Paglabas ni Jane ng studio, dumiretso siya sa rooftop. Naisip niyang walang makakakita sa kaniya doon. Pagdating niya ay agad niyang sinara ang pinto. Naghanap siya ng pwedeng pwestuhan. Sa isang sulok sa bandang kanan, sumandal siya at tahimik na umiyak.
“Waaaaah. Huhuhuhuhu”
Napatigil sa pag-iyak si Jane nang marinig ang ngawang yun. “May ibang tao dito?”
Nilibot niya ang paningin. Sa pinakasulok nanggagaling ang malakas na pag-iyak. Lumakad siya papalapit sa ingay. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa lapag, nakabukaka at nakangangang umiiyak.
“I-ikaw?”
Napatigil si Ash saglit at bumalik sa pag-iyak. Umupo si Jane sa tabi ni Ash, pero nakatiklop ang mga hita nito. Sinabayan niya ang pag-iyak ni Ash.
“Waaaaaaaah.” Nilakasan din ni Jane ang pag-iyak.
Napatingin si Ash. “Waaaaaah! Waaaaah!” Mas nilakasan niya pa ang iyak niya.
“Waaaaaaaaaah!!!!!”
“Waaaaaaaaaah!!!!!”
Nagpalakasan ng iyak ang dalawa. Nang lumakas na nang sobra ang pag-iyak nila, nagkatinginan ang dalawa at natawa.
Pinunasan ni Ash ang sipon niya gamit ang likod ng palad. “Nakakagutom.”
Nagpunas din ng luha si Jane. “Oo nga.”
“Gusto mo ng suman?”, iniliabas ni Ash ang mga baong suman at ngumiti kay Jane.
---
“Anong sabi?”
“Wala raw akong talent.”
“Grabe naman yun. Anong itsura nung nagsabi nun?”
“Mataba na malaki boobs,” sabay subo nang Malaki sa hawak na suman. “Ang lakas lakaspa ng pagkasabi niya.”
“May nunal ba sa ilong? Si Ate Pinky yun. Strict talaga yun.”
“Sakit niya pa ring magsalita. Sabi ba naman, wag na raw akong mangarap maging artista,” nag-uumpisa na namang mangilid ang luha sa mga mata.
“Shhhhh,” Jane tapped her at the back. “Pero, Ash, matanong ko lang. Bakit ba gustong gusto mong mag-artista?”
“Artista kasi yung nanay ko. Pangarap niyang maging artista rin ako kagaya niya.”
“O? Anong pangalan ng nanay mo?” She leaned toward Ash’s direction. Suddenly, naging interesting para sa kaniya ang pag-uusap nila.
“Conchita Calleja.” Proud na sinabi ni Ash sabay ngiti.
“Co-Conchita Calleja. Uhm, di ko siya kilala. Matagal na siguro siyang nagretire?”
“Matagal na. Bago pa ko ipanganak.”
“Aaah. Kaya pala. Anong mga pelikula niya dati? Baka maalala ko?”
“Adobong Kangkong.” Proud na ngumiti sabay kumagat sa suman.
“A-Adobong Kangkong?” Kunot-noong ulit ni Jane. “Hindi ko alam yun e. Ano pa?”
“Yun lang.”
“Yun lang??”
Medyo nainis si Ash sa tono ni Jane. “Bida naman siya dun, noh.”
“Aaah. Syempre nagtataka lang ako. As in yun lang?”
“Pagkatapos kasi ng pelikulang yun, nabuntis na si nanay. Mas pinili niyang alagaan ako kesa ipagpatuloy yung pangarap niya. Kaya ngayon, tutuparin ko yung pangarap na yun.”
Jane smiled. “ng sweet naman ng nanay mo. Nasan na siya ngayon?”
Nabahiran ng lungkot ang mukha ni Ash. “Wala na. Dalawang taon nang nakakalipas. Nagkaroon kasi siya ng sakit kaya…”
“Sorry.”
“Okay lang. Simula nun, nag-umpisa ko nang seryosohin yung pagpunta sa mga auditions.”
“Aaah. Kaya pala. Ako rin, pinangarap ko rin talagang maging artista.”
“Talaga?”
“Oo. Kasi idol ko si Charo Carbonell. Bata palang ako ginagaya ko na yung mga eksena niya sa pelikula.”
“Wow! Diba siya yung mommy ni Alice Carbonell?”
Naiba ang mukha ni Jane. “Oo. Anak niya si Alice.”
