanya na ibinigay sa kaniya ni Lolo. Ang sabi niya, maliit lang ito noon, pero nagawa niyang palaguin sa paglipas ng maraming taon.“Lolo must be so proud of you, Papa,” saad ko habang nakatingin sa malaking portrait kung saan naroon ang larawan ng kanilang pamilya. Nakaupo si Lolo Raoul sa kanan habang ang kaniyang asawa naman na si Lola Leticia ay nasa kaliwa. Bigo na mabiyayaan ng babaeng anak ang mag-asawa. Tatlong lalaki ang mga anak nito at ang bunso ay si Papa. Panganay naman si Tito Regan, at ang middle child ay si Tito Victor na naninirahan ngayon sa America k
“Ibig sabihin ay pupunta ka talaga sa party na gagawin sa unit ni Anton? Alam ba ito ni Jacob?” tanong ni Martin kumakain kami ng hapunan ng Huwebes ng gabi.Kapag wala akong ginagawa, sa condo ako nina Kathy pumupunta. Tuwing gabi kasi ay wala na rin naman akong trabaho dahil inihinto na ni Jacob ang pagpaparusa sa akin. Siguro ay naawa na rin dahil sa reklamo ko noong huling beses na nag-usap kami.“Alam niya naman. Saka, sobrang lapit lang naman niyon sa unit ni Kuya. Hindi naman ako pupunta sa kung saang lupalop ng daigdig ‘no!”Huminto sa pagkain si Martin at tinitigan ako.“At anong reaksiyon niya?”“Ano pa ba? Siyempre, ayaw niya akong payagan noong una. Iyang si Jacob, ang hilig mag-conclude. Sinabi ba namang may gusto raw sa akin si Anton. What a joke!”Tumawa ako at umiling pa. Nang makita kong mas lalong sumeryoso ang hitsura ni Martin ay kumunot ang aking noo.“Bakit? Huwag mong sabihing…” Sinadya kong huminto para hintayin siyang dugtungan ang sasabihin ko.“Anton likes y
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n