Share

Chapter 5

Author: Jijiera
last update Last Updated: 2024-05-25 09:20:28

Malakas ang ulan nang araw na iyon, tila ba walang balak na tumila sa anumang sandali. Hinihintay ko si Papa na siyang susundo sa akin. Siguro'y na-traffic siya o 'di kaya'y natagalan sa trabaho. Nakaupo ako noon sa waiting shed, sa labas lamang ng university. Mag-isa nalang ako doon nang may umupo sa kabilang dulo ng kung saan ako naupo. Bumaling ako sa dumating at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.

Napayuko ako't kinagat ang pang-ibabang labi upang maitago ang sumisilay na ngiti.

Umihip ang malamig na hangin at mas lalo kong niyakap ang sarili. Napaangat lamang ako ng tingin nang may naglahad ng isang varsity jacket sa aking harapan. Walang bakas ng kahit na anong imosyon ang kanyang mukha.

Marahan ko iyong tinanggap mula sa kanya.

"Salamat..." muli kong nakagat ang pang-ibabang labi.

Walang imik siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo. Dahan dahan ko namang sinuot iyong jacket niya. Nalanghap ko pa ang mabangong amoy nito.

Binalingan ko siya at nakitang diretso lamang ang mga mata niya sa mga patak ng ulan na dumadaloy mula sa atip nitong waiting shed. Ginaya ko siya at pareho naming pinagmasdan ang bawat buhos ng ulan.

Isang itim na pickup ang tumigil sa aming harapan. Tumayo si Rameses at napagtanto kong para sa kanya ito. Bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Wala pa ba ang sundo mo?"

Mabilis akong nag-angat ng tingin kay Rameses na kinausap ako! "H-Huh?" napalunok ako't umiling iling. "Hinihintay ko pa si Papa..."

Bumaling siya sa suot na wristwatch. "It's getting late. You might want to send a message to your Dad, instead. Sabihin mong ihahatid ka nalang namin."

Kailangan kong kurutin ang aking kamay dahil natutulala ako sa guwapong mukha ni Rameses. "Ah, oo, s-sige."

Nilahad niya sa 'kin ang nakabukas na pinto ng kanilang pickup. Mabilis naman akong pumasok doon dahil mababasa kami ng ulan. Sunod siyang pumasok at tumabi sa akin. Ngayong mas malapit ay lalo kong naamoy ang kanyang bango. Pinatakbo ng Driver ang sasakyan. Nilabas ko naman ang cellphone ko mula sa bulsa ng aking school uniform. Tinext ko si Papa.

"Ituro mo nalang sa amin ang daan patungo sa bahay niyo."

Bumaling ako kay Rameses na nanatiling seryoso at nakatingin lamang sa harap. Tumango ako. "Okay..."

Ang alam ko'y may sarili na siyang kotse. Dumapo ang mga mata ko sa kamay niyang may benda. Tahimik akong napabuntong hininga. Oo nga pala at nasangkot na naman siya sa gulo noong isang araw.

Sinalubong ako ni Mama sa gate ng aming bahay. Agad niya akong pinayungan.

"Naku Ivana, sisipunin ka nito. Ang bilis mo pa namang magkasakit..."

"Ma, si Rameses po..." Pakilala ko. Hindi ko alam kung tama bang sabihin kong magkaibigan kami gayong ngayon nga lang kami nagkausap at ang ikli pa...

Bahagyang kumunot ang noo ni Mama na kalauna'y naging isang tipid at makahulugang ngiti. Alam kong namumula na ngayon ang mukha ko!

"Rameses? My husband's student, right?" pagkukumpirma ni Mama. "Rameses Grey."

Medyo naguluhang tumango naman si Rameses. Pinapayungan siya ng kanilang driver.

"Ma..." saway ko sa kay Mama.

Ngumiti siya at bahagyang umiling. "Salamat sa paghatid sa anak ko, hijo. Pasok tayo sa loob? Dito ka na mag-dinner." Anyaya pa ni Mama.

Agad na umiling si Rameses. "Thanks, pero hindi narin po kami magtatagal. Hinatid lang po namin si Ivana."

Parang nagpantig naman ang taynga ko nang marinig na binigkas niya ang pangalan ko. Kilala niya ako?

Pumasok na sila sa loob ng sasakyan at maya maya pa ay umalis narin ito.

