Share

Sold to Mr. Grey
Sold to Mr. Grey
Author: Jijiera

Chapter 1

Author: Jijiera
last update Last Updated: 2024-04-28 08:28:22

Nag-inat ako ng katawan at hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kuwarto. Halos kakasikat pa lamang ng araw at gising na ako. Matapos itali ang mahabang buhok ay lumabas na ako ng aking silid. Sinimulan ko ang mga gawaing bahay.

Tulad ng inaasahan ko ay nagkalat na naman ang mga bote ng alak sa aming sala. Nag-ingat na lamang ako sa mga bubog galing sa nabasag na bote. Mabuti at mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa madalas kong gising at ang daming lilinisin. May kalakihan ang bahay. Noong unang dating ko rito ay may naabutan pa akong kasambahay at driver pero ngayon ay wala na. Wala na kasing maipansasahod sa kanila.

Nang naglalapag na ako ng mga niluto sa mesa ay siyang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Uncle. Gulong gulo ang kanyang buhok at halatang hindi pa nakakapagbihis mula kahapon. Suot parin nito ang madalas niyang longsleeve sa pinipuntahang magsasara na niyang law firm. Umupo ito sa hapag at tahimik kaming kumain ng almusal.

Nang maulila ako sa aking magulang dulot ng isang car accident ay napunta na ako sa custody ni Uncle. Siya ang pinakamalapit kong kamag-anak. Halos kamamatay lang din noon ng kanyang asawa noong dumating ako rito. Walang anak na naiwan sa kanya at ang alam ko'y baog siya ayon sa mga katulong rito dati. Lulong rin siya sa bisyo at sugal.

Lumaki akong tanging si Mama at Papa ang kasama. Tanging anak si Papa at hindi ko naman nakilala ang kahit sino sa pamilya ni Mama. Malayong pinsan naman ni Papa si Uncle at noong nawala sila ay siyang unang beses ko ring pagkakakilala sa aking tiyuhin.

"Maghanda ka at may pupuntahan tayo mamaya," Malamig na turan nito.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nanatili ang atensyon nito sa pagkain.

Hindi naman talaga kami nag-uusap ni Uncle. Magsasalita lamang siya kapag may ibibilin o ipag-uutos sa akin.

Iyon nga ang ginawa ko. Suot ang isang kulay pink na dress at isang pares ng sapatos ay bumaba ako tungo sa naghihintay na sasakyan ni Uncle sa garahe.

Tahimik ang naging biyahe. May kalayuan din pala iyong pupuntahan namin. Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay. Lumabas si Uncle ng kotse at nagmadali rin akong kinalas ang aking seatbelt at sumunod sa kanya.

Sinalubong kami ng mga naka-unipormeng lalaki. Iginiya kami nito paloob ng bahay na iyon. Hindi ko naiwasang punahin ang magarbo nitong interior. Ang malaking chandelier ay nagsusumigaw ng karangyaan kasabay ng mga mamahaling muwebles na naroon. Isa pang lalaking nakasalamin at isang babae ang sumalubong sa amin. Hindi tulad ng mga naunang lalaking sumalubong sa amin kanina ay pareho nila akong binigyan ng isang ngiti. Bahagyang napaawang ang labi ko sa hiyang naramdaman. Tipid na lamang akong napangiti. Napaka-pormal yata ng mga ayos nila samantalang isang simple't luma na itong suot ko.

"Narito na siya," anunsyo noong babae matapos naming marinig ang makina ng kararating lamang na sasakyan sa labas.

Panibagong grupo ng mga naka-unipormeng lalaki ang dumating.

Dumapo ang tingin ko sa huli. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng mabilis na pagkabog ng puso ko. Bagamat may nagbago mula sa huli ko siyang nakita ay hindi ako maaring magkamali. Ang lalaking ito ngayon sa aking harapan...

"Rameses Grey." Narinig kong bati ni Uncle sa dumating. Hindi maalis ang hindi ko makapaniwalang tingin sa lalaki.

