"Nasa paraiso ba ako?" Bulalas ni Rosette nang matanaw ang malawak na lupain ni Elliot Jan Mallary. Nakanganga siya habang namamanghang nilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi pa sumisikat ang araw nang makarating sila. Suminghot niya ang matamis na amoy ng mga strawberry. "Good morning, Rose! Ready to harvest some strawberries?" bati ni Elliot na sumulpot sa likod niya. Ay butiki! Napaigtad siya sa gwapong butiki na sumulpot na parang kabuti. Nilagay nito sa kanyang ulo ang hawak na sombrero. Ang makisig niyang boss ay nakasuot ng simpleng t-shirt na mahaba ang long sleeve na kagaya ng mga magsasaka. May nakasabit na tuwalya pa sa balikat. Natutunaw siya sa gwapong farmer. "Oo naman po. Excited na ako!"kumikislap sa tuwa ang kanyang mga mata. "Saka i-shi-share ko ang iba sa kapatid ko." Natigilan si Elliot nang inabot ang basket sa kanya. Naiintriga itong tinaas ang kilay."Kapitid? May kapatid ka?"ilang taon na siya?" "He's a few years younger than me. Hindi ko alam kung g
Nadatnan ni Elliot si Rose na abala pa sa mga langgam na tumatakbo paroon at parito sa kanyang kusina. Kakagising niya lang at blurred pa ang mga mata niya. Hindi niya ma-gets ang isang 'to. Late silang natulog kagabi kasi nanood pa sila ng netflix. At heto maaga siguro nagising para panindigan ang sinabi nito kagabi.Naamoy niya ang mabango at matamis na strawberry. Ginutom siya at gusto niyang kumain ng slice bread na may palamang strawberry jam. Hindi niya inaasahan na mahilig ito sa matatamis. Marahan siyang humakbang. Sinisugurado na hindi siya lilikha ng ingay. Gugulatin niya si Rose. "Anak ng butiki!"hiyaw ni Rose matapos niyang takpan ang mga mata nito. Humihingal itong huminto sa harap ng hinuhukay nitong jam. Sumaltik pa ang hawak nitong sandok.Nangatal ang puso niya nang maramdaman ang init ng mukha nito. Tila apoy na nasusunog. "Guess who?"anang ni Elliot. Pinaliit ang boses gaya ng chipmunks.Yumugyog ang balikat nito. Pinpigilan ang tawa. Malamang iniisip nito na para
Masisingahap na naman ni Rose ang polluted na hangin ng Manila. Parang kailan lang siya pumunta sa Bagiuo pero gusto niyang bumalik ulit doon. Back to reality... kailangan niyang ipagpatuloy ang misyon.Sinimulan niya ang linggo na lubog sa trabaho. Naging tambak ang trabaho ni Elliot kasi pumunta sila ng Bagiuo. Exaggerated kasi ang ama nitong si Edmund Mallary. Noong isang araw sinugod nito si Elliot sa opisina. Parang nagka-world war three lang sa init ng kanilang argumento.Minsan naawa rin siya sa boss niya. Ipit na ipit ito sa bagay na ayon sa mga magulang nito. Nawawalan ito ng tunay na kasiyahan para sa kasiyahan ng iba. Napatiim bagang siya, hindi niya masikmura ang ginagawa niyang panloloko sa ngayon. Kung malalaman man nito sa hinaharap. Pipiliin niyang magpakulong. She don't deserve to be his friend. Lalo nang hindi niya deserve na mahalin siya nito.Sino ba siya? Siya si Rosette Valentino, ang hampas lupa na sasaktan si Elliot Mallary para sa pera.Nagtitimpla siya ng kap
Napahilamos ng mukha na wala sa oras si Rosette. Nagkamali siya. Nagkamali siyang itaya ang kalahating milyon sa pustahan. Ipinusta niya iyon sa kaibigan niyang si Priscilla. Nakipagkarerahan kasi ito ng kabayo sa matagal na nitong rival. Sa sobrang mahal niya sa kaibigan. Nagpatanga siya at pinusta ang pera na para sana sa investment ng nalulugi nilang companya.Natalo si Priscilla. Natunaw lahat ng pera niya.Bobo ka talaga, Rosè! Sinasampal niya ang sarili at parang nauupos na kandila na umupo sa bench. Lumapit si Priscilla sa kanya na may malungkot na mukha.Tinapunan niya ito ng matalim na tingin, "dinismaya mo ako. Now, I have also lost my money. What shall I do?""I'm sorry..."ito lang ang tanging nasabi ng kaibigan niya.Pagkatapos non ay dumalo siya sa concert ng paborito niyang kpop group para makalimutan ng kaunti ang problema niya. Subalit hindi niya na enjoy yon. Ano na lang ang sasabihin niya sa ama niya?Nasa labasan na siya nang bigla siyang may nabangga na babae. Kail
