Share

Chapter 1

Author: Ajai_Kim
last update Last Updated: 2023-10-21 12:47:01

Yareli's POV

SI Juancho Antonio Steffano ang lalaking hinahangaan ng mga kababaihan sa San Felicidad. Bukod sa guwapo, matangkad, at edukado ay makapangyarihan rin ang pamilya niya sa buong probinsya ng San Felicidad. Siya ang bunsong anak nina Governor Vicente Steffano at Madam Josefina Cruz-Steffano. Si Juancho ay kinaiinggitan ng lahat ng mga kalalakihan sa probinsya namin. Sino nga ba ang hindi maiinggit sa kanya?

Bukod sa anak ng isang Gobernador ay mayaman at maimpluwensiya rin ang pamilya niya. Kayang-kaya niyang mapaikot at mapasunod mula sa mga kamay niya ang mga tao sa San Felicidad. Hindi man maganda ang ugali at pakikitungo nito sa lahat ay hindi iyon naging hadlang para hindi ko siya magustuhan.

Maniniwala ba kayo na naging kami nang mahigit isang linggo pero kaagad rin siyang nakipaghiwalay sa akin dahil hindi ko pa kayang ibigay ang sarili ko sa kanya? Kung iba sana akong babae, malamang ay walang pag-aalinlangan kong ibibigay ang sarili ko kay Juancho pero hindi ko kayang gawin iyon, at isa pa ay 18 years old pa lamang ako.

Mahal ko si Juancho ngunit mas mahal ko ang kinabukasan ko at ang pamilya ko kaya nung makipaghiwalay siya sa akin ay wala na akong nagawa sa naging desisyon niya, pero hindi pa rin maiaalis sa akin na nasasaktan ako at mahal ko pa rin siya.

Gusto ko pang matulungan sila Inay, Itay, Kuya Yasewah, at ang bunso kong kapatid na si Jingjing para makaahon kami mula sa kahirapan. Ayokong mabuntis ng maaga dahil may pangarap ako sa pamilya ko. Nagsisikap akong mag-aral para kapag nakapagtapos na ako ay mabigyan ko sila ng magandang buhay at hindi na parehong magtatiyaga sina Inay at Itay sa pagsasaka sa bukid na pagmamay-ari nila Juancho.

Buwan ng Abril ngayon kaya't bakasyon namin ng mga kaibigan kong sila Mayet, Ronnie at Jestin mula sa paaralang pinapasukan namin. College na kaming magkakaibigan at parehong Bachelor of Secondary Education ang kinuha naming kurso na magkakaibigan.

Pangarap na talaga naming maging mga teacher noong mga bata pa lang kami kaya't hanggang sa magkolehiyo na kami ay magkakasama pa rin kami at pinipilit naming makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya namin. Katulad ko ay mahirap lang ang pamumuhay ng pamilya nila Mayet, Ronnie, at Jestin kaya nagkakasundo kaming apat sa lahat ng bagay at pangarap namin sa buhay.

"Mas gusto ko talaga kapag fiesta dahil palaging maraming handa!" masayang saad ni Jestin habang nilalantakan ang lumpia na nakalatag sa lamesa. Maraming iba't-ibang klase ng pagkain ang nandito.

Nandito kaming magkakaibigan sa plaza na tinatawag sa amin. Dito ginaganap ang events ng buong San Felicidad at ngayon ay nandito ang highlights ng fiesta ng San Felicidad.

Maraming mga nakasabit na banderitas, maingay ang paligid dahil sa mga banda na nagpapatugtog ng drums, lyre, at iba pang mga instrumento. Mga majorettes at ibang grupo na sumasayaw sa gitna ng kalsada. Napakasaya ng probinsya ng San Felicidad kapag fiesta. Bukod sa maraming pagkain ay may mga event na mangyayari pa mamayang gabi.

"At 'yan ang paraan mo para makakain ka ng marami. Sa katakawan mo ay baka maubos pa ang lahat ng handa dito!" pang-aasar ni Mayet kay Jestin na ikinaikot lang ng mga mata ni Jestin.

"Trip na trip mo talaga 'kong asarin, 'no? Baka siguro may crush ka lang sa 'kin kaya palagi mo akong inaasar para mapansin kita." nakangising sabi ni Jestin dahilan para mamula ang buong mukha ni Mayet.

"A-Ano bang pinagsasabi mo r'yan? Kailan pa ako nagkacrush sa'yo? Sina Tom Cruise at Brad Pitt lang ang crush ko, no!" sabi ni Mayet na tunog defensive.