Halos tumigil sa pagtibok ang aking puso at huminto ang mundo ko nang bumaling siya sa akin. Purong lamig ang una kong nakita sa kanyang mga mata bago ito nagpakawala ng isang ngisi. Napalunok ako't halos magsitindigan ang mga balahibo.

"Mabuti at tumupad ka sa usapan." Baling nito sa aking tiyuhin.

"Hindi naman ako tanga para isiping matatakasan kita."

Muling gumuhit ang nakakapanindig balahibong ngisi sa kanyang mga labi. Kumunot ang noo ko at napabaling kay Uncle. Halos hindi ito makatingin sa akin.

"Uncle," tawag ko. Lumapit ang dalawa sa mga naka-unipormeng lalaking naroon.

Hinawakan ako ng mga ito sa magkabila kong braso. Pagkalito at kaba ang bumalot sa akin.

"U-Uncle, ano pong ibig sabihin nito..."

Umiling lamang ang aking tiyuhin bago ako tinalikuran.

"Uncle!" pasigaw kong tawag nang palabas na ito ng bahay kasama iyong ibang tauhan.

Nilingon ko si Rameses at nakita ang seryoso niyang mga mata. Nagsimula akong magpumiglas mula sa pagkakahawak nila sa akin.

"Bitiwan niyo ko!"

Naramdaman ko nalang ang paglapat ng isang tela sa ilong ko't bibig na siyang nagpawala sa aking malay.

Sapo ko ang ulo nang magising sa isang hindi pamilyar na silid. Bumangon ako't napaupo sa kama, inikot ang panigin sa kabuuan ng kuwartong iyon.

Tumigil ito sa babaeng nakaupo sa paanan ng aking kama.

"Gising ka na pala." Isang ngiti ang bati nito sa 'kin.

"Nasa'n ako... Nasaan ang Uncle ko?"

Hindi ako nito sinagot. Sa halip, "Maligo ka na muna ng mabawasan ang bigat ng pakiramdam mo. Pagkatapos ay isuot mo ang mga ito," turo niya sa paperbag bag at mukhang kahon ng sapatos na nakapatong sa co?ee table na naroon. "Babalik ako para tulungan ka sa pag-aayos."

Isang magaang ngiti ang muling iginawad nito sa akin bago tuluyang nilisan ang silid. Wala mang gaanong naiintindihan sa mga nangyayari ay sinunod ko iyong sinabi niya. Kahit papano'y guminhawa ang pakiramdam ko matapos maligo. Isang puting bathrobe ang naroon na siyang itinakip ko sa aking katawan. Lumabas ako ng bathroom at tinungo iyong ibinilin sa akin kanina. Una kong binuksan iyong kahon at tamang isang pares ng ng magandang gladiators ang nasa loob nito. Kinuha ko naman ngayon ang laman noong paperbag. Isang simple at mahabang white dress...

Agad kong nilingon ang pinto nang bumukas ito. Ang nakangiting mukha noong babae ang muling bumungad sa akin. "Kailangan na nating magmadali."

Pinaupo niya ako sa harap ng tukador na naroon at sinimulang lagyan ng light make-up ang aking mukha. Gusto kong magtanong at maliwanagan ngunit wala yatang lumalabas sa bibig ko.

"Ikaw si Ivana, hindi ba?" salita nito habang nilalagyan ako ng eye shadow. Tumigil siya't iminulat ko ang aking mga mata.

"Oo..." mahina kong sagot.

Ngumiti ito at nagpatuloy. "Ako nga pala si Flor. Isa ako sa mga assistant ni Sir Rameses."

Napaangat ako ng tingin nang muling marinig ang pangalan ng taong iyon.

"Si Rameses..." halos walang boses na lumabas sa bibig ko.

Inalalayan niya ako sa pagtayo at pagharap sa isang full length mirror na naroon din. Kita ko ang aking buong repleksyon sa salamin. Pinatingkad lalo ng make-up ang aking mukha. Ang mahabang dress ay tamang tama sa aking katawan. Hinayaan lamang nakalugay ang aking buhok na bahagyang kinulot ang mga dulo.

