“Are you going to accept my sponsorship and willing to be my prostitute?” Bulong nito sa dalaga.
Bukod sa nakapatong ang binata kay Danica ay napakalapit pa mukha nito sa kaniya dahilan para hindi niya alam kung tama ba ang mga salitang narinig nito rito.
“Anong ibig mo na sabihin?” Pilit niyang kinalma ang sarili at mabilis na tinulak ang binata, “prostitute? Anong akala mo sakin, gagawin ang ganoong bagay?”
“Pfft! Bakit? Ano ba ang pinunta mo dito, hindi ba para humingi ng sponsorship sa akin at para maligtas ang pangalan mo na unti-unting nasisira dahil sa issue mo ng paggamit ng drugs at pagbebenta ng katawan kapalit ng magagandang project from those old geezers?” Pang-uuyam nito.
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata, masyado ng pagod ang utak ni Danica para tiisin pa ang mga salita nito patungkol sa issue.
“You dare to slap me? Seriously, Danica sa tingin mo ba ay may karapatan ka pa para umakto ng ganiyan? Hindi ako ang mawawalan kundi ikaw, baka nakakalimutan mo iyon.” Namumula ang mukha dahil sa galit ng lalake. “Ikaw ang lumapit hindi ako, kaya hindi ko kailangan i-baby talk ka dahil lang nasa gilid ka na ng bangin.”
“Alam ko yun! Alam ko na kailangan ko ng tulong para malinis ang pangalan ko pero hindi ko kailangan ang isang tulad mo!”
“Hah! Then get out, get out in this room and never ever try to ask my help again. Even you crawl in front of me, I will never extend my hand to pull you up.” Sagot naman ni Jiro, seryoso at may paninindigan na sabi nito.
Hindi nagaksaya pa ng laway at oras ang babae at agad na lumabas ng kwarto at tuloy-tuloy na naglakad papunta sa elevator, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon.
Lungkot, hiya o galit dahil sa lalake, lungkot dahil naging ganoon ang pakikitungo sa kaniya ng lalake, nakakapanibago dahil napakamahinahon at sweet ang boses nito noong sila pa ng nag-aaral sila, hiya dahil nagkita sila na ganito ang sitwasyon na at namamalimos ng tungkol sa ibang tao o galit dahil nakatanggap siya ng ganoong mga salita.
Matatanggap niya kung ibang tao pa ang trumato sa kaniya ng ganoon, ngunit ang lalake na minsan siyang tinignan ng may magmamahal at minsan siyang pinrotektahan ay ngayon ay siyang nang-iinsulto ng pagkatao niya.
Pero ano nga ba ang karapatan niyang magreklamo, kahit naman sino siguro ay magbabago ang pakikitungo matapos ang ginawa niya eight years ago bago sila maghiwalay ng lalake. Pero hindi ba masyado naman yata itong galit sa kaniya dahil lang umalis siya ng walang paalam at tanging isang mensahe lang ang iniwan niya?
Napalingon siya sa repleksyon ng sarili sa loob ng elevator at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng mapansin na hindi na pala niya suot ang mask, nais man niyang itago ang sarili ay hindi niya alam kung paano dahil wala siyang dala kahit panyo man lang.
“Bakit ang tanga-tanga mo, Danica.” Naiiyak niyang bulong sa sarili, kahit pagkakataon talaga ay hindi umaayon sa kaniya, at kahit gusto man niyang ihinto ang elevator ay Malabo iyong mangyari ngayon.
Ngayon, wala siyang ibang nararamdaman kung hindi ang kaba kung anong magiging reaksyon ng mga tao pag Nakita siyang andito, natatakot siya kung anong issue ang susunod na lalabas tungkol sa kaniya.
Siguro ay kakalat na inaakit naman niya ngayon ang CEO ng company na ito para isalba ang pangalan niya, pero kung ganoon man nga ang mangyayari ay hindi iyon buong kasinungaling dahil sinubukan nga naman niyang alukin ito bilang sponsor niya.