Natawa na lang kaming dalawa ni Ronnie sa kanila at halata namang gusto nina Jestin at Mayet ang isa't-isa, ayon nga lang ay nasa torpe stage sila.

"Ayaw pa kasing umamin nitong si Jestin," bulong sa akin ni Ronnie para hindi marinig ng dalawa naming kaibigan ang sinasabi niya.

Tumango ako. "Magkakaaminan rin ang dalawang 'yan. Hintayin lang natin." nakangiting sabi ko na ikinangiti ni Ronnie.

Sa aming apat na magkakaibigan ay si Ronnie ang pinakaclose ko. Coincidence nga na kahawig niya ang artistang si Ronnie Alonte dahil kapangalan pa niya ito. Gwapo ito, mestusihin, at matangkad. Magkapitbahay lang kami at dalawang bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa bahay namin.

Bago ko pa nakilala sina Mayet at Jestin ay si Ronnie lang ang kaibigan ko. Halos ayaw sa aking makipagkaibigan ng mga kaklase kong babae noon at hindi ko alam kung bakit. Mabait naman ako at friendly pero bakit ayaw nila sa akin? Mabuti na lang at nakilala ko si Mayet kaya kahit papaano ay may kaibigan na rin akong babae.

Habang busy ako sa kinakain kong pancit na nakalagay sa paper plate ay napalingon ako nang biglang magtilian ang mga kababaihan at ang ibang tao na hindi kalayuan sa pwesto namin.

Naglalakad si Juancho sa gitna ng daan at kinakawayan nito ang bawat taong nadaraanan nila ng kasama niyang sila Governor Vicente, Madam Josefina, at isang maganda at eleganteng babae na nakahapit sa baywang niya.

Hindi ko mapigilang masaktan sa eksenang nakikita ko ngayon. Tatlong araw pa lang simula nang maghiwalay kami ni Juancho ay may bago na siyang girlfriend at katulad niya ay mukhang nasa Alta siyudad rin ang girlfriend niya base sa branded at maganda nitong damit.

Nanliit ako sa sarili ko dahil walang-wala ako kumpara sa bago niyang girlfriend. Bakit naman kasi ako naghahangad na maiiba ang tingin sa akin ni Juancho? Katulad ng ibang mga nagdaang babae sa kanya ay isa lang ako sa mga naging libangan niya. Ako lang ang nagmahal sa aming dalawa at kahit alam kong hindi siya seryoso sa akin ay pumayag pa rin ako na maging girlfriend niya dahil may nararamdaman na talaga ako sa kanya noon pa lang.

Nang mapadaan sila sa puwesto namin ay napatingin sa akin si Juancho maging pati na rin ang bago niyang girlfriend. Kaagad akong umiwas ng tingin sa kanila at yumuko na lang. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makalayo na sila sa amin.

"Okay ka lang ba, Yareli?" nag-aalalang tanong ni Mayet na ikinatango ko.

"O-Okay lang ako. Ano ba kayo!" sabi ko at tumawa ng pilit kahit para nang namimilipit ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi na talaga magbabago ang Juancho na 'yan. Napakababaero niya kaya pati ikaw ay pinaglaruan niya. Makakarma rin 'yong lalakeng 'yon sa ginawa niya sa'yo. Sigurado akong balang-araw ay gagapang siya pabalik sa'yo. Si Yareli Tamayo na pinakamaganda at pinakamabait sa San Felicidad pa ang sinaktan niya, ah? Malaking kawalan ka sa kanya." sabi ni Jestin at alam kong pinapagaan lang ang loob ko.

Ngumiti na lang ako at hindi na muling nagsalita. Si Ronnie naman ay matiim na nakatingin sa akin pero iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya.

Pagkatapos naming kumain sa fiesta ay umuwi na rin kami. Mamayang 8:00 pm ay lalabas kaming magkakaibigan at pupunta ulit sa Plaza para manood naman ng live bands.

"Anak, kargahin mo muna 'tong si Jingjing at magsasampay lang ako ng mga damit ng Itay mo at ni Jingjing." sabi ni Inay at ipinasan niya sa balikat ko si Jingjing na one year old pa lang at may sinusubong kulay pink na pacifier.

"Sige po, Inay. Nasaan pala sina Itay at Kuya Yasewah?" tanong ko at pinunasan ang labi ni Jingjing na may laway gamit ang bimpong inabot sa akin ni Inay.

"Nasa bukirin sila ng mga Steffano. Tinutulungan ng kuya mo si Itay n'yo na mag-ani ng mga palay. Uuwi rin sila mamaya." sagot ni Inay at inilabas sa gilid ng bakuran namin ang basket na may lamang mga basang damit nina Itay at Jingjing.

