Guyam, Pansukian, and Daku are the three beautiful islands that we’ve visited today. Bandang hapon, pagkatapos naming mag-ikot, niyaya ako ni Luanne na magpahinga muna kami sa isang tropical resort sa Pansukian. Doon na rin daw kami kakain dahil ayon sa kaniya, masarap ang mga pagkain doon.“Sigurado akong magugustuhan mo roon. Maraming puno ay mayroong magagandang villas. Gusto mo bang magpa-massage? My treat.”Umiling ako agad. “Naku, Luanne. Hindi na. Hindi naman ako mahilig sa pagpapamasahe. Saka hindi mo naman kailangang gumastos para sa akin.”Nakangiti siyang bumaling sa akin.“You’re like a sister to me now. Ano ka ba, walang problema sa akin yung gastos. Ang gusto ko, mag-enjoy ka rito. Nabanggit din kasi ni Kuya Jacob na hanggang matapos lang ang construction ng bar ka mananatili rito sa Siargao. Might as well spend your days here in a very good and entertaining way.”Hinawakan niya ako sa braso at hinila patungo sa bangka.“Tara na at baka maiwan pa tayo ng bangka.”Sandali
Habang nakatingin ako kay Anton ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit ganoon nalang ang kaniyang reaksiyon sa nangyari? Bakas ang galit sa kaniyang mga mata habang nakatingin kay Lara na kabababa lang sinakyan nitong jet ski. Naka-two-piece lang ito at konti nalang makikita na ang parte ng kaniyang katawan na dapat ay nakatago pero tila balewala sa kaniya ang tinginan ng mga tao. Pagkarating niya sa dalampasigan ay agad na may lumapit sa kaniyang isang naka-unipormeng babae at inabutan siya nito ng tuwalya. Kinuha niya ito at itinapis sa kaniyang katawan bago naglakad palapit sa amin.Nakaupo pa rin ako sa buhanginan, hingal na hingal habang pilit na pinakakalma ang aking sarili. Nasa tabi ko si Anton at panay ang tanong kung kumusta ang pakiramdam ko.“Oh, bakit mo ako hinahanap? How dare you shout for my name, Anton!” Dinig ko ang pagtaas ng boses ni Lara. Gusto kong matawa sa ugali ng babaeng ito. Siya na nga yung may hindi magandang ginawa, siya pa yung matapang.Inayos ko an
Napaisip ako sandali sa sinabi ni Luanne. Napatitig ako sa aking baso at inisip paano kung ako nga si Gabriella? Pero agad din akong umiling. Masyadong malabo dahil mayroon akong pamilya. I have my parents. Kahit na hiwalay sila, at least, alam kong mayroon akong mga magulang.“Ikaw talaga, kung anu-anong iniisip mo,” naiiling na saad ko kay Luanne.“I wish you are Gabriella. I wish she didn’t die that early. Siguro ngayon, baka isa na rin siyang artist.”Kumunot ang noo ko.“Artist? Like painter? Ganoon ba?” Tumango si Luanne. “Bata palang kami, pangarap na ni Gabriella maging isang painter balang araw. Bata palang kami, magaling na siyang mag-drawing. Iyon ang nabanggit niyang pangarap niya noong bata kami, pero gusto niya rin namang maging isang house wife.”Habang patuloy ang pag-unlad ng aking kaalaman tungkol sa pagkatao ni Gabriella, hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. Ang sabi nila, siyam na taon siya noong naaksidente siya at nawala sa dagat. Siguro talagang mahal na mahal
