Share

Kabanata 3

Author: Misty Riosa
last update Huling Na-update: 2021-06-27 19:42:04

"Hey, Zerina! Baby, are you okay?"

Mula sa panonood sa labas ng sasakyan at malalim na pag-iisip ay nailipat ang atensyon ni Zerina sa kaniyang ama na nakalingon ngayon sa kaniya at may bakas ng pag-aalala. Napansin kasi nito ang pagiging tahimik ng anak at ilang beses na niya itong tiningnan gamit ang salamin ng sasakyan pero hanggang sa puntong iyon ay tila malalim pa rin ang iniisip nitong nakatunghay lang sa labas. And as her father, he knows very well that something's going on with his daughter.

Lucio Alcantara is Zerina’s role model. He is the reason why she decided to take up a business course. Para masundan ang yapak ng ama. Lucio is one of the well-known business tycoons in Asia. Tinitingala siya ng karamihan, hindi lang dahil sa kung ano ang nakamit niya, kundi dahil na rin sa kung ano ang pinagdaanan niya bago maabot ang tagumpay. At the age of 20 ay nakapag-establish na siya ng sarili niyang business. At pagkalipas lamang ng mahigit tatlong taon ay nagawa niyang mapalago iyon at maging stable. Take note, nakamit niya iyon sa sarili niyang pagsisikap, sipag, at tiyaga.

Hindi naman kasi talaga galing sa isang mayamang angkan ang ama ni Zerina. Sa katunayan ay naranasan din nitong maghikahos sa buhay. Lumaki siya sa probinsya kasama ang kaniyang ama na si Alfonso at ina na si Felicidad. Ang lolo ni Zerina ay isang magsasaka, ngunit walang sariling lupain ang mga ito at nakikisaka lamang sa isang mayamang angkan sa probinsiya nila sa Batangas. Samantalang ang lola naman ni Zerina ay isa lamang simpleng may-bahay. Mahilig itong mag-alaga ng mga halaman lalo na mga bulaklak. May tanim din siyang mga prutas at gulay na ipinagbibili naman niya ang mga bunga sa pamamagitan ng paglalako sa bayan at mga kapitbahay para may pandagdag sa panggastos sa araw-araw.

Hindi nakatapos ng pag-aaral ang mga ito at halos elementarya lamang ang naabot kaya naman sa abot ng kanilang makakaya ay gumawa sila ng paraan para mairaos ang pag-aaral ng kaniyang ama para makapagtapos ito ng pag-aaral. Palaging sinasabi ng kaniyang lolo at lola na ang edukasyon ang pinakamagandang bagay na maipapamana ng isang magulang sa kanilang mga anak. Higit pa sa kahit na anong yaman, masaya na ang mga ito na napagtapos nila ang kanilang ama at naturuan ito ng tamang asal.

Hindi naman nagkulang sa pagsukli ang kaniyang ama sa mga abuelo dahil tinumbasan nito ang pagsisikap na ginawa ng mga magulang. Sa katunayan ay naging isang working student pa nga siya at paminsan-minsan ay tumutulong sa pagsasaka at pagtitinda ng kaniyang ina. Nang makuha niya ang pagka-Valedictorian noong nasa High School pa lamang siya ay maswerte siyang nabigyan ng scholarship sa pag-aaral sa kolehiyo sa isang prestihiyosong paaralan sa Maynila. Dahil sa biyayang natanggap ay mas lalo niyang inigihan ang pag-aaral at mas nagsikap na hindi kalaunan ay nagbunga rin naman dahil nang magtapos siya sa kolehiyo ay nakuha naman niya ang titulo bilang isang Cum Laude.

Hindi man naging madali ang buhay ng ama ni Zerina ay hindi rin iyon naging dahilan para sumuko siya. Ganoon lang naman ang buhay. Para itong gulong na minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim. Totoo na mapaglaro ang tadhana at walang nakakaalam ng kinabukasan. Pero ang mahalaga ay matuto tayong lumaban at magpatuloy sa bawat laban na kinakaharap. Dapat na sa bawat pagkalugmok ay matuto tayong bumangon at magpatuloy.