Lumabas na si Inay sa maliit naming bahay kaya sinundan ko siya habang karga ko pa rin si Jingjing.

Nanonood lang ako habang nagsasampay si Inay ng mga damit sa hanger at inilalagay ito sa lubid na nakatali sa puno. Naglakad ako sa bandang kubo na pahingahan at kung minsan ay dito na kami salo-salong kumakain ng pamilya ko kapag mainit sa loob ng bahay.

Alas-singko pa lang ng hapon at hindi pa gaanong madilim kaya kitang-kita ko ang magandang tanawin sa lugar ng San Felicidad. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid ko at ang karga ko namang si Jingjing ay nakatulog na sa balikat ko.

Hinding-hindi ko iiwan ang probinsya ng San Felicidad. Dito ko gustong tumira ng panghabang-buhay at dito na ako maghahanap ng trabaho bilang teacher. Gusto ko rin matulungan ang mga kababayan ko sa San Felicidad para mabigyan sila ng magandang edukasyon.

Pumasok na ako sa loob ng kubo at umupo doon. Inilapag ko naman si Jingjing sa ginawang portable crib ni Kuya Yasewah at inilatag ang unan at malinis niyang blanket sa crib upang mahigaan niya ito.

"Yareli!" rinig kong sigaw ni Ronnie mula sa labas ng kubo.

Dumungaw ako sa kanya at nag-quiet sign para huwag siyang sumigaw. Nagets naman niya ang ginawa ko at napakamot na lang sa batok niya. Tiningnan ko muli si Jingjing na mahimbing nang natutulog sa crib bago ako lumabas ng kubo at nilapitan si Ronnie.

"Tulog si Jingjing. Baka magising." sabi ko at mahinang tumawa.

"Nand'yan pala ang inaanak ko sa loob ng kubo. Sorry." paumanhin niya at natawa rin pagkatapos.

Nakasuot ng itim na plain t-shirt at puting jersey shorts si Ronnie pero hindi pa rin maipagkakaila na gwapo ito at bagay iyon sa kanya. Napansin ko naman ang hikaw sa kaliwang tenga niya kaya lumapit ako sa kanya at tinitigan ng mabuti ang hikaw niya.

"Nagpalagay ka pala ng hikaw? Bakit hindi ko man lang 'to napansin kanina?" tanong ko.

Namula bigla ang mukha ni Ronnie sa hindi ko malamang dahilan at hindi na makatingin nang diretso sa akin.

"N-Ngayon lang ako nagpalagay nito. Kasama kasi ni Lorenzo na pumunta kanina sa bahay namin 'yong pinsan niyang naglalagay ng hikaw sa tenga at nilibre ako kaya nagpalagay na rin ako." sabi niya.

"Bagay sa'yo," nakangiting sabi ko.

"Salamat," nahihiyang sabi ni Ronnie kaya ginulo ko ang itim at makintab niyang buhok. Doon ko lang napansin na may gel ito.

"Nag-ge-gel ka na rin pala? Sino naman 'yang pinopormahan mo? Hindi ka naman gumagamit ng gel simula noong mga bata pa lang tayo, ah?" nakakaloko kong sabi.

Feeling ko talaga ay may nagugustuhan nang babae si Ronnie pero hindi niya lang iyon sinasabi sa akin dahil baka nahihiya siyang umamin. Sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya sa San Felicidad ay wala pa siyang kahit isang naging girlfriend. Pinagkakamalan na nga siyang bakla ng iba pero hindi ako naniniwala roon dahil lalakeng-lalake namang kumilos si Ronnie.

Napansin ko rin na kahit nasa bahay lang kami ay ayos na ayos si Ronnie. Naaamoy ko nga ang pabango niyang Bench body spray na naamoy ko rin na pabango ni Tiyo Caloy na Tatay niya.

"Bawal na ba akong magpaguwapo? 18 years old na kaya tayo at binata na 'ko kaya normal lang 'to!" sagot naman ni Ronnie.

Hindi ko napigilang kurutin ang pisngi niya dahil ang cute niya lang kapag tinutukso ko siya. Kaagad namula ang pisngi niyang kinurot ko. Mestiso si Ronnie kaya kitang-kita agad ang pagkapula ng pisngi niya.

"Nagbibiro lang ako. Ito naman!" tumatawa kong sabi at pinakawalan na ang pisngi niya.

