EPISODE 3: “LOVE TEAM”
“Bes, pasensya na talaga di kita nasamahan ha? Medyo malaki kasi offer e. Pramis, babawi ako sayo.”
Bitbit ni Ash ang limang bag ng mga gagamitin niya para sa audition. Nagdala siya ng maraming gamit dahil wala na naman siyang oras mamili dahil tinanghali siya ng gising.
“Okay lang, Bes. Di mo naman kikitain yang 2500 sakin ngayon araw, noh? Basta libre mo ko mamaya ha?”
“Hahaha. Oo naman. May pitsa ka sakin mamaya.”
“Yown! Teka, saan ba yang— Aray!” Bumangga si Ash sa isang babae. Nahulog ang ilan sa mga bag na dala niya.
“Ouch! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!”
“Naku! Pasensya na po.” Pinulot ni Ash ang mga nahulog na gamit. Tumayo at tinignan ang babae. Galit na galit ito. Pero namangha siya sa nakita niya.
“ALICE!!! Alice Carbonell!! OMG! Fans mo ako! Pwede magpapicture?” Kinuha ang cellphone at excited na tumabi kay Alice.
“Excuse me?!” Malakas na sigaw ni Alice. Napatingin ang mga tao sa lobby. “Kani-kanina lang binangga mo ko tapos ngayon, umaarte ka na parang walang nangyari?!”
“A-Alice. So-sorry.” Namula sa kahihiyan si Ash.
“You, stu—“
“Alice!” Sigaw ng isang lalaki. Si Greg Carbonell, CEO ng REB-RSN. “Direk Coco is waiting for you.”
“Yes, daddy.” Tinignan pa ng masama si Ash saka lumakad paalis.
Maluha-luhang minasdan ni Ash ang idolo. Nilapitan siya ni Jane.
“Miss, okay ka lang?”
Parang batang inagawan ng laruan ang mukha ni Ash nang lumingon kay Jane.
“Oh. Hmmm. Pagpasensyahan mo na si Alice. Baka pagod lang siya. Water?” Inabot ang 500g na tubig.
“Salamat.” Agad na tinaggal ang takip ng bote at uminom. Mapapatingin ulit kay Jane. “Wait, kilala kita!”
Napangiti lang si Jane.
“Ikaw yung kapatid ni Entoy dun sa Entoy Kabisote e.”
“Y-yeah.”
“At saka yung best friend ni Carda dun sa Probinsyana.”
“Hehe. Yes.”
“Crystal?”
Nawala ang ngiti sa mukha ni Jane. “Uh, no.”
“Crisha?”
Ngumiti ng awkward si Jane.
“Cri-“
“Cristine Jane. Cristine Jane Garcia.” Sarcastic ang pagkakangiti niya.
“Aaah. Oo nga. Christine Jane. Sorry, nakalimutan ko.”
“It’s okay. Saan pala punta mo?”
“Aah, sa audition para sa Stars City.” Nanlaki ang mata ni Ash. “Naku, Jane! Pasensya na. Nagmamadali pala ako. Salamat ulit ha?” Iniabot ang tubig kay Jane at tumakbo paalis.
Tinignan ni Jane ang bote ng tubig na ininuman ni Ash. “Nice.” Tinignan niya si Ash habang tumatakbo. Hindi niya alam kung nangingiti siya dahil sa tuwa o inis.
---
“At ngayon wag na nating patagalin! Let’s give it up to JOHNICE!”
Malakas ag hiyawan ng mga tao. Lahat ay kilig na kilig sa performance nila John at Alice kahit lip sync lang naman ito. Naghandog sila ng awitin para sa kanilang mga fans.
Nanuod lang din si Jane at pinagmasdan ang paghahawak-kamay, paghawak sa baywang, malagkit na titigan, pagngiti at paglalapit ng mukha. Siya lang ata ang nag-iisang tao sa studio na hindi natutuwa sa nakikita niya.
Nang matapos ang performance ng JOHNICE, pinapunta lahat ng cast ng pelikula sa harap. Isa-isa nilang binanggit ang mga role nila, si Jane bilang best friend ni John sa pelikula. Syempre, nahuli ang mga bida.
“Tell us. Tungkol saan ba ang “YOU ARE MY SONG”?
“It’s about choosing between love and ambition.”
“Interesting. So, curious ang mga fans. Marami raw bang nakakakilig na scenes?”
“Of course. But aside from kilig, it will teach us the deeper meaning of love.”
“Nice. Speaking of love, ano na ba ang estado ng relasyon ng JOHNICE ngayon?”