Ting!
Nagbalik lang siya sa ulirat ng marinig niya ang tunog ng elevator bilang tanda na nasa first floor na siya ng building, ang dahan-dahan na pagbukas ng pintuan nito ay parang nagging mabilis kay Danica na wala siyang ibang nagawa kung hindi ang yumuko habang naglalakad.
“Be careful!” Isang pamilyar na boses ang nakapagpatigil kay Danica sa paglalakad, kabado man ay hindi niya maiwasan na mapatingin kung saan nanggaling iyon.
Isang lalake na matangkad, maputi, at napaka-amo ng mukha ang natanaw niya sa hindi kalayuan. Hindi man ganoon kahalata ay kani-kaniyang picture ang mga babae sa gilid.
Isa ito sa mga actor na kasali sa movie na dapat ay pagbibidahan ni Danica ngunit biglang lumabas ang issue dahil sa video na kumalat. Makikita ang mukha ng lalake sa video ngunit mabilis na naglabas ng statement ang entertainment company ng lalake.
Siguro ay dahil hindi naman masyado itong nakita sa video at nahapyawan lang ang mukha kaya hindi ganoon kalaki ang issue nito, tanging siya lamang ang nagging focus sa mga mata ng media dahil sa siya nga ang lead lady at front ng camera that night.
“Excuse me, Daniel can you tell us what really happened that night, we see your face on the video. Did Danica really have relationship with that man or did she really bring some drugs to the party?” Isa sa mga ito ang bigla na lang nagtanong patungkol sa video.
“Danica…”
Hindi na niya narinig ang sagot ng lalake ng isang kamay ang humila sa kaniya at sinuotan siya ng isang hoodie jacket para maitago ang mukha niya. Ang pamilyar na amoy ng pabango nito ay humalimuyak sa ilong ng dalaga.
“Why do you want to hear his answer? You know all of them will point their fingers to you now kahit hindi naman talaga nila alam ang totoo at kung sino ang may dala ng drugs na iyon.” Naiinis nitong sabi at binuksan ang pintuan ng kotse. “Go inside, I will drive you home.”
“Bakit ako pa? Bakit sa dinami-rami ng mga artista na pwedeng masangkot sa ganitong issue ako pa talaga? Bakit ang bilis nila akong i-judge dahil lang sa isang video na ako mismo ay hindi ko alam ang nangyayari?”
Ang kanina pa niya pinipigilan na mga luha ay sunod-sunod na bumuhos palabas sa mga mata niya, wala na yata talaga siyang pag-asa para maisalba pa ang pangalan niya.
“Danica, let’s go. We can talk about it inside, right now this is not the right place.” Sabi nito at lumingon-lingon sa paligid.
Nanginginig man ang tuhod sa kaba, pagod at panghihina dahil sa mga nangyayari ay dahan-dahang naglakad si Danica papasok sa kotse. Mabilis naming sumunod sa kanina ang binate at sinumulan na mag pagmamaneho.
“Paano mo nga palang nalaman na andito ako?” Sumisinghot na tanong ni Danica sa lalake.
“Bilang manager mo, normal lang naman sigurong sundan ko kung saan kayo pupunta at kung sinong tao ang makakausap nyo para sa sponsor na sinasabi ni Shun? Ngayon na nakaharap mon a siya, siguro naman alam mo na kung bakit ayaw ko na tumuloy ka rito.”
“Yes, alam ko na kung anong ibig sabihin ng sponsor at kung bakit ganoon na lang ang reaksyon mo.” Mahinang sagot ng dalaga, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit masyado siyang disappointment.
Kung alam lang niya na si Jiro ang lalakeng tinutukoy ni Shun bilang sponsor niya at tutulong para isalba ang career na unti-unting nasisira dahil sa issue ay hindi siya tutuloy, kahit nagbago o hindi nagbago ang lalake sa pakikitungo sa kaniya ay hindi dapat nito nakita ang nalagayan niya ngayon. Kahihiyan lang ang tanging nangingibabaw pag naaalala niya ang nangyari.
