Share

Chapter 4

Author: Ajai_Kim
last update Huling Na-update: 2023-10-21 12:47:13

Yareli's POV

KASAMA ko ang magkakapatid at alam kong gusto nilang magtanong sa akin kung bakit umiiyak ako kanina nang makita ako ni Efraim, pero hindi ko pa kayang ikuwento sa kanila ang lahat na si Juancho ang dahilan kung bakit patuloy akong nasasaktan. Hindi na nila kailangan pang malaman iyon dahil kahit masakit ay tatanggapin ko na lang na hinding-hindi ako magugustuhan ni Juancho.

Nailibot ko na ang magkakapatid sa bukirin ng mga Steffano at alas-kuwatro na ng hapon nang matapos kami. Marahil ay nagtataka na si Inay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi kaya magpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako.

"Kailangan ko na pa lang umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni inay sa bahay. Kailangan ko pang magsaing." sabi ko.

"Ihahatid ka na namin pauwi." nakangiting alok ni Grant.

Sa kanilang limang magkakapatid ay si Grant ang masayahin at palaging nakangiti. Hindi halata sa itsura niyang may pagka-badboy. Malaki kasi ang katawan niya at mukhang palaging nag-gi-gym.

"Nako! Hindi na kailangan. Malapit lang naman-"

"We insists. Gusto rin naming makita kung saan ka nakatira." sabi ni Amir.

Wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Tutal ay magkakaibigan na rin kami ay hinayaan ko na lang sila na ihatid ako sa bahay namin.

Habang naglalakad kami ay bigla akong inakbayan ni Grant. Hindi ko na siya napigilan sa ginawa niya dahil wala naman sigurong malisya ang ginagawa niya. Mabait siya at natural lang siguro ang pagiging malambing niya.

"I don't want to leave this place anymore." sabi ni Irvin sa gitna ng paglalakad namin. Parehong nakalagay ang mga kamay niya sa likod ng kanyang ulo habang lumilinga sa paligid.

"I never thought I'm going to love San Felicidad." saad naman ni Grant nang nakangiti.

Napangisi si River sa sinabi nina Irvin at Grant at nanatiling tahimik. Kahit masayahin at palaging nakangiti si River katulad ni Grant ay napansin ko na tahimik lang siya katulad ni Efraim. Sa kanilang magkakapatid daw ay siya ang panganay at tumatayong kuya. Hindi naman siya tinatawag na kuya ng mga kapatid niya dahil ayaw niya. Hindi naman daw kasi nalalayo ang edad niyang 24 sa mga ito.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay saktong lumabas sa loob ng bahay si Kuya Yasewah at nakita niyang kasama ko ang magkakapatid. Kaagad siyang lumapit sa amin at nginitian si River.

"Nandito pala kayo, River. Kumusta na?" bati ni Kuya Yasewah kay River.

"I'm good. In-invite pala namin si Yareli na mag-breakfast sa mansyon kasama sina Tito Vicente at Tita Josefina bilang pasasalamat sa pagtulong ninyo sa amin na ayusin ang kotse ko. Yayayain ka sana namin na makisalo kaso ay nasa trabaho ka raw," sabi ni River.

"Gano'n ba? Pasensya na at hindi ako nakasama. May trabaho kasi ako sa bayan at alas-tres na ng hapon ang uwi ko." paumanhin ni Kuya Yasewah.

"Okay lang 'yon, bro. At least nakasama naman namin 'yong kapatid mo." Pagsingit ni Irvin na kaagad siniko sa tagiliran ni Amir. Napangiwi si Irvin sa ginawa ni Amir at tinitigan ito nang masama.

Namula ako sa sinabi ni Irvin habang si Kuya Yasewah naman ay natawa.

"Mabuti naman kung gano'n. Pumasok muna kayo sa bahay. May nilutong binignit si Inay. Kumain kayo ng meryenda." paanyaya ni Kuya Yasewah at pinapasok niya sa loob ng bahay namin ang magkakapatid.

Walang angal na pumasok sila sa loob ng bahay at sinundan na lang namin si Kuya Yasewah hanggang sa makarating kami sa maliit naming dining room.