Now that Lucio is already in his 40’s, mas lalo lamang napatunayan ang husay niya sa business industry. Kabi-kabila ang negosyong hinahawakan nito at ilang beses na rin itong naiimbitihan sa mga interviews sa TV at magazines.

But what makes Zerina look up to her Dad is the fact that despite his busy schedule, he still manages to take care of the family really well. He always finds time to spend a moment with them at never siyang nawalan ng oras sa kanila. He is not also the strict kind of Dad. Hinahayaan nitong gawin ang gusto nila at sinusuportahan nito lahat ng hilig nila. Hindi naman ito nagkukulang sa paggabay at pagpapaalala lalo na sa pagpapahalaga sa disiplina at responsibilidad.

Para kay Zerina ay ito na ang best dad ever at wala na siyang mahihiling pa.

“Uhm… yes, daddy, I’m okay.” Ngumiti si Zerina at ginawa pang masigla ang kaniyang boses. She doesn’t want him to worry. Lalo na’t sure siyang makakarating din kaagad sa mommy niya kapag may natuklasan itong hindi maganda tungkol sa kaniya. As much as possible ay ayaw nito na nalulungkot siya o may pinoproblema. Lahat ay may solusyon.

“Kanina ko pa kasi napapansing ang lalim ng iniisip mo, anak,” muling sabi nito. “Sure kang okay ka lang, ha?” paniniguro pa nito.

“Nako, Dad, baka kinakabahan lang iyang si little sis dahil unang araw niya sa College,” natatawa namang sabi ng Kuya Lucas ni Zerina. Mayamaya ay binalingan siya nito nang nakangiti. “I told you, sis, you don’t have to worry. I got you, okay? Isa pa, marami kaming handang rumesbak for you, just in case. Plus, huwag ka nang kabahan. College could be hell at times, but, it is really fun. Kung gaano kasaya ang High School, I assure you that College is something better.”

Napatango na lang si Zerina at sinuklian ng ngiti ang kapatid. As usual, his big brother, Lucas Zachary Alcantara stays positive in whatever situation. He is charming and always good with words na kahit gaano pa kabigat ang pinagdadaanan mo, kapag may sinabi ito sa iyo ay parang magic na mawawala lahat ng worries mo. Unlike Zerina, Lucas loves the limelight just like their mom. Kung gaano kamahiyain si Zerina ay ganoon naman kataas ang self-confidence nito. Doon nga yata ito pinaglihi ng mommy niya. Bata pa lang si Lucas ay kabila’t kanan na ang modeling opportunities nito. And as soon as he turned 18, sumabak naman siya sa pagrampa. Lucas is one of the famous ramp models in the Philippines at a young age.

Hindi maipagkakailang gwapo ang Kuya niya. Ang malaanghel nitong mukha ay nagma-match sa magaganda niyang mga ngiti. Matangos din ang ilong nito at makapal ang mga kilay. Hindi ganoon kalalantik ang pilikmata nito pero makapal din iyon na nakuha rin nito sa kanilang ina. Maraming nagsasabi na kamukha nito ang kanilang ina habang siya naman ay mas kamukha ang ama nila. Hindi naman niya magawang magreklamo dahil daddy’s girl siya at gwapo rin naman ang dad niya kaya walang problema doon. Halos mag-iisang taon na ito sa pagiging ramp model pero mabilis ang naging pag-angat ng career nito. Bukod kasi sa kilala ang mommy nila sa industriya ay talagang malakas ang appeal ng Kuya niya at nabiyayaan din talaga ito ng talento sa modeling. Lucas is currently taking Entrepreneurship dahil ito na rin ang expected na maging katuwang ng ama nila sa pagma-manage ng negosyo balang araw.

What Zerina loves most about her Kuya Lucas is that he’s the sweetest guy she ever met. Gentleman din siya at maalaga. Minsan nga lang, he’s too friendly kaya maraming babae ang tinatamaan sa kaniya. He’s always serious about everything he does, especially with his art. He has a good standing with his studies and in fact, he’s a consistent dean’s lister. Bukod sa pagmomodelo ay hilig din nito ang pagba-basketball. Zerina has always been proud of him because, despite all his achievements, he remained down to earth just like how their parents taught them.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa school. Hindi iyon ang unang beses na makakatuntong si Zerina sa Anderson University dahil kapag may events ang Kuya niya lalo na kapag may laro ito sa basketball ay pumupunta siya doon para manood. Iyon nga lang ay hindi pa niya nagawang libutin iyon dahil malawak din naman ang school premises.