“Kailangan ko ba talagang sumama? Hindi ba puwedeng iba nalang ang partner mo?” nakangusong pakiusap ko kay Jacob habang patuloy pa rin ako sa ginagawa kong painting. Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga. Hinawakan niya ang aking balikat at marahang minasahe iyon. “Andra, kapag hindi ka pumunta, wala akong ka-partner. Don’t tell me I could find another, ayoko ng iba, ikaw lang ang gusto ko.” Huminto ako sa aking ginagawa at pansamantalang ibinaba sa lagayan ng gamit ang paint brush na hawak ko saka humarap sa kaniya. Ilang beses niya nang binanggit ito sa akin. Kung hindi ako nagkakamali, ay pang-apat na beses na ito ngayon. Pinipilit niya akong sumama sa last practice ng wedding entourage para sa kasal ng kaniyang ama. Nahihiya naman akong pumayag dahil una, sino ba ako para sumali sa isang family event? At pangalawa, hindi naman ako importanteng tao para maging ka-partner niya. I am a nobody. Natatakot din ako na baka maging sentro ako ng atensiyon ng mga bisita sa kasal ng
“You’re nervous?”Tumango ako agad nang marinig ang tanong ni Jacob. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kaniyang sasakyan at bumabiyahe patungong General Luna para sa practice ng mga kasali sa entourage sa kasal ng kaniyang ama at ng ina ni Jace na si Amara Legaspi. Sa Sto. Tomas de Villanueva Parish Church ang practice dahil doon din mismo gaganapin ang kasal ng mga ito.At heto ako, kanina pa inom nang inom ng tubig dahil kanina pa rin kumakabog nang malakas ang dibdib ko.“Relax, Andra. Hindi ka nila kakainin. My family members are great.”I gave him a smug smile. Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Kahapon ko pa pinakakalma ang sarili ko pero hanggang ngayon, kabado pa rin ako.Imbes na i-comfort ako ni Jacob, tinawanan lang ako nito.Pagkahinto ng sasakyan niya sa parking area ng simbahan, pinaypayan ko ang sarili ko at marahang tinapik ang aking dibdib.Kaya mo ito, Leandra!Pagbaba ko ng sasakyan, inilahad agad ni Jacob ang kaniyang kamay sa akin. Tina
Matagal akong napatitig sa nakalahad na kamay ng magandang babae sa aking harapan. Hindi ko alam kung tatanggihan ko ba ang tulong niya o hindi. Pero ayaw ko namang maging bastos kaya tinanggap ko nalang ang kaniyang kamay.Nang makatayo ako nang maayos ay agad akong nagpasalamat sa kaniya. Ngumiti naman ito sa akin. Matagal din siyang tumitig sa aking mukha.“Dito rin po ba kayo pupunta? Kasali po ba kayo sa wedding entourage nina Mr. Castillo at Ms. Legaspi?” magalang na tanong ko rito.Umiling naman siya.“Oh, no. Nandito lang ako para sunduin ang pamangkin ko. Si Lara Del Rio.”Napatango ako nang marahan.“Ah, ganoon po ba? Nasa loob pa po siya.”She just smiled at me.“Ah, siya nga pala, my name is Ariella Benitez. I’m a former Del Rio. Back then when I was still married with my husband.”My eyes widened when I realized that the woman who helped me was Gabriella Del Rio’s mother.“Ako naman po si—”“Leandra Bernardo, right? I’m heard a lot about you already. My son, Aaron mention
“Road trip?” alanganin kong tanong kay Miss Ariella?“Niyayaya niyo po ako sa isang road trip? Bakit po?” Pakiramdam ko ay nag-uumapaw na ang curiosity ko sa aking sistema kaya nagawa kong magtanong sa kaniya.She smiled at me and Jacob.“I’ll stay here for a week. Si Lara sana ang kasama kong mag-ikot dito sa Siargao. Ang kaso, sabi niya ay busy siya. Dito kasi ako nakatira dati. But after an incident happened, my husband and I separated. Magmula ng mapawalang bisa ang aming kasal ay bumalik na ako sa amin sa Cebu at ngayon nalang ako muli nakabisita rito.”I cleared my throat before answering.“Hindi ko po kasi alam kung may oras para bukas at hindi rin po ako makakapagdesisyon agad baka magkaroon po kasi ako ng biglaang lakad. Okay lang po ba sa inyo kung kukunin ko po ang numero niyo at kapag nakapag-decide na po ako, ayos lang ba sa inyo na doon ko po kayo ite-text or tatawagan?” magalang na tanong ko sa kaniya.Ngumiti naman si Miss Ariella at saka agad na mayroong kinuha sa kan