Natulala ako sa palayong pickup...

"Pasensya ka na anak at nasiraan ako kanina sa may hi-way." Paliwanag ni Papa nang dumating siya.

Umiling ako't ngumiti. "Okay lang po Papa."

"Nako mahal, 'yang anak mo hinatid rito kanina ng crush niya." panunukso ni Mama. "Yung studyente mo!"

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng pisngi ko. "Mama!"

Tumawa lamang si Mama ngunit nagging seryoso nman si Papa. "Yang crush, crush na 'yan..."

Umirap si Mama. "Hayaan mo na mahal, para namang hindi tayo dumaan dyan."

Bumuntong hininga si Papa at lumambot ang mga mata nang tumingin kay Mama. Gustong gusto ko talaga ang mga ganyang tingin ni Papa sa kay Mama.

Iyong tingin na puno ng adorasyon at pagmamahal. Lumaki akong saksi sa pagmamahalan ng mga magulang ko. Nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Sa mga sandaling iyon ay tahimik akong nangarap ng buhay kasama ang lalaking mahal ko. Hindi ko alam ngunit sa edad na fifteen ay si Rameses na ang naiisip ko...

"Ivana, may practice game ngayon ang business ad. Punta tayo!" sabay hila sa akin ng isang kaklase.

Wala raw kaming pasok sa huling period. Kaya naman mula sa high-school department ay tinungo namin ang university gymnasium. Maraming nanonood kahit pa practice game nga lang ito. Agad kong namataan si Rameses na seryosong naglalro sa court. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang guwapo niya lalo sa suot na varsity jersey. Pawisan na siya ngunit ang fresh parin niyang tingnan.

"Ivana, dito!" hinila ako ng aking kaklase paupo sa nakita niyang pwesto.

Maingay dahil sa pag-cheer ng mga kababaihan. Halos puro college students ang narito at mukhang kami lang yata ang high-school na nakapuslit rito.

Napapangiti ako sa tuwing nakipagtawanan at biruan si Ivana sa kanyang mga kaibigan sa court. Halos mapatili naman sa tuwing nakaka-shoot siya.

"Ang galing! Sana lang makapanood ulit tayo sa actual game nila, 'no..." anang kaklase ko.

Naglalakad na kami ngayon palabas ng gym matapos ang laro. Tumango ako.

Sana nga. Napahinto ako nang may maalala. Mabuti at dala dala ko ang aking backpack. "Mauna ka na, may kukunin lang ako sa locker."

Nagkibit balikat lamang siya 'tsaka naglakad paalis. Nang makalayo na siya ay bumalik ako sa loob ng gym. Hindi ko makita si Rameses ngunit naroon ang isa sa kanyang mga kaibigan. Nagsisintas ito ng sapatos. Nahihiya ko itong nilapitan. Habang palapit ay kinuha ko na ang jacket na pinahiram sa 'kin ni Rameses noong isang araw sa loob ng aking backpack. Lagi koi tong dala dala at baka sakaling may pagkakataon at maisauli ko sa kanya.

"Ah, excuse me," nag-angat ang tsinito nitong mga mata sa akin. Naramdaman ko ang init s aking mukha. "N-Nakita mo ba si Rameses?"

Tumayo ito ng tuwid at sinipat ako ng tingin. Pagkatapos ay ngumisi. Ngumuso ito habang itinuturo sa akin ang hallway patungo sa lockers. Siguro ay nandon si Rameses...

"Uh, sige...salamat!" mabilis na akong tumungo doon.

Ngunit sa kalagitnaan ng mga hakbang ay napahinto ako. Sa tahimik na hallway ay nadatnan ko ang nakangising si Rameses na kino-corner iyong magandang member ng cheering squad ng school. Sandali akong nanigas sa kinatatayuan bago nagpasyang umatras. Pero isang hakbang pa lamang paatras ay may natabig na akong kung anon a nagdulot ng kaunting ingay.

Agad ko itong nilingon at nakitang ang trashcan iyon. Saglit akong napapikit at napakagat labi. Nilingon ko ang dalawa at nakitang nakakalas na sila sa isa't isa. Lumalapit narin sa kinatatayuan ko si Rameses. Nakita ko naman ang pag-ismid noong babae.

