Share

Something About Us
Something About Us
Author: Misty Riosa

Kabanata 1

Author: Misty Riosa
last update Huling Na-update: 2021-06-22 22:33:24

Kung mayroon mang pinakaayaw si Zerina sa mga ganap niya sa buhay, isa na siguro doon ang unang araw ng eskwela.

Well, hindi lang naman iyon ang una na hindi niya nagustuhan. She hates all the first things in the world, in general. She hates change, and she really hates surprises. Pakiramdam din kasi niya, sa lahat nang una niya ay mayroon ding hindi magandang mangyayari sa kaniya. 

Unlike other people who like their life to be an adventure... ang tanging gusto lang ni Zerina ay simpleng buhay. A life where she could live happily, in peace, and with no complications. Ayaw na ayaw niya ng conflict. At naniniwala rin siya na ang buhay ay pwedeng maging simple... kung gugustuhin lang natin.

Tahimik lamang na pinapanood ni Zerina ang mga kaganapan sa kalsada mula sa bintana ng kanilang sasakyan. She's sitting in the back seat while her brother Lucas is sitting beside their dad in the passenger's seat.

Hindi niya maiwasang mabagabag sa kung ano man ang mangyayari sa araw na iyon. It's her first day in school, her new school. After all the hard works she's been through, sa wakas ay mararanasan niya na rin ang buhay ng isang college student. And she's going to the same school as his Kuya Lucas.

She's just happy because she could say that she's satisfied during her high school life. Sabi kasi nila, high school is the most exciting part of being a student, which she could just agree more dahil talagang nag-enjoy siya noong high school pa siya. Doon kasi siya na-expose sa maraming bagay. She used to be that shy-type girl na karaniwang nasa isang sulok lang ng classroom noong elementary pa siya. But when she entered high school, naalog na lang yata ang sistema niya at naalis lahat ng hiya niya kahit sa kasuluk-sulukan ng katawan niya.

Syempre, special thanks to her best friend, Heaven, na naging mitsa ng katahimikan ng buhay niya. Katahimikan nga ba? O mas tama yatang sabihin na 'boring' na buhay niya. Ngayong papasok na siya sa College, hindi naman niya maiwasang isipin kung anong pasabog naman ang nag-aabang sa kanya.

Bukod pa roon... hindi niya alam kung ano na ba ang mangyayari kapag nagkita uli sila ni Sky. Agad naman niyang naipilig ang ulo dahil sa lalake. 

'No, Zerina! It's Kuya Sky! K-U-Y-A!' pagtatama niya sa sarili sa kaniyang isipan.

Mukhang hindi pa sapat ang nangyari nang nagdaang summer para makabalik siya sa huwisyo. Nasobrahan na yata siya sa pagkahumaling sa mga fairytales kaya iyan... iyan tuloy ang napala niya. Napabuntong-hininga na lang si Zerina.

Sky is exactly the reason why her hate... well, could be fear for new things developed. Na syempre, kagagawan din ng magaling niyang best friend na si Heaven. Kung hindi naman kasi nito pinalakas ang fighting spirit niya at iudyok siyang gawin ang isang bagay, hindi siguro siya ganoon ngayon. And it all just happened on one summer day. Definitely, the one that she wouldn't forget.

Nang mapadako ang tingin ni Zerina sa labas ng sasakyan ay unti-unting bumalik ang alaala niya sa araw na iyon... ang araw na sobra niyang pinagsisihan.

***

"Go, Blue Team! Go, my Ross!"

"I love you, Lucas!"

"Be mine, Jake, my love!"

"Shoot that ball for me, Oppa Yuan!"

"You can do it, bebe Sky ko!"

