Share

KABANATA 3

Penulis: LICAVERSE
last update Terakhir Diperbarui: 2025-02-12 13:16:03

KABANATA 3

PARUSA

Ang mga tagahanga ni Kyle Santos sa kabilang panig ay biglang sumugod sa live broadcast room ni Alana.

 [Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

[Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

[Patayin ang beauty mode at alisin ang makeup!]

Punong-puno ng ganitong mga mensahe ang chat.

Samantala, may ilang mga batang host na dati nang binully ni Kyle ang hindi napigilang sumali sa usapan:

 [Hay naku, nangangagat na naman ang aso ni Kyle .]

[Kaya mo lang mambully ng baguhan. Kung matapang ka talaga, subukan mong harapin ang mga top live streamer tulad ni Bianca!]

[Tingnan natin kapag si Bianca na ang kumilos. Siguradong matatakot nang husto ang mga asong ‘yan!]

Si Bianca—ay ang pinakamalakas na host sa BidaLive Platform.

Kahit unang araw pa lang ni Alana sa pagla-livestream, nakita na niya ang pangalan nito dati.

Balita niya, kayang kumita ni Biance ng daan-daang libo sa isang live broadcast lamang.

Dahil sa parusa kay Alana na alisin ang beauty filter at makeup, dumagsa ang mga usisero.

Sa loob lang ng ilang segundo, lumampas na sa isang daan ang mga manonood sa kanyang live broadcast.

Pero karamihan sa kanila ay hindi dumalo para sumuporta. Nandito lang sila para manood ng eksena at pagtawanan siya kapag nakita na ang kanyang totoong mukha.

Ngunit sa halip na mataranta, ngumiti lang nang inosente si Alana at sinabing:

"Welcome to the live broadcast room ni Alana! Kung nagustuhan n’yo ako, p’wede n’yo akong i-follow para hindi kayo mawala sa susunod!"

At pagkatapos sabihin ito, pinatay niya ang beauty filter gaya ng hiniling ni Kyle Santos.

Sa BidaLive, may one-click beauty function, kaya ganoon lang kadali itong alisin.

Sa isang iglap, nagbago ang imahe sa screen. Ang dating sobrang maputing babae na parang multo, ngayon ay isang napaka-linaw at dalisay na kagandahan.

Hindi na mukhang sobrang pino at plastik ang balat niya—sa halip, ito ay makinis, malambot, at may natural na mapulang kutis.

Ang kanyang mga mata, na may malinaw na contrast ng itim at puti, ay mala-kristal at parang mata ng isang inosenteng tuta. Isang tingin lang sa kanya, at parang may kung anong tumama sa puso mo—isang hindi maipaliwanag na pagkagulat.

Kahit pa simple at mura lang ang kanyang suot, nagmukha itong elegante dahil sa kanyang perpektong mukha.

Tahimik ang buong chatroom ng mawala ang filter sa mukha ni Alana.Walang kahit isang nagkomento.

Nagtaka si Alana. Sa kanyang isip, baka napaatras sa gulat ang audience niya nang makita ang totoong itsura niya.

Dahil sa totoo lang, may kaunting pagkakaiba ang itsura niya sa harap ng camera at sa personal.

Ang pinakakaraniwang sinasabi sa kanya ng mga kaklase at kaibigan ay—

Sa bahagyang pagkabigo, mahina niyang sinabi:

"Wala akong suot na makeup at nakapatay na ang beauty filter... Ayos na ba ‘to?"

Si Alana ay suminghot at tiningnan ang tulalang si Kyle Santos sa kabilang panig.

[Siguradong nawindang si Kyle Santos sa ganda nitong bagong live streamer.]

[Putik, nagkamali ako. Sobrang ganda pala ng babaeng streamer na ‘to.]

[Kung ‘yan talaga ang tunay niyang mukha, mas maganda pa siya sa beauty queen!]

[Hindi ako naniniwala. Lahat ng babae sinungaling! May tinatawag na ‘fake natural makeup,’ ‘di ba? Baka ginamit niya ‘yan para linlangin kaming mga lalaking straight.]