“So, did you meet him and talk to him about sponsorship?” Mapaklang tanong ni Isaac sa kaniya.
“No, we did talk but I think hindi na matutuloy ang sponsorship between me and him.”
“What?” Halata kay Isaac na nakahinga ito ng maluwag sa nangyari, hindi man alam ni Danica kung bakit ay napangiti na lang siya. Siguro ay ayaw lang talaga ng manager niya na gawin niya ang ganoong bagay. “You mean, hindi ka na maghahanap ng sponsor, right?”
Meron nga ba siyang karapatan para tumangi sa isang sponsor?
“I still don’t know, Isaac. Alam mo naman ang situation ko ngayon at wala akong magagawa kung sa bandang huli ay sponsorship na lang talaga ang natitirang sagot sa problema ko pero kung may mahahanap akong ibang paraan ay iyon ang gagawin ko.” Iyon ang sagot niya pero kung hindi na talaga niya maisasalba ay siguro’y mas maganda kung iiwan niya ang pangarap para mag trabaho para sa pamilya.
Pero hindi naman niya pwede iyong sabihin sa manager niya agad-agad. Pero kung iyon ang matitirang paraan para matigil na ang lahat ng issue ay iiwan na lang niya ang pag-aartista.
“Sa hospital mo na lang ako ihatid, Isaac. Babantayan ko si Mama hanggang hindi naayos ang issue.” Sabi niya rito at tumango na lang ang binata sa tabi.
Mabilis niyang sinuot ang bagong mask galling sa manager niya at ang hoodie para maitago ang mukha niya, sikat man siya ay walang nakakaalam tungkol sa Ina niyang nakataray ngayon sa hospital. Ang kapatid niyang nag-aaral sa college ang umaasikaso rito para na rin sa katahimikan niya.
Mabuti na lang at naka screen name siya kaya mas naging madali para sa kaniya na itago ang lahat sa mga tao, kung maglalaman man ng mga ito ang tungkol sa kapatid at Ina niya ay baka idamay ito ng mga haters niya.
Pagpasok pa lang niya sa kwarto ay sumalubong na sa kaniya ang umiiyak na kapatid, “ate, mabuti na lang nagpunta ka dito ngayon!” Lalake ito pero malapit sila sa isa’t-isa.
“Bakit ka umiiyak? Anong nangyari?” Mabilis niyang tanong at inalo ang kapatid.
“Kanina, in-arrest si mama. Ang sabi ng doctor kung hindi daw o-operahan ngayon ay wala ng pag-asang mabuhay pa sya. Ate, anong gagawin natin?” Nanginginig ang buong katawan ng kapatid niya. “Pero tinignan ko ang balance ng bank account mo at kulang pa yun sa operation, paano pa ang pangbayad natin sa araw-araw para sa ICU? Fifty thousand every day daw doon.”
“Huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan. Siguro naman ay papayag sila na kalahati lang muna ang ibayad para simulan ang operasyon.”
Pagpapagaan ng loob niya sa kapatid ngunit kahit mismong siya ay hindi alam kung ano nga ba ang gagawin, tanging isang paraan na lang talaga ang naiisip niya para mapadali ang pasok ng pera sa kaniya.
Sponsorship.