Excitement. Iyon ang naramdaman ko habang inaayos ang mga gamit ko na dadal’hin sa road trip namin ni Miss Ariella.“Huwag mong kalilimutang magdala ng spare clothes ha, just in case something happened.”Marahan akong tumango kay Miss Ariella na nakadungaw sa pinto ng aking silid. She was smiling at me while watching what I am doing.“Okay na po bang ito ang dal’hin ko?” tanong ko sa kaniya at itinaas pa ang isang t-shirt na puti at denim tokong.Tumango naman siya. Isang maliit na backpack ang dinala ko. Sunscreen, spare clothes, sunglasses, at phone lang ang nilagay ko roon.“Dahil kayo po ang nagyaya, ililibre niyo naman po ako, hindi ba?” biro ko kay Miss Ariella.Naningkit ang kaniyang mga mata at agad na tumawa.“Siyempre naman. Ako na ang bahala.”Nang maayos ko na lahat ng gamit ko, lumabas na rin ako ng kuwarto. Sinalubong ako ni Jacob na ngiting-ngiti sa aming dalawa ni Miss Ariella.“You look good together,” puri niya.“Siyempre naman. Saka tingnan mo oh, matchy kami ng shi
JACOB’S POV“Aminin mo na pare, kaya mo siya gusto kasi nakikita mo sa kaniya si Gabriella,” saad ni Martin habang kasalukuyan kaming nag-iinuman sa labas ng condo niya. May balcony roon na maliit at iyon ang ginagawa naming tambayan sa tuwing magyayaya siya ng inom.Gustuhin ko man siyang yayain na uminom sa labas, tumatanggi siya dahil ayaw niyang mag-alala si Kathy sa kaniya. Such a loyal man to her woman. Like I am for my first love, Gabriella Mari Benitez Del Rio.Umiling ako sa sinabi ni Martin at inabot ang panibagong bote ng alak at binuksan iyon.“Ang tagal na noon, pare. Hindi ka pa talaga nakaka-move on? Have you even bed other women? Kasi ako, hindi ako naniniwala sa mga balita lalo na yung galing lang sa mga tabloids. Laman ka palagi no’n eh.”Mahina akong tumawa.“Yung totoo, pare? Virgin ka pa yata eh!”Inis na kumuha ako ng piraso ng popcorn at binato ko iyon sa kaniya.“Siraulo. Siyempre hindi na. I had tried that too.”Umangat ang kilay ng kaibigan ko.“Oh, bakit par
“Ang sabi ko, gusto kong umuwi ng Siargao. Bakit tayo nandito?” kunot-noong tanong ko nang lumanding ang private chopper na sinakyan namin sa isang isla sa Palawan.Hindi ko mapigilang mainis dahil nililipad ng hangin ang buhok ko. Nasa bag ko pa naman ang mga ponytails ko. Parang walang narinig si Jacob sa mga sinabi ko at ipinagpatuloy lang niya ang pagbababa ng mga gamit namin sa chopper.“Hello? May kausap ba ako? Jacob, ano na?”Nang marinig niyang tinawag ko ang kaniyang pangalan ay kumunot ang noo niya. Tinuro niya ang kaniyang tenga at umiling. Sumesenyas na hindi niya naririnig ang sinasabi ko dahil maingay ang ingay ng elesi ng chopper. Hindi pa rin kasi ito humihinto, o mas tamang sabihin na wala itong planong huminto.Masama ang aking hitsura na nakahalukipkip sa isang tabi. Hinayaan ko lang na siya ang mag-asikaso ng mga gamit namin. Inikot ko naman ang aking paningin sa paligid. Halos walang bahay sa lugar na iyon maliban sa malaking rest house na sigurado akong pag-aari