Huminto si Rameses sa aking harapan. Nanginginig ang mga kamay kong inangat 'yong jacket niya. "I-Isusuli ko lang sana..."

Nanatili akong nakayuko hanggang sa kinuha niya ito sa akin. "Sige, alis na ako."

Bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na ako pumihit paalis. Halos patakbo akong lumayo doon. Bumagal lang ang lakad ko nang nasa malawak na field na ako ng campus. Bumaba ang mga balikat ko. Girlfried niya ba 'yon?

Napailing ako sa sarili. Ano naman ngayon kung girlfriend niya nga...

"Ivana!" nahinto ako sa paglalakad at agad nanlaki ang mga mata nang marinig ang pamilyar na boses ng tumawag sa pangalan ko.

Rameses...

Related chapters

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 6

    Pinakalma ko muna ang sarili bago siya hinarap. Dala ang kanyang gym bag ay tumatakbo siya patungo sa akin. Napalunok ako nang husto siyang makalapit."May susundo sa 'yo?" pauna niyang tanong na hindi maipirmi ang mga mata sa akin.Umihip ang hangin at nalanghap ko ang kanyang bango. Halatang bagong ligo lang siya at basa basa pa ang kanyang buhok. Kailangan ko na namang kurutin ang aking kamay para mawala sa pagkakahipnotismo sa kanyang kagwapuhan. Dumapo ang mga mata niya sa kamay ko."Ah, oo, susunduin ako ni Papa..." Kinalas ko ang mga kamay mula sa isa't isa.Tumango siya at napatiim labi, dahilan ng paglitaw ng kanyang dimple sa kaliwang pisngi. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y nagiging jelly ang mga tuhod ko."Samahan na kitang maghintay sa labas." Hindi ito tanong!Nauna na siyang maglakad sa akin palabas ng campus, nakapamulsa. Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa aking mga labi. Mabilis na akong sumunod sa kanya.Naupo kami sa waiting shed kagaya n

    Last Updated : 2024-05-25
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 1

    Nag-inat ako ng katawan at hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kuwarto. Halos kakasikat pa lamang ng araw at gising na ako. Matapos itali ang mahabang buhok ay lumabas na ako ng aking silid. Sinimulan ko ang mga gawaing bahay.Tulad ng inaasahan ko ay nagkalat na naman ang mga bote ng alak sa aming sala. Nag-ingat na lamang ako sa mga bubog galing sa nabasag na bote. Mabuti at mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa madalas kong gising at ang daming lilinisin. May kalakihan ang bahay. Noong unang dating ko rito ay may naabutan pa akong kasambahay at driver pero ngayon ay wala na. Wala na kasing maipansasahod sa kanila.Nang naglalapag na ako ng mga niluto sa mesa ay siyang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Uncle. Gulong gulo ang kanyang buhok at halatang hindi pa nakakapagbihis mula kahapon. Suot parin nito ang madalas niyang longsleeve sa pinipuntahang magsasara na niyang law firm. Umupo ito sa hapag at tahimik kaming kumain ng almusal.Nang maulila ako sa aking magulang dulot

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 2

    This is not an ordinary wedding. This is my wedding. Ikakasal ako ngayon kay Rameses...Halos wala sa sarili kong tinahak ang kahabaan ng nagsilbing aisle na iyon. Nag-angat ako ng tingin at muling nagtagpo ang mga mata namin ni Rameses. Nagkatitigan kami hanggang sa una siyang bumitaw at bahagyang nag-iwas tingin. Napayuko ako't nagpatuloy sa aking mga hakbang tungo sa kanya. Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay kaya siya na mismo ang kumuha ng akin. Hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal...Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya at nanatili ang pagiging tulala ko sa mga nangyayari."I do."Para akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Rameses ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon at ikinakasal kami. Alam ko ang posibilidad na maari kaming magkitang muli ngunit pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay ipinagdasal kong sana'y hindi na."Ivana Hernandez, do you before these witnesses take this man to