“Okay, we’re here…” anunsyo ng Daddy nila nang tumigil sila hindi kalayuan sa school gate.

“Thanks, Dad. See you later!” sabi lang ng Kuya niya at nakipag-fist bump muna sa dad nila bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Agad namang kinuha ni Zerina ang kaniyang mga gamit at saka hinalikan ang ama niya sa pisngi bago lumabas sa sasakyan. “Bye, Daddy! Thank you sa paghatid. I love you,” Zerina said to her dad with her sweetest smile.

“No worries, baby. I love you too! Enjoy your first day, ha?” sabi naman ng dad niya nang nakangiti rin. Tumango lang si Zerina doon. Pagkatapos ay binalingan naman nito ang Kuya niyang nasa tabi niya. “Ikaw na ang bahala kay Zerina, Lucas. Check on her once in a while, okay?” bilin nito.

“Yes, Dad. You don’t have to worry. Tell mom, too. Ako na ang bahala sa prinsesa natin,” nakangiti namang sagot nito saka siya inakbayan. Saglit lang silang nagpalitan ng mga kaway bago tuluyang umalis ang sasakyan ng Daddy niya. “Are you nervous, little sis?” nakangiti pa ring tanong ni Lucas.

“Medyo, Kuya.” Naging honest na lang si Zerina. It’s her Kuya, anyway, and she’s always been comfortable telling him what she feels. “This just feels new to me and…”

Hindi pa naitutuloy ni Zerina ang sasabihin ay kinurot na ni Lucas ang tungki ng ilong niya at saka bahagyang ginulo ang buhok niya. “It’s that neophobia again…” napapailing na sabi nito pagkatapos. Alam din kasi nito ang tungkol doon. It’s a secret between the two of them dahil nakiusap si Zerina na huwag muna iyong sabihin sa parents nila. She doesn’t want them to worry. “Kung may physical aspect lang iyang neophobia na iyan, matagal ko nang binugbog. Ewan ko ba naman kasi kung bakit ka nagkaroon ng ganyan. But whatever it is… ako ang bahala sa iyo, Zerina. Wala kang dapat ipag-alala, okay? You can count on me, always…”

“Thank you, Kuya. You’re the best talaga.” Zerina managed to smile back at him. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

“But… iyong promise mo, ha? Kapag hindi mo kaagad na-overcome iyan, we have to tell mom and dad. It’s a deal.”

Tumango si Zerina. Napag-usapan kasi nila ng Kuya niya na hindi niya dapat itinatago ang ganoong bagay sa parents niya. Dahil phobia could lead to worse cases and it should be addressed properly. Isa pa, dapat alam din ng mga magulang nila ang kung ano mang pinagdadaanan nila. Para naman ma-guide sila nang tama at magawa silang damayan ng mga ito.

“Yes, Kuya. Promise.”

“Okay, good. Tara na?” aya nito sa kaniya. “Kapag vacant natin, I will make sure to tour you inside the university.”

“Okay, Kuya. Thank you.”

Nang papasok na sila sa gate ay napadako ang paningin ni Zerina sa arko niyon na may nakalagay na pangalan ng school. Mayroong guard na naka-station sa may entrance at isa-isang chine-check ang bag ng students. Bago naman makapasok sa loob ay kailangang i-swipe ang ID na mayroong chip para ma-track ang bawat entry at exit nila sa school.

Nang tuluyan silang makapasok ay hindi mapigilan ni Zerina na mailibot ang paningin doon. Maganda ang ambience ng school. Malawak iyon at maganda ang pagkakadisenyo. Masasabi ring malapit ito sa nature dahil sa mga punong nakapalibot sa buong University. Sa bungad ay may makikitang mapa ng school na agad na kinuhanan ng litrato ni Zerina.

“It’s on the official app of our school, sis. Hindi mo pa ba nai-install?” tanong ni Lucas sa tabi niya.

“Ah, ganoon ba, Kuya? Na-install ko na. Ang kaso, hindi ko pa nache-check iyong laman ng app kaya hindi ko alam,” napapakamot ang ulong sabi ni Zerina.