Matagal kong pinag-isipan kong pinag-isipan kung paano ako makakaganti kay Sabrina. Pinag-aralan kong mabuti ang bawat detalye ng gagawin ko, tinitingnan ko kung magiging epektibo ba ito.“Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Sabihan mo lang ako kung kailangan mo ng back-up ha?”Umiling ako kay Lara nang sabihin niya iyon.“Why not? Hindi ba nga may kasabihan na two is better than one.”Mahina akong tumawa na ikinakunot ng kaniyang noo.“You think I will let you do this with me? Come on, Lara. We’re both pregnant. Isa pa, plano ko ito. Ayokong idamay ka rito. Mamaya itakwil pa ako ni Jace bilang kaibigan kapag may nangyaring masama sa’yo.”She grinned.“You care for me but you don’t care for yourself, huh?”“Sino namang nagsabing hindi ko iniingatan ang sarili ko? Come on, you know better, Lara.”Katatapos lang namin magtrabaho sa araw na iyon at hinihintay nalang namin ang aming mga sundo. As usual, mas maarte pa sa aming dalawa ang mga tatay ng aming mga anak. They won’t let us drive
“Are you okay?” tanong sa akin ni Jacob nang mapansin niyang hindi ako mapakali sa aking puwesto. Kanina pa kasi ako galaw nang galaw. Panay rin ang tingin ko ng oras sa suot kong wristwatch.It took me five full days to decide if I’ll be visiting Papa in the hospital or not. Halos isang taon ko rin siyang hindi nakita. Wala akong alam tungkol sa kalagayan niya. Wala ring alam ang pamilya ko kung saan siya nagpunta. Kaya lahat kami ay nagulat nang malaman ang tungkol sa kalagayan niya.“Have you read the news about Sabrina Acosta?”Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalang binanggit ni Jacob.Umiling naman ako at tumitig sa kaniya, hinihintay na ituloy niya ang kaniyang sasabihin. Nang huminto sandali ang sasakyan ay tumingin siya sa akin.“She left the country after your father collapsed. Iyon lang ang sinabi sa akin ng isa sa mga kaibigan kong malapit din sa pamilya Acosta. Mukhang may malaking dahilan kung bakit inatake ang Papa mo. At naniniwala ako na isa sa mga dahilan no
After losing my first child last year, I never thought that it’d be possible for me to bear another child in my stomach. Hindi ko ito inasahan, lalo na si Jacob.Hawak namin ang papel na naglalaman ng test results na ginawa ng doctor ilang oras na ang nakalilipas. Nakatitig lang kami roon, parehong nanginginig ang aming mga kamay. Hinawakan niya ang akin at dinala ang likuran nito sa kaniyang labi para halikan.Napansin ko rin na halos maluha-luha siya. Dala siguro ng kaniyang emosyon na nararamdaman sa kasalukuyan. Nasa kaniyang sasakyan kaming dalawa at tahimik na nakaupo.“I can’t believe this,” he said and kissed the back of my hand once more.“Me either. Hindi ko alam kung dapat ko bang tawagan agad sina Mama at Kuya o hindi muna.”“I think it’s better if we surprise them.”His idea was good. Kaya ng sumunod na araw ay pareho kaming nag-take ng leave sa aming mga trabaho. We organized a little party for just for our family and close friends. We sent invitations na kami mismo ang
Mahigpit akong niyakap ni Jacob pagkahiga niya sa tabi ko. Kumpara sa aming dalawa, alam kong siya ang mas pagod, dahil kinailangan pa niya akong linisan pagkatapos naming magniig. Matagal din naming hindi nagawa ang bagay na iyon dahil sa dami na ring nangyari. And when we do it this time, pakiramdam ko ay unang beses namin iyong dalawa. Jacob is always subtle with his moves. Kaya hindi ako nahirapan.We did it three times this time. Binabawi ang mga pagkakataong hindi namin nagawa iyon.“You really don’t have to do it, Jake,” sabi ko saka bumaling nang tingin sa kaniya. Kababalik niya lang sa kama dahil itinapon niya ang wet wipes sa basurahan sa banyo.Wala pa rin akong suot na damit sa ilalim ng kumot kaya bumangon siyang muli para hinaan ang aircon. Pagkahiga niya, yumakap siya sa akin at hinalikan ako muli sa labi. Matagal ang halikan naming dalawa. Iyong tipong kahit na kanina pa namin ginagawa iyon, wala pa ring nagbabago sa alab na nararamdaman namin sa isa’t-isa.“Halos hind