[Tama! Dapat maghilamos siya para mapatunayan ‘yan!]

Napatingin si Kyle Santos sa sunod-sunod na mga komento at agad na nagsalita:

"Mga kapatid, duda ang lahat kung may suot kang pekeng... ano ‘yun... fake makeup! Maghilamos ka para mapatunayan ‘yan."

Hindi inasahan ni Alana na magiging ganito kahirap ang lahat.

Ngumiti siya nang bahagya, tumango, at sinabing:

"Sige, maghihilamos ako."

Tumayo siya at naglakad papunta sa banyo.

Pagkabangon niya, biglang naging mas abala ang chatroom.

[Yung legs niya… Diyos ko, mas mahaba pa sa buhay ko!]

[Kahit pangit siya, tatanggapin ko na. Ang legs pa lang niya, sapat na para sumikat siya habambuhay.]

[Shashasha… tunog ng laway kong tumutulo.]

[Sabihin niyo kay Kyle na wala na akong balak bumalik!]

[Simula ngayon, dito na ako sa live stream na ‘to. ‘Yung iba, parang motel lang!]

Habang pinapanood ng estrangherong user ang live ni Alana ay nagulat ito ng may tumawag sa kanyang numero. “Boss”

Mabilis niyang kinuha ang telepono at sinagot ang tawag ng kanyang boss. Babatiin niya pa sana ang boss ng pinutol ang kanyang sasabihin.

“I want her!”

“Do what you can to recruit her! Contact her immediately! Ayokong makipag-agawan sa ibang kumpanya lalo na sa angking ganda ni Alana.”

Mabilis namang sumang-ayon ang employee dahil isang hidden gem nga naman ang bagong live streamer. Hindi niya na tinapos ang panunuod at hinanap ang contacts ng babae sa iba’t ibang social media platform upang makausap ito.

Tahimik na nagmasid ang sexy cockroach sa lumalakas na ingay sa chatroom...

Hindi niya maitatangging napahanga siya ng saglit nang makita niyang in-off ni Alana ang beauty filter.

Kahit napakarami na niyang nakitang magagandang babae, kakaiba ang linis at inosenteng aura ni Alana.

Lalo na ang boses nitong malambot at parang may pagka-malagkit, tulad ng isang kuting na may bahagyang nakausling kuko—banayad na humahaplos sa puso ng mga tao.

Nang makita niyang dumarami ang mga sumusubaybay kay Alana, bigla niyang pinagsisihan ang pagpapatalo niya rito...

Maging si Kyle Santos ay unti-unting kinabahan.

Bilang isang beteranong live streamer, alam niyang tunay ang kagandahan ni Alana.

Ngunit hindi niya kayang balewalain ang pang-uudyok ng kanyang mga manonood, kaya wala siyang nagawa kundi sabihing maghilamos ito para mapatunayan ang lahat.

At sa hindi nakikitang bahagi ng camera, malakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Bakit parang swak na swak sa panlasa ko ang itsura niyang ‘to...?

Pero alam din ni Kyle Santos ang isang bagay—tiyak na sisikat ang babaeng ito bilang live streamer.

Ang kulang lang sa kanya ay oras at exposure.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik na si Alana matapos maghilamos.

Para siguradong makita ng audience ang resulta, hindi niya agad pinunasan ang tubig sa kanyang mukha.

Bumalik siya sa kanyang upuan at banayad na kinurot ang kanyang pisngi sa harap ng camera.

Sa isang iglap, namula ito ng bahagya, kitang-kita ang lambot at kinis ng kanyang balat.

"Kita n’yo na? Wala talaga akong suot na makeup!"

Dahil nagpunta lang siya sa isang job interview kanina, hindi siya nag-ayos ng mukha dahil hindi siya marunong mag-makeup.

Ngunit matapos maghilamos, lalo pang luminaw at pumuti ang kanyang balat.