Hinintay muna ni Danica na mahimasmasan ang kapatid, hindi niya ito iniwan hanggang huminto ito sa pag-iyak. Ngayon ay ang kailangan naman niyang gawin ay kung paano niya muling makakausap si Shun, na bigyan ulit siya ng pangalawang pagkakataon para makipagkita kay Jiro.Kung kailangan niyang lunukin ang pride na nakabara ngayon sa lalamunan niya ay gagawin niya, hindi mabubuhay ang pamilya niya kung uunahin niya ang pride kaysa ang tanggapin kung anong meron sa harapan niya na pwedeng makatulong agad para malinis ang pangalan niya. “Saan ka pupunta ate? Kararating mo lang.” Kunot ang noo na tanong ng kapatid nito ng makita siyang papunta sa pintuan.Nais niyang lumabas para tawagan si Shun, hindi niya hahayaan na marinig ng kapatid ang mga pwede niyang maging usapan ng CEO ng entertainment company.“Bibili lang ako ng maiinom at meryenda natin sa canteen sa first floor, bantayan mo lang si mama diyan at baka magising siya o kung biglang may mangyari sa kaniya.” Bilin niya sa kapat
Hindi alam ni Danica kung magsasalita na ba siya ngayon o hintayin na maunang magsalita ang binata at tanungin siya, ngayon na nasa tabi na talaga niya ito ay parang isang natunaw na yelo ang lakas ng loob niya.Pero hanggang makarating sila sa tapat ng isang bahay na may katamtaman lamang na laki ay hindi pa rin kumikibo ang lalaki, hindi rin ito tumitingin sa kaniya na parang isa lamang siyang hangin.“Jiro,” mahina na tawag nito sa binate ngunit hindi muli siya binigyang pansin nito at tuloy-tuloy lamang sa paglalakad patungo sa loob ng bahay. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at pinigilan sa paglalakad. “Mag-usap tayo.”“Yes, mag-uusap tayo, Danica but not here outside. Ayaw ko na masama ang pangalan ko sa issue na meron ka.” Tiim ang bagang na sabi nito at winaksi ang mga kamay ng dalaga na nakahawak sa kaniya.Napahiya man ang dalaga ay pinagsawalang bahala niya iyon at sumunod sa binata papasok sa loob ng bahay, hindi ito ang bahay na tinutuluyan ng binata noong magkasintaha
“The agency of the actress, Danica Torres, finally break the silent about the issue of their top artist. The agency said that its all misunderstanding and Danica is innocent all this time. The drugs in the video is just edited and the person who uploaded the video already erase it…”Anonymous cat: I don’t think it’s edited at all!Gorgeous deity: You are right, gusto lang makatakas sa issue ng babae na iyan!Tyrant Phoenix: ‘Wag tayong magpapaloko basta-basta!“Mas marami pa rin ang bad feedback tungkol sa issue kahit naglabas na tayo ng statement tungkol dito, ano ba ang gusto na marinig ng mga tao? Na totoo ang binibintang nila kay Danica na gumagamit ng drugs at ginagamit ang katawan para sa mga projects?” Naiinis na napaupo si Isaac sa tabi ng dalaga.“Hindi naman natin mababago agad ang utak ng mga tao dahil sa isa lamang na statement, kailangan natin gumawa ng iba pa na strategies para mabalik ang tiwala at pagkagusto nila kay Danica.” Sabi ng secretary ni Shun na hawak ang plan
