Yareli's POV KAARAWAN ni Kuya Yasewah kaya busy kaming dalawa ni Inay na magluto ng simpleng handa niya katulad ng pancit bihon, biko, inihaw na bangus, adobong manok, at sinigang na isda. Kahit hindi gaanong marami ang handa namin ay pinag-ipunan at talagang pinaghandaan namin ito ni Inay para kay kuya. Ngayong araw ay 24 na taong gulang na si Kuya Yasewah. Pansamantala muna siyang nag-leave ng isang araw sa trabaho niya bilang isang mekaniko sa bayan ng San Felicidad para sa kanyang kaarawan. Wala pa itong nagiging girlfriend kahit sa pagkakaalam ko ay may mga babae namang nagkakagusto sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit single pa rin hanggang ngayon si kuya dahil talagang workaholic ito at wala na rin oras para sa buhay pag-ibig. Masyado itong responsable sa aming pamilya, at ang kapakanan lang namin palagi ang iniisip niya. Kaya mas lalo akong nagsusumikap na makapagtapos nang pag-aaral dahil si Kuya Yasewah ang nagpapaaral sa akin. Undergraduate siya ng college at
Yareli's POV BUONG lakas kong itinulak si River at saka ako bumangon mula sa kama kaya natigil ang paghalik niya sa akin. Nagmulat siya ng mga mata at tinitigan ako na ngayon ay pulang-pula ang buong mukha at sobrang lakas rin ng kabog ng dibdib ko. "B-Bakit mo 'yon ginawa? Alam mo ba na pati si Amir ay hinalikan rin ako?" buong tapang kong tanong. Tumango siya at ngumiti. "I know. We like you, Yareli that's why we couldn't help ourselves but to kiss you." pag-amin ni River na ikinagulat ko. "A-Ano? Gusto n'yo ako? Nagpapatawa ba kayo?" hindi ko makapaniwalang tanong. Tinaasan niya ako ng kilay at prenteng sumandal sa headboard ng maliit kong kama. Humalukipkip ito at humikab pa. Mukhang medyo nawala ang kaunting kalasingan. "We were not kidding, Yareli. Simula nang makilala ka namin ay nagkagusto na kami sa'yo, kaya gusto naming mapalapit sa'yo because my four brothers and I are obviously likes you." sagot niya. Sa sinabi ni River ay sumakit lang ang ulo ko. Nagkagusto na kaaga
Efraim's POV HABANG naninigarilyo ako ay pinagmamasdan ko sina River at Grant na kanina pa nagtatalo. Of course, they are arguing about Yareli dahil itong si River ay nakitulog sa bahay nila Yareli na hindi man lang namin alam. My stupid brothers are already crazy with that girl. "River, we already talked about this, pero bakit ngayon pakiramdam ko ay gusto mo lang masolo si Yareli?" bulyaw ni Grant kay River. "Then what do you want me to do? Like what Amir did, gumawa na rin ako ng first move kay Yareli. Sa tingin n'yo ba talaga ay gagana ang Polyamorous relationship kay Yareli? Eh kahit isa nga sa atin hindi niya magustohan dahil may gusto siya kay Juancho!" River hissed. "You spent a night with her nang hindi namin alam. What do you expect from us? Hindi magagalit sa ginawa mo? At sa napag-usapan natin, walang isa sa atin ang hihigit kay Yareli. We need to be equal because we were brothers, and she can't do anything about it if we want a Polyamorous relationship with her." Amir
Yareli's POV "ANO ba kasi ang nangyari at bakit ka sinuntok ni Irvin sa mukha?" tanong ko kay Ronnie nang matapos kong gamutin ang ilong niyang nagdurugo. "Nakasalubong namin siya kanina ni Jestin tapos bigla niyang sinabi sa 'kin na gusto ka raw niya at layuan na kita. Sinabi ko naman na hindi pupuwede 'yon dahil kaibigan kita, tapos bigla na lang siyang nagalit. Sa inis ko ay inasar ko siya at sinabi kong mas matagal mo na 'kong kilala at may tsansa akong magustohan mo kaysa sa kanya, tapos nagalit siya at ayon nga, sinuntok niya ako sa mukha na naabutan ninyo ni Mayet." mahabang paliwanag ni Ronnie habang hawak pa rin ang ilong niya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Ronnie. Maging pati si Irvin ay sinabi na ang nararamdaman niya. Palagi ko na lang siyang nakikitang nagagalit kay Ronnie nang dahil sa akin. Hindi na maganda ang kutob ko sa Steffano brothers, at hangga't nandito pa rin sila sa San Felicidad ay hindi mapapanatag ang loob ko. Sa tingin ko ay pinagseselosan ni I
Yareli's POV HINDI ko alam kung paano ko nalampasan ang isang linggo na trabaho ko sa Cafe shop. Hindi ko mapigilang matulala sa kawalan dahil naaalala ko pa rin kung paano ako hinalikan ni Grant sa harapan mismo ng mga kapatid niya at ni Mayet. "Girl, tulaley pa rin hanggang ngayon? Gulat ka pa rin sa unexpected kiss na ginawa sa'yo ni Grant?" Pinitik ni Mayet ang daliri niya sa harapan ko dahilan para matauhan ako mula sa pagkakatulala. "Mayet, normal lang ba talaga 'tong takot na nararamdaman ko sa Steffano brothers?" nag-aalala kong sabi. "Normal lang 'yan, girl. Kitang-kita naman na may pagka-aggressive talaga 'yong magkakapatid pagdating sa'yo. Rinig na rinig kaya ng dalawang gorgeous ears ko ang mga sinabi nila sa'yo nung sinundo nila." sabi ni Mayet at nag-umpisa na kaming lumabas mula sa loob ng Cafe shop. Kaming dalawa na lang ang naiwan dahil nauna nang umuwi ang iba pa naming mga katrabaho. Kinuha ko ang dala kong payong sa loob ng bag ko dahil bumubuhos ngayon ang mal