Ang kanyang mahabang pilikmata ay may mga natirang mumunting patak ng tubig, kaya mukha siyang isang inosenteng dalaga na mistulang na-bully.

[Nakita ko na ang future wife ko!]

[Ang ganda ng misis ko, parang isang bulaklak sa malinaw na tubig.]

[Mahal, pwede bang ilapit mo ang mukha mo sa camera? Gusto kitang halikan.]

[Yung iba d’yan, tigilan na ang pang-aasar. Akala ko ba 38-anyos na tiyahin daw ang asawa ko? Bakit tahimik na kayo ngayon?]

[Hoy, ikaw sa taas, parang hindi ka naman nagsalita kanina. Natatandaan ko pa ang ID mo! Ikaw nga ‘yung pinaka-maingay sa live ni Kyle kanina!]

[Aba, nag-aaway ang mga aso. Pareho lang kayong puro balahibo ang kinakain.]

[Lahat tayo ay magkakapatid, huwag sirain ang pagkakaisa dahil lang sa isang babae. Ang suhestiyon ko, kung may problema kayo, lumabas kayo at magbugbugan na lang. Kung may mamatay, isa na lang ang bawas sa mga lalaban sa akin para sureball na akin na si misis.]

[Magkano sa isang gabi?]

Dahil masyadong malaki ang naging pagbabago matapos patayin ni Alana ang beauty filter, biglang naging mas buhay ang live broadcast room, pero may mga hindi magagandang komento ring sumingit.

[Si "HungryDevil" ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach.]

Napatulala si sa mga komento, pero dahil natapos na niya ang parusa, sinabi niya kay Kyle sa camera:

"Natapos ko na ang task. Pwede ko na bang buksan ulit ang beauty filter?"

Para sa kanya, nagbibigay ng sense of security ang beauty filter at natatakpan nito ang mga imperpeksiyon niya.

Dahil sa dami ng gustong pigilan siyang i-on ang beauty filter, napabuntong-hininga si Alana at ibinaba ang kamay niya nang may panghihinayang.

"Kung ayaw n’yo… edi hindi ko na bubuksan ang beauty filter!"

Muli siyang nakaramdam ng hiya habang nakaharap sa camera. Hanggang sa biglang nagbigay ng regalo si Kyle!

[Morning Light Reward – Lugaw with Egg Super Rocket*1] 

Napamulagat si Alana at nagtanong, "Di ba ikaw ang nanalo? Bakit mo ako niregaluhan?"

Ang Super Rocket ay nagkakahalaga ng 8,000 pesos!

Napangisi si Kyle Santos at sinabing:

"Para ‘yan sa medical expenses mo. First live broadcast mo pa lang, kaya malamang hindi mo pa alam ang mga nakatagong patakaran dito sa platform. Kapag natalo sa PK, kailangan mong bigyan ng regalo ang kalaban bilang kabayaran. Kadalasan, ang maliliit na anchors ay nagbibigay lang ng mumunting regalo, habang ang malalaking anchors ay mas galante sa pagbibigay ng ‘medical expenses’."

Ngunit sa totoo lang, si Kyle ay madalas lang magbigay ng mumunting regalo na nagkakahalaga ng ilang dolyar para hiyain ang natalo. Pero ito ang unang beses na naging bukas-palad siya sa pagbibigay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terkait

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 4

    KABANATA 4NEXT PKBiglang may naisip si Alana at kumislap ang kanyang mga mata."Ibig sabihin... pwede lang akong makipag-PK sa iba at patuloy na matalo?" Lalo na at malaki na para sa kanya ang super rocket na binigay ni Kyle Santos.Pakiramdam niya ay natuklasan niya ang shortcut sa pagiging mayaman...[Nag-o-overthink ang host. Hindi lahat ay galante sa ‘medical expenses.’ May ibang streamer na love letter lang ang binibigay bilang medical expense—sobrang insulto nun.][Sexy Cockroach: Tara, laro tayo ng susunod na PK.][Huwag kang mag-alala, host. Sisiguraduhin kong matatalo ka.][Para mapilitan ang host na magbigay ng ‘medical expenses,’ nagdesisyon akong hindi magbigay kahit isang sentimo sa kanya.][Hehe, mga fake fans kayo.]Hindi inasahan ni Kyle Santos ang ganitong reaksyon ni Alana. Napangiti siya at sinabing:"I-follow kita. I-follow mo rin ako pabalik. Kung may tanong ka tungkol sa live streaming, itanong mo lang sa akin. Bye."Dahil sa biglang pagbabago ng ugali ni Kyle,