Ngumiwi lang si Ronnie sa ginawa ko pero hindi kalaunan ay biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Mahal mo pa rin siya, Yareli. Nakikita ko 'yon sa mga mata mo nung nakita mo siyang may kasamang ibang babae." seryoso niyang sabi.

Natahimik ako at bumuntonghininga.

"Alam mo namang si Juancho ang first love ko, Ronnie at aaminin ko na nasasaktan pa rin ako sa paghihiwalay namin kahit ako lang naman ang nagmahal sa aming dalawa."

Sa sakit at bigat na nararamdaman ko na pinipigilan ko magmula pa kanina ay hindi ko na napigilang mapaiyak. Kaagad akong niyakap ni Ronnie at hinagod ang likod ko.

Kahit sino namang babae ay masasaktan kapag nakita na ang lalakeng mahal nila ay may kasama nang ibang babae. Umasa lang rin naman ako sa kaunting paraan para mapalapit ako kay Juancho, pero katulad nga ng sinasabi sa akin nina Mayet at Jestin ay sasaktan lang rin niya ako sa huli at tama nga sila.

Kung mahal ako ni Juancho o kung bibigyan niya ako ng pag-asa ay gagalangin niya ang desisyon kong saka pa lang ako makikipagtalik sa kanya kung maikasal na kaming dalawa, pero masyado akong assumera na ang isang katulad niyang nasa itaas ay magseseryoso sa nasa ibaba na katulad ko.

"Do you think na seryoso ako sa'yo? Are you dreaming? You're just a poor and weak lady para seryosohin ko!"

"I don't love you. Bored lang ako kaya pinatulan kita."

"Yes, Yareli. You're beautiful and kind of sexy but we're different in so many ways. We were not even compatible with each other."

"What? Tinatanggihan mo 'ko? Then let's break-up!"

Ayon ang mga masasakit na salitang narinig ko mula kay Juancho. Sobrang durog na durog ako nang marinig iyon noong gabing iyon.

Mahal ko siya pero hindi niya ako mahal.

"Hindi ka niya deserve, Yareli. May lalaki pang kaya kang mahalin ng buo." mahinang sabi ni Ronnie.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa pag-iyak. Ang hirap kapag ikaw lang ang nagmamahal. Kasalanan ko rin naman dahil umasa akong mamahalin ako ni Juancho, pero hanggang panaginip lang ang fairytale story na binuo ko para sa aming dalawa.

Sana balang araw ay makatagpo ako ng lalaking mahal na mahal ako katulad ng pagmamahal na kaya kong ibigay.

Related chapters

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 2

    River's POV NAGMAMANEHO ako papuntang San Felicidad kasama ang mga kapatid kong sila Efraim, Irvin, Grant, at ang bunsong si Amir. We need to go in San Felicidad sa utos ni Dad para dumalo sa fiesta na ginaganap roon. My Dad's brother Vicente Steffano is a Governor in that province. Ayaw man naming magpunta ay napilit pa rin kami ni Dad dahil hindi siya makaka-attend sa fiesta ng San Felicidad. He has a lot of business trips lately kasama si Mom kaya wala na kaming nagawa kundi ang sundin ang pabor nila. Ang pinsan naming si Juancho ang susundo sa amin pero ang kumag ay hindi namin macontact. Mabuti na lang at kahit papaano ay alam ko ang daan papunta sa mansyon nila dahil nakapunta na kami ni Mom ng isang beses sa San Felicidad a year ago. Dahil mahina ang signal sa probinsya na ito ay gusto ko na lang matawa kung gaano kalukot ang mukha ni Amir na mukhang busy sa paglalaro ng online games sa phone niya. "What kind of place is this? I've already lost my game because of the stupid

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 3

    Yareli's POV HABANG nagwawalis ako sa bakuran ng bahay namin ay laking gulat ko nang makita sa labas sila Grant at Irvin at kinawayan nila ako. Binitawan ko muna ang hawak kong walis tingting at lumapit sa kanila. "Kayo pala, anong ginagawa ninyo rito? At saka paano n'yo nalaman na dito ako nakatira?" tanong ko. "Nagtanong-tanong lang kami sa mga tauhan sa bukid kung may kilala ba silang Yareli. Famous ka pala dito e, kilala ka nila." nakangiting sabi ni Grant. Ang guwapo talaga nilang magkakapatid. Lahat sila ay mga gwapo, may magandang pangangatawan, at matatangkad. Hindi na nakakapagtaka kung marami mang babae ang nahuhumaling sa kanila. "Hindi naman," nahihiyang sabi ko. "Kaya pala kami nagpunta dito dahil gusto ka naming iinvite sa mansyon." sabi ni Irvin. Nagulat ako sa sinabi niya. "Pero bakit? Hindi ako nababagay na magpunta sa mansyon nila Governor Vicente at Madam Josefina. Hindi ba't doon muna kayo pansamantalang nakikituloy? Mahirap lang ako at saka--" Hindi ko mait