Naghiyawan ang mga fans. Napatingin si John kay Jane.
Ngumiti si John sa host. “Sa ngayon, may mga priorities pa kami—”
“Pero who knows?” Tinignan ni Alice si John at kinurot ang pisngi nito. “We’re just getting closer and closer.” Naghiwayan ang mga fans.
Matapos ang promotion ng pelikula ay nagsilakad na sila backstage. Nanguna si Jane na nagmamadali. Agad naman siyang sinundan ng boyfriend.
“Jane,” hinawakan ang braso ni Jane, “kagabi mo pa ako di kinakausap.”
“John.” Tinignan ng magkasintahan ang tumawag na si Alice. Lumapit si Alice at hinawakan ang braso ni John. “Tawag tayo ni Direk.”
“Uhm, lahat tayo?”
“Yes. Pero may private meeting tayong dalawa sa kanya.” Tinignan ni Alice si Jane. “Hey, are you okay? You look upset.”
“Okay lang. Pakisabi nalang kay direk, CR lang muna ako. Sunod nalang ako sa meeting.”
“Sure.”
Lumakad si Jane palabas sa exit. Malungkot na minasdan ni John ang girlfriend.
“Tara?” Hinatak ni Alice si John.
---
“Love, where are you?”
“Love, uwi ka na. Miss ka na ni baby Zera.”
“Love, Jom’s so angry right now.”
“Baka malaman ng media na umalis ka sa condo natin.”
“Manay Lelet texted. Nakita ka raw niya sa Narra Hotel.”
“Nadine. Can we talk it over?”
“Nads!”
“Okay, I’m sorry, love. I love you.”
“I LOVE YOU.”
Umupo si Nadine sa couch sa tapat ni James. Inabot ni James ang slice ng cake at kape na in-order niya bago pa dumating si Nadine.
“Almond sans rival and hot caramel macchiato. Your favorite.” Ngumiti si James.
“Thanks.” Pilit na ngumiti si Nadine.
“Love, about last night—”
“Please, don’t. Don’t ruin my mood. Ayaw mo naman sigurong makita ng mga paparazzi na nakasimangot ako.”
“Okay,” sinilip sa labas ang dalawang lalaking may hawak na camera. Hinawakan niya ang kamay ni Nadine. “But please come back home.”
Tinanggal ni Nadine ang pagkakahawak ng kamay ni James. Hinawakan niya ang mga pisngi ng boyfriend at ngumiti. She was trying to put on a show.
“Para makasamma ang baboy na katulad mo? No.” Ngumiti pa ulit at kinurot ang mukha ni James. Malakas ang pagkakakurot niya kaya mapapasigaw sana si James. “Oops. Wag mong ipahalatang nasasaktan ka. Paparazzi will see.” Ngumiti at tinanggal ang kamay sa pisngi ng boyfriend.
Namula ang pisngi ni James. Gusto niyang magpakita ng pain pero pinilit niyang ngumiti para sa paparazzi.
“So, you’re not coming home?” Iritable na ang boses niya.
“No. Pero I’m willing to meet you in public places like this para lang hindi nila isiping may problema tayo. In that way, di nila iisiping nagloko ka. At di masisira ang image mo.”
“Love—”
“James. I’m trying to do you a favor. Dahil marami kang natulong sakin at sa family ko. So, do yourself a favor. STOP BEING STUPID, AND BEING CAUGHT.”
Gabi na dumating si Nadine sa hotel room. Pagpasok niya sa kwarto, nag-aabang na si Jom.
“Buti naman at ginawa mo yung sinabi ko.”
Umupo si Nadine sa sofa at inabot ni Jom ang script.
“New movie. And again, hindi si James ang leading man. Tinanggap ko. Para lang may distraction ka. Pwede mo pang gamitin yung mga rumors sa inyo for publicity.
Kinuha ni Nadine ang wine sa center table at nagsalin sa baso.
“You may be thinking na I’m so selfish for forcing you to meet him pero Nads, ayoko lang masayang lahat ng pinaghirapan mo.”
Hindi pinansin ni Nadine ang kaibigan at nagpatuloy sa paglagok.
“Nads. You know James. He’s just impulsive. And stupid. But he loves you.”
Napatigil si Nadine. “No.”
Napatigil din si Jom nang makitang umiiyak si Nadine.
“He—he doesn’t. I even doubt if he ever did. Pero eto ako, protecting him and his career.”
“N-Nads..”
“Because.. because.. I love him.” Tuluyan nang humagulgol si Nadine. “Kahit ilang beses na niya akong tinarantado, I love him. I love him, Jom. I love him.”