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-12
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 5

    KABANATA 5UNANG PANALONang lumitaw ang Luxury Cruise Ship, biglang natahimik ang comment section ng live broadcast.[Putik, may bigating donor dito.][At mukhang bagong rehistrong account pa!][Malakas ang kutob kong dummy account lang ito ng isang kilalang tao.]Hindi inakala ni Alana na may magbibigay sa kanya ng regalo na halagang 40,000 pesos. Napanganga siya sa sobrang gulat at halos hindi alam ang gagawin."Maraming salamat, RealLugaw baby sa super rockets,. Sobrang na-appreciate ko ‘to! Salamat din kay Cockroach baby sa Knight’s Protection. At kay Kyle... sa kanyang reward. Muah!"Pagkasabi nito, gumawa siya ng "muah muah" sound habang tumatama ang special effects sa screen.Kung ikukumpara sa kanyang pagiging mahiyain noong una, unti-unti nang nag-eenjoy si Alana sa live streaming at nagiging komportable siya rito.Dahil sa kanyang rosas na labi at buhay na ekspresyon, ang ginawa niyang kiss sa camera ay tila tumama sa puso ng maraming fans.*[Maryo nagbigay kay Lugaw with E

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-15
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 6

    KABANATA 6[Ang Nympho_Ravier ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach][Si G-drag ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach]Tuwing nakikita ni Alana ang pangalan ng Sexy Cockroach, hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi siya nagsisisi na ginawa niyang moderator si Sexy Cockroach lalo na at hindi na siya nahihirapan na i-kick out ang mga bastos at walang galang na mga user.Napaisip siya at nagtanong: “Baby Cockroach, babae ka ba o lalaki?”Base sa pangalan, iisipin mong babae ito.[Sexy Cockroach: Lalaki.][Kuya, bakit 'Sexy Cockroach' pangalan mo?][Hindi ko na kayang tingnan ang mga ipis nang walang malisya.]Hindi na nagulat si Alana sa sagot nito.Napangiti siya at sinabing, "Napaka... unique ng pangalan mo!"[Sexy Cockroach: Sige na, tumawa ka na lang. Huwag mong pigilan. Random lang na binigay sa akin ‘tong pangalan ng platform, tamad na akong palitan, kaya ginagamit ko na lang.][Innocent Monkey: Totoo ‘yan, walang halong

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-15
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 7

    KABANATA 7THE DARETapos na yung PK, at kalaban ko ay nag-open ng voice call. After ng tuloy-tuloy na pagkanta at pagsayaw para makakuha ng boto, sobrang napagod siya at habol-hininga.Si Mayie o The Cat doesn’t eat fish ay nagbiro sa sarili: "Nakaka-frustrate talaga maipagkumpara. Kaya kong kumanta at sumayaw, pero hindi ko matatalo yung chill lang na nakikipag-chat ka."Pinausli niya yung pisngi niya at nagkunwaring galit.Natawa si Alana kasi ang cute niya at sinabing, "Swerte lang ako, pero super cute ng sayaw mo, Mayie."Biglang lumiwanag yung mata ni Mayie: "Talaga? Bago kong natutunan 'to! Nakakasawa na yung twirk dance, pati viewers sa live parang nagsasawa na rin, kaya naisip ko mag-iba ng style."Kahit borderline anchor si Mayie, masayahin siya at madaling magustuhan."Okay din na magpalit ng style. Bagay na bagay rin sa'yo yung outfit mo ngayon," honest na sabi ni Alana."As expected, girls talaga ang ang pinakacute sa mundo! Love na love kita, wifey Alana, muah!"Nag-hea