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 4

    Yareli's POV KASAMA ko ang magkakapatid at alam kong gusto nilang magtanong sa akin kung bakit umiiyak ako kanina nang makita ako ni Efraim, pero hindi ko pa kayang ikuwento sa kanila ang lahat na si Juancho ang dahilan kung bakit patuloy akong nasasaktan. Hindi na nila kailangan pang malaman iyon dahil kahit masakit ay tatanggapin ko na lang na hinding-hindi ako magugustuhan ni Juancho. Nailibot ko na ang magkakapatid sa bukirin ng mga Steffano at alas-kuwatro na ng hapon nang matapos kami. Marahil ay nagtataka na si Inay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umuuwi kaya magpapaalam na ako sa kanila na uuwi na ako. "Kailangan ko na pa lang umuwi, baka kasi hinahanap na ako ni inay sa bahay. Kailangan ko pang magsaing." sabi ko. "Ihahatid ka na namin pauwi." nakangiting alok ni Grant. Sa kanilang limang magkakapatid ay si Grant ang masayahin at palaging nakangiti. Hindi halata sa itsura niyang may pagka-badboy. Malaki kasi ang katawan niya at mukhang palaging nag-gi-gym. "Na

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 5

    Yareli's POV NANDITO kami sa bayan kasama sila Mayet, Jestin at Ronnie. Dahil malaki ang kinita ni Mayet sa pag-oonline selling ng mga damit at bags na binebenta niya sa F******k ay nagyaya siyang manlibre sa amin na hindi na namin tinanggihan. Nasa mall kami ng bayan ng San Felicidad. Hindi ito gaanong kalakihang mall at hanggang 2nd floor lang ang palapag nito. Medyo marami ang mga tao ngayon sa mall at kakatapos lang ng pagdiriwang ng fiesta ng San Felicidad. "Sa ganda mo girl, center of attention ka na naman. Ikaw na talaga!" nakangising sabi ni Mayet nang mapansin niya ang mangilan-ngilang tao na nandito sa mall na napapatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako tinitingnan ng mga tao e, isang simpleng printed white t-shirt at jeans lang naman ang suot ko na pinaresan ko ng mumurahing sandals. Hindi ako naka-make-up bukod sa pinahid kong liptint sa labi ko para hindi ito magdry. Walang espesyal sa itsura ko pero kagaya nga ng sinasabi ni Mayet ay mukhang center of attention

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 6

    Amir's POV KUNG puwede ko lang kaladkarin palabas ang girlfriend ni Juancho ay kanina ko pa ginawa. Napakaarte at ang akala niya ay mansyon rin niya itong mansyon nila Juancho. Ano bang nagustuhan ni Juancho sa babaeng 'yon? Maganda nga at kasing yaman lang ng pamilya nila, pero pagdating sa ugali at asal ay patapon naman. Kung sa bagay, bagay sila ni Juancho dahil pareho lang sila. Yareli is still better than her. Hindi lang maganda si Yareli kundi sobrang bait pa at maaalalahanin sa lahat. Shit! I'm thinking of her again. Simula talaga nang makilala ko siya ay hindi ko na siya maialis sa isip ko. "Why you gave me a powdered orange juice? I want a real orange juice and not a factory made!" reklamo ni Amanda sa katulong na napahiya sa sinabi niya. "S-Sorry po, Ma'am. Hindi ko naman kasi alam na--" Nagulat kami ng katabi kong si Grant nang biglang itinapon ni Amanda ang juice sa uniform ng katulong. Napaiyak ang katulong sa ginawa niya at napayuko ito. "Binabayaran ka dito para ay

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 7

    Yareli's POV NAPAILING ako habang pinagmamasdan si Mayet na kanina pa nanonood ng offline Kpop music videos ng grupong TREASURE sa cellphone niyang touch screen. Dinownload niya raw ang videos sa computer shop sa bayan at dahil mahina ang signal sa San Felicidad ay dinownload niya ito ng offline para raw may mapanood siyang videos sa cellphone niya. Kanina pa siya tili ng tili habang nanonood tapos may mga sinasabi siyang ''I love you, Haruto sa akin ka lang!" tapos ''I love you, Asahi. Kahit robot ka mahal pa rin kita!'' Kahit hindi ako maka-relate sa mga pinagsasabi niya dahil hindi naman ako mahilig sa Kpop ay hinayaan ko na lang siya sa trip niya. Nagtataka lang din ako kung bakit Haruto at Asahi ang pangalan ng favorite members raw niya sa grupong iyon e, hindi ba't korean pop group sila? Bakit parang pang Japanese ang pangalan ng members na iyon? Hindi ko na lang tinanong iyon kay Mayet dahil may mas importante pa pala akong iisipin. Sigurado na ako sa desisyon ko, sa oras na