"Can I ask for a vacation for 3 months?" Lakas loob niyang paghihingi ng permission sa kanyang Ama. Awtomatiko itong inangat ang tingin sa kanya. Nasa study room sila ngayon. Sumasakit ang ulo niya sa tuwing makikita ang nakakalat na libro at papeles sa sahig at mga kahon na papapatong sa isang angolo. Nangnganib na kasing malugi ang family business nila. Sinara ni Gabriele ang laptop nito. Lumukot ang haggard nitong mukha saka tinanggal ang salamin. Nasa 50 pa lamang ang edad ng ama niya pero mabilis itong tumanda. Puti na ang ilang strand ng buhok nito at halos makalbo na. "Why 3 months?" Tanong nito. "I'm exhausted, Pa. I want to take a rest." Daing niya sa childish na tono. Umaasta naman siyang bata sa harap nito. Inikot-ikot niya ang ilang strand ng caramel color at wavy niyang hanggang beywang na buhok. May lahi kasi silang Italian kaya nakuha niya ang kulay ng buhok sa ama niya. "Saan ka naman pupunta? At bakit ba for 3 months?" Madiin nitong tanong. Inikot niya ang p
"What?"Naiiritang bulyaw ni Elliot Jon Mallary sa secretary niya. Kumunot ang noo niya. Tinitigan ng may pagkalito ang babae sa harap niya. "Magre-resign ka na? Kaka-hired ko lang sa'yo last week. I found you reliable and diligent. Sayang naman kung aalis ka. Kung alam mo lang kung gaano kahirap maghanap ng mga employee na mapagkatiwalaan."Yumuko ito. "Sorry po talaga Sir. Sinabi kasi ng asawa ko na mag-stay na lang po sa bahay para maalagan ko ng mabuti mga anak namin. Maraming salamat po kahit short stay lang ako,"kalmado nitong paliwanag. "Hay! Sayang,"sinapo niya ang noo. "Fine. I dismiss you. Thank you also for everything. I hope I can find another one like you."Sumandal siya sa swivel chair. Nanghina siya sa desisyon ng secretary niya. Mawawalan naman siya ng isa pang trustworthy na manggagawa. "Maraming salamat po ulit, Sir,"nakangiting sambit nito bago lumabas ng opisina niya.Bumuga siya sa hangin. Sumikip ang dibdib sa tumatambak na frustration sa loob ng dibdib niya. T
Humugot ng malalim na hininga si Rosè, inaayos ang skirt habang papasok sa opisina ng bago niyang boss. Ito ang unang araw niya bilang secretary ni Elliot Jon Mallary. Ang ceo ng sikat at marangyang Mallary Group. Pero isa siyang fake. Magdi-disguise siya ayon sa deal nila ni Juliette. Napa-believe din siya rito kasi nagawa nitong papasukin siya na walang problema. Binayaran lahat ni Juliette ang mga taong pwedeng humadlang sa plano. Pinaalis nito ang dating secretary at ginawa nitong accomplice ang HR manager.Bago pa man simulan ang misyon niya, dalawang beses niya itong na- emcounter. Una sa cafe na inaway pa niya at pangalawa kahapon, sa daan iyon at muntikan na siyang mabangga. Sa anong kadahilanan bakit kailangan nilang magkita? Nakilala niya agad na si Elliot yon dahil nasa forbes at time magazine ang mukha nito at sikat pa sa social media. Siya malamang ang hindi kilala nito.She finally entered Jon Mallary’s sleek office. It is filled with modern decor and floor-to-ceiling
"Is there something about your new secretary?" Umalingawngaw ang boses ni Magnus. Kasalukuyang nasa mini-bar si Elliot sa bahay ng kaibigan. Tinamad kasi itong pumunta sa labas. Kaya siya na lang ang tumungo rito. Umismid siya. Hindi niya ito napansin kasi bigla siyang nawala sa sarili sa kakaalala ng mukha ni Rosè."Nothing. Why?"sabi niya saka nilagok ang gin na hinanda ni Magnus.Kumunot ang noo nito,"na-curious lang ako. Since na dumating ka dito palagi kang nakatulala. Bakit maganda ba ang secretary mo?" Biro pa nito.Binigyan niya ito ng masamang tingin. "Wala akong interes sa kanya saka may fiancé na ako,"rason niya.Ilang sandali silang nagahimik."Sa dami ng babae bakit si Juliette pa,"bulong nito."Did I upset you, Magnus? Kung ako lang ang masusunod hindi ko gagawin ang arranged marriage na 'to,"maingat niyang lahad."What are you talking, bro? Wala akong ni katiting na feelings kay Julie. Saka wala akong problema kung pakakasalan mo siya,"mabilis nitong paliwanag pero ob