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-21
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 8

    KABANATA 8ENJOYMENT[RealMe: Hindi ko alam sa ibang tao, pero pwede mong kunin yung binigay ko sa'yo.][Grabe siya, naiiyak ako.][Magpapatuloy pa ba si host sa PK?]Tiningnan ni Alana yung comment at umiling: "Hindi na muna ako magko-compete. First live ko pa lang ngayon. Gusto ko lang malaman kung paano gumagana yung live streaming. Mag-e-end na rin ako soon. Balak kong mag-aral pa tungkol sa live broadcasting after nito."[RealMe: Sige, kung may tanong ka, message mo lang ako. Night owl ako, laging gising.]Nang mabasa ni Alana yung medyo pamilyar na message, bahagyang nanginig yung mata niya.[Sexy cockroach: Kung gusto mong magtagal sa ganitong trabaho, kailangan mo talagang mag-aral. Yung advantage mo ngayon, wala kang advantage. Pero wag kang matuto ng mga kalokohan na makakasira sa'yo.][Yung dalawang big boss sa leaderboard, parang dalawang patriarchs.][Mahirap talaga para sa mga bagong anchor na mag-stand out. Isa lang sa sampu ang nagtatagumpay. Pero may potential si Alan

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-22
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 9

    KABANATA 9HIS ANGERBumuntong-hininga si Clyde habang nilapag ang phone. Iniisip niya, "Hindi naman ako talaga interested sa female anchor na ‘yon. Nacurious lang ako saglit!"Sanay siya sa mga babaeng habol lang ang pera. Mas gusto niya i-expose ang mga fake kaysa seryosohin sila."Kung tulad lang siya ng iba, tapos na dapat ‘to."Inisip na lang niya na dala lang ng novelty yung interest niya.Pagkatapos mag-research si Alana about live streaming at manood ng mga tutorial, mas naging pamilyar siya sa process.Sinunod niya yung advice ni RealMe at nag-set up ng fan group, kung saan only followers na may fan card ang pwedeng sumali.Pagkatapos nun, nag-order siya ng mga props at costumes para mas engaging yung live stream niya.Alam niya kasing kailangan din ng audience ng variety, at kung hindi siya magbabago, baka mag-unfollow sila."Mas okay siguro mag-enroll sa interest classes pag may extra income na ako," naisip niya.Yung experience niya kahapon gave her hope na pwedeng maging

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-22
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 10

    KABANATA 10HER TALENTNapapikit na lang ang babae ng mabasa ang mga comments ng mga fans niya sa BidaLive. Naghihintay sila sa na-practice niya kahapon pagkatapos mag-live. [Babae, ilang surprises ba meron ka na hindi ko alam?][Pfft, hindi ko kayang imaginin kung anong sasabihin ng host na malambot ang boses]【Screen recording is turned on】Si Alana ay patuloy na tumitingin sa barrage ng comments, at nang makita niyang pinipilit siya ng lahat na magstart agad,lalong naging pula ang mukha niya.Kahit anong lalim ng butas na hinukay mo para sa sarili mo, kailangan mong tumalon diyan."Ahem, linawin ko lang ha, wag kayong tumawa sa akin."[Sexy cockroach: Don’t worry, hindi nyo kami makikita na natatawa]Si Alana ay pumutok ang mga pisngi: "Baby cockroach, ikaw..."Uminom siya ng tubig para ma-moisten ang lalamunan, tapos tinurn on ang music na inilagay niya sa playlist kahapon.Habang nagsimula ang music, nagsimula mag-shout si Alana ng mahina:"Welcome baby cockroach, baby cockroach

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23
  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 11