Nilibot nang tingin ng magkakapatid ang kabuoan ng bahay namin at mukhang ngayon lang sila nakapasok sa ganitong klaseng bahay. Naupo kami sa upuan na may mahabang lamesa na gawa sa kahoy. Hindi na ako pinakilos ni Kuya Yasewah at siya na ang nag-asikaso sa amin.

Nilagay niya sa gitna ng lamesa ang isang malaking kaserola na may ginataan. Siya na rin ang naglagay ng mga mangkok at kutsara sa lamesa.

"Kuha lang kayo, masarap 'yan dahil luto ni Inay." nakangiting alok ni Kuya Yasewah.

Tumango ang magkakapatid at nag-umpisa na silang kumuha ng ginataan sa kaserola. Bagong luto ang ginataan at umuusok pa ito. Kitang-kita ko sa mukha ng magkakapatid na mukhang hindi sila kumakain ng ginataan at parang ngayon lang sila nakakita ng ganitong klaseng pagkain.

"Is this some kind of soup?" tanong ni Amir habang pinagmamasdan ang ginataan sa mangkok niya.

"Parang gano'n na rin, 'yon nga lang ay mas malagkit at matamis 'yan." sagot ni Kuya Yasewah at nag-umpisa na rin magsalin ng ginataan sa mangkok niya, at pagkatapos ay nilagyan rin ang mangkok ko. Nagpasalamat naman ako.

"There's also banana and circle jelly here. I think it taste delicious." sabi ni Grant at nag-umpisa nang kumain.

Mukhang nasarapan siya sa ginataan dahil nagpatuloy na ang pagsubo niya kahit mainit pa ito. "Woah! I didn't expect this is actually so good!" natutuwang sabi ni Grant.

Inumpisahan na rin kainin ng iba pa niyang magkakapatid ang binignit at katulad ni Grant ay mukhang nagustuhan nila ang lasa.

"Mabuti at nagustuhan n'yo." nakangiting sabi ni Kuya Yasewah.

"We never eaten this kind of food before so it's very unusual to us." sabi ni Amir na mauubos na ang ginataan na nasa mangkok niya.

"Kung gusto n'yo palaging makakain ng ginataan, pumunta lang kayo dito sa bahay." sabi ni kuya.

"We will." sabi ni River at nginitian ako pagkatapos.

"Yareli! Nandito ka ba--"

Napalingon kami sa nagsalita at nakita ko si Ronnie na tila napahinto nang makita ang magkakapatid.

"Ronnie, ikaw pala." sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko para lapitan siya.

Namalik-mata lang ba ako nang makitang biglang sumama ang tingin ng magkakapatid kay Ronnie?

"Ah, nagluto kasi si nanay ng paksiw na isda. Pinapabigay lang niya 'to para may ulam daw kayo mamayang gabi." sabi ni Ronnie at iniabot sa akin ang hawak niyang container ng ice cream na may lamang ulam.

Kinuha ko ito at nagpasalamat. "Siya nga pala, mga pamangkin sila nina Governor Vicente at Madam Josefina." pakilala ko kay Ronnie sa magkakapatid at itinuro ko sila.

Mukhang nabigla si Ronnie sa sinabi ko pero hindi kalaunan ay tinanguan niya ang mga ito. "Ako nga pala si Ronnie, kaibigan ako ni Yareli. Ikinagagalak ko kayong makilala." bati niya at nginitian ang magkakapatid.

Hindi nagsalita ang magkakapatid at nanatiling tahimik at patuloy pa ring kumakain. Mukhang napahiya si Ronnie at muli siyang bumaling sa akin.

"Sige Yareli, aalis na pala ako." alanganin niyang sabi at kaagad umalis nang hindi pa ako nakakasagot sa sinabi niya.

Umupo na lang ulit ako sa lamesa at nag-isip. Bakit mukhang hindi gusto ng magkakapatid na ito si Ronnie? Mabait si Ronnie at friendly rin pero siguro ay hindi pa palagay ang loob nila rito dahil hindi pa nila ito lubusang kilala.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na sila River na aalis na. Ipinakilala sila ni Kuya Yasewah kay Inay at si Inay naman ay tuwang-tuwa sa magkakapatid dahil mabait at magalang raw ang mga ito. Kasalungat sa naging reaksyon nila kanina nang makita si Ronnie.