“Ako, sobrang idol ko si Alice!”
“O?” Sarcastic na tanong ni Jane.
“Sobra! JOHNICE FANATIC kaya ko! Kabisado ko lahat ng pelikula nila!”
“Wow.” Sarcastic ulit ang pagkakasabi niya.
“Sobrang bagay sila, noh?”
Ngumiti lng si Jane at sumipsip ng melon cucumber juice.
“Teka, ikaw? Bakit ka pala umiiyak kanina?”
“Artista kasi yung boyfriend ko.”
“Ay, bigtime ka pala! Ano namang nakakalungkot dun?”
“May loveteam siya. Hindi ako. Nung pumasok siya sa showbiz, I was very proud. Sabi ko, gagawin ko lahat para makapasok din sa mundo niya. Para matupad yung pangarap kong maging love team kaming dalawa. Kaso di kami nagtagpo.”
“Bakit?”
“Kasi nagkaroon lang ako ng opportunity nung sobrang sikat na siya. At may ka-love team na siyang iba.”
“E bakit di nyo nalang aminin yung tungkol sa inyo? Para di ka na magselos sa partner niya.”
“Sabi niya wag muna. He said he’s just protecting me. Pero ito, ang hirap na.”
“Sino ba yang boyfriend mo? Kilala ko ba?”
Ngumiti si Jane kay Ashley, “Yung love team ng idol mo.”
---
“Ang bilis ng oras, magsi-6pm na pala,” tumingin si Jane sa relo. Mahigit isang oras ding tumagal ang kwentuhan nila.
“Oo nga,” tumayo si Ash at sinundan siya ni Jane. “Christine Jane, maraming salamat ha. Sa pakikinig sakin tsaka sa pagshi-share ng buhay mo.”
“Wala yun. Tsaka Jane nalang, or CJ, ang itawag mo sakin. Alam mo, masaya ako kahit papano alam kong napagaan ko ang loob mo, at ikaw rin. Napagaan mo loob ko.”
Ash smiled, “Wag ka nang malungkot. Tingin ko naman, mahal ka ng boyfriend mo. Talagang mahirap lang ang sitwasyon ngayon.”
Jane sighed. “Well, I don’t know.”
They were about to go downstairs nang mapansin niya ni Ash na may tao sa edge ng rooftop. “Oh, my gosh!”
Nagtaka si Jane, “Bakit? Ano yun?” Mapapatingin siya sa direksyon kung saan nakatingin si Jane. “Naku! Sino yun?!”
Nakaupo ang babae sa edge ng rooftop. Ihip lang ng malakas na hangin, mahuhulog na ito. Sa pagkataranta, napatakbo sina Ash at Jane para pigilan ang babae sa iniisip nilang gagawin nito. “Wag! Wag kang tumalon! Wag!”
Lumingon sa kanila ang babae at bakas ang pagtataka. Makikilala niya si Jane. “Jane?”
Napahinto si Jane, “Nads?”
Jane and Nadine used to be best friends. Nagkakilala sila sa isang audition and they became friends. Since then, lagi na silang magkasamang pumupunta sa mga auditions at sabay rin silang pumirma ng kontrata sa isang maliit na agency kung saan nagkakaroon ng projects ang mga pasibol palang na artista.
Fortunately for Nadine, nagclick ang isa sa mga movies na pinagbidahan nila ni James. Dahil sa movie na iyon, nagkaroon sila ng napakaraming supporters hanggang sa nakatanggap siya ng offer na magkaroon ng show sa REB-RSN. Jane, on the other hand, had not been given her big break. Dahi sa dami ng pumasok na projects kay Nadine, hindi na nagtagpo ang dalawa. They had not met each other for more than a year, until that moment on the rooftop.
“Nads, anong ginagawa mo? Maghulus dili ka!” Nag-aalalang sabi ni Jane.
Labis ang pagtataka ni Nadine, “Wh-what?” When she suddenly realized what was going on, napatawa nalang siya nang malakas. “Oh, my – HAHAHAHA. You don’t think – oh, no. Umupo lang ako dito to relax. I’ve been doing this for a while now.”
Bumaba si Nadine sa kinauupuan at hinarap ang dalawa. Ngumiti ito kay Jane at niyakap ito. “Gosh. I missed you.”
“I miss you, too.” Jane meant that. Isa si Nadine sa mga closest friends niya. “Si Ashley nga pala,” itinuro ni Nadine si Ashley.
“Hi, Ashley.”
