Share

68

Author: Anne_belle
last update Last Updated: 2025-03-30 22:48:47
Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.

Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila.

"Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.

Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."

Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"

Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo… p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   69

    Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay.

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   70

    Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” sa

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   71

    “Ngayong tapos na ang kasong ito, pwede ka munang magpahinga ng tatlong araw,” panimula ni Tyron habang inaayos ang mga papel sa mesa. “Huwag kang mag-alala, alam kong napagod ka rin sa lahat ng ito.”“Hindi naman po,” sagot ni Alexandra, mahinahon pero marespeto. “Maayos naman po ang pahinga ko bago ako pumasok. Huwag po kayong mag-alala.”Tumango si Tyron, bahagyang ngumiti. “Sige, ikaw ang bahala. Alam ko namang kailangan mo rin ng pera. Kamusta pala kayong mag-asawa? Nag-aaway pa ba kayo... dahil sa akin?”Napatingin si Alexandra sa kanya, sandaling natigilan. “Huwag niyo pong isipin ‘yon. Galit lang siya dahil... ginusto ko na siyang hiwalayan.”Bahagyang sumeryoso ang mukha ni Tyron. “Sana nga hindi ako naging dahilan ng gulo niyo.”“Trabaho lang po ang dahilan kung bakit ako nandito. Hindi niyo po kailangang mag-alala. Hangga’t wala po tayong ginagawang masama, wala tayong dapat ikabahala.”Tahimik ang sumunod na sandali. Hindi alam ni Alexandra kung paano ba talaga makikitungo

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   72

    Ngayon lang tuluyang narealize ni Alexandra kung gaano kalaking pagkakamali ang naging damdamin niya para kay Tyron.Pakiramdam niya’y niloko siya… pero sa totoo lang, matagal na siyang niloloko—hindi ni Tyron, kundi ng sariling kapatid.Siya ang lumangoy noon sa malalim na dagat para iligtas si Tyron. Siya ang nagbuwis ng buhay, at nawalan ng malay matapos ang sakripisyo. Pero pagdilat ni Tyron sa ospital, ang una niyang nakita ay si Grace—umiiyak sa tabi niya, kunwari’y siya ang nagligtas.Mula noon, nagbago ang lahat.Ang magulang ni Tyron ay labis ang pasasalamat kay Grace. Ang buong utang na loob, sa kaniya ipinukol. Kahit ang lola ni Alexandra, na matalik na kaibigan ng ina ni Tyron, ay hindi kumiling sa sariling apo. Matuwid ang prinsipyo nito—walang pabor-pabor. Kaya binigyan din nila ng puwesto si Grace sa kumpanya. Sa loob ng panibagong mundo, lalong naging malapit si Grace at Tyron.Ang hindi alam ng marami—matagal nang may gusto si Grace kay Tyron. Noon pa lang, galit na it

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   073

    Patuloy na nagmamaneho si Tyron, hindi maiwasan ni Alexandra na mapaisip. Ang paraan ng pagpapaliwanag niya ay napakaayos, parang isang propesor sa isang law school lecture, ngunit sa halip na nakakabagot, may dating—may lalim. Hindi siya ordinaryong abogado, halata iyon.Hindi niya napigilang magtanong. "Tyron, gaano na karaming criminal cases ang nahawakan mo?"Isang matipid na ngiti ang lumabas sa labi ng lalaki. "Marami-rami na rin. Pero hindi ko na binibilang, Alexandra. Hindi ako mahilig sa statistics—mas gusto ko ang resulta."Nakatingin si Alexandra sa kanya, hinihintay ang elaborasyon. Napatigil saglit si Tyron bago nagpatuloy."May isang kaso noon—isang high-profile murder case. Ang akusado? Isang taong walang kapangyarihan, isang nobody, pero siya ang itinuro ng lahat bilang pumatay. Lahat ng ebidensya, pabor sa prosekusyon. Walang nakikitang ibang suspek. Malinaw na malilintikan ang kliyente ko. Pero alam mo kung ano ang pinanghawakan ko?""Ano?" bulong ni Alexandra, tila

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   074

    Napaisip si Alexandra. "Pero hindi ba gano’n naman talaga ang nangyayari? Usually, ang panganay na lalaki ang nagmamana ng negosyo?""Kung ito ay isang feudal society noong medieval era, oo," sarkastikong sagot ni Tyron, saka sumandal sa upuan niya. "Pero modern na tayo, Alexandra. Hindi na sinusunod ang primogeniture rule sa bansa natin. Ang mana ay hinahati sa mga legal heirs, maliban na lang kung may last will na nagtatakda ng ibang arrangement."Napalunok si Alexandra. "Ibig sabihin, kung may last will na nagpapabor sa isang tagapagmana lang, pwedeng mapunta sa kanya ang lahat?"Tumango si Tyron. "Depende sa kondisyon. Kung legal at walang fraud na nangyari, valid ang last will. Pero kung may ebidensya na na-manipulate ito, dinaya, o pinirmahan sa ilalim ng pamimilit, pwede itong ipa-nullify sa korte."Saglit na natahimik si Alexandra. Parang unti-unting lumilinaw sa kanya ang masalimuot na gusot na pinasok nila."So, ano talaga ang mission natin?" tanong niya pagkatapos ng ilang