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 8

    Third Person's POV "HINDI talaga ako makapaniwalang nobyo na kita, Juancho. Alam mo bang palagi lang kitang tinatanaw mula sa malayo?" nakangiting sabi ni Yareli habang nakasandal ang ulo nito sa balikat ni Juancho na hawak ang isang kamay niya. Nasa parke sila at ito ang unang date nila bilang magkasintahan. "Really? Kailan mo ba ako nagustuhan?" tanong ng binata. "Simula noong bata pa lang tayo. Kahit puro negative ang sinasabi ng ibang tao sa'yo ay hindi ko na iniintindi 'yon dahil alam ko na mabuti ka namang tao. Hindi ko rin maintindihan kung bakit gustong-gusto kita kahit mukhang hindi mo 'ko type at ang daming babaeng nakapaligid sa'yo." parang batang pagsusumbong ni Yareli na ikinatawa nang mahina ni Juancho. "You know me that much, huh? Hindi ka ba natatakot na baka hindi magtagal ang relasyon natin at maghanap kaagad ako ng iba?" seryosong tanong ni Juancho na ikinahinto ni Yareli. "Alam ko naman na mangyayari 'yon pero sana. . . kahit ngayon lang ay makasama kita. Umaas

    Last Updated : 2023-10-21
  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 9

    Yareli's POV KAARAWAN ni Kuya Yasewah kaya busy kaming dalawa ni Inay na magluto ng simpleng handa niya katulad ng pancit bihon, biko, inihaw na bangus, adobong manok, at sinigang na isda. Kahit hindi gaanong marami ang handa namin ay pinag-ipunan at talagang pinaghandaan namin ito ni Inay para kay kuya. Ngayong araw ay 24 na taong gulang na si Kuya Yasewah. Pansamantala muna siyang nag-leave ng isang araw sa trabaho niya bilang isang mekaniko sa bayan ng San Felicidad para sa kanyang kaarawan. Wala pa itong nagiging girlfriend kahit sa pagkakaalam ko ay may mga babae namang nagkakagusto sa kanya. Hindi na rin ako magtataka kung bakit single pa rin hanggang ngayon si kuya dahil talagang workaholic ito at wala na rin oras para sa buhay pag-ibig. Masyado itong responsable sa aming pamilya, at ang kapakanan lang namin palagi ang iniisip niya. Kaya mas lalo akong nagsusumikap na makapagtapos nang pag-aaral dahil si Kuya Yasewah ang nagpapaaral sa akin. Undergraduate siya ng college at

    Last Updated : 2023-10-21

Latest chapter

  • Steffano Brothers' Obsession   Epilogue

    Yareli's POV After 2 years... "CAN I sit here?" Tumigin ako sa biglang umupo sa bakanteng table sa harapan kung saan ako nakaupo. Si Craig Villaforta ito, ang kaklase ko sa iilang major subjects namin at ang Campus Heartthrob na kinahuhumalingan at kinababaliwan ng mga babaeng estudyante sa university namin. Tumango ako sa sinabi ni Craig dahil paano pa ako makakatanggi sa kanya e, umupo na siya? Nag-aaral ako sa St. Joseph University sa Ermita, Manila at muli kong ipinagpatuloy ang kurso kong Bachelor of Secondary Education. Matapos kong manganak sa anak kong lalaki na si baby Hezekiah na anak namin ni Efraim at maikasal kay Efraim dalawang taon na ang lumipas ay pinagpatuloy ko na ang pag-aaral ko. Alam na siguro ng mga estudyante dito na may asawa't anak na ako. Hatid sundo ba naman ako parati ni River bago siya pumasok at umuwi mula sa trabaho niya at dahil kapansin-pansin ang mamahalin niyang kotse ay palagi kaming nakaw atensyon sa labas ng Campus sa tuwing nakikita kami. K