“Shhhh..” Niyakap ni Jom ang kaibigan.
Paglabas ni Jane ng studio, dumiretso siya sa rooftop. Naisip niyang walang makakakita sa kaniya doon. Pagdating niya ay agad niyang sinara ang pinto. Naghanap siya ng pwedeng pwestuhan. Sa isang sulok sa bandang kanan, sumandal siya at tahimik na umiyak.“Waaaaah. Huhuhuhuhu”Napatigil sa pag-iyak si Jane nang marinig ang ngawang yun. “May ibang tao dito?”Nilibot niya ang paningin. Sa pinakasulok nanggagaling ang malakas na pag-iyak. Lumakad siya papalapit sa ingay. Nakita niya ang isang babaeng nakaupo sa lapag, nakabukaka at nakangangang umiiyak.“I-ikaw?”Napatigil si Ash saglit at bumalik sa pag-iyak. Umupo si Jane sa tabi ni Ash, pero nakatiklop ang mga hita nito. Sinabayan niya ang pag-iyak ni Ash.“Waaaaaaaah.” Nilakasan din ni Jane ang pag-iyak.Napatingin si Ash. “Waaaaaah! Waaaaah!” Mas nilakasan niya pa ang iyak niya.“Waaaaaaaaaah!!!!!”
“He’s cheating on you?” Nakakunot-noong sabi ni Jane sa kaibigan. Naupo silang tatlo sa spot kung saan sila nag-iiyakan ni Ashley kanina.Nadine nodded. “He’s been cheating on me. I don’t know kung sino yung girl this time but it’s his fourth.”“My gosh, Nads,” hinawakan ang kamay ng kaibigan. “Bakit ka pumapayag?”“Well, at first, nadaan ako sa apologies. Sa promises na hindi na mauulit. First and second, tinanggap ko kasi akala ko mahal niya ako.” Nangilid ang luha sa mga mata ni Nadine. Napansin ito ni Ash.Nilabas ni Ash ang tissue mula sa bag niya at iniabot kay Nadine.“Thank you,” pinunasan ni Nadine ang luha niya at nagpatuloy sa pagki-kwento. “His third was Samantha.”“Samantha? Yung kapatid ng best friend niya?”“Yes.”“Pero diba friends kayo nun ni Sam?”Lalong tumulo
“Hay naku! Napakarami mo namang pinabitbit na damit,isang eksena ka lang naman!” Reklamo ni Danna habang nakabuntot sa kanyang best friend.“Bes, tatagal ng isang minuto yung eksena ko sa TV! Isang minuto, Bes! Achievement unlocked to!” Abot-tenga ang ngiti ni Ashley at ramdam ang kilig at gigil sa mukha at boses niya. Natanggap niya ang tawag mula sa isa sa mga staff kaninang umaga.“Sa lahat ng project na natanggap ko, Bes, eto na ang pinaka-challenging! Makakaharap ko yung mismong bida! Eto na yung simula ng career ko! Eto na ang breaking project na magpapayaman sakin!” Itinaas pa ang kamay na parang nanalo sa lotto.Napangiwi nalang si Danna habang pinapanuod ang kaibigang hindi man lang naisip na tulungan siya sa mga dala-dala niya.“Kaya kailangan perfect dress ang suot ko! Wala na kasi akong time mamili kanina.” Napahinto sa paglalakad ang dalawa ng makita ang set.“Okay, next scene in 5
Matamlay na tinapon ni Ash ang bag sa sahig.“B-Bes.. Okay lang yan. Diba nga, achievement na yung tumagal ng isang minuto yung eksena mo?”Tumingin si Ash kay Danna na may pilit na ngiti at naluluha ang mata. Lumapit si Danna sa kaibigan.“Nako naman. Wag ka nang malungkot. Try and try until you die.” Hinaplos ang ulo ng kaibigan.Tumingin lang ulit si Ash na naluluha pa rin.“Aaay. Gusto mo luto kita ng paborito mong pancit canton na may bacon?” Malambing na pagkumbinsi ni Danna.Sa wakas, ngumiti na si Ash. “Tapos may boiled egg ha?”Ngumiti si Danna at naglakad patungong kusina. Nag-umpisang ihanda ang mga kailangan. “Bes, bakit ba kasi gustong gusto mo mag—artista?”Napatingin lang si Ash at naalala ang ina.“O diba, anak? Sabi sayo mananalo ka e!”“First place nga lang, nay e. Sorry po.”“Ano ka ba nanalo k