Hindi alam ni danica ngunit paglabas pa lamang niya sa elevator ay parang may nagmamasid sa bawat galaw niya, ngunit kahit anong tingin niya sa kaliwa, kanan at likod niya ay wala siyang makita kahit isang suspicious na tao.Siguro ay masyado lang nasanay ang katawan ng dalaga na laging may sumusunod kaya ganoon na lang ito mag-overthink na may nanunuod sa bawat kilos niya, pero para makasiguro ay mas binilisan niya ang lakad hanggang makalabas siya ng building. Ngunit walang nagbago, hindi nawawala ang kakaibang pakiramdam niya.Muli siyang lumingon sa likod ngunit wala talaga kahit isang tao ang sumusunod sa kaniya, kagat sa labi itong muling humarap sa daan ngunit isang matigas na bagay ang tumama sa noo niya. Hindi pala bagay kundi isang dibdib ng lalaki ang nasa harapan niya ngayon, unti-unti niyang inangat ang mukha pataas para tignan kung sino ito.“Are you an idiot, why are you looking at your back while walking?” Sumalubong sa mga mata ng dalaga ang salubong na mga kilay nito
“So, anong dahilan para pumunta ka pa dito?” Bungad na tanong ni Shun sa kaibigan na kararating lang, “kakaalis lang nya dito kung siya ang dahilan ng pagdalaw mo.”“I see her outside earlier, and of course he is not the reason why I am here.” Naupo ito na parang siya mismo ang may-ari ng office. “Why don’t you sit on the chair in front of me and let’s talk?”“Pinapunta ka ba ng papa mo dito para kausapin ako na bitawan na si Danica ng company namin O nagalit ba siya dahil naglabas kami ng statement tungkol sa pagiging inosente niya tungkol sa issue?” Sunod-sunod na tanong nito.“Walang kinalaman ang chairman, nagpunta ako dito para tanungin kung ano ang sinabi sayo ni tito tungkol sa susunod na hakbang.” Seryosong tanong nito at dumekwatro.“Hanggang ngayon ay chairman pa rin ang tawag mo sa papa mo? Yung totoo, Jiro bakit ka kinuha ng papa mo after all these years? Dahil natatakot siyang mas mataasan ng company mo ang company nila?” Hindi makapaniwalang tanong ni Shun sa kaibigan.“
“Sponsor? Ang sabi ni Danica ay hindi na niya tinuloy ang sponsorship, bakit pinipilit mo pa rin na bigyan siya?”“Isaac, I just want to remind you that I am still your boss.” Sabi ni Shun ng seryoso at umayos ng upo, “as for the sponsorship, si Danica mismo ang nag desisyon tungkol doon at kumausap muli kay Jiro. Kung sa tingin mo ay pinilit ko siya ay nagkakamali ka, mas mabuti kung si Danica ang tanungin mo kung bakit nagbago muli ang desisyon nya.”“Bakit siya nagpunta dito? Hinahanap niya ba si Danica?”“Not really, but tungkol kay Danica ang pinunta niya rito.” Inabot niya ang envelop sa Isaac, “galing iyan kay Jiro, magkakaroon ng series si Danica next week so better inform her and get ready.”“Series?” Binuksan nito ang envelop at binasa, halos kumunot ang noo nito sa mga nakasulat doon. “Pumayag ka na sumali siya sa series na ito kahit extra lang siya, gusto mo ba na lalo lang siyang ma-stress?”“Are you sure kilala mo talaga si Danica? Isaac, hindi mangyayari ang iniisip mo.
“Pasensya na kung kailangang dito pa tayo magkita, ayaw ko kasi na makuha ang atensyon ng mga reporter at malaman nila ang tungkol kay mama lalo na ngayon na nasa ICU sya. Isa pa ay baka guluhin nila pati ang kapatid ko masyado ng iyon na stress sa mga nangyayari.” Agad na paliwanag ni Danica pagkarating pa lamang nito sa lugar kung saan pinili nilang magkita ni Isaac para pag-usapan ang tungkol sa bagong project niya.“it’s okay. Mas ayos na rin na dito tayo nagkita para makapag-usap tayo ng mas maayos,” sagot ni Isaac habang nakangiti. Isa pa ay, bakit tatanggi ang binata sa ganitong set-up kung para silang nasa date habang tinatakasan ang mga reporters.“Ano ba ang dahilan bakit gusto mo na magkita tayo ngayon? Kung nag-aalala ka pa rin sakin dahil sa mga nangyayari, hindi mo naman kailangan makipagkita sa personal.”“Hindi naman ito tungkol doon, sa totoo nga ay good news ito para sayo kaya hindi na ako mapaghintay na ibalita at ayaw ko rin naman sa text o tawag ko lang sabihin.”