    KABANATA 11FRUSTRATIONS[Sexy monkey: Laban, hindi pwedeng hadlangan ang plano ng anchor na kumita ng pera gamit ang gamot]Biglang naging pula ang mukha ni Alana. Talaga, gusto lang nila ng kasiyahan at kalokohan. Pero sa moment na yun, biglang dumating ang connection request.Si Alana ay nag-click sa message mula sa host sa kabilang linya at natuklasan niyang ito ay si Mayie, ang naka-PK niya kahapon.Connect the line.Kahit na hindi siya laging online, madalas siyang magbigay ng mga random na gifts sa mga live broadcast rooms at generous siya sa medical expenses. Ngayon, nag-PK siya sa live broadcast room ni Tendersexy o mas kilala bilang si Charyll, at marami ang naghihintay sa susunod na connection, tara sumama tayo.Si Alana ay nagulat: "Ang daming gustong mag-connect, makakonekta ba tayo?"Si Mayie ay nagtaas ng kilay at nangako, "Wag kang mag-alala, may connections ako!"Kahit na marginal na female anchor siya, maganda ang relasyon niya sa lahat. Kahit na parehong track sila

    Terakhir Diperbarui : 2025-02-23

Bab terbaru

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 13

    KABANATA 13HIYA[Ano nangyari kay Alana baby? Naiiyak na ba siya sa sobrang tuwa?][Sexy cockroach: Hindi, iniisip niya lang kung bakit wala pang mas maraming mayamang people na kagaya niya.][Hahahaha, dapat palitan ng sexy cockroach ang pangalan niya at gawing bulate sa tiyan ni Alana.]Habang binabasa ni Alana ang mga comments, lumobo ang pisngi niya nang makita niyang diretsong ini-expose ng sexy female cockroach ang nasa isip niya.[Sexy cockroach: Nakasulat lahat ng iniisip niya sa mukha niya.][Jas_teen: Walang tinatago.]Dahil hindi siya makapagsalita, nag-wave na lang si Alana ng kamao sa camera at gumawa ng mataray na expression.[Grabe, bakit ang cute niya?!][Hala, ang lakas maka-heart pounding.][Yejii nagbigay kay Lugaw with Egg ng Luxury Cruise *1]Sa oras na yun, si Yeji na ang number one sa daily list ni Alana.[Yejii follows blogger.][Yejii lights up fan club.][Clyde: Thank you, Yeji baby, for following the host! Love you!]Kahit bawal magsalita sa live, hindi nam

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 12

    KABANATA 12PREMYONung narinig ni Alana ang salitang "capital verification" sa pangalawang live broadcast, naguluhan siya. Dahil bago pa lang siya sa laranagan ng pagla-live ay hindi niya pa alam ang terminong iyon.Ipinaliwanag ni Mayie: "Ang capital verification ay para makita kung may kakayahang gumastos ang mga host."[Clyde: Oo, kaya nga ang mga big-time na host ay hindi masyadong mahilig makipaglaro sa maliliit na anchor. Kasi madalas wala silang pera pang-reward, kaya hindi nila mapapagana ang malalaking spender. Dahil dito, hindi na lang sila pinapansin ng mga big anchors kasi parang sayang lang ang oras nila.][Ang solid ng explanation][So... minamaliit niyo si Alana?][Sa apat na anchor, siya lang ang maliit na streamer ah.][Clyde: Nandito ako, sino ang minamaliit niyo?][Sexy Cockroach: Grabe, ang lakas ni Boss Charles!]Bakit parang may mali sa datingan?Pagkatapos basahin ang explanation sa chat, na-realize ni Alana na siya pala yung na-e-exclude.Kahit willing si Char