"Yareli, can I get your number to contact you?" tanong ni Grant.

Tumango ako at nang inilabas niya ang cellphone niya at iniabot sa akin ay isinulat ko sa contacts ang number ko.

May cellphone akong Nokia na de keypad na nabili ko sa halagang 500 pesos sa bayan. Wala pa akong pambili ng mamahaling cellphone dahil kapos rin kami sa budget. Mas uunahin ko pa ang gatas at diaper ni Jingjing kaysa ang bumili ng mamahaling cellphone na touch screen. Ang mahalaga lang sa akin ay may pantawag at pan-text akong magagamit.

"Ito na." nakangiti kong inabot kay Grant ang cellphone niya matapos kong ilagay ang number ko.

"Thanks, Yareli." sabi niya at itinago na sa bulsa ng suot niyang pantalon ang cellphone.

"Paano po, aalis na kami." magalang na paalam ni River kay inay.

"Mag-iingat kayo, hijo, ah? Pakisabi rin kina Governor Vicente at Madam Josefina na salamat at inimbitahan nila sina Yareli at Yasewah na makisalo ng agahan sa inyo." sabi ni Inay na nakangiti nang malawak.

"Makakaasa po kayo." sagot ni River.

Nang maihatid namin sa labas ng bahay ang magkakapatid at nakaalis na ang mga ito ay nakangiti pa rin si Inay.

"Nakita ko na ang magkakapatid na iyon noong mga bata pa lang sila nang dumalaw sila dito sa San Felicidad. Sabi ko na nga ba at lalaki silang mga guwapo at matitipuno. Masuwerte ang babaeng kanilang iibigin." nakangiting sabi ni inay.

"Nagpunta na po sila dito noong mga bata pa lang sila? Pero bakit hindi ko po sila nakita noon?" tanong ko.

"Nasa ospital ka noon dahil inaatake ka ng hika mo. Si itay mo ang nagbabantay sa'yo sa ospital nung mga panahon na iyon." sagot ni Inay.

Tumango ako. Sakitin kasi ako noong bata pa lang ako at palaging na-o-ospital. Mabuti na lang at ngayon ay hindi na ako gaanong nagkakasakit dahil iniiwasan ko na ring masyadong mapagod at magpaka-stress sa pag-aaral ko.

Pumasok na si inay sa loob ng bahay para tingnan si Jingjing at kaming dalawa na lang ni Kuya Yasewah nang naiwan.

"Magaan ang loob ko kay River, Yareli. Sana siya ang maging unang nobyo mo." sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"K-Kuya, ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit mo kaagad naiisip 'yan?" nautal kong tanong.

Nginitian lang ako ni Kuya Yasewah at pumasok na ito sa loob ng bahay.

Naiwan akong pulang-pula ang buong mukha. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang dahil sa sinabi niya.

***

Irvin's POV

NANDITO kaming apat na magkakapatid kasama si Juancho sa entertainment room ng mansyon at nag-iinuman. Si Amir ay hindi na naman nakisali sa amin at nagkulong sa loob ng kuwarto niya dahil kasama namin si Juancho at hindi sila kahit kailan na nagkasundo.

"Bakit mukhang masayang-masaya yata kayo ngayon?" nakangising tanong ni Juancho habang nagsasalin ng alak sa baso niya.

"You know what, cous? I thought going here in this province is a worst decision for me but I'm wrong. Very very wrong!" umiiling na sabi ni Grant habang nagve-vape.

"Why changed of heart all of a sudden?" Juancho asked Grant.

Sumandal si Grant sa couch. "That Yareli girl, I'm very interested with her. Sa lahat ng mga babaeng nakilala ko sa Maynila ay kakaiba siya sa lahat. Fuck! I think I already like her." Ginulo ni Grant ang buhok niya at bumuntonghininga.

Hindi nakaimik si Juancho sa sinabi ni Grant. Si Efraim naman na tahimik na umiinom ay nakatingin nang mariin kay Juancho at mukhang may malalim itong iniisip.

"She's kind and precious. Hindi namin alam kung bakit umiiyak siya kanina. I don't know but I don't like to see her cry." I said.