“My light.” Bulong ni Jiro at mabilis na yumukap ang mga braso niya ng mahigpit sa bewang ni Danica at ang mainit nitong labi ay patuloy sa paghalik sa labi ng dalaga, lasang-lasa ni Danica ang alak doon na wari’y pati siya ay nalalasing na rin.“Jiro… Please stop.” Sinubukan ni Danica na itulak ang lalake ngunit masyadong mahigpit ang yakap nito sa kaniya.“Why are you trying to escape? I just want to hug you.” Ang ngarag na boses ni Jiro habang binubulong ang mga katagang iyon sa tenga ni Danica ay nagbibigay ng kiliti sa buong katawan niya. “I miss you, I really miss you.”Paulit-ulit iyon na sinasabi ni Jiro, andoon ang desperasyon ng lalake na maipahatid ang pagka-miss niya sa babae. Ngunit para kay Danica ay parang mga kutsilyo ito na paulit-ulit siyang sinasaksak, hindi niya akalain na may minamahal na ang lalake.“Jiro, please hindi ako ang girlfriend mo kaya bitawan mo ako.” Pilit pa rin na sinusubukan ni Danica na kumawala sa lalake ngunit mas humigpit lang ang pagyakap nito
Three months later…“Andito nga po tayo ngayon sa harap ng building A kung saan gaganapin ang interview sa mga cast ng bagong series ngayon taon, marami na nga rito na mga reporter ang nag aabang para magsimula ang interview. Isa sa pinakahihintay ng lahat ay si Ms. Danica…”~“Ready na ba ang lahat?” Sigaw nang isa sa mga staff sa gaganaping interview para sa series, naging matunog ang series simula ng nilabas ng production team ang series kung saan makikita ang eksena na magkasama si Sheena at Danica.Samo’t-sari ang mga opinion nang mga tao, isa na nga rito ang sinasabi nilang bagay na bagay sa dalawa ang role.“Ready ka na ba, Danica?” Tanong ni Isaac na parang mas kabado pa ito sa babae.Sa loob ng tatlong buwan ay unti-unti naman naayos ang relasyon sa pagitan nilang dalawa, sinantabi ni Isaac ang nararamdaman para sa pagkakaibigan nila.“Hindi ko alam, pakiramdam ko ay namimilipit ang mga bituka ko sa tiyan.” Namumutla ang mukha ni Danica habang hawak ang tiyan, hindi man hala
JIROIt’s been week since that night, I don’t know what gotten to me why I did it. Tuwing nakikita ko si Danica ay para akong nawawala sa sarili, I even acted like drunk to seduce her. I thought she’s going to stop me kaya confident ako to try it, but no… She let me do it.“Jiro! Kanina pa ako salita ng salita dito, nakikinig ka ba?” Tawag sa akin ni Shun.Napatingin ako kay Shun na masamang nakatingin sa akin, “ano nga ulit yung sinasabi mo?” Muli ko na tanong dahilan para mamula ang dalawang tenga nito dahil sa inis.“Jiro, ilang araw ka ng wala sa sarili. Sabihin mo nga ano ba ang problema mo? Malapit na ang release date ng series ni Danica, sa tingin mo mananahimik lang ang papa mo sa araw na iyon?” Sabi ni Shun sa akin na parang sinasabi niyang kailangan ko na magseryoso sa mga susunod kong gagawin.“Bukod sa paninira niya ng pangalan ni Danica ay wala na akong ibang nakikitang pwede niyang gawin, kung may balak man siyang sirain ulit si Danica sa araw ng release ng series ay ape