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 3

    May mga pagkakataong natutulala parin ako tuwing naiisip ang mga nangyari.Bukod sa amin ni Rameses, Judge Guerrero, sila Flor at Jipoy at iyong mga bodyguards ni Rameses ay wala ng iba pang panauhin sa kasalang naganap sa isla. Sa sumunod na araw din ay sinundo kami ng isang chopper pabalik sa city at inuwi ako ni Rameses dito sa kanyang condo."Anong oras ang uwi mo mamaya?" sinubukan kong magtanong kay Rameses. Paiba-iba kasi ang oras ng uwi niya. Madalas lumalamig na 'yong niluluto kong dinner kapag dumating siya. Minsan pa ay nakakatulugan ko ang paghihintay sa kanya at nagigising nalang akong natutulog na siya sa kuwarto namin.Hindi ko tuloy alam kung nakakain na siya dahil madalas walang bawas iyong niluto ko. Isa pa gusto ko sanang kahit minsan lang ay makasabay ko siya sa pagkain...Hinarap niya ako't bakas ang pagkakairita sa kanyang mukha. "Can you stop asking and help me do this instead? Para may silbi ka naman."Natigilan ako't bahagyang napalunok nang makabawi. Mabilis

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 4

    "Kapag may kailangan kayo ay tawagan niyo lang kami... Lalo na Ikaw Ivana. Sana ay makabisita kayong muli, hija." si Tita Marissa noong paalis na kami ni Rameses.Ngumiti ako't tumango sa kanya. "Opo, makakaasa kayo...""Let's go. Mauna na kami." Hila sa akin ni Rameses patungo sa kanyang sasakyan.Tahimik muli ang byahe pabalik sa kanyang condo nang pinili kong magsalita."Aasahan ng Daddy mo at nila Tita ang muli nating pagbisita sa kanila. Hindi man lang tayo nakapagdala ng kahit ano sa kanila."Hindi siya nagsalita. Nanatiling tahimik at seryosong nagmamaneho. Mahina na lamang akong napabuntong hininga. Para akong nakikipag-usap sa puno. Nasa tabi ko nga siya pero hindi ko naman siya maramdaman.I woke early the next morning. Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Rameses sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Halos magsitindigan ang mga balahibo sa aking batok, lalo na noong bahagyang lumapat a

    Last Updated : 2024-04-28

Latest chapter

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 6

    Pinakalma ko muna ang sarili bago siya hinarap. Dala ang kanyang gym bag ay tumatakbo siya patungo sa akin. Napalunok ako nang husto siyang makalapit."May susundo sa 'yo?" pauna niyang tanong na hindi maipirmi ang mga mata sa akin.Umihip ang hangin at nalanghap ko ang kanyang bango. Halatang bagong ligo lang siya at basa basa pa ang kanyang buhok. Kailangan ko na namang kurutin ang aking kamay para mawala sa pagkakahipnotismo sa kanyang kagwapuhan. Dumapo ang mga mata niya sa kamay ko."Ah, oo, susunduin ako ni Papa..." Kinalas ko ang mga kamay mula sa isa't isa.Tumango siya at napatiim labi, dahilan ng paglitaw ng kanyang dimple sa kaliwang pisngi. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y nagiging jelly ang mga tuhod ko."Samahan na kitang maghintay sa labas." Hindi ito tanong!Nauna na siyang maglakad sa akin palabas ng campus, nakapamulsa. Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa aking mga labi. Mabilis na akong sumunod sa kanya.Naupo kami sa waiting shed kagaya n

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 5

    Malakas ang ulan nang araw na iyon, tila ba walang balak na tumila sa anumang sandali. Hinihintay ko si Papa na siyang susundo sa akin. Siguro'y na-traffic siya o 'di kaya'y natagalan sa trabaho. Nakaupo ako noon sa waiting shed, sa labas lamang ng university. Mag-isa nalang ako doon nang may umupo sa kabilang dulo ng kung saan ako naupo. Bumaling ako sa dumating at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.Napayuko ako't kinagat ang pang-ibabang labi upang maitago ang sumisilay na ngiti.Umihip ang malamig na hangin at mas lalo kong niyakap ang sarili. Napaangat lamang ako ng tingin nang may naglahad ng isang varsity jacket sa aking harapan. Walang bakas ng kahit na anong imosyon ang kanyang mukha.Marahan ko iyong tinanggap mula sa kanya."Salamat..." muli kong nakagat ang pang-ibabang labi.Walang imik siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo. Dahan dahan ko namang sinuot iyong jacket niya. Nalanghap ko pa ang mabangong amoy nito.Binalingan ko siya at nakitang dire