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   075

    "Theoretically, oo," tumango si Tyron. "Pero bihira iyon. Karaniwan, may tututol. At dito sa kasong ito, sigurado akong hindi lang isa ang kokontra. Kung may lalabas na ebidensya na may foul play sa pagkamatay ni Don Emilio, magiging mas kumplikado ito. Pwedeng may makasuhan, at pwedeng maapektuhan ang hatian ng mana."Natahimik saglit si Alexandra. "Alam mo, Tyron, habang lumalalim tayo sa kasong ito, mas lumalabo ang lahat. Akala ko noong una, simpleng usapin lang ng mana ito, pero ngayon, parang mas malaking problema ang dapat nating ayusin."Tumawa nang mahina si Tyron. "Ganyan talaga ang batas, Alexandra. Minsan, ang simpleng kaso, nagiging laberinto ng kasinungalingan, pagtataksil, at lihim. Ang tanong, kaya mo bang sundan ang landas papunta sa katotohanan?"Tinitigan siya ni Alexandra. "Ikaw? Bakit mo ba tinanggap ang kasong ito? Alam kong hindi lang ito basta trabaho para sa’yo."Hindi agad sumagot si Tyron. Sa halip, tumingin siya kay Alexandra na parang iniisip kung dapat ba

    Last Updated : 2025-03-30
  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   076

    At sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ng kakaibang kiliti si Alexandra sa sinabi nito.Hindi pa rin makapaniwala si Alexandra sa sinabi ni Tyron. Ipinako niya ang tingin sa binata, naghahanap ng anumang senyales ng pagbibiro, pero wala siyang nakita. Ang ekspresyon nito—bagama't may bahagyang ngiti—ay seryoso at may lalim."Baka malapit na?" inulit niya ang sinabi nito, pilit na inuunawa ang ibig sabihin.Hindi sumagot si Tyron. Sa halip, nagpatuloy siya sa pagmamaneho, tila ini-enjoy ang katahimikan sa pagitan nila. Samantalang si Alexandra, hindi mapakali.Bakit biglang nagiging ganito ang usapan?Nagpatuloy ang kanilang biyahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa, pero hindi ito tulad ng mga hindi komportableng katahimikan. Sa halip, tila isang matinding emosyon ang bumabalot sa pagitan nila—isang bagay na hindi nila kayang pangalanan.Nang makarating sila sa isang tahimik na coffee shop, ipinarada ni Tyron ang sasakyan. “Dito muna tayo,” aniya, bago bumaba ng kotse.Si

    Last Updated : 2025-03-30

Latest chapter

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0112

    "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" malamig nitong tanong. Ang tono ng kanyang boses ay hindi mataas, pero ramdam ni Alexandra ang pwersang dala nito. "Is this a proper way to resign? Hindi mo ba alam na pwede kitang kasuhan dahil dito?"Hindi agad siya nakapagsalita. Nakadikit ang likod niya sa pinto, parang naipit siya sa presensya ng lalaki. Ang init ng katawan ni Tyron kahit hindi ito lumalapit nang tuluyan, at kahit hindi siya tinatapunan ng matalim na tingin ay ramdam niya ang bigat ng kanyang presensya."Tyron, I—""Akala mo ba basta mo na lang ako matatakasan?" putol nito, at mas lumalim ang titig nito sa kanya.Hindi niya alam kung bakit, pero parang lumubog ang kanyang tiyan sa kaba. Hindi siya sanay na nakikitang ganito si Tyron—oo, alam niyang may kakayahan itong magalit, pero ngayon lang niya ito nakita nang ganito ka-intense."Hindi ba dapat masaya ka?" tuloy niya, pilit na binabalik ang kanyang kumpiyansa. "Hindi mo na kailangang madamay sa gulong ito. Hindi mo na kaila