“Kaya naman pala. If you have time, check it out. Nandoon lahat ng kakailanganin mong malaman sa school. Nandoon din ang mapa ng school at bibigyan ka niya ng direction kung saan mo gustong pumunta. That way, hindi ka maliligaw. Also, you can also check your schedule there.”

Marami pang ipinaliwanag si Lucas tungkol sa app at sa school, in general, habang naglalakad sila papunta sa building nila. Since parehas sila ng course na kinukuha ng Kuya niya ay naging advantage iyon dahil madalas din silang magkikita panigurado. Nang matapos itong magpaliwanag sa kaniya ay sakto namang nasa tapat na sila ng building ng College nila. Ang College of Business, Entrepreneurship and Accountancy.

“Okay ka na ba rito? Just look for your room. Malapit na kasi mag-start ang class ko.”

“Yes, Kuya. I’m okay here. Tatawagan ko na lang si Heaven.”

“Okay. Just call me in case something’s wrong, okay?”

“Yes, Kuya. Go na.”

Lucas smiled then kissed her on her forehead. “Bye. See you later.”

Zerina just waved at her brother. Nang hindi niya na matanaw ito ay kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag para tawagan si Heaven. Matapos ang ilang segundong pag-ring ng linya nito ay sumagot na rin naman si Heaven.

“I’m in front of our College Building. Where are you, Ven?”

“Uhh… wait mo ako diyan. Na-traffic kasi kami ni Kuya. Naglalakad na kami papunta diyan,” hinihingal pang sabi nito at mukhang nagmamadali.

“Okay, sige. We have time pa naman,” sabi naman ni Zerina. “Teka, kasama mo si Sky… I mean, si Kuya Sky?”

“Ahh… oo. Kasama ko siya ngayon. You want to talk to him?” may himig pa ng panunukso na tanong ni Heaven.

Nataranta naman si Zerina dahil doon. “Ah… no! Actually, I have to find the restroom pala. Naiihi na ako, eh. Mauna ka na sa room. Doon na lang tayo magkita, okay?”

“Ha? Wait! Malapit na kami sa building. Nakikita na nga kita, e.”

“Ha?” agad namang hinanap ni Zerina ang kaibigan. Naaninag niya naman ito at nang mapansin ni Heaven na nakita na siya ng kaibigan ay kumaway pa ito. “Ah, yes, I saw you na. Kaso naiihi na talaga ako. Bye!”

Hindi pa nakakasagot si Heaven ay agad nang tumakbo sa Hallway si Zerina. Halos manginig na siya dahil sa kabang nararamdaman. Imbes na pagdadahilan niya lang ang pag-ihi niya ay parang naiihi na nga talaga siya. Gusto niyang mapamura dahil doon. Ang aga-aga niyang iniisip ang reyalidad… pero hindi niya pa talaga kayang harapin iyon.

“I need to get out of here.”

Misty Riosa

Hi, if you're reading this, please let me know what you think of this story so far. I will give an update as soon as I can. Stay tuned! Thank you for reading and enjoy. :)

| Like

Kaugnay na kabanata

  • Something About Us   Kabanata 1

    Kung mayroon mang pinakaayaw si Zerina sa mga ganap niya sa buhay, isa na siguro doon ang unang araw ng eskwela.Well, hindi lang naman iyon ang una na hindi niya nagustuhan. She hates all the first things in the world, in general. She hates change, and she really hates surprises. Pakiramdam din kasi niya, sa lahat nang una niya ay mayroon ding hindi magandang mangyayari sa kaniya.Unlike other people who like their life to be an adventure... ang tanging gusto lang ni Zerina ay simpleng buhay. A life where she could live happily, in peace, and with no complications. Ayaw na ayaw niya ng conflict. At naniniwala rin siya na ang buhay ay pwedeng maging simple... kung gugustuhin lang natin.Tahimik lamang na pinapanood ni Zerina ang mga kaganapan sa kalsada mula sa bintana ng kanilang sasakyan. She's