Puno ng sigawan ang covered court sa subdivision kung saan nakatira sila Zerina. Kasalukuyan kasing may nagaganap na laro ng basketball ang ilang kalalakihan na kabilang sa mga residente doon. May nagaganap kasing liga ng naturang sport na nakagawian nang gawin tuwing bakasyon. Halos mapuno rin ang court dahil may mga dumayo rin para mapanood ang laro sa araw na iyon, karamihan ay kababaihan na matindi ang paghanga sa mga naglalaro. Bukod kasi sa natatanging husay ng mga manlalaro ay gwapo rin at may matitipunong pangangatawan ang mga ito. Karamihan din sa mga ito ay sikat sa schools na pinanggagalingan ng mga ito.

"Go, Kuya Sky! Go, go! Go, fight, win!"

Masama namang tingin ang ibinaling ni Zerina sa kaibigang nasa tabi niya. Nang mapansin naman siya nito ay tinawanan lang siya nito saka itinuloy ang pagchi-cheer na tila ba walang pakialam sa mundo. Wala itong pakialam kung mainis man siya lalo.

"Hay nako, kainis naman!" reklamo ni Zerina saka akmang uusog ng upuan palayo sa kaibigan dahil naaabala na siya lalo sa panood. Pero sadyang panadya yata ang tadhana dahil nang umisod siya sa kabilang gilid ay bigla namang tumili ang babaeng katabi niya roon. "Oh, my gosh! Can you... can you just shut your mouth up and watch the game in peace?" hindi na niya napigilang maibulalas sa babaeng katabi habang nakatakip ang mga kamay sa kaniyang tainga. She then glared at her after na siya ring ginawa niya sa mga taong tumitingin na rin sa kaniya. "Tinitingin-tingin ninyo?" maangas niyang sabi saka inirapan ang mga ito.

Natauhan naman ang kaibigan niyang si Heaven na ngayon ay hinihila na siya palayo roon. Dinala niya si Zerina sa isang sulok sa bandang dulo na baitang ng court.

"Hoy, sinaniban ka na naman ng pagkamaldita mo. Ano 'yan? May period ka, 'te? Ba't ang sungit mo?" puna ng kaibigan niya saka siya inabutan ng isang malamig na bottled water. "Oh, inom ka muna. Para lumamig iyang ulo mo."

Agad namang kinuha iyon ni Zerina. Pero bago niya inumin iyon ay iniuntog niya muna ang bote sa ulo ng kaibigan. "Isa ka pa. Isa ka pa, e! Bakit ba kapag nanonood kayo ng basketball, kailangang maingay? Kailangang papansin?" 

"Aray naman!" daing ni Heaven na nakalapat na ang palad sa masakit nang ulo. "E, sa nag-e-enjoy lang naman. Kung nag-chi-cheer ka rin kasi, 'di ba? Hindi iyong nagsusungit ka diyan."

Inirapan ito ni Zerina. "Ano? Nagpunta ba kayo rito para manood? O para magpapansin at manira ng eardrums? Halos mabingi na nga ako sa kakatili ng ibang nanonood. Hindi ako makapag-focus!"

"Focus saan? Sa game? O kay Kuya Sky?" Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa mga labi ng kaibigan.

Pakiramdam naman ni Zerina ay pamumulahan na naman siya ng pisngi sa ginagawa nito kaya kinontra niya iyon sa pamamagitan ng pagsusungit. "Syempre, sa game! Saan pa ba? Manood na nga lang tayo. Kapag hindi mo ako tinigilan, makakasapak ako ng kaibigan. Sige," pagbabanta niya rito.

"Alam mo, you're so harsh talaga, BFF. Chill ka nga lang diyan," pagpapakalma na lang ni Heaven. Mayamaya ay may itinuro ito sa court. "Look, oh, Kuya Sky is aiming for three points!" excited na sabi nito na may halo pang pagtalon-talon at pag-cheer. 