Nasasaktan rin ako noong makita ko kaninang umiiyak si Yareli. Kung sinoman ang nagpaiyak sa kanya ay hindi niya deserve ang isang katulad ni Yareli. Walang dapat magpaiyak at manakit sa kanya. Masyado siyang mabait para gag*hin nang kung sinoman.

"What do you mean? Talagang interesado kayo sa babaeng 'yon?" tanong ni Juancho at tumawa ng mahina.

"I think we like her." sagot ni River na ikinagulat ni Juancho.

"R-Really?"

Tumango si River habang pinapaikot ang yelo na nasa loob ng baso.

"There's something in her we can't forget and resists. It looks like she's single too, so we will do everything to be closer with her. Right, Efraim?" nakangiting sabi ni River at tinapik ang balikat ni Efraim na nasa tabi niya.

Hindi sumagot si Efraim pero tinitingnan pa rin nito nang mariin si Juancho.

Napalunok si Juancho bigla. "Well, if you like that girl then okay--"

"We like her and she's ours. If some guy might regret everything he did and try to steal her away from us, we will not allow that, Juancho. Never." seryosong sabi ni Efraim kay Juancho na parang may ipinapahiwatig.

Hindi na muling nagsalita si Juancho at tahimik na lang itong uminom. Napapansin ko ang ilang beses niyang paglunok at parang kinakabahan ito.

"Where's your girlfriend, by the way? Bakit hindi mo man lang i-invite dito sa mansyon para makilala namin?" I asked Juancho.

"She's busy right now." sagot ni Juancho. Tumango ako.

Nang matapos kaming mag-inuman ay kaagad nagpaalam si Juancho na magpapahinga na. Nang makaalis siya ay kaming apat na magkakapatid na lang ang naiwan sa entertainment room.

"Do you think he knew Yareli?" tanong ni Grant.

"I guess so? We need to find out the truth." mariing sabi ni River.

Juancho, we are not dumb. We know you knew Yareli more than us.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Emmanuel Sutingco II
maganda ang mga kwento!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 5

    Yareli's POV NANDITO kami sa bayan kasama sila Mayet, Jestin at Ronnie. Dahil malaki ang kinita ni Mayet sa pag-oonline selling ng mga damit at bags na binebenta niya sa F******k ay nagyaya siyang manlibre sa amin na hindi na namin tinanggihan. Nasa mall kami ng bayan ng San Felicidad. Hindi ito gaanong kalakihang mall at hanggang 2nd floor lang ang palapag nito. Medyo marami ang mga tao ngayon sa mall at kakatapos lang ng pagdiriwang ng fiesta ng San Felicidad. "Sa ganda mo girl, center of attention ka na naman. Ikaw na talaga!" nakangising sabi ni Mayet nang mapansin niya ang mangilan-ngilang tao na nandito sa mall na napapatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako tinitingnan ng mga tao e, isang simpleng printed white t-shirt at jeans lang naman ang suot ko na pinaresan ko ng mumurahing sandals. Hindi ako naka-make-up bukod sa pinahid kong liptint sa labi ko para hindi ito magdry. Walang espesyal sa itsura ko pero kagaya nga ng sinasabi ni Mayet ay mukhang center of attention

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 6

    Amir's POV KUNG puwede ko lang kaladkarin palabas ang girlfriend ni Juancho ay kanina ko pa ginawa. Napakaarte at ang akala niya ay mansyon rin niya itong mansyon nila Juancho. Ano bang nagustuhan ni Juancho sa babaeng 'yon? Maganda nga at kasing yaman lang ng pamilya nila, pero pagdating sa ugali at asal ay patapon naman. Kung sa bagay, bagay sila ni Juancho dahil pareho lang sila. Yareli is still better than her. Hindi lang maganda si Yareli kundi sobrang bait pa at maaalalahanin sa lahat. Shit! I'm thinking of her again. Simula talaga nang makilala ko siya ay hindi ko na siya maialis sa isip ko. "Why you gave me a powdered orange juice? I want a real orange juice and not a factory made!" reklamo ni Amanda sa katulong na napahiya sa sinabi niya. "S-Sorry po, Ma'am. Hindi ko naman kasi alam na--" Nagulat kami ng katabi kong si Grant nang biglang itinapon ni Amanda ang juice sa uniform ng katulong. Napaiyak ang katulong sa ginawa niya at napayuko ito. "Binabayaran ka dito para ay