"You're perfect!" puri sa akin ni Flor.

Ang buhangin, papalubog na araw at ang tunog ng mga alon sa 'di kalayuang dagat ang sumalubong sa akin. Inihipan ng panghapong hangin ang aking mahabang buhok.

"A-Anong..."

"Magsisimula na tayo," si Flor na pinapuwesto ako sa dulo ng boardwalk.

Naguguluhan akong nag-angat ng tingin sa iilang taong naroon. Dumapo ang mga mata ko kay Rameses na seryoso lamang nakatayo sa kabilang dulo nito.

Anong nangyayari? Bakit parang ikakasal ako...?

Related chapters

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 2

    This is not an ordinary wedding. This is my wedding. Ikakasal ako ngayon kay Rameses...Halos wala sa sarili kong tinahak ang kahabaan ng nagsilbing aisle na iyon. Nag-angat ako ng tingin at muling nagtagpo ang mga mata namin ni Rameses. Nagkatitigan kami hanggang sa una siyang bumitaw at bahagyang nag-iwas tingin. Napayuko ako't nagpatuloy sa aking mga hakbang tungo sa kanya. Tinitigan ko lamang ang nakalahad niyang kamay kaya siya na mismo ang kumuha ng akin. Hinarap namin ang taong siyang magkakasal sa amin.Kasal...Talaga bang ikinakasal ako ngayon?Nagsimula ang seremonya at nanatili ang pagiging tulala ko sa mga nangyayari."I do."Para akong nabalik sa kasalukuyan nang marinig ang boses ni Rameses ng malapitan. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya ngayon at ikinakasal kami. Alam ko ang posibilidad na maari kaming magkitang muli ngunit pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay ipinagdasal kong sana'y hindi na."Ivana Hernandez, do you before these witnesses take this man to

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 3

    May mga pagkakataong natutulala parin ako tuwing naiisip ang mga nangyari.Bukod sa amin ni Rameses, Judge Guerrero, sila Flor at Jipoy at iyong mga bodyguards ni Rameses ay wala ng iba pang panauhin sa kasalang naganap sa isla. Sa sumunod na araw din ay sinundo kami ng isang chopper pabalik sa city at inuwi ako ni Rameses dito sa kanyang condo."Anong oras ang uwi mo mamaya?" sinubukan kong magtanong kay Rameses. Paiba-iba kasi ang oras ng uwi niya. Madalas lumalamig na 'yong niluluto kong dinner kapag dumating siya. Minsan pa ay nakakatulugan ko ang paghihintay sa kanya at nagigising nalang akong natutulog na siya sa kuwarto namin.Hindi ko tuloy alam kung nakakain na siya dahil madalas walang bawas iyong niluto ko. Isa pa gusto ko sanang kahit minsan lang ay makasabay ko siya sa pagkain...Hinarap niya ako't bakas ang pagkakairita sa kanyang mukha. "Can you stop asking and help me do this instead? Para may silbi ka naman."Natigilan ako't bahagyang napalunok nang makabawi. Mabilis

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 4

    "Kapag may kailangan kayo ay tawagan niyo lang kami... Lalo na Ikaw Ivana. Sana ay makabisita kayong muli, hija." si Tita Marissa noong paalis na kami ni Rameses.Ngumiti ako't tumango sa kanya. "Opo, makakaasa kayo...""Let's go. Mauna na kami." Hila sa akin ni Rameses patungo sa kanyang sasakyan.Tahimik muli ang byahe pabalik sa kanyang condo nang pinili kong magsalita."Aasahan ng Daddy mo at nila Tita ang muli nating pagbisita sa kanila. Hindi man lang tayo nakapagdala ng kahit ano sa kanila."Hindi siya nagsalita. Nanatiling tahimik at seryosong nagmamaneho. Mahina na lamang akong napabuntong hininga. Para akong nakikipag-usap sa puno. Nasa tabi ko nga siya pero hindi ko naman siya maramdaman.I woke early the next morning. Nagluluto ako ng almusal habang naghahanda pa si Rameses sa kanyang pagpasok sa trabaho. Halos mapatalon ako sa gulat. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Halos magsitindigan ang mga balahibo sa aking batok, lalo na noong bahagyang lumapat a