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 50

    Juancho's POV "THANKS for coming," I smiled at Ronnie na dumating dito sa bar na pagmamay-ari ng kababata at kaibigan kong si Michael. Mukhang hindi sanay si Ronnie na magpunta sa ganitong klaseng lugar and what do I expect from him? He was like a girl version of Yareli, inosente sa lahat ng bagay at sobrang bait sa mga taong nasa paligid nila kahit hindi na nila alam na niloloko at pinapaikot na pala sila. Pinaupo ko si Ronnie sa stool katabi ko at nag-aalangan ito bago tumabi sa akin. Inabutan ko siya ng drinks na in-order ko para sa kanya pero umiling siya at sinabing hindi siya iinom. "Don't be a killjoy, Ronnie. Samahan mo akong mag-inom!" I said, smiling. He sighed dahil mapilit ako at sumimsim ng kaunti sa binigay kong drinks sa kanya. "Hanggang kailan mo ba gagawin 'to, Juancho?" Ronnie said seriously dahilan para mapahinto ako. I chuckled. "Ang alin? I'm just having fun because I'm single. Bawal na ba akong uminom at magsaya?" Tiningnan niya ako mariin. "Kasal na si Ya

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 49

    Third Person's POV WALA nang ibang mahihiling si Grant sa buhay niya dahil kasama niya ang pinakamamahal na babae sa iisang bubong at nalaman niyang may nararamdaman din ito para sa kanya. Wala siyang maramdamang inggit at selos kung may apat pang minamahal si Yareli dahil kapatid naman niya ang mga lalaking karibal niya sa puso nito at talagang malalapit sila sa isa't-isa simula noong mga bata pa lang sila. Kung may minsan man silang pagtatalo ay mababaw na dahilan lang iyon. Sa kabila ng ginawa nila noon kay Yareli ay pinatawad pa rin sila nito sa huli at binigyan ng pangalawang pagkakataon para makabawi sila sa mga naging kasalanan at pagkukulang nila rito maging pati na kay Hershe na anak ng kanyang panganay na kapatid na si River. Sa pinaplanong pagpapakasal ni Efraim kay Yareli sa susunod na taon kahit hindi na ito legal katulad nang kay River dahil bawal ang polygamous marriage sa Pilipinas ay nasasabik na si Grant sa oras na siya naman ang maikasal sa babaeng mahal. Sa buong

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 48

    Yareli's POV MAKALIPAS ang dalawang linggo na pagtuloy namin sa San Felicidad matapos ang kasal namin ni River ay bumalik na kami sa bahay namin sa Maynila. Noong araw din ng kasal ko ay may hindi magandang nangyari sa akin na kagagawan ng kababata kong si Jestin. Matapos ang pangyayaring iyon ay nabalitaan ko na ang hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin si Jestin at nagpapagamot ito dahil sa mga natamo niyang sugat at pasa sa katawan na kagagawan ng apat na magkakapatid na Steffano. Sa hindi ko inaasahan ay biglang sumulpot sa bahay namin ang asawa ni Jestin at dala nito ang anak nilang lalaki na isang taong gulang na katulad ni baby Hershe. Humihingi ito ng tawad nang dahil sa ginawa ni Jestin sa akin. Lumuhod sa harapan ko ang asawa ni Jestin at sinabing huwag ko nang ipakulong ang asawa niya dahil wala na raw bubuhay sa anak nila kapag nangyari iyon. Itinakwil na rin daw si Jestin ng mga magulang nito dahil sa gulo at problemang dinadala nito sa pamilya nila kaya siya na lang a

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 47

    Yareli's POV After 1 month... SA hiling ko ay sa San Felicidad church kami ikinasal ni River. Sa church na kung saan ay iyon na ang kinalakihan kong simbahan at dahil miyembro si Inay ng choir roon ay kilala namin ang mga pari, sakristan, madre, at ibang mga miyembro sa simbahan. Talagang pinaghandaan ng pamilya ni River ang kasal namin at sa tulong na rin nila Inay, Itay, at Kuya Yasewah. Simple lang ito at hindi magarbo. Hindi ko na maidetalye kung ano ang nangyari sa kasal namin ni River pero sa huli ay nagpalitan kami ng "I do's" at pagkatapos ay hinalikan namin ang isa't-isa sa harap ng altar. Sa dami ng pagsubok, problema, sakit, at hirap na naranasan ko ay posible pa pala na sumaya ako nang ganito. Tama nga ang naging desisyon ko na bigyan ang Steffano brothers ng pagkakataon para makabawi sa lahat ng kasalanan nila akin at maalagaan at masuportahan si baby Hershe. Ang reception ng kasal ay ginanap na lang sa bahay. Mabilis na napa-renovate ni Efraim ang bahay at mas lalo i