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 7

    Yareli's POV NAPAILING ako habang pinagmamasdan si Mayet na kanina pa nanonood ng offline Kpop music videos ng grupong TREASURE sa cellphone niyang touch screen. Dinownload niya raw ang videos sa computer shop sa bayan at dahil mahina ang signal sa San Felicidad ay dinownload niya ito ng offline para raw may mapanood siyang videos sa cellphone niya. Kanina pa siya tili ng tili habang nanonood tapos may mga sinasabi siyang ''I love you, Haruto sa akin ka lang!" tapos ''I love you, Asahi. Kahit robot ka mahal pa rin kita!'' Kahit hindi ako maka-relate sa mga pinagsasabi niya dahil hindi naman ako mahilig sa Kpop ay hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Nagtataka lang din ako kung bakit Haruto at Asahi ang pangalan ng favorite members raw niya sa grupong iyon e, hindi ba't korean pop group sila? Bakit parang pang Japanese ang pangalan ng members na iyon? Hindi ko na lang tinanong iyon kay Mayet dahil may mas importante pa pala akong iisipin. Sigurado na ako sa desisyon ko, sa oras na

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 8

    Third Person's POV "HINDI talaga ako makapaniwalang nobyo na kita, Juancho. Alam mo bang palagi lang kitang tinatanaw mula sa malayo?" nakangiting sabi ni Yareli habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Juancho na hawak ang isang kamay niya. Nasa parke sila at ito ang unang date nila bilang magkasintahan. "Really? Kailan mo ba ako nagustuhan?" tanong ng binata. "Simula noong bata pa lang tayo. Kahit puro negative ang sinasabi ng ibang tao sa'yo ay hindi ko na iniintindi 'yon dahil alam ko na mabuti ka namang tao. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gustong-gusto kita kahit mukhang hindi mo 'ko type at ang daming babaeng nakapaligid sa'yo." parang batang pagsusumbong ni Yareli na ikinatawa nang mahina ni Juancho. "You know me that much, huh? Hindi ka ba natatakot na baka hindi magtagal ang relasyon natin at maghanap kaagad ako ng iba?" seryosong tanong ni Juancho na ikinahinto ni Yareli. "Alam ko naman na mangyayari 'yon pero sana. . . kahit ngayon lang ay makasama kita. Umaas

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 9

    Yareli's POV KAARAWAN ni Kuya Yasewah kaya busy kaming dalawa ni Inay na magluto ng simpleng handa niya katulad ng pancit bihon, biko, inihaw na bangus, adobong manok, at sinigang na isda. Kahit hindi gaanong marami ang handa namin ay pinag-ipunan at talagang pinaghandaan namin ito ni Inay para kay kuya. Ngayong araw ay 24 na taong gulang na si Kuya Yasewah. Pansamantala muna siyang nag-leave ng isang araw sa trabaho niya bilang isang mekaniko sa bayan ng San Felicidad para sa kanyang kaarawan. Wala pa itong nagiging girlfriend kahit sa pagkakaalam ko ay may mga babae namang nagkakagusto sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit single pa rin hanggang ngayon si kuya dahil talagang workaholic ito at wala na rin oras para sa buhay pag-ibig. Masyado itong responsable sa aming pamilya, at ang kapakanan lang namin palagi ang iniisip niya. Kaya mas lalo akong nagsusumikap na makapagtapos nang pag-aaral dahil si Kuya Yasewah ang nagpapaaral sa akin. Undergraduate siya ng college at

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 10

    Yareli's POV BUONG lakas kong itinulak si River at saka ako bumangon mula sa kama kaya natigil ang paghalik niya sa akin. Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako na ngayon ay pulang-pula ang buong mukha at sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko. "B-Bakit mo 'yon ginawa? Alam mo ba na pati si Amir ay hinalikan rin ako?" buong tapang kong tanong. Tumango siya at ngumiti. "I know. We like you, Yareli that's why we couldn't help ourselves but to kiss you." pag-amin ni River na ikinagulat ko. "A-Ano? Gusto n'yo ako? Nagpapatawa ba kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tinaasan niya ako ng kilay at prenteng sumandal sa headboard ng maliit kong kama. Humalukipkip ito at humikab pa. Mukhang medyo nawala ang kaunting kalasingan. "We were not kidding, Yareli. Simula nang makilala ka namin ay nagkagusto na kami sa'yo, kaya gusto naming mapalapit sa'yo because my four brothers and I are obviously likes you." sagot niya. Sa sinabi ni River ay sumakit lang ang ulo ko. Nagkagusto na kaaga