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 11

    KABANATA 11FRUSTRATIONS[Sexy monkey: Laban, hindi pwedeng hadlangan ang plano ng anchor na kumita ng pera gamit ang gamot]Biglang naging pula ang mukha ni Alana. Talaga, gusto lang nila ng kasiyahan at kalokohan. Pero sa moment na yun, biglang dumating ang connection request.Si Alana ay nag-click sa message mula sa host sa kabilang linya at natuklasan niyang ito ay si Mayie, ang naka-PK niya kahapon.Connect the line.Kahit na hindi siya laging online, madalas siyang magbigay ng mga random na gifts sa mga live broadcast rooms at generous siya sa medical expenses. Ngayon, nag-PK siya sa live broadcast room ni Tendersexy o mas kilala bilang si Charyll, at marami ang naghihintay sa susunod na connection, tara sumama tayo.Si Alana ay nagulat: "Ang daming gustong mag-connect, makakonekta ba tayo?"Si Mayie ay nagtaas ng kilay at nangako, "Wag kang mag-alala, may connections ako!"Kahit na marginal na female anchor siya, maganda ang relasyon niya sa lahat. Kahit na parehong track sila

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 10

    KABANATA 10HER TALENTNapapikit na lang ang babae ng mabasa ang mga comments ng mga fans niya sa BidaLive. Naghihintay sila sa na-practice niya kahapon pagkatapos mag-live. [Babae, ilang surprises ba meron ka na hindi ko alam?][Pfft, hindi ko kayang imaginin kung anong sasabihin ng host na malambot ang boses]【Screen recording is turned on】Si Alana ay patuloy na tumitingin sa barrage ng comments, at nang makita niyang pinipilit siya ng lahat na magstart agad,lalong naging pula ang mukha niya.Kahit anong lalim ng butas na hinukay mo para sa sarili mo, kailangan mong tumalon diyan."Ahem, linawin ko lang ha, wag kayong tumawa sa akin."[Sexy cockroach: Don’t worry, hindi nyo kami makikita na natatawa]Si Alana ay pumutok ang mga pisngi: "Baby cockroach, ikaw..."Uminom siya ng tubig para ma-moisten ang lalamunan, tapos tinurn on ang music na inilagay niya sa playlist kahapon.Habang nagsimula ang music, nagsimula mag-shout si Alana ng mahina:"Welcome baby cockroach, baby cockroach

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 9

    KABANATA 9HIS ANGERBumuntong-hininga si Clyde habang nilapag ang phone. Iniisip niya, "Hindi naman ako talaga interested sa female anchor na ‘yon. Nacurious lang ako saglit!"Sanay siya sa mga babaeng habol lang ang pera. Mas gusto niya i-expose ang mga fake kaysa seryosohin sila."Kung tulad lang siya ng iba, tapos na dapat ‘to."Inisip na lang niya na dala lang ng novelty yung interest niya.Pagkatapos mag-research si Alana about live streaming at manood ng mga tutorial, mas naging pamilyar siya sa process.Sinunod niya yung advice ni RealMe at nag-set up ng fan group, kung saan only followers na may fan card ang pwedeng sumali.Pagkatapos nun, nag-order siya ng mga props at costumes para mas engaging yung live stream niya.Alam niya kasing kailangan din ng audience ng variety, at kung hindi siya magbabago, baka mag-unfollow sila."Mas okay siguro mag-enroll sa interest classes pag may extra income na ako," naisip niya.Yung experience niya kahapon gave her hope na pwedeng maging

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 8

    KABANATA 8ENJOYMENT[RealMe: Hindi ko alam sa ibang tao, pero pwede mong kunin yung binigay ko sa'yo.][Grabe siya, naiiyak ako.][Magpapatuloy pa ba si host sa PK?]Tiningnan ni Alana yung comment at umiling: "Hindi na muna ako magko-compete. First live ko pa lang ngayon. Gusto ko lang malaman kung paano gumagana yung live streaming. Mag-e-end na rin ako soon. Balak kong mag-aral pa tungkol sa live broadcasting after nito."[RealMe: Sige, kung may tanong ka, message mo lang ako. Night owl ako, laging gising.]Nang mabasa ni Alana yung medyo pamilyar na message, bahagyang nanginig yung mata niya.[Sexy cockroach: Kung gusto mong magtagal sa ganitong trabaho, kailangan mo talagang mag-aral. Yung advantage mo ngayon, wala kang advantage. Pero wag kang matuto ng mga kalokohan na makakasira sa'yo.][Yung dalawang big boss sa leaderboard, parang dalawang patriarchs.][Mahirap talaga para sa mga bagong anchor na mag-stand out. Isa lang sa sampu ang nagtatagumpay. Pero may potential si Alan