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 46

    Yareli's POV NANDITO kami ngayon ni baby Hershe at Daddies niya sa Graduation day ni Amir. Proud na proud ako kay Amir dahil nakagraduate na siya ng kolehiyo. Pagkaakyat ni Amir sa stage para tanggapin ang diploma niya ay kaagad niya kaming tinawag ng mga kapatid niya para mag-picture taking kami. Ramdam ko na habang nasa stage kami ay halos lahat ng tao at estudyanteng grumaduate ay nakatutok sa amin. Hindi na ako magtataka dahil bukod sa may kasama akong mga naggaguwapuhan at matitipunong lalaki ay kasama pa ako at si baby Hershe. Hindi na lang namin pinansin iyon at pagkatapos magpicture taking ay bumaba na kami mula sa stage at bumalik sa puwesto namin. Kinarga ni Amir si baby Hershe na pilit inaabot ang suot niyang itim na toga. Binigay naman ito ni Amir. May mga iilang kaklase ni Amir ang bumabati sa kanya at tinatanong kung sino ang batang karga niya, sinasabi ni Amir na anak niya ito kaya nagulat doon ang mga kaklase niya at hindi raw nila akalain na may anak na ito. Napang

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 45

    Irvin's POV NANG magpunta ako sa garden para mag-vape ay nadatnan ko si Juancho na umiinom ng beer sa lamesa. Madaling araw na pero hindi pa pala siya natutulog. Nilapitan ko siya. "Ikaw pala," sabi niya nang mapansin ako. "Can't sleep?" tanong ko at inumpisahan nang gamitin ang vape ko. "Yeah," he answered. "You still love her," I said. He chuckled. "Remember? Inagaw n'yo lang si Yareli sa 'kin dahil ako naman talaga ang unang minahal niya. Kung hindi niya kayo nakilala, ako ang nakatuluyan niya at kami ang nagkaroon ng anak. Bakit niya pa kasi kayo nakilala, ha?! She fell out of love for me, and it still hurts!" he blurted out due to drinking too much. I feel bad for him. But Yareli still chose us over Juancho, and she didn't love him anymore because her love and attention shifted to us five siblings. We love her too, so we can't do anything about it. Maybe this is our fate because even if Yareli loved Juancho, we wouldn't let go of her, and we would make sure she loves us.

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 44

    Yareli's POV BUONG maghapon ay hindi ko pinansin si River. Ewan ko, basta naiinis ako sa kanya! Nakita ko namang pati siya ay nabigla rin sa paghalik sa kanya ni Joanna kanina sa restaurant pero naiinis pa rin ako dahil in-entertain at kinausap niya ang babaeng iyon. May ideya naman siguro siyang pinagseselosan ko si Joanna pero pinapansin niya pa rin ito sa tuwing nakikita namin sila kasama ang kapatid nitong si Jordan. Umaakto nga siguro ako na parang bata pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan sa eksenang nakita ko kanina. Nabahiran na ng maduming laway ni Joanna ang labi ni River na mas lalo ko pang ikinainis. Hindi ko alam kung ilang balde na ang nailuha ko habang nagkukulong ako sa loob ng kuwarto namin. Nakaramdam rin ang Steffano brothers lalo na si River na gusto ko munang mapag-isa. Ako lang ang mag-isa sa loob ng kuwarto dahil si baby Hershe ay inaaliw ni Amir sa bakuran ng bahay. Naalala ko na nabanggit pala sa akin ni Amir na kailangan naming dumalo sa Graduation

  • Steffano Brothers' Obsession   Chapter 43

    Third Person's POV SA buong buhay ni Yareli ay ngayon lang siya nakaramdam ng inis at selos sa isang tao. Kahit noong naging magkasintahan sila ni Juancho ay hindi naman siya iyong tipo ng babae na naiinis at nagseselos. Likas nang babaero si Juancho kaya parang wala na lang sa kanya kung may kasama itong ibang babae kahit mahal niya ito. Ngayon ay iba na, pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagtagpo ang landas nila ni Joanna. Ang babaeng halatang may interes pa rin kay River. Hindi yata makaramdam ang babaeng ito dahil kahit nalaman nitong may anak na sila ni River ay todo pa rin ang harapang panlalandi nito. Mas nagngingit siya sa inis at selos dahil si River naman ay mukhang aliw na aliw kay Joanna habang nagkukwento at kumakain sila sa isang restaurant sa loob ng mall. Sumama na lang bigla sina Joanna at Jordan sa kanila dahil nagugutom na raw sila at naghahanap ng kakainan kaya sumabay na ang mga ito. _Hindi rin ba makaramdam ang River na 'to na ayoko kay Joanna? Lalo pa't n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status