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0110

    Ang marahang tugtog ng café ambient music lang ang bumabalot sa hangin habang naghihintay si Attorney Tyron Mendez, may bahagyang lamig na ang kanyang black coffee. Katabi niya si Alexandra—ang kanyang masinop at matalas na assistant. Habang tumitingin siya sa tablet para sa updates, paminsan-minsan ay sumusulyap ito sa pintuan.“Late na siya,” mahina niyang sabi habang isinara ang tablet.“Dalawang minuto lang,” sagot ni Tyron, sabay tingin sa kanyang relo. “Maaga pa 'yan sa standards ng mga abogado.”Saktong pagkalipas ng ilang segundo, pumasok ang isang lalaking nasa mid-sixties, naka-tailored charcoal suit at may dignidad sa bawat kilos. Kita sa kanyang graying hair at maingat na lakad ang dekada ng karanasan sa legal na serbisyo—at marahil, bigat ng mga kaganapan sa Salcedo family.Diretso itong lumapit sa kanilang table.“Atty. Tyron Mendez?”“Yes,” tumayo si Tyron at iniabot ang kamay—propesyonal at matatag. “Kayo po si Atty. Saavedra?”“Ako nga. Family attorney ng Salcedos,” s

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0109

    "Kung gusto niyong linisin ang pangalan ninyo, ito lang ang paraan," patuloy ni Tyron. "Huwag kayong matakot kung wala kayong kasalanan.""Hindi na kailangang buksan ang katawan ni Papa," malamig na sagot ni Daniel. "Mas pipiliin kong mawalan ng mana kaysa sirain ang alaala niya.""Ako rin," mabilis na dugtong ni Regina."Ganoon din ako," sabat ni Hector, pero sa kanyang boses ay may bahagyang panginginig.Tahimik na tinapunan ni Alexandra ng tingin si Tyron. Alam nilang dalawa—may tinatago ang magkakapatid. Pero ano?Tahimik ang opisina, tanging tunog ng aircon at mahihinang kaluskos ang naririnig. Nakatingin si Tyron sa magkakapatid, sinusuri ang bawat reaksyon nila—si Daniel na tila kalmado pero may bahid ng pag-aalala sa mga mata, si Hector na halatang iritado, at si Regina na abala sa pag-check ng kanyang cellphone pero hindi naitago ang kunot sa kanyang noo.Mabigat ang hangin nang basagin ni Tyron ang katahimikan.“Ayaw ninyong maghain ng reklamo? Naiintindihan ko. Pero nais ko

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Mabigat ang atmospera sa loob ng interrogation room ng presinto nang muling harapin ni Regina ang dalawang abogado. Nandoon si Tyron, tahimik pero matalim ang mga mata. Katabi niya si Alexandra, hawak ang folder na laman ay ang updated autopsy report ni Emilio Salcedo.Tahimik silang tatlo. Tanging tunog ng wall clock ang maririnig—tila baga tinataktan ang bilis ng katotohanan na malapit nang sumabog.Ibinuka ni Tyron ang bibig. "May resulta na ang autopsy report ni Mr. Emilio Salcedo."Napatingin si Regina, pero agad din niyang iniwas ang tingin. Tila ba ayaw marinig ang susunod na sasabihin."Regina, hindi namatay sa atake sa puso ang ama mo."Kumunot ang noo ng babae, halatang nagulat. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“May multiple blunt force trauma sa katawan ng biktima,” paliwanag ni Alexandra, habang binubuklat ang medical photos. “May punit sa baga, fractured ribs, at internal bleeding. Base sa forensic report, ilang araw siyang nahirapan sa paghinga bago tuluyang binawian ng buhay

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0108

    Tahimik na nakaupo sa hallway sina Alexandra at Tyron, ang katahimikan ay tila bumabalot sa buong paligid habang pinapanood nila ang pagtakbo ng orasan sa dingding. Ang bawat segundo ay parang taon habang hinihintay nila ang pagbabalik ng prosecutor.Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Alexandra, naka-kuyom ang kamay, habang si Tyron naman ay halos hindi mapakali sa upuan. Ilang sandali pa, bumukas ang pintuan ng interrogation room. Tumigil ang mundo nila sa pagbukas ng pintong iyon.Lumabas si Fiscal Ramon Diaz, ang city prosecutor, at may seryosong ekspresyon sa mukha. Hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon habang dahan-dahang lumapit sa kanila."Fiscal?" agad na tanong ni Tyron, tila hindi makahinga sa kaba.Tumingin si Fiscal Diaz sa kanilang dalawa, bago huminga ng malalim. "Umamin na si Regina."Napakunot-noo si Alexandra. "Ano pong ibig ninyong sabihin? Inamin niyang siya ang may kasalanan?"Tumango si Diaz, ngunit may halong pagdadalawang-isip ang kanyang tono. “Oo…