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 7

    KABANATA 7THE DARETapos na yung PK, at kalaban ko ay nag-open ng voice call. After ng tuloy-tuloy na pagkanta at pagsayaw para makakuha ng boto, sobrang napagod siya at habol-hininga.Si Mayie o The Cat doesn’t eat fish ay nagbiro sa sarili: "Nakaka-frustrate talaga maipagkumpara. Kaya kong kumanta at sumayaw, pero hindi ko matatalo yung chill lang na nakikipag-chat ka."Pinausli niya yung pisngi niya at nagkunwaring galit.Natawa si Alana kasi ang cute niya at sinabing, "Swerte lang ako, pero super cute ng sayaw mo, Mayie."Biglang lumiwanag yung mata ni Mayie: "Talaga? Bago kong natutunan 'to! Nakakasawa na yung twirk dance, pati viewers sa live parang nagsasawa na rin, kaya naisip ko mag-iba ng style."Kahit borderline anchor si Mayie, masayahin siya at madaling magustuhan."Okay din na magpalit ng style. Bagay na bagay rin sa'yo yung outfit mo ngayon," honest na sabi ni Alana."As expected, girls talaga ang ang pinakacute sa mundo! Love na love kita, wifey Alana, muah!"Nag-hea

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 6

    KABANATA 6[Ang Nympho_Ravier ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach][Si G-drag ay tinanggal sa live broadcast room ng administrator, Sexy Cockroach]Tuwing nakikita ni Alana ang pangalan ng Sexy Cockroach, hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi siya nagsisisi na ginawa niyang moderator si Sexy Cockroach lalo na at hindi na siya nahihirapan na i-kick out ang mga bastos at walang galang na mga user.Napaisip siya at nagtanong: “Baby Cockroach, babae ka ba o lalaki?”Base sa pangalan, iisipin mong babae ito.[Sexy Cockroach: Lalaki.][Kuya, bakit 'Sexy Cockroach' pangalan mo?][Hindi ko na kayang tingnan ang mga ipis nang walang malisya.]Hindi na nagulat si Alana sa sagot nito.Napangiti siya at sinabing, "Napaka... unique ng pangalan mo!"[Sexy Cockroach: Sige na, tumawa ka na lang. Huwag mong pigilan. Random lang na binigay sa akin ‘tong pangalan ng platform, tamad na akong palitan, kaya ginagamit ko na lang.][Innocent Monkey: Totoo ‘yan, walang halong

  • Streaming Secrets of Mr. Labrador   KABANATA 5

    KABANATA 5UNANG PANALONang lumitaw ang Luxury Cruise Ship, biglang natahimik ang comment section ng live broadcast.[Putik, may bigating donor dito.][At mukhang bagong rehistrong account pa!][Malakas ang kutob kong dummy account lang ito ng isang kilalang tao.]Hindi inakala ni Alana na may magbibigay sa kanya ng regalo na halagang 40,000 pesos. Napanganga siya sa sobrang gulat at halos hindi alam ang gagawin."Maraming salamat, RealLugaw baby sa super rockets,. Sobrang na-appreciate ko ‘to! Salamat din kay Cockroach baby sa Knight’s Protection. At kay Kyle... sa kanyang reward. Muah!"Pagkasabi nito, gumawa siya ng "muah muah" sound habang tumatama ang special effects sa screen.Kung ikukumpara sa kanyang pagiging mahiyain noong una, unti-unti nang nag-eenjoy si Alana sa live streaming at nagiging komportable siya rito.Dahil sa kanyang rosas na labi at buhay na ekspresyon, ang ginawa niyang kiss sa camera ay tila tumama sa puso ng maraming fans.*[Maryo nagbigay kay Lugaw with E

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status