    Huling Na-update : 2021-06-22
  • Something About Us   Kabanata 2

    As expected, nang matapos ang game ay agad na pinagkaguluhan ang mga players. And of course, hindi na nakaligtas doon ang mga Kuya ni Zerina at Heaven. Masayang-masaya pa rin si Heaven habang pababa sila sa staired benches, excited na itong ma-congratulate ang kapatid at ang team nito, ang Blue Eagles.Habang si Zerina ay lutang naman ang isipan at halos aligaga na sa gagawing pagtatapat kay Sky.‘Zerina, you can do it!’Huminga siya nang malalim para maikondisyon ang sarili. Nang tuluyan silang makalapit sa kinaroroonan nila Sky ay agad na ikinawit ni Heaven ang braso sa kapatid at excited na binati ito. “Congratulations, Kuya! You’re so magaling talaga!” Nginitian naman ito ni Sky at saka nagpasalamat. Pabiro pa nitong pinisil ang ilong ng kapatid.“Ibang klase talaga iyang kapatid mo, Sky. Bilib na bilib sa iyo. Parang ikaw naman iyong nagbuhat ng game,” pabirong reklamo naman ni Ross. “Naki

    Huling Na-update : 2021-06-23

Pinakabagong kabanata

  • Something About Us   Kabanata 3

    "Hey, Zerina! Baby, are you okay?" Mula sa panonood sa labas ng sasakyan at malalim na pag-iisip ay nailipat ang atensyon ni Zerina sa kaniyang ama na nakalingon ngayon sa kaniya at may bakas ng pag-aalala. Napansin kasi nito ang pagiging tahimik ng anak at ilang beses na niya itong tiningnan gamit ang salamin ng sasakyan pero hanggang sa puntong iyon ay tila malalim pa rin ang iniisip nitong nakatunghay lang sa labas. And as her father, he knows very well that something's going on with his daughter. Lucio Alcantara is Zerina’s role model. He is the reason why she decided to take up a business course. Para masundan ang yapak ng ama. Lucio is one of the well-known business tycoons in Asia. Tinitingala siya ng karamihan, hindi lang dahil sa kung ano ang nakamit niya, kundi dahil na rin sa kung ano ang pinagdaanan niya bago maabot ang tagumpay. At the age of 20 ay nakapag-establish na siya ng sarili niyang business. At pagkalipas lamang ng mahigit tatlong taon ay nagawa niy

  • Something About Us   Kabanata 2

    As expected, nang matapos ang game ay agad na pinagkaguluhan ang mga players. And of course, hindi na nakaligtas doon ang mga Kuya ni Zerina at Heaven. Masayang-masaya pa rin si Heaven habang pababa sila sa staired benches, excited na itong ma-congratulate ang kapatid at ang team nito, ang Blue Eagles.Habang si Zerina ay lutang naman ang isipan at halos aligaga na sa gagawing pagtatapat kay Sky.‘Zerina, you can do it!’Huminga siya nang malalim para maikondisyon ang sarili. Nang tuluyan silang makalapit sa kinaroroonan nila Sky ay agad na ikinawit ni Heaven ang braso sa kapatid at excited na binati ito. “Congratulations, Kuya! You’re so magaling talaga!” Nginitian naman ito ni Sky at saka nagpasalamat. Pabiro pa nitong pinisil ang ilong ng kapatid.“Ibang klase talaga iyang kapatid mo, Sky. Bilib na bilib sa iyo. Parang ikaw naman iyong nagbuhat ng game,” pabirong reklamo naman ni Ross. “Naki

  • Something About Us   Kabanata 1

    Kung mayroon mang pinakaayaw si Zerina sa mga ganap niya sa buhay, isa na siguro doon ang unang araw ng eskwela.Well, hindi lang naman iyon ang una na hindi niya nagustuhan. She hates all the first things in the world, in general. She hates change, and she really hates surprises. Pakiramdam din kasi niya, sa lahat nang una niya ay mayroon ding hindi magandang mangyayari sa kaniya.Unlike other people who like their life to be an adventure... ang tanging gusto lang ni Zerina ay simpleng buhay. A life where she could live happily, in peace, and with no complications. Ayaw na ayaw niya ng conflict. At naniniwala rin siya na ang buhay ay pwedeng maging simple... kung gugustuhin lang natin.Tahimik lamang na pinapanood ni Zerina ang mga kaganapan sa kalsada mula sa bintana ng kanilang sasakyan. She's

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status