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0107

    “Bakit mo kami pinatawag, Mr. Daniel Salcedo?” tanong ni Tyron pagkapasok niya sa interrogation room.Huminga nang malalim si Daniel. Halatang nanginginig ang mga kamay niya habang nakatingin kina Alexandra at Tyron. “Honestly, akala ko hindi ito magiging problema—o magkakaroon ng malaking epekto sa investigation. Pero kung maghahalungkat kayo, sa huli, malalaman niyo rin ang totoo.”Nagkatinginan sina Tyron at Alexandra.“What do you mean?” tanong ni Tyron.“It’s been weeks—almost two, actually—since pumunta ako sa bahay ni Papa,” sagot ni Daniel. Muli siyang huminga nang malalim, bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. “Pumunta ako roon para kausapin siya tungkol sa pagka-freeze ng account ni Kuya Hector. Galit na galit siya sa akin dahil iniisip niyang ako ang dahilan nun.”“Anong kinalaman mo?” tanong ni Tyron, seryoso ang tono.“Akala kasi ni Kuya, ako ang nagsumbong sa mga kalokohang ginagawa niya. Sinabihan ko siya na mas mabuting siya na ang magsabi kay Dad, kasi kung hindi…

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0106

    Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga bala ng yelo na direktang tumatama sa puso ko.Hindi ko na napigilan ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang galit. Sobra na na ang emosyon kong nararamdaman, at napadiin ang pagkakakuyom ko ng mga palad. Ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa balat ko—may lumabas nang dugo, pero wala akong naramdamang sakit. Wala. Wala kundi galit.Ang pagputol ng kasunduan sa kasal? Desisyon ’yon ng pamilya Sanmiego Anong kinalaman ko doon?At bakit parang ako pa ang sinisisi nila? Hindi naman ako gano’n kaimportante para mapabago ang desisyon ng isang pamilya gaya ng sa kanila.Tinitigan ko nang diretso ang mga mata ng ama ko, at walang pag-aalinlangang sinabi,“Ako ang magpapagamot sa kapatid ko. Anong magagawa mo bukod sa mag-file ng protection order? Kung sisirain mo ang gamutan ng kapatid ko, hinding-hindi kita patatahimikin. Subukan mo lang kung hindi ka maniwala sa kaya kong gawin.”Bigla siyang umusad palapit, galit na galit, parang gusto

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0105

    Kinabukasan, maagang umalis ng hotel si Tyron at Alexandra. Laking pasalamat na lang ni Alexandra dahil nakatulog sila ng maayos at sabay na nagising ng alarm clock. Ang pakiramdam niya, parang mas magaan ang katawan niya, at hindi na siya pagod mula sa maghapon at magdamag na trabaho."Nakatulog ka ba?" tanong ni Tyron habang nakatutok pa rin ang mata sa kalsada, mabilis na nagmamaneho."Oo naman," sagot ni Alexandra, habang iniisip kung gaano kasaya siya na nakatulog ng mahimbing sa kabila ng kanilang hindi inaasahang sitwasyon kagabi. "Ikaw ba? Kamusta ang tulog mo?""Mas maayos. Magaan ang pakiramdam ko ngayon," sagot ni Tyron na may kaunting ngiti sa kanyang labi, at parang may biglaang pag-aalwan sa kanyang tono.“May insomnia ka ba?” tanong ni Alexandra habang tinitingnan si Tyron mula sa gilid ng kanyang mata, nagtatanong na may bahid ng pagkabahala."Hindi ko alam. Siguro ay kailangan ko lang ng kasama," sagot ni Tyron, at parang may konting kabuntot ng pagiging malungkot sa

  • Stolen Nights with My Husband’s Zillionaire Uncle   0104

    “Sige na nga! Umuwi na lang tayo. May trabaho pa tayo sa Maynila bukas ng umaga,” biglang sabi ni Tyron, na parang ang bilis niyang nagbago ng isip.Napataas ang kilay ni Alexandra. Ano na naman ‘to? Kanina lang parang ipagpipilitan nito ang pag-check-in, ngayon naman biglang atras?“Akala ko ba pagod ka?” tanong niya, hindi mapigilang kulitin ito. “Ayos lang naman sa akin ang mag-check-in. Bukas na lang tayo umuwi sa umaga. Ang mahalaga, makapagpahinga tayo,” dagdag pa niya, tinatantiya kung ano talaga ang nasa isip ni Tyron.Kung tutuusin, hindi naman niya intensyon na bigyan ito ng dahilan para manatili. Iniisip lang niya ang kaligtasan nilang dalawa. Marunong siyang mag-drive—at hindi lang basta marunong, kundi sanay siya. Kung wala lang si Tyron sa tabi niya, baka nasa 120 kph na siya sa highway, pero hindi niya iyon ipapakita rito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan para isipin na reckless driver siya—o mas malala, ayaw niyang mas lalong humanga ito sa kanya.“Hindi na. Kaya ko n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status