“CUT! Danica! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Ilang beses na nating paulit-ulit na tini-take ang scene na ito, kung hindi mo kaya ay sabihin mo agad para unahin na muna ang scene na hindi ka kasama!” Nakakunot ang noo habang nakapamewang na sabi ng derek.Halos anim na beses na kasi silang paulit-ulit sa scene ngunit paulit-ulit rin na nakakalimutan ni Danica ang linya niya, kahit anong pilit ay hindi mawala sa isip niya ang nangyari kagabi. Hindi lang sa pagitan nila ni Jiro ngunit pati ang pag-amin ni Isaac ng damdamin nito sa dalaga.Patuloy man sa trabaho si Isaac ay hindi maipagkakaila na may nagbago sa pagitan nilang dalawa, lalo na ngayon na sigurado na si Danica na may nararamdaman pa rin siya para kay Jiro kahit walang taon na ang lumipas simula ng maghiwalay sila.“I’m sorry, Derek. Can I take a break po kahit 10 mins lang?”” Nahihiya niyang tanong. Sino nga ang hindi mahihiya kung ang iba ay pagod na rin ngunit hindi magawang mag break dahil sa kaniya.“Ay nako sige, bast
Unti-unting hinubad ni Jiro ang damit pang itaas, hindi ito nagsayang pa ng oras at agad na pumatong sa ibabaw ni Danica at sinunggaban ito ng halik. Mapupusok na parang sabik na sabik ito sa babae.Parang tuod na kahoy lang naman si Danica na nakahiga sa kama, gulat at naguguluhan. Tulad noon ay mukhang napagkamalan na naman siya ng lalake bilang nobya kaya ganoon ito kumilos.Ang bawat haplos ni Jiro ay parang kuryente na nakakapag painit sa katawan ni Danica, ang pinaghalong kiliti at sensasyon galing sa malaking kamay nito na ingat na ingat sa paglibot sa loob ng damit ng babae ang dahilan para mawala sa matinong pag-iisip si Danica.Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang kung umungol ang babae sa CR, dahil siya mismo ngayon ay hindi na niya kilala ang sariling boses na umuungol dahil sa lalakeng nasa ibabaw niya.Ang malilikot na daliri ng lalake ay unti-unting bumaba patungo sa butones ng pantalon ni Danica at wala pa nga na isang segundo ay natanggal na nito
“Cheers!” Sabay-sabay nilang sabi at masayang ininom ang alak sa kupita na hawak, ang bawat crew na sumama ay nakahinga rin kahit papaano sa pagod at puyat para sa paghahanda sa series.Tahimik lang naman na nakaupo si Danica sa gilid katabi si Isaac, mabuti na lang at wala namang pumipilit sa kaniya na uminom o makigulo. Siguro ay dahil umiiwas rin ang iba sa kaniya dahil sa nagdaan na issue.“Sabihin mo pag gusto mo ng umuwi, ihahatid kita.” Bulong ni Isaac kay Danica.“Sige, mag-CR lang ako saglit masyado na akong madaming nainom na juice.” Pabulong din na sagot naman nito.Tumango lang bilang sagot si Isaac at pinanuod si Danica na tumayo at lumakad palabas ng VIP room, hindi naman kasi kalayuan ang pupuntahan ng babae kaya hinayaan na lang niya. Ang awkward rin naman bilang lalake na sundan niya ito hanggang CR.Nagmamadali ang paglalakad ni Danica papunta sa CR, sa totoo lang ay kanina pa nito ramdam ang pagsakit ng puson niya dahil sa pagpipigil ng ihi. Kaya naman ng makarating
Hindi maipagkakaila na marami rin ang humahanga sa itsura ni Jiro sa entertainment industry ngunit walang pakealam doon ang lalake, ang mga mata nito ay agad na hinanap si Danica.Gusto niyang lumakad patungo kung nasaan ito at hablutin palayo sa step-brother niya na halos dumikit na ang mukha nito sa mukha ng babae pero sa dami ng mga matang makatingin sa bawat kilos niya ay hindi niya magawa.Parang mga kadena ito na pumipigil sa bawat kilos niya, hindi siya makakilos nang ayon sa gusto ng utak niya tulad kung paano siya pakilusin ng ama.“Mr. Jiro, hindi namin inaasahan ang pagdating nyo dito.” Salubong na sabi ng direk sa kanila, “Guys! Give them some chairs.” Utos nito sa mga staff and crews.Ang mga artista lalo na si Sheena ay naunang bumati sa mga ito, bilang artista ay dapat alam moa gad kung saan at kung sino ka dapat magpakilala.“Hello.” Pagbati ni Sheena sa mga ito, malinaw pa sa tubig ang intension niya sa mga investors.“Oh, right! This is Sheena the one who got the ro