Zerina just sighed, then shifted her gaze to the man who's now dribbling the ball. Pigil ang hininga niya nang tumalon na ito at saka walang kahirap-hirap na i-shoot ang bola. Dahil doon ay napuno na naman ng hiyawan ang court. Nang magpatuloy ang laro ay tahimik na lang na nanood ng laro si Zerina. Hindi na niya nagawa pang magreklamo, tutal ay wala rin namang epekto kahit kagalitan niya ang lahat ng nag-iingay doon. Masasabihan pa siya malamang ng 'kill joy'.

Mayamaya pa ay bigla na lang siyang binalingan ni Heaven na ngayon ay tahimik na lang ding nanonood sa game. Mukhang napagod na ito sa kakatalon at kaka-cheer para sa kapatid na si Sky. "Oo nga pala, maiba tayo ng usapan, BFF. Sasabihin mo na ba talaga sa kaniya?" Agad naman siyang natigilan dahil sa tanong nito na iyon. 

'Sasabihin ko na nga ba kay Sky ang nararamdaman ko?'

'Would I tell him that I feel the same way for him?'

Imbes na sagutin ko ang tanong ni Heaven ay ibinalik ko ang tanong sa kaniya. "What do you think? Sa palagay mo, kailangan ko nang magtapat sa Kuya mo?"

Muling ibinalik ni Zerina ang paningin sa panonood ng game, partikular na kay Sky. Best friend ito ng Kuya niyang si Lucas. Nang maging magkaibigan sila ng nakababata nitong kapatid na si Heaven ay napadalas ang pagpunta niya sa bahay ng mga ito. Minsan naman, si Heaven ang nasa kanila kaya nagagawi rin doon si Sky para sunduin ito lalo kapag inaabot ito nang late night sa kanila.

Noong una ay simpleng paghanga lang ang nararamdaman ni Zerina dito. Bukod kasi sa given nang gwapo si Sky ay napaka-sweet at maalalahanin din nito. Nakikita niya iyon lalo na sa tuwing nagpupunta siya sa bahay ng mga ito. Ganoon din naman sa kaniya ang Kuya Lucas niya, sweet din at maaalalahanin. Lalo pa at mag-isa lang siyang kapatid nito at babae pa siya. Same goes with his Dad. At dahil nga doon ay parang doon na rin bumase si Zerina ng kaniyang ideal guy.

Sweet, loving, caring, protective, matalino, at bonus na lang kung gwapo. Which is, fortunately, nakuha naman lahat ni Sky.

Nasa first year high school siya nang magsimula siyang magkagusto kay Sky. It all started when he saved her from the bullies in their school. Feeling tuloy ni Zerina nang mga panahong iyon ay isa siyang prinsesa sa isang fairytale at si Sky naman ang Knight in Shining Armor niya. Matagal na itong kaibigan ng Kuya niya pero dahil nga may pagkamahiyain siya noon ay hindi niya ito masyadong pinapansin. Unless, ito mismo ang mag-initiate na kausapin siya. At ang minsang pagliligtas nito sa kaniya noon ay nasundan pa ng maraming beses. Feeling niya tuloy ay handa itong iligtas siya sa kahit ano mang aberya. Bukod pa roon ay naging sandigan niya na rin ito sa iba't ibang pagkakataon. 

Just like her Kuya Lucas, Sky has always been there for her. He cares for her a lot. And she's really happy that she found someone like him.

"Hoy, baka naman matunaw na iyang Kuya ko sa kakatitig mo!" Heaven snapped at her. "Tingnan mo lang, BFF, ha? Mawawalan na ako ng Kuya, mawawalan ka pa ng lovelife kapag natunaw iyan," pagbibiro pa nito.

Pinandilatan niya ito ng mata, inayos ang sarili, at saka umakto na parang wala lang nangyari. “Ano na nga kasi uli iyong sinasabi mo?” pag-iiba niya ng topic dito. For sure ay aabutin na naman kasi siya ng katakot-takot na pang-aasar dito kung hindi niya gagawin iyon.

“E, ayun na nga. Hindi ka kasi nakikinig, e,” mataray na sagot nito sa kaniya. Inirapan siya nito bago itinuloy ang sasabihin. “Sabi ko, go na!"