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 4

    "Kapag may kailangan kayo ay tawagan niyo lang kami... Lalo na Ikaw Ivana. Sana ay makabisita kayong muli, hija." si Tita Marissa noong paalis na kami ni Rameses.Ngumiti ako't tumango sa kanya. "Opo, makakaasa kayo...""Let's go. Mauna na kami." Hila sa akin ni Rameses patungo sa kanyang sasakyan.Tahimik muli ang byahe pabalik sa kanyang condo nang pinili kong magsalita."Aasahan ng Daddy mo at nila Tita ang muli nating pagbisita sa kanila. Hindi man lang tayo nakapagdala ng kahit ano sa kanila."Hindi siya nagsalita. Nanatiling tahimik at seryosong nagmamaneho. Mahina na lamang akong napabuntong hininga. Para akong nakikipag-usap sa puno. Nasa tabi ko nga siya pero hindi ko naman siya maramdaman.I woke early the next morning. Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Rameses sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Halos magsitindigan ang mga balahibo sa aking batok, lalo na noong bahagyang lumapat a

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 3

    May mga pagkakataong natutulala parin ako tuwing naiisip ang mga nangyari.Bukod sa amin ni Rameses, Judge Guerrero, sila Flor at Jipoy at iyong mga bodyguards ni Rameses ay wala ng iba pang panauhin sa kasalang naganap sa isla. Sa sumunod na araw din ay sinundo kami ng isang chopper pabalik sa city at inuwi ako ni Rameses dito sa kanyang condo."Anong oras ang uwi mo mamaya?" sinubukan kong magtanong kay Rameses. Paiba-iba kasi ang oras ng uwi niya. Madalas lumalamig na 'yong niluluto kong dinner kapag dumating siya. Minsan pa ay nakakatulugan ko ang paghihintay sa kanya at nagigising nalang akong natutulog na siya sa kuwarto namin.Hindi ko tuloy alam kung nakakain na siya dahil madalas walang bawas iyong niluto ko. Isa pa gusto ko sanang kahit minsan lang ay makasabay ko siya sa pagkain...Hinarap niya ako't bakas ang pagkakairita sa kanyang mukha. "Can you stop asking and help me do this instead? Para may silbi ka naman."Natigilan ako't bahagyang napalunok nang makabawi. Mabilis

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 2

    This is not an ordinary wedding. This is my wedding. Ikakasal ako ngayon kay Rameses...Halos wala sa sarili kong tinahak ang kahabaan ng nagsilbing aisle na iyon. Nag-angat ako ng tingin at muling nagtagpo ang mga mata namin ni Rameses. Nagkatitigan kami hanggang sa una siyang bumitaw at bahagyang nag-iwas tingin. Napayuko ako't nagpatuloy sa aking mga hakbang tungo sa kanya. Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay kaya siya na mismo ang kumuha ng akin. Hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal...Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya at nanatili ang pagiging tulala ko sa mga nangyayari."I do."Para akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Rameses ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon at ikinakasal kami. Alam ko ang posibilidad na maari kaming magkitang muli ngunit pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay ipinagdasal kong sana'y hindi na."Ivana Hernandez, do you before these witnesses take this man to

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 1

    Nag-inat ako ng katawan at hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kuwarto. Halos kakasikat pa lamang ng araw at gising na ako. Matapos itali ang mahabang buhok ay lumabas na ako ng aking silid. Sinimulan ko ang mga gawaing bahay.Tulad ng inaasahan ko ay nagkalat na naman ang mga bote ng alak sa aming sala. Nag-ingat na lamang ako sa mga bubog galing sa nabasag na bote. Mabuti at mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa madalas kong gising at ang daming lilinisin. May kalakihan ang bahay. Noong unang dating ko rito ay may naabutan pa akong kasambahay at driver pero ngayon ay wala na. Wala na kasing maipansasahod sa kanila.Nang naglalapag na ako ng mga niluto sa mesa ay siyang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Uncle. Gulong gulo ang kanyang buhok at halatang hindi pa nakakapagbihis mula kahapon. Suot parin nito ang madalas niyang longsleeve sa pinipuntahang magsasara na niyang law firm. Umupo ito sa hapag at tahimik kaming kumain ng almusal.Nang maulila ako sa aking magulang dulot

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status