“H-hi,” banggit ni Ashley na nakatitig kay Nadine at nanlalaki ang mata.
“Uhm, are you okay?”
Jane looked at Ashley, “Haha. Na-starstruck lang yan. Bakit ka pala andito? Okay ka lang ba?”
Nadine’s smile faded. She sighed. “Si James..”
“He’s cheating on you?” Nakakunot-noong sabi ni Jane sa kaibigan. Naupo silang tatlo sa spot kung saan sila nag-iiyakan ni Ashley kanina.Nadine nodded. “He’s been cheating on me. I don’t know kung sino yung girl this time but it’s his fourth.”“My gosh, Nads,” hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Bakit ka pumapayag?”“Well, at first, nadaan ako sa apologies. Sa promises na hindi na mauulit. First and second, tinanggap ko kasi akala ko mahal niya ako.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Nadine. Napansin ito ni Ash.Nilabas ni Ash ang tissue mula sa bag niya at iniabot kay Nadine.“Thank you,” pinunasan ni Nadine ang luha niya at nagpatuloy sa pagki-kwento. “His third was Samantha.”“Samantha? Yung kapatid ng best friend niya?”“Yes.”“Pero diba friends kayo nun ni Sam?”Lalong tumulo
“Hay naku! Napakarami mo namang pinabitbit na damit,isang eksena ka lang naman!” Reklamo ni Danna habang nakabuntot sa kanyang best friend.“Bes, tatagal ng isang minuto yung eksena ko sa TV! Isang minuto, Bes! Achievement unlocked to!” Abot-tenga ang ngiti ni Ashley at ramdam ang kilig at gigil sa mukha at boses niya. Natanggap niya ang tawag mula sa isa sa mga staff kaninang umaga.“Sa lahat ng project na natanggap ko, Bes, eto na ang pinaka-challenging! Makakaharap ko yung mismong bida! Eto na yung simula ng career ko! Eto na ang breaking project na magpapayaman sakin!” Itinaas pa ang kamay na parang nanalo sa lotto.Napangiwi nalang si Danna habang pinapanuod ang kaibigang hindi man lang naisip na tulungan siya sa mga dala-dala niya.“Kaya kailangan perfect dress ang suot ko! Wala na kasi akong time mamili kanina.” Napahinto sa paglalakad ang dalawa ng makita ang set.“Okay, next scene in 5
Matamlay na tinapon ni Ash ang bag sa sahig.“B-Bes.. Okay lang yan. Diba nga, achievement na yung tumagal ng isang minuto yung eksena mo?”Tumingin si Ash kay Danna na may pilit na ngiti at naluluha ang mata. Lumapit si Danna sa kaibigan.“Nako naman. Wag ka nang malungkot. Try and try until you die.” Hinaplos ang ulo ng kaibigan.Tumingin lang ulit si Ash na naluluha pa rin.“Aaay. Gusto mo luto kita ng paborito mong pancit canton na may bacon?” Malambing na pagkumbinsi ni Danna.Sa wakas, ngumiti na si Ash. “Tapos may boiled egg ha?”Ngumiti si Danna at naglakad patungong kusina. Nag-umpisang ihanda ang mga kailangan. “Bes, bakit ba kasi gustong gusto mo mag—artista?”Napatingin lang si Ash at naalala ang ina.“O diba, anak? Sabi sayo mananalo ka e!”“First place nga lang, nay e. Sorry po.”“Ano ka ba nanalo k
EPISODE 3: “LOVE TEAM”“Bes, pasensya na talaga di kita nasamahan ha? Medyo malaki kasi offer e. Pramis, babawi ako sayo.”Bitbit ni Ash ang limang bag ng mga gagamitin niya para sa audition. Nagdala siya ng maraming gamit dahil wala na naman siyang oras mamili dahil tinanghali siya ng gising.“Okay lang, Bes. Di mo naman kikitain yang 2500 sakin ngayon araw, noh? Basta libre mo ko mamaya ha?”“Hahaha. Oo naman. May pitsa ka sakin mamaya.”“Yown! Teka, saan ba yang— Aray!” Bumangga si Ash sa isang babae. Nahulog ang ilan sa mga bag na dala niya.“Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!”“Naku! Pasensya na po.” Pinulot ni Ash ang mga nahulog na gamit. Tumayo at tinignan ang babae. Galit na galit ito. Pero namangha siya sa nakita niya.“ALICE!!! Alice Carbonell!! OMG! Fans mo ako! Pwede magpapicture?” Kinuha ang