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 11

    Efraim's POV HABANG naninigarilyo ako ay pinagmamasdan ko sina River at Grant na kanina pa nagtatalo. Of course, they are arguing about Yareli dahil itong si River ay nakitulog sa bahay nila Yareli na hindi man lang namin alam. My stupid brothers are already crazy with that girl. "River, we already talked about this, pero bakit ngayon pakiramdam ko ay gusto mo lang masolo si Yareli?" bulyaw ni Grant kay River. "Then what do you want me to do? Like what Amir did, gumawa na rin ako ng first move kay Yareli. Sa tingin n'yo ba talaga ay gagana ang Polyamorous relationship kay Yareli? Eh kahit isa nga sa atin hindi niya magustohan dahil may gusto siya kay Juancho!" River hissed. "You spent a night with her nang hindi namin alam. What do you expect from us? Hindi magagalit sa ginawa mo? At sa napag-usapan natin, walang isa sa atin ang hihigit kay Yareli. We need to be equal because we were brothers, and she can't do anything about it if we want a Polyamorous relationship with her." Amir

    Huling Na-update : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 12

    Yareli's POV "ANO ba kasi ang nangyari at bakit ka sinuntok ni Irvin sa mukha?" tanong ko kay Ronnie nang matapos kong gamutin ang ilong niyang nagdurugo. "Nakasalubong namin siya kanina ni Jestin tapos bigla niyang sinabi sa 'kin na gusto ka raw niya at layuan na kita. Sinabi ko naman na hindi pupuwede 'yon dahil kaibigan kita, tapos bigla na lang siyang nagalit. Sa inis ko ay inasar ko siya at sinabi kong mas matagal mo na 'kong kilala at may tsansa akong magustohan mo kaysa sa kanya, tapos nagalit siya at ayon nga, sinuntok niya ako sa mukha na naabutan ninyo ni Mayet." mahabang paliwanag ni Ronnie habang hawak pa rin ang ilong niya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ronnie. Maging pati si Irvin ay sinabi na ang nararamdaman niya. Palagi ko na lang siyang nakikitang nagagalit kay Ronnie nang dahil sa akin. Hindi na maganda ang kutob ko sa Steffano brothers, at hangga't nandito pa rin sila sa San Felicidad ay hindi mapapanatag ang loob ko. Sa tingin ko ay pinagseselosan ni I

    Huling Na-update : 2023-10-21

Pinakabagong kabanata

  • Steffano Brothers' Obsession   Epilogue

    Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 50

    Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 49

    Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 48

    Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 47

    Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 46

    Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 45

    Irvin's POV NANG magpunta ako sa garden para mag-vape ay nadatnan ko si Juancho na umiinom ng beer sa lamesa. Madaling araw na pero hindi pa pala siya natutulog. Nilapitan ko siya. "Ikaw pala," sabi niya nang mapansin ako. "Can't sleep?" tanong ko at inumpisahan nang gamitin ang vape ko. "Yeah," he answered. "You still love her," I said. He chuckled. "Remember? Inagaw n'yo lang si Yareli sa 'kin dahil ako naman talaga ang unang minahal niya. Kung hindi niya kayo nakilala, ako ang nakatuluyan niya at kami ang nagkaroon ng anak. Bakit niya pa kasi kayo nakilala, ha?! She fell out of love for me, and it still hurts!" he blurted out due to drinking too much. I feel bad for him. But Yareli still chose us over Juancho, and she didn't love him anymore because her love and attention shifted to us five siblings. We love her too, so we can't do anything about it. Maybe this is our fate because even if Yareli loved Juancho, we wouldn't let go of her, and we would make sure she loves us.

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 44

    Yareli's POV BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan. Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis. Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay. Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 43

    Third Person's POV SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River. Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito. _Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't n

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status