"Ha? Go na, as in go? Kakausapin ko na ang Kuya mo at magtatapat na ako?”

“Yes! Go na nga!”

“Sure ka ba? Pero kasi... kinakabahan kasi ako."

Heaven tapped Zerina's shoulder. "BFF, there's no turning back na. Parang hindi mo naman alam kung gaano ka-yummy ang Kuya ko. Nakikita mo ba iyang mga pretty girls sa paligid? Marami pa niyan sa school nila. Kung babagal-bagal ka, baka maunahan ka," pangungumbinsi nito sa kaniya na may halong pananakot. "Saka isa pa, hindi ba, sinabi naman ni Kuya na he likes you naman daw?"

"O-oo? Sabi mo?" Parang hindi pa sure si Zerina sa pagkakasagot niya sa kaibigan.

Naalala niya ang kwinento nito noong minsan at ang ipinarinig nitong voice record bilang ebidensiya kuno. Ang sabi ni Sky nang tanungin ito kung ano ang tingin nito sa kaniya ay gusto daw siya nito at special siya para dito. Ang totoo ay matagal na ring pinag-iisipan ni Zerina ang gagawin niyang pagtatapat. Parang ang off din kasi kung siya ang magtatapat dito dahil lalake naman ang dapat na unang gagawa noon.

"Exactly! Kaya ano pang hinihintay mo?"

"Hindi ba dapat hintayin ko na lang ang Kuya mo sa pagtatapat niya? Kasi..."

"Kasi ano? Kasi girl ka? Ilang beses mo nang sinabi iyan sa akin, BFF. Besides, millenial period na ngayon. Hindi na uso iyong lalake ang unang nagtatapat. Alam mo, natotorpe lang iyong si Kuya. You like him naman 'di ba? He likes you too. Kaya I don't see anything wrong with it," pangungumbinsi pa nitong muli.

Muling natigilan si Zerina at nag-isip sandali. Nang magsalubong ang paningin nila ni Heaven ay pataas-taas pa ang mga kilay nito habang nakangiti sa kaniya. Zerina sighed. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

'It's now or never. Bahala na si Batman.'

Kaugnay na kabanata

  • Something About Us   Kabanata 2

    As expected, nang matapos ang game ay agad na pinagkaguluhan ang mga players. And of course, hindi na nakaligtas doon ang mga Kuya ni Zerina at Heaven. Masayang-masaya pa rin si Heaven habang pababa sila sa staired benches, excited na itong ma-congratulate ang kapatid at ang team nito, ang Blue Eagles.Habang si Zerina ay lutang naman ang isipan at halos aligaga na sa gagawing pagtatapat kay Sky.‘Zerina, you can do it!’Huminga siya nang malalim para maikondisyon ang sarili. Nang tuluyan silang makalapit sa kinaroroonan nila Sky ay agad na ikinawit ni Heaven ang braso sa kapatid at excited na binati ito. “Congratulations, Kuya! You’re so magaling talaga!” Nginitian naman ito ni Sky at saka nagpasalamat. Pabiro pa nitong pinisil ang ilong ng kapatid.“Ibang klase talaga iyang kapatid mo, Sky. Bilib na bilib sa iyo. Parang ikaw naman iyong nagbuhat ng game,” pabirong reklamo naman ni Ross. “Naki