    Last Updated : 2024-04-28
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 5

    Malakas ang ulan nang araw na iyon, tila ba walang balak na tumila sa anumang sandali. Hinihintay ko si Papa na siyang susundo sa akin. Siguro'y na-traffic siya o 'di kaya'y natagalan sa trabaho. Nakaupo ako noon sa waiting shed, sa labas lamang ng university. Mag-isa nalang ako doon nang may umupo sa kabilang dulo ng kung saan ako naupo. Bumaling ako sa dumating at halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon.Napayuko ako't kinagat ang pang-ibabang labi upang maitago ang sumisilay na ngiti.Umihip ang malamig na hangin at mas lalo kong niyakap ang sarili. Napaangat lamang ako ng tingin nang may naglahad ng isang varsity jacket sa aking harapan. Walang bakas ng kahit na anong imosyon ang kanyang mukha.Marahan ko iyong tinanggap mula sa kanya."Salamat..." muli kong nakagat ang pang-ibabang labi.Walang imik siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo. Dahan dahan ko namang sinuot iyong jacket niya. Nalanghap ko pa ang mabangong amoy nito.Binalingan ko siya at nakitang dire

    Last Updated : 2024-05-25
  • Sold to Mr. Grey   Chapter 6

    Pinakalma ko muna ang sarili bago siya hinarap. Dala ang kanyang gym bag ay tumatakbo siya patungo sa akin. Napalunok ako nang husto siyang makalapit."May susundo sa 'yo?" pauna niyang tanong na hindi maipirmi ang mga mata sa akin.Umihip ang hangin at nalanghap ko ang kanyang bango. Halatang bagong ligo lang siya at basa basa pa ang kanyang buhok. Kailangan ko na namang kurutin ang aking kamay para mawala sa pagkakahipnotismo sa kanyang kagwapuhan. Dumapo ang mga mata niya sa kamay ko."Ah, oo, susunduin ako ni Papa..." Kinalas ko ang mga kamay mula sa isa't isa.Tumango siya at napatiim labi, dahilan ng paglitaw ng kanyang dimple sa kaliwang pisngi. Lumakas lalo ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y nagiging jelly ang mga tuhod ko."Samahan na kitang maghintay sa labas." Hindi ito tanong!Nauna na siyang maglakad sa akin palabas ng campus, nakapamulsa. Hindi ko napigilan ang ngiting kumawala sa aking mga labi. Mabilis na akong sumunod sa kanya.Naupo kami sa waiting shed kagaya n

    Last Updated : 2024-05-25

Latest chapter

  • Sold to Mr. Grey   Chapter 1

    Nag-inat ako ng katawan at hinawi ko ang kurtina sa bintana ng aking kuwarto. Halos kakasikat pa lamang ng araw at gising na ako. Matapos itali ang mahabang buhok ay lumabas na ako ng aking silid. Sinimulan ko ang mga gawaing bahay.Tulad ng inaasahan ko ay nagkalat na naman ang mga bote ng alak sa aming sala. Nag-ingat na lamang ako sa mga bubog galing sa nabasag na bote. Mabuti at mas maaga akong nagising ngayon kumpara sa madalas kong gising at ang daming lilinisin. May kalakihan ang bahay. Noong unang dating ko rito ay may naabutan pa akong kasambahay at driver pero ngayon ay wala na. Wala na kasing maipansasahod sa kanila.Nang naglalapag na ako ng mga niluto sa mesa ay siyang pagbukas ng pinto ng kuwarto ni Uncle. Gulong gulo ang kanyang buhok at halatang hindi pa nakakapagbihis mula kahapon. Suot parin nito ang madalas niyang longsleeve sa pinipuntahang magsasara na niyang law firm. Umupo ito sa hapag at tahimik kaming kumain ng almusal.Nang maulila ako sa aking magulang dulot

DMCA.com Protection Status