“Go no, Jiro. Tell her that I am the who brought the drugs that night, but don’t forget that you are the one who clean it. More or less, it’s your fault why she’s in that situation right now.” Mayabang na sabi ni Daniel.Alam nito na hindi kayang gawin ni Jiro ang banta sa kaniya lalo na kung madadamay ang pangalan niya, ngayon ay mas lalong gustong malaman ni Daniel kung sino nga ba ang babae na iyon sa buhay ng step-brother niya.~“Mr. Daniel is here!” Sigaw ng isang staff na maging ang atensyon ni Danica ay nakuha ng lalakeng papasok sa venue kung saan gaganapin ang susunod na scene na kasama siya.Makikita ang inosente na ngiti ng lalake na dahilan kung bakit madami ang nagkakagusto sa kaniya, dalaga man o matatanda ay gustong-gusto siya dahil sa mabait ito at gentleman.Lumingon -lingon si Daniel sa paligid hanggang dumapo ang tingin sa pwesto ni Danica, kita ang kasabikan sa mata nito at naglakad palapit sa babae.“Wow! Totoo nga ang balita na kasama ka ulit sa casting Ms. Dan
“Chairman.” Pagtawag pansin ni Jiro sa matanda na nakayo sa tabi ng veranda, hawak nito ang isang baso na may lamang alak.“Mabuti naman at andito ka na, lumapit ka rito.” Sagot nito kay Jiro na hindi manlang nagawang tumingin sa kaniya.Humakbang palapit si Jiro sa ama, alam niyang umabot na sa matanda ang balita ng bawat ginagawa niya at kung hindi siya nagkakamali ay sigurong galit ito sa kaniya.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jiro?” Mababa ang boses nito habang sinasabi iyon, dinampot nito ang isang folder sa gilid at hinagis sa mukha ni Jiro.Ang mga picture mula sa loob ng folder ay kumalat sa sahig, iba’t-ibang anggulo ng mga mukha nilang magkasama ni Danica ang makikita doon hanggang paglabas nila ng hotel.“Ang sabi ko sayo linisin mo ang kalat ng kapatid mo, hindi ko sinabi na lumandi ka at tulungan ang babae na iyon para makabalik sa series kung nasaan ang kapatid mo!” Sigaw nito at hinagis ang baso sa gilid ni Jiro.Nakatayo lang si Jiro at walang emosyon na nakatingin
Palipat-lipat ang tingin ni Danica sa dalawang lalake na parehong nakahawak sa braso niya at wala kahit isa sa mga ito ang balak bumitaw, sa totoo lang ay naguguluhan siya kung meron ba na dapat pag-agawan sa paghahatid sa kaniya.“Wait guys!” Pigil niya sa dalawa, tumahimik nga ang dalawa pero hindi naman nawawala ang masasakit na tinginan nang mga ito sa isa’t-isa. Tumingin si Danica kay Jiro, “hindi mo naman ako kailangang ihatid, alam ko na busy ka at may kailangan ka pa na gawin kaya ka nagpunta dito kaya mauuna na kaming umalis.” Sabi nito dahilan para mapangisi si Isaac.“What? No, I think you misunderstand bakit ako andito.” Mabilis naman na sagot ni Jiro, pilit niyang pinipigilan ang sarili na magpaka-childish pero dahil sa pagngisi ng lalake sa harap niya ay hindi niya hahayaan na matalo siya sa paghatid kay Danica, “nagpunta ako dito para talaga sayo.”“Hayaan mo na Danica, sya na ang maghatid sayo tutal gusto ka naman niya na ihatid. Susunod rin naman ako sa inyo dahil mar