Malaki ang nagbago sa akin magmula nang bumalik ako sa kumpanya. May mga pagkakataong hindi ako makapag-focus sa trabaho kaya palagi akong napapagalitan ng pinsan ko.Ako pa rin naman ang humahawak sa mga malalaking meetings. Ako pa rin ang nag-aasikaso ng karamihan sa kumpanya. Pero hindi na ako katulad ng dati na binibigay ko lahat ng oras na mayroon ako para sa trabahong iyon.May mga pagkakataon na naiisip kong pansamantalang lumiban muna sa Centre Point para mabigyan ko ng mas maraming oras ang DRH pati na rin ang chains of bars na iniwan sa akin ni Mama. Ang kaso, wala pa akong lakas ng loob na sabihin kay Lolo ang tungkol doon.“Are you happy right now?” tanong ni Kathy habang kasalukuyan ko siyang tinutulungan sa pagbe-bake ng ginagawa niyang cookies. “Generally, I am. Wala namang raso para hindi maging masaya, hindi ba?”Huminto siya sa paglalagay ng mga lutong cookies sa Tupperware container at tumingin sa akin nang diretso.“Okay, you’re happy generally. Pero kumusta naman
Noong nasa college ako, akala ko ang isa sa mga pinakamasakit na mararanasan ko ay ang ma-bully ng mga kaklase ko. Iyong palaging pinagtatawanan. Dahil ang sabi nga nila, bayarang babae ako dahil nakikita nila akong pumapasok sa bar na pagmamay-ari ni Mama. Akala nila, doon ako nagtatrabaho bilang waitress o bilang isang pick-up girl.Isa lang ang kaibigan ko noon na nagtatanggol sa akin. Si Angelo na hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kung nasaan na.Palaging sinasabi sa akin ni Mama na sa akin niya ipapamana ang mga negosyo niya kapag nawala siya. Dahil bukod sa akin, wala naman siyang ibang anak o pamilya na puwedeng mag-asikaso nito.Ilang beses akong tumanggi noon dahil ang plano ko ay sumunod kay Papa sa UK. Pero iba ang nangyari sa akin. Sa ibang landas ako dinala ng aking tadhana.Sakay ng wheelchair na tulak ng kaniyang personal nurse, napansin ko ang mga folders na nakapatong sa ibabaw ng binti ng aking ina. May maliit din na kahon doon.“Oh, Ma. Para saan ang mga i
Sa loob ng kalahating araw ay nanatili si Papa sa bahay. Masaya itong nakipagkuwentuhan sa amin nina Yaya Gina habang si Mama ay masaya lang na nakamasid sa amin. Bago gumabi ay nagpaalam na rin ito. Nabanggit ni Papa na kasama niya ang kaniyang asawa at ang dalawang anak nila sa kanilang bakasyon dito sa Pilipinas.“Hanggang kailan po kayo mananatili rito sa Pilipinas?” tanong ko nang ihatid ko sa labas ng gate si Papa.“Isang buwan lang kami rito. Pinuntahan lang namin ang Lolo at Lola ng Tita Maya mo. Babalik din kami agad dahil magsisimula na muli ang pasukan. Yung dalawang kapatid mo, masyadong masipag sa kanilang pag-aaral at ayaw lumiban sa klase. Plano ko ngang magtagal sana.”Napangiti ako nang marinig ang kaniyang sinabi. I’m glad that even though we’re not blood related, he’s still treating me as his daughter.“I’ve heard a lot about you. Diana told me what happened years ago. Masaya ako na lumaki ka na isang mabuting bata at hindi mo pa rin tinalikuran si Diana sa kabila n