Yareli's POV PINAPASOK ko si Juancho sa bahay namin dahil kanina pa kami nilalamig sa labas matapos tumila nang ulan. Pagkarating namin sa sala ay nagulat ako nang makita sila Inay, Itay, at Kuya Yasewah na seryosong nakatingin sa amin. "Sir Juancho, ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't ikinasal ka ngayong araw sa anak ni Congressman Montecillo?" tanong ni Inay kay Juancho. "Tumakas po ako sa kasal." nahihiyang sabi ni Juancho. Hindi na nagsalita si Inay at lumapit ito kay Juancho. Alam ng pamilya ko na naging nobyo ko si Juancho pero hindi sila nagsasalita tungkol rito. "Baka magkasakit ka pa dahil nagpaulan kayo. Maligo na kayo ni Yareli at magpahinga ka muna. Pagpasensyahan mo na dahil maliit at masikip sa bahay namin." paumanhin ni Inay. "Okay lang po." magalang na sagot ni Juancho. Bumaling sa akin si Itay. "Ikukuha siya ni Yasewah ng malinis na damit. Ikaw na ang bahalang mag-asikaso sa kanya, Yareli." "Sige po, Itay." sagot ko. Tumango lang si Itay at kaagad nang umalis
Yareli's POV NAGISING ako nang nakahiga na sa kama ko. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Juancho na nakasandal sa headboard ng kama habang ginagamit ang cellphone ko. Inilipat ba niya ako ng higaan? Nang tiningnan ko ang sinapin kong higaan kagabi sa lapag ay wala na ito at nakaayos nang tupi sa gilid ng kuwarto. Ang unan naman na ginamit ko ay nandito na sa kama ko. Nang makita ni Juancho na nagising na ako ay ngumiti siya sa akin. "Good morning, babe." bati niya. "B-Bakit mo ginagamit ang cellphone ko?" tanong ko at saka bumangon at umupo sa kama. "Ah, ito ba? I'm using your phone to see if someone is texting you and I'm right. Kailan ka pa nagkaroon ng number ni Grant?" tanong niya. Normal lang ang tono ng boses niya at hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Nakita pala niya ang mga message sa akin ni Grant. Hindi ko naman ito ma-reply-an dahil hindi ako mahilig mag-load at hindi rin ako sanay na makipag-text. Nag-te-text lang ako kapag may importanteng bagay na sasab
Juancho's POV "YOU have to be powerful. You have to be richer and smarter. Don't be a cry baby! Kailangan mong maging kagaya ng ama mo dahil ikaw ang magiging Gobernador sa lugar na ito paglaki mo!" my Grandfather said habang pinaghahampas niya ako ng baston na gamit niya. All I did was cry out of pain. I can't even defend myself because I am only six years old. I am weaker than him. "Lolo, t-tama na po, please... Masakit na..." I begged because my head was already bleeding. "Kailangan mong magtandang bata ka. Sinabi ko na sa'yong araw-araw tayong may training at lessons pero ano'ng ginawa mo? Nagkulong ka lang sa loob ng kuwarto mo! Gayahin mo ang kapatid mong si Arthuro. He is always on top in everything, even in his class. Samantalang ikaw? Palaging pangalawa? Steffano ka ba talaga? Bakit mahina at t*nga ka?" My grandfather mocked me again, which wounded my heart and mind. He is always like this, comparing me to my older brother. Wala akong kwenta para sa kanya. He's torturing
Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K
Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya
Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong
Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a
Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i
Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang
Irvin's POV NANG magpunta ako sa garden para mag-vape ay nadatnan ko si Juancho na umiinom ng beer sa lamesa. Madaling araw na pero hindi pa pala siya natutulog. Nilapitan ko siya. "Ikaw pala," sabi niya nang mapansin ako. "Can't sleep?" tanong ko at inumpisahan nang gamitin ang vape ko. "Yeah," he answered. "You still love her," I said. He chuckled. "Remember? Inagaw n'yo lang si Yareli sa 'kin dahil ako naman talaga ang unang minahal niya. Kung hindi niya kayo nakilala, ako ang nakatuluyan niya at kami ang nagkaroon ng anak. Bakit niya pa kasi kayo nakilala, ha?! She fell out of love for me, and it still hurts!" he blurted out due to drinking too much. I feel bad for him. But Yareli still chose us over Juancho, and she didn't love him anymore because her love and attention shifted to us five siblings. We love her too, so we can't do anything about it. Maybe this is our fate because even if Yareli loved Juancho, we wouldn't let go of her, and we would make sure she loves us.
Yareli's POV BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan. Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis. Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay. Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation
Third Person's POV SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River. Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito. _Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't n