    Huling Na-update : 2021-06-23
  • Something About Us   Kabanata 3

    "Hey, Zerina! Baby, are you okay?" Mula sa panonood sa labas ng sasakyan at malalim na pag-iisip ay nailipat ang atensyon ni Zerina sa kaniyang ama na nakalingon ngayon sa kaniya at may bakas ng pag-aalala. Napansin kasi nito ang pagiging tahimik ng anak at ilang beses na niya itong tiningnan gamit ang salamin ng sasakyan pero hanggang sa puntong iyon ay tila malalim pa rin ang iniisip nitong nakatunghay lang sa labas. And as her father, he knows very well that something's going on with his daughter. Lucio Alcantara is Zerina’s role model. He is the reason why she decided to take up a business course. Para masundan ang yapak ng ama. Lucio is one of the well-known business tycoons in Asia. Tinitingala siya ng karamihan, hindi lang dahil sa kung ano ang nakamit niya, kundi dahil na rin sa kung ano ang pinagdaanan niya bago maabot ang tagumpay. At the age of 20 ay nakapag-establish na siya ng sarili niyang business. At pagkalipas lamang ng mahigit tatlong taon ay nagawa niy

    Huling Na-update : 2021-06-27

Pinakabagong kabanata

  • Something About Us   Kabanata 3

    "Hey, Zerina! Baby, are you okay?" Mula sa panonood sa labas ng sasakyan at malalim na pag-iisip ay nailipat ang atensyon ni Zerina sa kaniyang ama na nakalingon ngayon sa kaniya at may bakas ng pag-aalala. Napansin kasi nito ang pagiging tahimik ng anak at ilang beses na niya itong tiningnan gamit ang salamin ng sasakyan pero hanggang sa puntong iyon ay tila malalim pa rin ang iniisip nitong nakatunghay lang sa labas. And as her father, he knows very well that something's going on with his daughter. Lucio Alcantara is Zerina’s role model. He is the reason why she decided to take up a business course. Para masundan ang yapak ng ama. Lucio is one of the well-known business tycoons in Asia. Tinitingala siya ng karamihan, hindi lang dahil sa kung ano ang nakamit niya, kundi dahil na rin sa kung ano ang pinagdaanan niya bago maabot ang tagumpay. At the age of 20 ay nakapag-establish na siya ng sarili niyang business. At pagkalipas lamang ng mahigit tatlong taon ay nagawa niy

  • Something About Us   Kabanata 2

    As expected, nang matapos ang game ay agad na pinagkaguluhan ang mga players. And of course, hindi na nakaligtas doon ang mga Kuya ni Zerina at Heaven. Masayang-masaya pa rin si Heaven habang pababa sila sa staired benches, excited na itong ma-congratulate ang kapatid at ang team nito, ang Blue Eagles.Habang si Zerina ay lutang naman ang isipan at halos aligaga na sa gagawing pagtatapat kay Sky.‘Zerina, you can do it!’Huminga siya nang malalim para maikondisyon ang sarili. Nang tuluyan silang makalapit sa kinaroroonan nila Sky ay agad na ikinawit ni Heaven ang braso sa kapatid at excited na binati ito. “Congratulations, Kuya! You’re so magaling talaga!” Nginitian naman ito ni Sky at saka nagpasalamat. Pabiro pa nitong pinisil ang ilong ng kapatid.“Ibang klase talaga iyang kapatid mo, Sky. Bilib na bilib sa iyo. Parang ikaw naman iyong nagbuhat ng game,” pabirong reklamo naman ni Ross. “Naki

  • Something About Us   Kabanata 1

    Kung mayroon mang pinakaayaw si Zerina sa mga ganap niya sa buhay, isa na siguro doon ang unang araw ng eskwela.Well, hindi lang naman iyon ang una na hindi niya nagustuhan. She hates all the first things in the world, in general. She hates change, and she really hates surprises. Pakiramdam din kasi niya, sa lahat nang una niya ay mayroon ding hindi magandang mangyayari sa kaniya.Unlike other people who like their life to be an adventure... ang tanging gusto lang ni Zerina ay simpleng buhay. A life where she could live happily, in peace, and with no complications. Ayaw na ayaw niya ng conflict. At naniniwala rin siya na ang buhay ay pwedeng maging simple... kung gugustuhin lang natin.Tahimik lamang na pinapanood ni Zerina ang mga kaganapan sa kalsada mula sa bintana ng kanilang sasakyan. She's

DMCA.com Protection Status